JOSHUA GARCIA AND LOISA ANDALIO: Always Come Back To Your Love!

Joshua Garcia and Loisa Andalio (LoiShua)

JOSHUA GARCIA

Real Name: Joshua Espinelli Garcia

Birthdate: October 7, 1997

Zodiac Sign: Libra

LOISA ANDALIO

Real Name: Josefina Loisa Francisca Andalio

Birthdate: April 21, 1999

Zodiac Sign: Taurus

NAG-UMPISA ang tambalan nina Joshua Garcia at Loisa Andalio nang sumali silang dalawa sa Pinoy Big Brother some years ago at eventually ay nagsama sa panghapong serye na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”, kung saan ka-love triangle nila ang kapwa PBB graduate na si Jane Oineza.

In real-life ay nalilink ang dalawa sa ibang tao. Si Joshua Garcia ay nagkaroon ng successful partnership on the big screen with rumored real life girlfriend Julia Barretto by doing two movies at madalas ang kanilang social media postings together. Meanwhile, si Loisa Andalio ay nagkaroon ng iba’t ibang ka-loveteam pero offcam daw ay may ‘something’ sila ni Ronnie Alonte, na naka-loveteam din ni Julia sa telebisyon. Kaloka, love rigodon lang mga bes?

Anyway, sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nabigyan ng project sina Joshua at Loisa a.k.a. LoiShua via the late night family drama show “The Good Son”. Syempre, nabuhayan ng loo bang fans nila. Sa reunion na ito, manumbalik kaya ang tamis ng pag-ibig ng nakaraan?

Hangga’t maaari, parehong umiiwas sa gulo o isyu ang Libra at Taurus. Ang pagsasamang ito ay puno ng gentleness at mas chillax compared to other zodiac unions. Pero, hindi ibig sabihin niyan ay smooth-sailing ang kanilang tambalan. Ang pagiging outgoing at outspoken ng Libra ay total opposite ng Taurus, na mas trip na tumambay lang sa bahay at palibutan ng konting tao na mapagkakatiwalaang tunay.

Ang problema minsan sa Taurus ay hindi ito flexible. Kung ano ang gusto niya, hangga’t maaari ay ‘yun ang masusunod. Pasaway din minsan ang Libra na hindi papayag na magpa-under. In most cases though, kaya naman nilang ayusin ang kanilang differences kapag napag-usapan ito ng mainam. Konting lambing at explanations lang ay kaya na ng Libra na i-convince ang Taurus na mag-let loose paminsan-minsan. Parehong romantic at mahilig sa luxurious things ang dalawa kaya bongga rin naman.

Sa umpisa ng relasyon ay malaki ang tsansa na halos wala silang magiging problema. As time goes by, they will realize their differences. Pareho silang romantic at mahilig sa mamahaling gamit. Ang lalaking Libra ay hindi agad na nagco-commit which may cause some insecurities sa panig ng Taurus na babae. Kailangan ng babae ng pasensya pero dapat iwasan din na maging clingy. Mas lalo naman mahuhulog ang lalaking Libra sa babaeng Taurus kung makita nito ang determinasyon na maging swak ang kanilang romantic relationship. Konting compromise lang, pwede na!

Ayun naman pala, eh! Maybe this time ay sa iba nakabaling ang atensyon ng dalawang artista ng ‘The Good Son’, pero may hope pa rin na LoiShua pa rin in the end. Who knows?

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

Loisa Andalio, ‘di ikinahihiyang jologs siya at hindi magaling mag-Ingles!

Loisa Andalio

HINDI IKINAHIHIYA ni Loisa Andalio kahit pa tawagin siyang jologs ng mga tao dahil sa barok niyang pag-i-Ingles.

“Eh, ako naman talaga yon,” sabi agad niya. “Hindi talaga kasi ako ma-Ingles na tao. Sa taping nga kapag may lines ako na English, tatagalugin ko na lang… mga ganyan.

“Kasi, eto ako, eh. Kumbaga, mas confident ako dito, sa pagbitaw ko ng linyang ito.  As in kahit may kausap akong Inglisero ang sagot ko sa kanya Tagalog. Naiintindihan ko naman yung sinasabi nila, hirap lang ako i-express kaya tinatagalog ko.”

Patuloy pa ni Loisa, “Hindi po kasi talaga ako lumaki sa pamilyang Inglisero at Inglisera. Tagalog po talaga kami. Laking kalye din po kasi talaga ako.”

Umaasa naman si Loisa na mamahalin siya ng fans kahit pa isa siyang jologs at hindi magaling mag-Ingles.

“Feeling ko, opo. Kasi gusto ko sila na maka-relate sa akin at ma-inspire na walang mali na hindi ka nakikisabay sa mga sosyal-sosyal. Hindi mo kailangang mag-pretend na hindi naman ikaw. Maging totoo ka lang, at least hindi ka nahihirapan na itago yung sarili mo, nai-enjoy mo pa yung mga ginagawa mo,” nakangiting pagtatapos ni Loisa.

La Boka
by Leo Bukas

Pagda-diet ni Loisa Andalio, para sa career at hindi dahil sa lalaki!

Loisa Andalio | Grabbed from @iamandalioloisa IG account

SA EXCLUSIVE INTERVIEW namin kay Loisa Andalio during the presscon of 4 Of A Kind (The Unforgettable Concert) kasama sina Kristel Fulgar, Sue Ramirez at Maris Racal ay nai-share niya sa amin kung bakit blooming na blooming ang beauty niya ngayon.

Para lang po akong nanalamin sa inyo,” natatawa biro niya sa amin.
“Nagwo-work out po kasi ako. Talagang pinaghirapan rin po yan. Nagda-diet din po ako,” seryoso na niyang pahayag.
Patuloy pa ni Loisa, “Dati po napakatakaw ko. Ngayon, talagang kailangan maging strict sa pagkain. Puro prutas po ako ngayon. Nuts din po.
“Hindi na po ako nagra-rice, siguro simula pa last year.”
Mas nadagdagan din daw ang self confidence niya simula nu’ng pumayat siya.
Aniya, “Mas okey siya. As in, nag-boost yung confidence ko sa sarili. Kasi dati nahihiya akong mag-shorts, magpakita ng legs, ng skin.”
Hindi ba special someone ang dahilan ng pagda-diet at pagiging blooming niya?
“Ay, hindi po. Para po ito sa sarili ko. Para rin sa career. Ha-ha-ha,” rason niya.
Eh, ano naman ang reaksyon niya na unti-unti na siyang napapansin ng ABS-CBN? In fact, napakataas ng rating ng kanyang episodes sa Wansapanataym few months back?
 “Siyempre masaya po ako kasi nabibigyan po ako ng opportunity. Kasi di ba, napakarami po naming artista dito, sobrang dami po talaga kaya happy po ako na nabibigyan ako ng break.
“Ako naman po, wala akong sinasayang na… as in, kahit anong ibigay sa akin tinatanggap ko po talaga at binibigay ko po yung best ko talaga,” sambit pa niya.
Gaganapin ang 4 of A Kind concert sa Music Museum on July 8.

La Boka
by Leo Bukas