Yasmien Kurdi at Mike Tan, magtatambal sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”

Mike Tan and Yasmien Kurdi

NAGIGING STAPLE NA sa dramarama sa hapon ng GMA-7 ang Starstruck graduates turned serious actors na sina Mike Tan at Yasmien Kurdi sa upcoming teleserye na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”.

Ongoing pa rin ang top-rating afternoon series na “Ika-6 na Utos” nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon, pero months ago ay umexit na ang karakter ni Mike Tan bilang Angelo. For the first time ay makakasama ng binata na Ultimate Male Survivor ng second season ng Starstruck ang first princess ng kauna-unahang sabak ng Starstruck na si Yasmien Kurdi.

Katulad ni Mike, sa panghapon din natotoka si Yasmien with her last project “Sa Piling ni Nanay” na nagkaroon ng bonggang following sa Malaysia (with the English title “Ysabel”). No doubt she’s one of the Kapuso network’s favorite afternoon leading lady, which is a compliment dahil aminin natin – mas mabenta ang panghapong programa ng Siyete ngayon compared to their primetime shows.

Ayon sa isang recent interview kay Yasmien, she will play the role of Thea, isang rape victim na mapapangasawa ang karakter ni Mike Tan. Later on sa story ay mabubunyag na may HIV pala ito na pati ang mga supling niya ay nahawaan. It is more of an advocacy series para maging aware ang mga masa.

Kasali rin sa teleserye si Jackie Rice (na isa sa underrated Starstruck winner) and Martin del Rosario, na isa sa reliable actors ng bagong henerasyon.

Sa first quarter ng 2018 ipapalabas ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”. Hindi lang kami sure kung ito ang papalit sa “Ika-6 na Utos”, “Impostora” o “Haplos”. Paano ba naman, petmalu sa ratings ang tatlong palabas!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

KAHIT GOING STRONG ANG RELASYON: No wedding plans yet for Jasmine Curtis-Smith and Jeff Ortega

Jasmine Curtis-Smith and Jeff Ortega

SABI ni Jeff Ortega, boyfriend ni Jasmine Curtis-Smith na naniniwala siya sa “sukob”, yong Pinoy superstitious belief na hindi maganda or tama na ang dalawang magkapatid ay parehong ikakasal sa loob ng isang taon. Hindi daw ito maganda. May malas na dala,

In short, sa kaso ni Jasmine at ng Ate Anne niya, if ever na ikakasal man siya ay not within 1 year.

Ang boyfie niya na si Jeff, kung titingnan mo ay tisoy na tisoy ay Pinoy na Pinoy pala.

Born and breed in the Philippines kung saan tubong La Union ang pamilya ng binata. 

“Ayaw pa niya magpakasal,” sabi ni Jeff sa amin na ang tinutukoy ay ang girlfriend niya of almost two years na.

Maging ang binata ay wala pa rin plano in the near future. “We’re both enjoying the things that we do,” pagbibida niya sa amin.

Sa katunayan ay isinagawa ang presscon ng pelikulang “Siargao” sa specialty store na pag-aari ni Jeff sa may bandang Kapitolyo, Pasig kung saan they sell a clothing brand na gamit kadalasan ng mga surfers like T-shirts, shorts at mga bags. May space sa second floor for events and function rooms na pwede gamitin at i-rent.

SIARGAO TEAM: Director Paul Soriano, Jasmine Curtis-Smith, Erich Gonzales and Jericho Rosales

Seller din ng mga mamahaling mga surfboards sina Jeff na ang pinaka-mura is worth Php 26K lang naman na naloka kami sa expensive sport na ito.

Kuwento nga ni Jasmine, her boyfriend is convincing her to be part of the business. “But I’m still studying the proposal. If it’s a good business, why not,” sabi ng dalaga.

In the film, Jasmine plays a Siargao native na with Direk Paul Soriano, her producer in the film Transit, maganda ang statement nito tungkol sa dalaga. “I’ve always thought this girl has it. She takes her craft seriously and I’ve always wanted to work with her as a director,” na ngayon ay nagkaroon ng sakatuparan with Direk Paul’s official entry to the MMFF 2017 na produced ng kanyang Ten 17 Productions.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

DAHIL SA NOSE JOB: Keber ni Miho Nishida kung ikagaganda niya!

Miho Nishida

IS IT TRUE na gawa diumano ng siyensya ang ilong ni Miho Nishida?

Nagkalat kasi sa social media ang dating itsura ng baguhan na pinagpipistahan ngayon ng mga netizens.

“Salamat doctor” daw ang tawag sa new fez ng dating girlfriend ni Tommy Esguerra na ngayon ay si JV Kapunan naman ang boyfie na ang ibig itawid na mensahe, nagparetoke diumano itong si Miho.

Sa ganang akin, walang masama kung makaka-enhance ang pagpaparetoke ng isang tao para lalo siya gumanda. Isang artista or celebrity si Miho na kailangan magpaganda. Tama lang kung sa tingin niya ay ikagaganda niya.

Kung ikukumpara ang dating itsura ni Miho sa ngayon, pansin ang kakaibang tangos ng kanyang ilong.

Sabi ng ilan na nakakapansin, make-up lang daw ang dahilan lalo pa’t yong noseline niya ang focus ng sinasabing retoke.

Tutal, mukha naman ni Miho ang puntirya ng mga pumapansin (lalo na ang kanyang ilong), karapatan niya yun kung gusto man niya ito patangusin.

Siya ang nagmamay-ari ng kanyang ilong. Siya ang may katawan. Gusto niya. Walang pakialam ang mga namumuna.

Sa pagbabago ng kanyang ilong, maganda ang dating sa akin. Inggit lang sila. At least si Miho, may pambayad sa pagpaparetoke ng kanyang “nose job” kaysa sa iba na kuda ng kuda dahil sa inggit sa  kanya at walang pera.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

NAKA-MOVE ON NA: Erich Gonzales, may ipinalit na kay Daniel Matsunaga!

Erich Gonzales

IBA ANG TAWA ni Erich Gonzales sa presscon ng pelikulang Siargao.

Sa nakakahawang giggle niya, alam mo naka-move on na ang aktres mula sa sakit na dulot ng hiwalayan nila ng dating boyfriend na si Daniel Matsunaga.

  Kung si Daniel ay may girlfriend na sa katauhan ng isang international Polish model named Karolina Pisarek na love na love ng binata, si Erich naman ay nage-enjoy sa “getting to know” na estado nila ng binatang nagpapatibok sa puso niya ngayon na kapatid ng boyfie ni Claudia Barretto (younger sister of Julia).

Erich Gonzales

Timing ang panimula ng shooting ng pelikulang Siargao para kay Erich na kasabay ng page-emote niya at pagdadalamhati sa break-up nila ni Daniel na until now ay wala pa rin nakakaalam sa tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa ay nakayanan niya ang hampas ng malakas na surfing waves sa puso at buhay niya.

Mabuti na lang, while shooting the film directed by Paul Soriano, andyan si Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith na co-stars ng aktres sa pelikula na nagko-console kay Erich noong panahon na yun kung saan ang pelikula ay isa sa mga official entry sa darating na MMFF 2017.

Hindi na tinalakay ang detalye ng pagiging happy ngayon ni Erich pero mababasa mo sa mga ikinikilos niya na si Daniel ay bahagi na lang ng kanyang nakaraan.

Ang Siargao, ayon kay Jericho ay isang advocacy film about the environment.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

HINDI LANG ARTISTA AT MAYOR: Richard Gomez, isa din visual artist

Richard Gomez

SA MGA hindi nakakakilala kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, iisipin mo na ngayon lang siya nag-venture into arts.

Matagal na siya may passion sa art. Si Mayor Goma, dati is into photography. I like his works lalo na ang mga black and white photos na kuha niya with different subjects.

Aside from photography, ngayon naman, si Mayor Goma is into visual arts reason kung bakit napagkikita si Mayor Goma sa mga art exhibits at collector din ng mga kilalang mga local and international  visual artists.

Sa katunayan, may koleksyon si Mayor Goma ng mga art pieces ni Picasso at marami pa na mga visual artists na naka-display sa bahay niya.

Para ipamalas ang galing ni Mayor Goma sa kanyang visual art ay magkakaroon siya ng solo art exhibit this coming Sunday, December 17 until January 18, 2018 sa Pinto Art Museum with address at # 1 Sierra Madre St., Grand Heights Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo, Rizal na pinamagatang “Surface”.

Ang art exhibit ni Mayor Goma ay for the benefit ng K.I.D.S. Foundation.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

TF NG MGA ARTISTA NG “ANG LARAWAN”, PRESYONG KAIBIGAN

Ang Larawan actors Noel Trinidad, Celeste Legaspi, Nanette Invesntor, Robert Arevalo, Jaime Fabregas, Dulce and Bernardo Bernardo

SA ADVANCED screening-press preview ng nag-iisang musical film sa darating na MMFF 2017 na “Ang Larawan”, lahat ng mga artista na kabilang sa napakagandang obra ni Direk Loy Arcenas ay “for the love of art” ‘ika nga ang rate ng  mga talent fees ng mga artista.

Ayon kay Girlie Rodis, manager nina Rachel Alejandro at marami pa na mga world class talents na mga Pinoy,  pinakiusapan nila (kasama ang ibang mga co-producers niya) ang magiging ng mga artista ng pelikula dahil super limited ang budget ng produksyon.

 Kung susumahin ang mga TF nila, iisipin no na super low-budget ang cost of production pero ang kabuunan ng pelikula, iisipin na na multi-milyon ang obra.

Sa production design pa lang, iisipin mo na isang malaking period film ang musikal.

Ryan Cayabyab and Rayver Cruz

Pagsamahin mo ba naman sina Rachel Aljenadro, Joanna Ampil, Dulce, Zsa Zsa Padilla, Nanette Inventor, Ogie Alcasid,Jaime Fabregas, Bernardo Bernardo, Rayver Cruz , Celester Legaspi and Paulo Avelino, hindi mo iisipin na “super budgeted” ang pelikula.

Kung susundin lang ang TF ni Paulo who plays the role of Tony Javier kapag gumagawa siya ng pelikula, malamang sa regular TF pa lang ni Paulo ay hindi na keri ng produksyon.

For the love of Ang Larawan lahat ng dahilan.

Kaya ayon kay Pau, isa lang daw ang hiningi niya in exchange of his regular TF to portray as Tony: “Yong painting sa Ang Larawan, yon lang ang TF ko,” sabi ng aktor.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

WALANG NETWORK WAR: Vic Sotto, hindi itinuturing na kalaban si Vice Ganda

Vic Sotto and Dawn Zulueta

HINDI MAGKAKABANGAYAN sina Vic Sotto at Vice Ganda sa darating na MMFF 2017 kung saan si Bossing Vic ay may official entry via the film “Meant to Beh” kung saan si Dawn Zulueta ang leading leady sa direksyon naman ni Chris Martinez.

Si Vice naman ay raratsada with his “super hero” peg and character sa pelikula ng Star Cinema na “Gandarrapido: The Revenger Squad” with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

May paliwanag si Bossing Vic sa isyung ito: “ Hindi kalaban ang tingin ko kay Vice Ganda,” for reason na sabay ipapalabas ang pelikula nilang dalawa together with six other films ngayong Metro Manila Film Festival 2017 na magsisimula sa Disyembre 25.

Paliwanag ng komedyante: “I don’t wanna put it as kalaban, eh, it’s kasabay mo.” 

Dagdag pa niya sa paliwanag: “Kasabay mong magso-showing, pero definitely as kalaban, I don’t look at them as kalaban, ’coz isa lang naman ang gusto natin dito — mapasigla, mapasaya ang Pasko. Mas maraming kumita, mas mabuti for the industry.

”Sabi ko nga, itong festival ay para sa lahat. Lalo na para sa mga bata, so let’s work together, it doesn’t really matter kung ikaw ay Kapamilya o Kapuso. I think that’s the message that we’re trying to project dito sa pelikulang ito.

“May Kapamilya, may Kapuso, lahat ng “ka,” may kabisote, lahat,” pagbibirong paliwanag niya.

Sa darating na MMFF, paniwala ng komedyante: “Walang network-network dito. Isa lang naman ang industriya ang ginagalawan natin, so let’s all work for the better,” dagdag pa ng komedyante,

With his film festival entry na Meant to Beh, binasag ang sinasabing  network wars.

Sa pelikula, magsasama-sama ang mga taga-Kapamilya at taga-Kapuso.

Sina JC Santos, Daniel Matsunaga and Sue Ramirez are from ABS-CBN.

Sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Andrea Torres and Baby Baste ay from GMA-7.

Ngayon na na-break na ng Meant to Beh ang “silent war” between two networks, may chance na gumawa si Bossing Vic ng pelikula sa kuwadra ng Star Cinema na film production arm ng ABS-CBN.

“Me, I’m open to all productions, all networks. I would like to believe na kaibigan ko silang lahat, eh. I’ve done projects with ABS, with GMA, projects with other companies. Friends ko silang lahat, eh.I’m open,” pagtatapos ni Bossing Vic.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post