ALDEN RICHARDS, MAS MALAKI ANG SAKRIPISYO SA ALDUB KESA KAY MAINE MENDOZA?

Alden Richards and Maine Mendoza

“YOU ARE all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand…” tweet ni Maine Mendoza .

May mga nagsasabi  na iwanan na lang daw ni Maine ang Twitter World dahil hindi lahat ay naiitindihan siya at  mas lalong dumadami ang nagagalit. Bigyan daw muna niya ng break ang sarili niya sa sistema ng showbiz at pagkakaroon ng loveteam.
May nag-reply naman sa kanya ng  “U don’t deserve to be hate. From the start people should know that AlDub is just a loveteam.”
Ayon naman sa isang netizen: “ Nilaglag mo si Alden, sa letter mo malinaw naman na parang inayawan mo na ang AlDub. Oh well kung saan ka maging masaya,go ka. Pero nakakatampo kasi naawa ako kay Alden”.
Actually, kahit naman si Alden ay hindi niloloko ang mga AlDub  fans at pinapaasa. Sa huling interview niya sa Thailand ay  sinabi rin niyang single siya dahil ‘yun naman ang totoo.
Actually,  binatikos ang Thai host sa social media  dahil siya ang nagpasimula ng  usapang ‘single’ pero nagpapakatotoo naman ang lahat.

Alden Richards and Maine Mendozaza

Sina Alden at Maine ay hindi manikang de susi  at laruan na dapat diktahan na maging magdyowa kung hindi naman sila click sa  totoong buhay gaya ng gusto nilang mangyari. Hayaan  na sana ng mga AlDub fans na nagpapakilig lang sila bilang magkatambal  at walang relasyon  gaya nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, JLC at Bea Alonzo, Richard Yap at Jodi Sta. Maria , Vilma Santos at Christopher De Leon.

Pero  sey ng netizen, sana raw pinag-usapan din nina Maine at Alden  ang bawat ilabas gaya ng open letter dahil may loveteam  pa rin sila na inaalagaan. Hindi sana bugso ng damdamin ang pinairal at nagpasintabi rin sa management bago gawin ‘yun.
Tanong kasi ng bayan kung na-inform  ba si Alden at ang management bago ginawa ni Maine ang open letter? Hindi ba hinayaan ni Maine na magmukhang tanga at iniwan sa ere si Alden?
Binigyan ba niya ng respeto si Alden sa pagkakataong ‘yun?
Dapat tiningnan din ni Maine ang mga sakripisyo ni Alden sa tambalan nila. Dalawang taon ding hindi tumanggap ng serye si Alden na hindi siya ang kasama. Hindi siya nakipagtambal sa iba.

Maine Mendoza and Alden Richards

Kahit bagay na bagay sa kanya  ang “My Love From The Star” at swak sila ni Jennylyn Mercado sa project na ‘yun ay  hindi pa rin itinuloy alang-alang sa AlDub.
Si Alden, hindi mo makikitang gumigimik sa bar at may ibang kasamang babae para walang masabi ang AlDub Nation. Pero ginagawa rin ba ‘yun ni Maine?
Malaki rin ang sakripisyo ni Alden sa loveteam nila  kahit lahat nang madikit sa kanya pati  sa picture ay bina-bash ng ilang AlDub fans
Unfair daw kay Alden na tahimik lang si Maine at hindi nagawang ipagtanggol  ito pag pinuputakti ng bashers. Pero pagdating kay Sef Cadayona, nag-deactivate siya ng Twitter  at ngayon naman kay Jake  Ejercito, nag-open letter siya para patigilin ang mga  fans na namba-bash.
Bukas ang pahinang ito kung may gustong liwanagin si Maine.
SYLVIA SANCHEZ, RARAMPA SA DAVAO!
Natatawa  ang Hanggang Saan  actress na si  Sylvia Sanchez dahil para siyang teenstar ngayon na may BeauteDerm Caravan kasama si Matt Evans. Umiikot siya sa mga probinsiya.

Ms. Rei Ramos Anicoche Tan and Sylvia Sanchez

Kamakailan ay galing sila sa Tuguegarao, Isabela,  Cebu at sa December 5, 6PM   ay  rarampa  siya sa BeauteDerm Fashion Show For A Cause. Gaganapin ito sa SMX Convention Center, SM Lanang Premiere sa Davao City.
Ang beneficiary ng naturang fashion show ay ang House of Hope Foundation for Kids with Cancer Incorporated.  Natutuwa siya na parte siya ng  pagsi-share ng blessings ni Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer at owner ng BeauteDerm.
Makakasama ni Sylvia sa pagrampa ang mga  Beautederm babies  at mga beauty queens na  nasa Mindanao at si Ann Feo.  Magkakaroon din ng song number si Luke Mejares.

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

Related Post