PARA KAY SABRINA M: Sexy actress Katrina Paula, umaapela ng pang-piyansa ng kaibigan

Katrina Paula

NICE TO LEARN from former sexy actress Katrina Paula na ang kabatch niya na si Sabrina M. na nakakulong sa Camp Karingal sa QC dahil nahulihan ng drugs ay tanggap niya ang pagkakamali (as a drug user). 

Dinalaw ni Katrina ang kaibigan na almost 2 years na nakapiit sa kalungan. 
Panawagan ng sexy actress sa mga kasamahan niya like Ynes Veneracion, Aya Medel, Patricia Javier, Ara Mina, Ana Veloso, at marami pang iba na matulungan sana nila si Sabrina na makapag-piyansa. 
Sa ngayon ay inaayos ni Katrina at ilang mga sexy stars na kabatch nila para sa isang fundraising para makatulong sa pagbubuo ng almost P500K na bail for Sabrina.
Sa pamamagitan ni Katrina, pinasabi ni Sabrina na kung sakali makapag-bail ay mamasukan ito bilang labandera. 
“Tulungan po sana natin si Sab na gusto na magbagong buhay,” kuwento ni Katrina sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

NAGIGING PASAWAY NA: James Reid at Nadine Lustre, kailangan na ng intervention!

James Reid & Nadine Lustre

SIMULA noong nakaraang taon, dumarami na ang negative feedback tungkol sa professionalism ng real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre o kilala bilang JaDine.

Kung noong nag-uumpisa pa lang silang sumikat ay todo papuri ang mga tao sa kanilang talent sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte plus their wholesome image, ngayon ay sandamakmak na feedback na mostly ay negative ang nalilikum related to the couple.

Last year, walang pelikulang prinoduce ang Viva Films for the two. Si James Reid ay nakapag-release ng album na siya at ang mga kaibigan niya ang producers. Si Nadine Lustre naman ay nagkaroon ng personal problems at hindi napigilan na pumatol sa ilang isyu na pinupukol sa kanya.

Nagkaroon din ng isyu tungkol sa hindi pagsipot ni James sa ilang live shows ng It’s Showtime na kahit ang co-host na si Vice Ganda ay hindi napigilang mag-side comment.

Direk Antoinette Jadaone

This year supposedly ay aarangkada na sana ulit ang karera ng dalawa. Nar’yan ang kanilang concert show na Revolution at nagkaroon na rin ng meeting para sa new teleserye na si Direk Dan Villegas ang hahawak.

Ang pinaka-inaabangan ng lahat ay ang comeback movie nila with the title “Never Not Love You” under the direction of Antoinette Jadaone, na isa sa mga taong naging dahilan kung bakit sila minahal ng masa (siya ang director ng On the Wings of Love at ‘Till I Met You).

Ilang buwan na rin namin sinusubaybayan ang updates ni Direk Tonet tungkol sa JaDine project at nakapunta pa nga ito sa London para mag-ocular.

Sa kanyang recent blog post ay inamin nito na nagiging “erratic” na ang progress ng pelikula:

“Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.

Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

Gets namin ang frustrations ni direk. Unfair din naman ang ilan sa mga fans na nagsasabi na sana raw ay hindi na inilabas ang saloobin niya.

Nadine Lustre and James Reid in Never Not Love You

Well, she has the right to do so. Mabuti na rin na sa kanya na mismo nanggaling dahil napapansin na rin namin na parang hinahayaan lang ng management ang JaDine na gawin ang gusto nila. Napagsasabihan pa ba sila? Nagagabayan ba sila ng tama?

Okay lang pumarty, basta mag-report sa trabaho na nasa tamang kundisyon at huwag maging pasaway. Huwag maging selfish at dapat hindi iniispoil ang mga talents kahit pa sabihin na sila ang pinakasikat sa inyong kuwadra.

Kung ganito rin lang ang mangyayari sa proyektong napaka-promising, mas mabuti pang kumuha na lang ng ibang artista. Sayang eh.

Aabangan namin ang developments sa kaganapang ito.

Related Post

Maja Salvador balik-concert scene sa ‘Maja On Stage’

Maja Salvador

MULING SASABAK sa concert scene si Maja Salvador ngayong 2018 para sa Maja On Stage.

Magsisimula ang concert tour ni Maja sa IEC Convention in Cebu sa February 4. Pagkatapos nito ay dadalhin naman ang Maja On Stage sa The Big Box East Jurong, Singapore sa February 18. Then, pupunta sila ng USA. Magtatapos ang concert tour sa Kia Theater on March 23.

Pagkatapos mag-concentrate sa acting sa Wild Flower ay na-excite si Maja na bumalik sa stage.

“Nu’ng sinabi na may plans about concert and ano magiging title, sinabi ko lang na parang sa buong 2017, nagpaka- actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, ’di ba? So, parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” sambit ni Maja.

Dagdag pa ni Maja,  “Eh, forever love ko ’yon. Forever love ko ’yung pagsyu-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, pero babalik-balikan ko siya.”

Eh, ano ba ang dapat abangan sa kanya sa bagong concert?

“Siyempre, not the same do’n sa MOA, sa mga naging concert sa Music Museum, kasi siyempre, we want something new naman lagi. So, iba ’yung atake sa music, sa sayaw,” paliwanag niya.

Makakasama ni Maja sa kanyang concert tour ang kanyang Wildflower leading men and hunky Kapamilya stars na sina Joseph Marco, RK Bagatsing at Vin Abrenica, as well as her comedian friends na sina Kakai Bautista at Pooh.

Para sa  tickets ng Maja On Stage in Cebu this coming February 4,  just call Mav at 0926-0747776 / 02-4306870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962, Rallion at 09219221796 and IC3 Office: 343-4854

For Tickets on “Maja On Stage” in Singapore on Feb 18, please call 914-401-87

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

PA-WITTY GONE WRONG: Derrick Monasterio, binabatikos sa AIDS joke

Derrick Monasterio

NAKAKAWINDANG ang Instagram story update ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio

Kung recently ay may mga aktor na accidentally ay napopost nila online ang kanilang hubad na larawan, isang insensitive joke naman ang ishinare ng binata.

Narito ang transcript ng kanyang iskandalosong IG story:

“Here’s a witty joke

I have a friend who’s miserable because he found out that he has AIDS.

My advice: Stay positive!

Hindi ito nagustuhan ng kanyang followers at agad itong iniscreencap ng mga netizen na nanggagalaiti sa galit.

“Goodbye career! Ni wala pang napapatunayan sa showbiz!”

“Insensitive much!”

“Pa-witty pa more! Hindi lahat ng nababasa online dapat i-share!”

“The Logan Paul of the Philippines!”

Siguro ay nasita ng concerned citizens, agad na nagpost ng apology ang aktor.

“Hi guys! Just saw that joke on Twitter and I didn’t think its gonna be an issue. But sorry if I offended some of you in a way 🙁 “

Kamakailan ay may ilang millennial stars na nakakadismaya ang inaasal. From being unprofessional to being patola and to being insensitive, nakakawalang gana silang suportahan. Sana ay magsilbi itong leksyon sa aktor lalo pa’t hindi pa ito masyadong sumisikat.

Dahil sa “pa-witty joke gone wrong” na ito, makakaapekto kaya ang insidenteng ito sa upcoming movie nila ni Barbie Forteza na kinunan pa sa Italy? 

Related Post

DAHIL INSPIRATIONAL AT MAY TUSOK SA PUSO: Pelikulang “Mama’s Girl” Graded A ng CEB!

Sylvia Sanchez and Sofia Andres in Mama’s Girl

GUSTO KO i-congratulate si Sylvia Sanchez a.k.a. Mama Mina in Regal Films’  inspirational film na Mama’s Girl na tagos sa puso ang mensaheng gusto itawid ng pelikula na sinulat ni Gina Marissa Tagasa sa direksyon ni Connie Macatuno.

Tamang timpla na hindi man melodrama tulad sa mga kuwento pangtelebisyon ay sapul naman ang unconditional love ng isang ina sa kanyang pinakamamahal na anak ang premise ng pelikula.

Akma ang pelikula sa mga kabataan na hindi naiintindihan ang pagmamahal ng kanilang mga ina sa kanila. Wagi ang pelikulang ito. A film na pangkalahataan.

Kung mahal mo ang mom or my hugot ka sa mother, inay, mama, mommy mo, ito’y para sa iyo.

 Ang Mama’s Girl ay bagong pelikula nina Sylvia Sanchez (as Mama Mina) at Sofia Andres (as Abby) together with Diego Loyzaga (as Nico na mahal na mahal si Abby) at si Jameson Blake (as Zak na chickboy) na nanloko kay Abby. Hindi mo masasabi na the usual melodramatic na pelikula na palagian natin napapanood about the relationship of a single mom and her millennial daughter. Iba ang atake ni Direk Connie sa pelikula.

Sa premiere night held last Monday night at the Trinoma Cinema 7 ay positive ang response ng mga nakapanood. Gusto nila ang pelikula. Positibo.

Maging ang dating TV Host na si Butch Francisco ay nagustuhan ang pelikula. “Nakakaiyak. Kailangan mo umiyak pero pigil. Sylvia was good in the film, ” kuwento niya sa amin nang ma-interview namin siya after the premiere showing.

Diego Loyzaga and Sofia Andres

Butch is a friend of Direk Connie during our Cristy Per Minute show noon kung saan may film review segment ang pamosong film reviewer – newspaper columnist noong panahon na yun kung saan isa kami sa stand-upper ng showbiz oriented show matapos ang pananghalian with Cristy Fermin as show host.

Personally, I Iike the film na kukurot sa puso mo na sinulat ni Gina na isa sa mga bigating manunulat ng mga teledramas like Lovingly Yours Helen ni Ate Helen Vela; Coney Reyes on Camera at afternoon serye Valiente and more.

Bukas, Wednesday, January 17 nang simula ng showing ng pelikula mula sa Regal Films,

Kung ako sa iyo, huwag na magdalawang-isip at isama mo si mother or si nanay sa panonood or ang mga anak mo. Promise di ka maghihinayang sa ibabayad mo.
Ang pelikula ay Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

PATI ANG ANAK DINADAMAY: Mariel Rodriguez, umalma sa mga bashers ni Robin Padilla!

Mariel Rodriguez and Robin Padilla

HINDI NA RIN makapagpigil si Mariel Rodriguez-Padilla sa bashing at tirada ng publiko sa mister na si Robin Padilla dahil sa ginawa nitong “pambabastos: sa isang Korean contestant sa PGT recently (mostly negative ang reaction ng publiko sa isyu). On the rescue ngayon si misis sa kanyang mister.

Sa kanyang  IG account, may mensahe si Mariel sa mga bumabatikos kay Robin.

Sinulat niya: “Our cable was down over the weekend and I have been so busy taking care of my baby that I only had the chance to watch the clip of PGT today. In my opinion Robin was being true to himself. Si Robin magpapakamatay yan para sa Pilipinas… si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid… sa mga Pilipino.

Ganun si Robin. It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country… pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self-more than anything (except God) pinaka mahal ni Robin ang Pilipinas.

If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the korean contestant. He humbled himself and said “pasensya ka na” even added “isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo” so ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente!

Okay lang na mag labas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are. I learned that in Islam it is all about your INTENTIONS… and Robin did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so goodluck sa inyo in your afterlife.

While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no you’re bad comments are not welcome on my page. To my husband… we stand by you 100%

Dagdag pa ng TV host tungkol sa isyu: “Ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente! Okay lang na maglabas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan.

“Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. No mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.”

Nagsimula ang pag-atake kay Robin ng mga netizen sa napanood ng publiko lst Sunday, January 13 na ang isang contestant in last Sunday’s PGT named Jiwan Kim ay hindi makapagsalita ng Filipino (Tagalog).

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Kris Aquino, pinarangalan bilang People of the Year

Kris Aquino with son Bimby

MAY FEVER si Kris Aquino nung Monday night (Jan. 15), pero pinilit pa rin niyang tumayo para magpunta sa Sofitel at tanggapin ang kanyang kauna-unahang award for this year (2018).

Si Kris ay pinarangalan bilang People of the Year ng People Asia Magazine. Naging escort ni Kris that night ang anak niyang si Bimby.

Suto ni Kris sa awarding ceremony ang yellow gown na gawa ni Michael Leyva.

Pinarangalan si Kris ng People Asia Magazine dahil sa kanyang mga achievements particular na ang pagiging reyna niya sa social mendia at online world ngayon.

Bukod kay Kris, pinarangalan din bilang People of the Year ang aktres na si Bea Alonzo, singer na si Basil Valdez at PBA coach na si Tim Cone.

Among the awardees, si Kris ang inilagay ng People Asia Magazine sa kanilang cover para sa December 2017 to January 2018 issue.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post