BAGUHANG “HUGOT” SINGER: Kiel Alo, magpapasiklab sa birthday concert sa Teatrino

Kiel Alo

I’M SURE, mapupuno ang cozy concert venue na Teatrino located at Promenade, Greenhills sa Wednesday, November 8, 2017 at 9PM dahil ang balladeer na tinaguriang “Hugot Singer”  na si Kiel Alo ay magkakaroon ng birthday concert entitled “WHEN WE WERE YOUNG”.

First time na magsi-celebrate si Kiel ng kanyang birthday via a musical show kung saan makakasama niya ang ilan sa mga friends niya sa music industry like Michael Pangilinan, Garie Concepcion, Dessa, Ezekiel Hontiveros and Boobsie Wonderland under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.
Kuwento ng celebrant at bagong talent ng kaibigang Jobert Sucaldito with his Frontdesk Entertainment and Productions: “Sobrang excited na ako na kinakabahan. First time ko kasing mag-major show kaya halos hindi ako makatulog sa nerbiyos and excitement.
“Yes, I’ve been rehearsing musical numbers these past days para di ako mapahiya sa mga kaibigan natin na manonood.
Mismong birthday ko talaga ang November 8 (this coming Wednesday) kaya talagang double celebration ito. Salamat sa manager kong (Jobert Sucaldito) na nagtitiyaga sa akin. Matagal ko nang pangarap na mag-major show and heto na – I will have a first taste of it.
“Nakailang shows na rin ako in the past pero iba pala kapag sa medyo malakihang venue na. Kungsabagay, ang Teatrino naman ay cute – hindi gaanong malaki pero nasa high end siya as a concert venue. Kaya nakakatuwa at pinagkatiwalaan ako ng ganitong opportunity. Sana suportahan ninyo ako,” sabi ng singer.
Kung listener ka ng entertainment radio show na “Showbizz” sa DZMM nina Jobert at Ahwel Paz (Monday n\to Friday atb 10:30 PM); sim Kiel ang kumanta ng theme song ng radio show.
The concert is presented to us by Isabela Gov. Bojie Dy, Aficionado Germany Perfume, Quadro Frames and Xentro Malls. Major sponsors include Mr. Neal Gonzales, Mr. Joel Cruz, Mr. Alex Cruz, Mr. Boy Abunda, Biliran (Leyte) Mayor Lorenz Reveldez, Mr. Zaldy Aquino, Ms. Laarni Enriquez and Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz. 
Kitakitz tayo sa Wednesday.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post