THE REAL COUPLE: Jak Roberto, secured sa relasyon nila ni Barbie Forteza

MABUTI na lang at secured na secured ang “Abs ng Bayan” na si Jak Roberto sa kanilang relasyon ng girlfiend na si Barbie Forteza sa kabila ng lihis na publicity stunt na paandar ng kampo … Read More

The post THE REAL COUPLE: Jak Roberto, secured sa relasyon nila ni Barbie Forteza appeared first on Pinoy Parazzi.

‘ALMOST A LOVE STORY’ ANG DRAMA! Derrick Monasterio at Barbie Forteza, naudlot ang relasyon dahil sa pikunan

TANGGAP ng mga fans ang onscreen loveteam nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na muling mapapanood sa pelikula ng BG Productions na Almost A Love Story on April 11. Nagsimula ang tambalan ng dalawa sa … Read More

The post ‘ALMOST A LOVE STORY’ ANG DRAMA! Derrick Monasterio at Barbie Forteza, naudlot ang relasyon dahil sa pikunan appeared first on Pinoy Parazzi.

Mga talents ng Kapuso network, dehado sa mga movie opportunities

NAKAKAPANGHINAYANG. Napakaraming talented actors and actresses sa kampo ng Kapuso network na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mas makilala pa dahil dehado sila sa movie opportunities. Kung nagkakaroon man sila ng offers, hindi ito napo-promote … Read More

The post Mga talents ng Kapuso network, dehado sa mga movie opportunities appeared first on Pinoy Parazzi.

JAKBIE FOR REEL AND REAL: Barbie Forteza, itatambal kay Jak Roberto sa ‘Magpakailanman’

Barbie Forteza and Jak Roberto

NAKAKATABA NG PUSO ang first episode ng Magpakailanman for 2018. With the title “Ang Babaeng Tinimbang Ngunit Sobra”, isang kuwento ng dalagang overweight na maiinlab sa kaklase nitong hunk ang isasalaysay ngayong Sabado ng gabi.

Bida rito ang isa sa Kapuso leading ladies na si Barbie Forteza. For a change, si Jak Roberto na rumoured boyfriend niya ang kanyang leading man dito.

As early as now ay hindi na mapigilan ng JakBie fans na kiligin sa pasabog ng dalawa. Marami kasi talagang fans ang tambalang ito kaya naman nadinig din ng management ang kanilang hiling. Magtutuloy-tuloy na kaya ang loveteam na ito?

Sa ngayon ay wala pa kaming balita kung magkakaroon ng bagong TV show si Barbie. Pagdating naman sa movies ay nakatakda itong lumipad patungong Italy para kunan ang mga eksena para sa balik-tambalan nila ni Derrick Monasterio. Indie film ito under the direction of Louie Ignacio.

Kahit malakas din kasi ang team-up ni Barbie Forteza kay Ken Chan, hindi masyadong kinagat ng masa ang pelikula nila na “This Time I’ll Be Sweeter”. Hindi na nga yata mahilig ang mga moviegoers sa heavy drama kahit may pakilig na mga eksena.

Si Jak Roberto naman ay makakasama si Glaiza de Castro sa bagong panghapong serye nito na lalabas sa March.

Maganda siguro kung ang next mainstream movie ni Barbie ay mareunite siya sa mga leading men niya sa ‘Meant to Be’, pero magsama na rin ng ilang Kapuso female stars. Naku, sayang ang mga beauty at potential nila kung hanggang TV lang sila, noh!

Related Post

Movie Review: This Time I’ll Be Sweeter (Ken Chan and Barbie Forteza)

KEN CHAN AND BARBIE FORTEZA

MARAMI ANG NATUWA for Ken Chan and Barbie Forteza nang bigyan sila ng Regal Multimedia ng kanilang first mainstream film as a loveteam na sila ang bida via “This Time I’ll Be Sweeter”. Thanks to the successful primetime series “Meant to Be” (patunay lang na isa talaga siya sa pambato ng GMA-7), nakita ng Monteverde Family ang potential ng dalawa.

The truth is lahat ng boys na kasama ni Barbie sa nasabing palabas ay bagay sa kanya. In the end ay ang KenBie tandem ang nagkatuluyan. In terms of drama ay si Ken naman talaga ang kayang lumevel up sa galing ni Barbie sa pag-arte, which is already a given fact noon pa lang.

Dahil gusto ko na mag-succeed si Barbie Forteza, isa ako sa mga naunang nanood ng This Time I’ll Be Sweeter kagabi. Aaminin ko na matagal-tagal na akong walang bet sa mga projects ni Joel Lamangan lately, but this movie made me a satisfied movie viewer.

Kung isa kayo sa mga mahilig manood ng loveteam-driven dramas noong 90’s, sure ako na maaappreciate ninyo ang pelikulang ito. Tungkol ito sa matalinong journalism student named Erika (Barbie Forteza) na nabigyan ng pagkakataon na mainterview ang kanyang swimmer college crush na si Tristan (Ken Chan). Noong una’y nagkaroon sila ng misunderstanding but later on blossomed into something more. Hindi aware si Erika na may girlfriend pala itong si Tristan kaya noong nag-graduate sila ng college ay bitter-biterran ito.

Fast forward to the present, isang trahedya ang mag-uugnay muli sa dalawa. Katulad noong nakaraan, hindi na naman okay ang initial interaction nila, pero magiging okay din sila eventually. Sa totoo lang, may mga flaws pagdating sa character development ng dalawa dahil hindi sila masyadong lovable na characters. Mabuti na lang at maayos ang direction at magaling ang mga artista. From lead stars Barbie and Ken to supporting cast members Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Jai Agpayan and Thea Tolentino.

Sana ay hindi magsawa ang Regal Films sa pagproduce ng movies for Kapuso stars lalo na sa mga deserving, but they also need to be careful sa character development ng mga tauhan dahil baka matulad lang sa mga teledrama ng GMA-7 ang daloy ng istorya. Suggestion lang naman hehe!

Kung kayo ay certified Kapuso viewer or mahilig sa mga drama romance films, you better catch ‘This Time I’ll Be Sweeter’ in cinemas nationwide!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

THE TALENTED LADIES: Why Alessandra de Rossi and Barbie Forteza deserves our support

Alessandra de Rossi and Barbie Forteza

PINOY MOVIE LOVERS are in for a treat this week. Kung noong Undas ay inabangan ninyo ang horror films na “The Ghost Bride” ni Kim Chiu at Spirit of the Glass 2 ni Cristine Reyes, ngayon naman ay sa love department tayo. Iwas muna sa kilig at romansa muna!

Nakakatuwa dahil this week ay sina Alessandra de Rossi at Barbie Forteza ang magtatapat sa box-office. Siguro nga ay hindi pa sanay ang moviegoers na ang dalawang dalaga ang bida sa isang mainstream movie. Mas napapanood kasi natin sila sa mga independent films.

Kung ia-analyze ninyo ng mabuti, si Alessandra de Rossi ang original na Independent Film Princess ng bansa. Una siyang napansin sa pelikulang Azucena ng Reyna Films at eventually ay naging active sa TV. Kung ang masa ay kilala si Alex (palayaw ni Alessandra) as one of the best villains on TV, ang mga mahilig naman sa panonood ng dekalidad na pelikula ay kilala siya for being brave sa pagportray ng offbeat roles sa independent films. Ilan sa mga titles na pinagbidahan niya ay ang Mga Munting Tinig, Barcelona, Sta. Nina, Sakaling Hindi Makarating at ang 2017 most successful Pinoy film na Kita Kita nila ni Empoy.

Alessandra de Rossi and Ivan Padilla

Special para kay Alessandra de Rossi ang pelikulang “12” dahil siya rin ang scriptwriter nito. If I am not mistaken, siya rin ang nag-arrange ng music at parang co-director na rin siya ni Dondon Santos dito. Based on the trailer, mukhang sa iisang location lang sila nag-shoot. Malaman ang kuwento dahil more on conversations ang mga eksena na surely ay relatable sa mga taong nakikipag-live in at nakakaramdam na ng discontentment sa relasyon. Marami rin positive feedback mula sa mga nakapanood ng advanced screening nito.

Sa mga kasabayan niya na “tweens” noon like Kathryn Bernardo, Nadine Lustre and Liza Soberano, si Barbie Forteza na siguro ang pinaka-best na pambato ng GMA-7. Ilang teleserye na rin sa hapon at primetime ang pinagbidahan niya na nag-click sa masa. Ang latest nga ay ang light kilig series na “Meant to Be”, where not only one or two but four guys are vying for her love and attention. Sa ending ay nakatuluyan ng kanyang karakter as Billie si Yuan, who is portrayed by Ken Chan. Ito siguro ang rason kung bakit agad-agad na inofferan ng Regal Multimedia ang tambalang KenBie ng kanilang first mainstream movie as a loveteam.

Barbie Forteza and Ken Chan (KenBie)

Like Alessandra, ang filmography ni Barbie Forteza ay may variation. Meron din siyang mga pelikulang mainstream, pero recognized siya sa mga independent films na ginawa niya like Mariquina, Laut at Tuos with Nora Aunor. She won awards sa mga pelikulang ito. She was brave to take on these roles when most of her contemporaries would rather stick to ‘safe’ roles.

That being said, tila Alessandra and Barbie have finally reached the audience they deserve. Ang wish namin ay sana, tangkilikin ng masa ang kanilang mga pelikula. Ito ay para ma-enganyo pa ang mga producers na bigyan sila ng lead roles sa mainstream films at hindi lang mga film festivals ang makaka-appreciate sa talent at ganda nila.

Showing na beginning today ang “12” ni Alessandra de Rossi with Ivan Padilla at “This Time I’ll Be Sweeter” ni Barbie Forteza with Ken Chan. Support!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

“This Time I’ll Be Sweeter” nina Barbie Forteza at Ken Chan, umaapaw sa kilig at positive feedback!

Ken Chan and Barbie Forteza

HINDI MAGKAMAYAW ang mga fans nina Ken Chan at Barbie Forteza last night (Monday, November 6) nang rumampa ang dalawa sa red carpet celebrity premiere ng pelikula nila na ginanap sa SM Megamall Cinema 7.

Sa loob ng sinehan,humiyaw at tinilan ang mga fans nang kumaway ang dalawa mula sa balcony section ng sinehan sa mga tagahanga nila sa may bandang orchestra.
Sa opening credits pa lang ng pelikula na siksik sa kilig na dinirek ni Joel Lamangan, ang mga fans ng KenBie ay naghihiyawan na.
Sa totoo lang, tama ang campaign spin ng Regal Multi Media, Inc (sister company ng Regal Films) na “siksik sa kilig” ang pelikula.

Ken Chan and Barbie Forteza with Mother Lily

Kahit hindi ka fans nina Ken at Barbie ay madadala ka sa kilig ng mga eksena nila. Tulad ko na isang showbiz miron na hindi naman fans ng KenBie ay nadadala at napapangiti sa mga eksena ng dalawa.

Kim Rodriguez

Pang-bagets (millennials) ang mga hugot na eksena nina Ken at Barbie na tuwing lumalabas sa wide-screen ang dalawa, grabe ang hiyawan at tilian ang mga fans na hindi na namin naririnig ang mga dialogues nina Ken at Barbie sa mga eksena.

Mabuti, ipapalabas na ang This Time I’ll Be Sweeter bukas, Wednesday, November 8.
Uulitin ko ang panonood ng pelikula ng dalawa na hopefully, less hiyawan at tilian na ang maririnig ko.
On the side, I’d like to congratulate Kim Rodriguez (who played sister of Ken who was good I her role), Jai Agpangan and Akihiro Blanco na ginalingan ang pag-arte nila as Barbie’s Besties.
Congratulations and goodluck to KenBie and the casts.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post