Kris Aquino, pinarangalan bilang People of the Year

Kris Aquino with son Bimby

MAY FEVER si Kris Aquino nung Monday night (Jan. 15), pero pinilit pa rin niyang tumayo para magpunta sa Sofitel at tanggapin ang kanyang kauna-unahang award for this year (2018).

Si Kris ay pinarangalan bilang People of the Year ng People Asia Magazine. Naging escort ni Kris that night ang anak niyang si Bimby.

Suto ni Kris sa awarding ceremony ang yellow gown na gawa ni Michael Leyva.

Pinarangalan si Kris ng People Asia Magazine dahil sa kanyang mga achievements particular na ang pagiging reyna niya sa social mendia at online world ngayon.

Bukod kay Kris, pinarangalan din bilang People of the Year ang aktres na si Bea Alonzo, singer na si Basil Valdez at PBA coach na si Tim Cone.

Among the awardees, si Kris ang inilagay ng People Asia Magazine sa kanilang cover para sa December 2017 to January 2018 issue.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino at Mayor Herbert, muling nagkita sa kasal ng yaya ni Bimby!

Herbert Bautista and Kris Aquino

GOOD TO see Kris Aquino and Mayor Herbert Bautista together sa Quezon City Hall. May mga kinilig sa muling pagkikita ng dalawa pero ang purpose noon ay hindi para sa kanilang personal na mga buhay.

Kris went to Quezon City Hall dahil ipapakasal niya ang yaya ni Bimby na si Yaya Raquel sa boyfriend nitong si Jun Aries Confesor. Siya rin ang tumatayong ninang ng dalawa.

Ginanap  ang civil wedding ng dalawa na si Mayor Herbert ang nag-officate noong Miyerkules ng tanghali (Jan. 10).

Pinaluwas ni Kris (all expenses paid) ang nanay ng groom all the way from Bacolod para saksihan ang kasal.  Si Kris din ang sumagot ng gastos sa reception ng bagong kasal sa Sweet Inspiration.

Hindi naman nakapunta si Kris sa reception ng yaya ng kanyang bunsong anak dahil meron itong taping.

This time, hindi na naglupasay si Bimby sakasal ni Yaya Raquel na katulad ng ginawa niya noong ikinasal ang first yaya niyang si Gerbel.

 


La Boka

by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino: ‘Hindi talaga fake si Erich!’

Erich Gonzales, Kris Aquino and Bimby Aquino-Yap

SA ISANG meryendahan tsikahan with Kris Aquino sa bahay niya sa Greenmeadows, Quezon City after ng pa-block screening niya for Siargao na MMFF movie ni Erich Gonzales ay naikuwento niya kung paano nagsimula ang closeness nila ng Kapamilya actress.

Aniya,  “Alam nyo kasi, she wasn’t ever in my radar yet but I remember my niece Gia and her mom,  si Viel, naadik talaga sila sa Katorse. Sila talaga, must-watch nilang mag-nanay yon.

“And yung pamangkin ko na yon Poveda, and after Poveda, Philippine Science. Talagang na-ano. And si Viel, sabi niya, she’s really good, ganyan-ganyan.

“And then, nung close na kami, ang nakita namin na talagang sobrang galing niya was with Two Wives nila ni Kaye Abad. Yon yung talagang nag-ano na siya, but more than yung pagiging actress, naging friend namin siya talaga, eh,” dire-diretsong kuwento ni Kris.

So far, wala raw naman siyang mga off the record na kuwento kay Erich na lumalabas.

 “Proven naman na lahat ng pinag-usapan namin walang lumabas ever,” sambit pa niya.

Close din si Erich sa anak ni Kris na si Bimby.

 “Sila ni Bimbs, meron silang tightness talaga, kasi even before, na kunyari meron akong taping na out of town tapos magsusyuting dadalaw yan talaga sa mga bata at magdadala ng food na silang tatlo lang.

“Alam mo yung mapi-feel mong genuine.  What I like about her is hindi talaga siya fake.”

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino, mamimigay ng Christmas gifts sa followers sa Instagram at Facebook!

Kris Aquino

MAY REGALO si Kris Aquino sa kanyang followers sa Instagram at Facebook ngayong Pasko na tinawag niyang 12 Days of Christmas Gifts with matching hashtag na #ChristmasLoveLoveLove.

Sa post ni Kris sa kanyang IG at FB account ay makikita ang tatlo sa Christmas gift na kanyang ipamimigay – mamahaling Louis Vuitton bag, Hermes wallet at 500 gift cards para sa six months iFlix subscription.

“My mom would always tell me that blessings are more meaningful when you share them w/ others because in that way you honor the generosity of our Creator- so we just finished our 12 days of Christmas gifts from me for all of you meeting…

“And my first day of gifts will be: 500 of you will have a chance to receive gift cards for 6 months of iflix subscription viewing from me.

“All you have to do is like this here on IG & FB and tag me w/ #ChristmasLoveLove Love (The gift giving will start soon as we get back from our KCAP trip to Singapore next week where we’ll meet FB & IG regional plus do our KCAP 2018 planning session),” post ni Kris.

Dahil sa naturang post ni Kris, libu-libo kaagad ang nag-likes at nag-follow sa kanya sa IG at FB hoping na isa sila sa mabigyan ng regalo ng actress/TV host.

Magiging last gift ni Tetay ang Hermes wallet na ayon sa kanya, “my KCAP team will send you this wallet from me. We learned this from a geomancer friend — a wallet that’s been used by a financially comfortable & hardworking friend is a good gift to receive because it will inspire you to continue striving…

“Sorry kung makulit, you’ll need to like this post on IG & FB (follow me if you aren’t yet), tag me w/ our hashtag and my KCAP team will keep you in our data base,” hirit pa niya.

Ang pagbibigay ng Christmas gifts ni Kris sa kanyang followers ang paraan para raw pasalamatan angmga ito.

“Please accept my sincerest gratitude — because of your online support my startup company has grown, we have a lot of branded partnerships & many more in the pipeline, and these opportunities happened because you OPENED the digital door for me.

“This girl who needed to reinvent herself managed to do it because of you, so this is just her way of saying THANK YOU for being my life’s RAINBOW.”

     Bongga naman!

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

WOW NAMAN! Kris Aquino, kinilala bilang 2017 Best Influencer ng Berlin Native Advertising Awards

KRIS AQUINO

MAY BAGONG achievement si Kris Aquino kahit hindi siya visible ngayon sa telebisyon at nagko-concentrate lang sa kanyang blog sa social media.

Sa post ni Kris recently, binigyan  siya ng Bronze Award ng Berlin Native Advertising Awards for Best Influencer 2017.

“It all started because I had to find a way, network TV was no longer open to me. I researched & knew that going online was an avenue I could try.

“With a brand new team, we knocked on doors — @nbsalert was 1 of our 1st believers. Thank You God for this blessing! We’re back home & I saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels, @xandraramos.

“To all of you who could now be where I was at the start of 2017, questioning the how comes & the –what Ifs — take it from me: JKP — Just Keep Praying! Surround yourself w/ creative, positive, hardworking, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah 29:11 “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future,” post ni Kris. 😇

Dagdag pa niya, “In all my years of working on tv & film — this is my first European recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team w/ guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/ my bunso. Good night from a very grateful believer in God’s wondrous ways.”

At least, kahit walang TV exposures ay ratsada naman si Kris bilang  social media influencer sa online world na very much in sa panahon ngayon.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino ‘nice in person’ pa rin kahit ni-lecturan na ni Mocha Uson

Kris Aquino and Mocha Uson

ANG GANDA ng reaksyon ni Kris Aquino sa post ni Mocha Uson kahit pa medyo pinangangaralan siya nito tungkol sa pakikipagrelasyon. Walang violent reactions or whatever si Kris.

Post ni Mocha sa kanyang blog, “I have nothing against Kris as long as she won’t run for public office.  She is nice in person but another Aquino in government is just going back to your unfaithful bf again and again.

“Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, PNoy and Bam). Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash.”

Patuloy pa niya, “Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO.  ’Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usap na ’yun.”

Post naman ni Kris, magkape na lang daw sila at huwag na siyang lecture-ran.

“P.S. Kaya please ’wag nang mag-lecture about an “unfaithful boyfriend?”  Honestly,  summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over  an EX. Having said that, may I invite the blog post author to a Nepresso?

“Coffee naman tayo ’pag may time? After all  i’m nice in person.”

Wala pa ulit kaming nababasa kung tinanggap ni Mocha ang imbitasyon ni Kris for a coffee date.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino, ini-invest ang milyones sa mga food chain business

Kris Aquino

WISE TALAGA itong si Kris Aquino, huh! Hindi niya hinahayaang nasa bangko lang at kumikita ng maliit na interes ang kanyang mga milyones.

Habang hindi pa muna aktibo sa telebisyon, na I’m sure, darating din ulit, ay abala muna sa pagnenegosyo si Kris.

Binuksan ni Kris noong Sept 29 ang  kanyang bagong Chow King store sa Welcome Rotunda, Quezon City. Ito ang kanyang pangalawang branch (una ang Chow King Ali Mall na nag-open noong November 2014).

Under construction naman ang magiging pangatlong branch sa kanto ng Quezon Avenue at Araneta Avenue sa Quezon City rin na magbubukas sa Enero 2018.

Bago magpalit ang taon, bubukasan din ni Kris ang kanyang unang Jollibee store sa Tarlac sa December 8. Wow naman!

Mabilis ang paglago ng fastfood business ni Kris kaya tinutulungan siya ng co-franchisee/branch owners —  Jollibee Food Corporation — na magdagdag ng outlets.

Ang franchise ng Chow King ay nagkakahalaga ng P13M-P15M at ang Jollibee naman ay P25M-P35M, depende sa laki ng lugar o ng outlet.

Bukod sa Chow King at Jollibee, mayroon ding Mang Inasal outlet si Kris sa Anonas, Quezon City at 10 Potato Corner (owned) at limang outright franchise.

Grabeee. Petmalu talaga si Kris, huh!

La Boka
by Leo Bukas

Related Post