Zanjoe Marudo and Rhian Ramos: Will You Be My Fallback?

Rhian Ramos and Zanjoe Marudo

ZANJOE MARUDO

Real Name: Zanjoe Acuesta Marudo
Birthdate: July 23, 1982
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

RHIAN RAMOS

Real Name: Rhian Denise Ramos Howell
Birthdate: October 3, 1990
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

FRESH NA FRESH ang pagsasama ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo at Kapuso actress na si Rhian Ramos via CineKo Productions and Star Cinema’s “Fallback”. Thanks to Jason Paul Laxamana’s vision, nabigyan ng chance ang dalawang talented stars from different networks na magsanib-puwersa para sa isang pelikula. Bonga, right?

Aminin n’yo – bagay sina Zanjoe at Rhian! Lately ay nalilink si Zanjoe sa isa pang Pinay-British actress na si Bela Padilla at Rhian naman ay may non-showbiz dyowa. If ever lang, may chance kaya ang ZanRhian sa totoong buhay? Time to discover kung may fallback sila!

Halos magkapareho ang Leo at Libra pagdating sa personal traits. No wonder na malakas ang kanilang chemistry kapag pinagsama. Ipinanganak ang dalawang zodiac para mainlab at walang extra effort na kailangan para ipakita at ipadama ito. Gustung-gusto nila ang ideya ng pagiging in-love – mga liham, romantic dinners at kung anu-ano pang ikakikilig ng kanilang ka-partner ay willing nilang gawin! Gustung-gusto rin nilang mag-party at very sociable ang mga ito.

Isa pang factor kung bakit swak ang dalawa ay dahil nagko-compliment ang kanilang personalities. Ang pagiging maintindihin ng Libra ay p’wedeng maka-adjust sa stubbornness ng Leon. Kaso, hindi maiiwasang magka-problema kung magiging super dominant ang Leo sa Libran. Well, kaya namang i-handle ng Libra ang lahat. Pareho naman nilang pinahahalagaan ang mga importanteng bagay sa buhay tulad ng pamilya, kaibigan at karera kaya hangga’t maaari’y makaiiwas sila sa away.

Ang pagsasama ng lalaking Leo at babaeng Libra ang isa sa may potential na long-term, o diretso sa simbahan ang peg! Gusto nila na sila ang center of attention at parang musika sa kanilang pandinig ang palakpak ng mga tao. Pareho nilang gusto ang art and music. Hindi boring ang pagsasamang ito dahil palagi silang ‘on the go’. Full of love at nag-uumapaw na init sa romansahan! Hindi rin sila magkapo-problema

pagdating sa loyalty. Gusto ni lalaki na siya ang lider sa relasyon, samantalang mas gusto ng babae na may nagde-desisyon para sa kanya – Perfect!

Sa ngayon siguro ay happy pa sa kani-kanilang love prospects sina Zanjoe at Rhian. ‘Di na kami magwo-wonder kung soon enough ay aaminin na nila na ‘fallback’ na nila ang isa’t isa and they’ve completely fallen in love with each other! Uyyy!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

JOSHUA GARCIA AND LOISA ANDALIO: Always Come Back To Your Love!

Joshua Garcia and Loisa Andalio (LoiShua)

JOSHUA GARCIA

Real Name: Joshua Espinelli Garcia

Birthdate: October 7, 1997

Zodiac Sign: Libra

LOISA ANDALIO

Real Name: Josefina Loisa Francisca Andalio

Birthdate: April 21, 1999

Zodiac Sign: Taurus

NAG-UMPISA ang tambalan nina Joshua Garcia at Loisa Andalio nang sumali silang dalawa sa Pinoy Big Brother some years ago at eventually ay nagsama sa panghapong serye na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”, kung saan ka-love triangle nila ang kapwa PBB graduate na si Jane Oineza.

In real-life ay nalilink ang dalawa sa ibang tao. Si Joshua Garcia ay nagkaroon ng successful partnership on the big screen with rumored real life girlfriend Julia Barretto by doing two movies at madalas ang kanilang social media postings together. Meanwhile, si Loisa Andalio ay nagkaroon ng iba’t ibang ka-loveteam pero offcam daw ay may ‘something’ sila ni Ronnie Alonte, na naka-loveteam din ni Julia sa telebisyon. Kaloka, love rigodon lang mga bes?

Anyway, sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nabigyan ng project sina Joshua at Loisa a.k.a. LoiShua via the late night family drama show “The Good Son”. Syempre, nabuhayan ng loo bang fans nila. Sa reunion na ito, manumbalik kaya ang tamis ng pag-ibig ng nakaraan?

Hangga’t maaari, parehong umiiwas sa gulo o isyu ang Libra at Taurus. Ang pagsasamang ito ay puno ng gentleness at mas chillax compared to other zodiac unions. Pero, hindi ibig sabihin niyan ay smooth-sailing ang kanilang tambalan. Ang pagiging outgoing at outspoken ng Libra ay total opposite ng Taurus, na mas trip na tumambay lang sa bahay at palibutan ng konting tao na mapagkakatiwalaang tunay.

Ang problema minsan sa Taurus ay hindi ito flexible. Kung ano ang gusto niya, hangga’t maaari ay ‘yun ang masusunod. Pasaway din minsan ang Libra na hindi papayag na magpa-under. In most cases though, kaya naman nilang ayusin ang kanilang differences kapag napag-usapan ito ng mainam. Konting lambing at explanations lang ay kaya na ng Libra na i-convince ang Taurus na mag-let loose paminsan-minsan. Parehong romantic at mahilig sa luxurious things ang dalawa kaya bongga rin naman.

Sa umpisa ng relasyon ay malaki ang tsansa na halos wala silang magiging problema. As time goes by, they will realize their differences. Pareho silang romantic at mahilig sa mamahaling gamit. Ang lalaking Libra ay hindi agad na nagco-commit which may cause some insecurities sa panig ng Taurus na babae. Kailangan ng babae ng pasensya pero dapat iwasan din na maging clingy. Mas lalo naman mahuhulog ang lalaking Libra sa babaeng Taurus kung makita nito ang determinasyon na maging swak ang kanilang romantic relationship. Konting compromise lang, pwede na!

Ayun naman pala, eh! Maybe this time ay sa iba nakabaling ang atensyon ng dalawang artista ng ‘The Good Son’, pero may hope pa rin na LoiShua pa rin in the end. Who knows?

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

ALEXANDER LEE AND HEART EVANGELISTA: Our Kilig Primetime Jagiyas!

Heart Evangelista and Alexander Lee

ALEXANDER LEE

Real Name: Alexander Lee Eusebio
Birth Date: July 29, 1988
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday
Lucky Colors: Gold, Orange and Yellow
Lucky Gems: Carbuncles, Rubies and Diamonds
Lucky Flowers: Marigolds and Daffodils

HEART EVANGELISTA

Real Name: Love Marie Payawal Ongpauco
Birth Date: February 14, 1985
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday
Lucky Colors: Aquamarine, Electric Blue and Turquoise
Lucky Gems: Aquamarine
Lucky Flowers: Orchids

PATOK NA PATOK lalo na sa mga Pinoy na ‘kinain na ng sistema’ (o super adik lang sa Koreanovela at KPop) ang light series ng GMA-7 na “My Korean Jagiya” na pinagbibidahan ni Heart Evangelista with Korean actor Alexander Lee. Sa mga panggabing programa ngayon ng Kapuso network, tanging ang My Korean Jagiya ang talagang trending hindi lang sa social media pero pati na rin sa ratings game.

Bagay talaga sina Alexander at Heart. Maliban sa pareho silang good-looking at magaling umarte, pareho rin silang may genuine appeal sa press at sa mga fans. Well, we all know na kasal na si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero, but we can only daydream of the possibilities, right?

Onscreen chemistry is proven. Kunwari, single and available pa si Heart. May chance kaya na ang Koreanovelang ito ay maging reality?

Kahit na ang personalidad ng dalawa ay magkasalungat sa ibang aspeto, magiging di-sente naman ang kanilang pagsasama kung romansa rin lang naman ang pag-uusapan. Gusto ng Aquarian ang pagiging maasikaso, malam-bing at galante ng Leo. Bibilib naman ang Leo sa katalinuhan, diskarte at confidence ng Aquarian. Ang pagkakaiba nila ang mag-a-attract para lalo silang mapalapit sa isa’t isa. Mahilig sila sa mga social gatherings at madalas ay nakukuha nila ang atensyon ng madla. Before you know it, sila na ang center of attraction!

Mas intense at seryoso ang Leo pagdating sa relasyon kesa sa Aquarian, pero maganda ito kung titingnan sa positibong anggulo. Bakit? Kasi matutulungan nila ang isa’t isa sa kanilang kakulangan pagdating sa personal, pag-ibig at kahit sa karir. Ang physical attraction ay agad na lilitaw, at mas lalong iinit ang bugso ng damdamin kung mas madalas silang magsama. Kailangan lang nilang siguraduhin na hindi nila hahayaan ang ego na sirain ang kanilang relasyon.

Aabot sa next level ang relasyon ng lalaking Leo at babaeng Aquarian kung mage-effort sila. May posibilidad na maging masyadong attached ang lalaki, habang si babae ay pa-relax-relax lang. Kailangan nilang magkasundo sa bagay na ito. Kailangan respetuhin ng lalaki ang pagiging carefree ni babae habang kailangan din namang intindihin ni girl ang pangangailangan ni boy. Usap lang nang masinsinan at may pag-asang umarangkada ang love affair na ito.

Rawr! Mukhang may sey off-cam ang Alexander-Heart, ha? Sa ngayon, makuntento muna tayo sa teleserye. Malay naman natin… Chos!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

Marco Gallo and Kisses Delavin: On KissMarcs and Young Love!

Marco Gallo and Kisses Delavin

MARCO GALLO

Real Name: Marco Canete Gallo
Birthdate: January 3, 2001
Zodiac Sign: Capricorn

KISSES DELAVIN

Real Name: Kirsten Danielle Tan Delavin
Birthdate: May 1, 1999
Zodiac Sign: Taurus

ANG TAMBALAN nina Marco Gallo at Kisses Delavin a.k.a. KissMarc ang isa sa promising loveteams ng ABS-CBN ngayon. From their stint sa Pinoy Big Brother, nakaani ng mga fans ang binatang taga-Italy at dalagang taga-Mindoro.

As early as now ay bongga na rin ang mga projects na pinagsamahan nila. Nandyan ang Wansapanataym at ang successful na Loving in Tandam which they played support sa MayWard tandem nina MayMay Entrata at Edward Barber.

Ngayon ang tanong: May chance ba mag-prosper into a real relationship ang ‘reel’ partnership ng PBB babies na ito? Let’s check!

Parehong praktikal sa buhay ang Capricorn at Taurus. Seryoso sila pagdating sa pisolopikal at spiritual life. Dahil parehong seryoso, paminsan-minsan ay nakalilimutan nilang mag-enjoy. Ang love match na ito ay dumidepende sa pagtitiwala at sa pagiging consistent. Walang magiging problema pagdating sa usaping pera dahil maingat sila rito.

Ang pagiging calm and ambitious ng Capricorn ang magpapa-ibig sa Taurus. Maa-attract naman ang Capricorn sa pagiging determined at mapagmahal sa pamilya ng Taurus. Wala ring bahid ng insecurities kung sino man sa kanila ang mas nakaaangat pagdating sa career. Ano nga ang problema talaga kung sakali? ‘Yung balance lang ng work and play. Malaki kasi ang tsansa na puro sila work, work, work eh!

Perfect soulmate ng Taurus woman and Capricorn man. With same personality traits, very minimal lang ang kanilang incompatibility at hindi talaga ito big deal. Love nga naman!

Naaliw ba kayo sa aming findings? Cheers to the KissMarc tandem! Hugs and Kisses!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

Paulo Avelino and Ritz Azul: The Promise of a Hot, European Romance!

Ritz Azul and Paulo Avelino (PauRitz)

PAULO AVELINO

Real Name: Michael Paulo Lingbangan Avelino

Birth Date: May 13, 1988

Zodiac Sign: Taurus

RITZ AZUL

Real Name: Ritz Ann Riggie Alzul Bisenio

Birthdate: January 11, 1994

Zodiac Sign: Capricorn

MATAGAL-TAGAL din ang hinintay ng mga loyal fans ni Paulo Avelino ang teleseryeng “The Promise of Forever”, na kinunan pa ang ilan sa mga eksena sa Eastern Europe. More than a year na nang umpisahan nila ang pagte-taping, pero last month lang ito pinalabas.

Ito bale ang first big project ng ex-TV5 leading lady na si Ritz Azul sa Kapamilya network. Marami ang curious kung may ibubuga ba sa aktingan ang sexy actress at kung may chemistry ba sila ni Paulo. In fairness, ang sagot dyan ay OO!

Hindi naman secret sa lahat na may girlfriend na si Paulo ngayon, pero kung saka-sakali or in the future, may ‘promise of forever’ kaya ang PauRitz?

Praktikal sa buhay ang Capricorn at Taurus. Para sa kanila, sila ay nabubuhay sa ‘real-world’ at hindi sa isang fairytale tulad nang madalas na isipin ng iba. Magka-jive ang personality ng dalawa pagdating sa physiological at spiritual na bagay. Dahil parehong seryoso, may mga pagkakataon na nakakalimutan nilang mag-enjoy. Focused sila sa mga bagay na importante sa kanila. Ang pagsasama ng dalawa ay dedepende sa kanilang personal na pagkakaintindihan, tiwala at pagiging consistent. Pagdating sa pera, wala silang masyadong magiging problema dahil pareho nilang gagawin ang lahat para umangat sa buhay.

Ang pagiging ambisyosa ng Goat ang magpapaibig sa Toro. Maaakit naman ng Taurus ang Goat sa kanyang strong family ties at pagiging determinado sa buhay. Suportado nila ang karera at desisyon ng bawat isa at bihirang magkakaselosan. Kailangan nga lang nilang matutong mag-enjoy rin paminsan-minsan para hindi magkasawaan.

Ang pagsasama ng lala-king Taurus at babaeng Capricorn ay madalas na nagiging matagumpay. Hindi na nila kailangan pang ipagsigawan sa madlang pipol na mahal nila ang isa’t isa para lang mapatunayan ang tunay nilang nararamdaman. Bestfriend nila ang isa’t isa at sa match na ito, bihira ang mga pangarap na hindi matutupad.

Mukhang very credible itong finding natin, huh?! Ngayon na proven na ang love match nina Paulo at Ritz, ibig sabihin nito ay pwede pa tayong umasa sa pangakong kilig ng fresh tandem na ito. Abang-abang na lang tayo, huh!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

Edward Barber and Maymay Entrata: Closer You and I #MayWard

Maymay Entrata and Edward Barber a.k.a. MayWard

EDWARD BARBER

Real Name: Edward John Barber

Birth Date: July 5, 2000

Zodiac Sign: Cancer            

MAYMAY ENTRATA

Real Name: Marydale “Maymay” Entrata

Birth Date: May 6, 1997

Zodiac Sign: Taurus

ISANG pleasant surprise mula sa recent Pinoy Big Brother season ang pagbuo ng tambalang MayWard nina Maymay Entrata at Edward Barber. Nakakakilig naman kasi kung paano nadevelop ang friendship ng dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya. Despite the language barrier at first, nasaksihan ng madlang pipol ang paglago ng kakaibang bond sa dalawa and its been a while since we’ve seen a love team like this. AlDub pa ‘yata ang huli. Yep, may ganun silang effect!

Napatunayan ng dalawa na may potential silang magtagal sa showbiz thru the movie “Loving in Tandem”, na showing pa rin sa piling sinehan nationwide. In fairness sa dalawang ito, huh!

Now that the MayWard fever lives on, paano kaya in real life?

Ang Taurus at Cancer ay maraming similar traits. Pareho silang sensitive at mas gustong makabonding ang minamahal in a relaxed manner. Known ang parehong zodiac for being friendly, loving at they take their own time. Hindi sila mahilig sa competition at kung maaari lang ay chill lang.

Ang pagiging praktikal ng Taurus ay magugustuhan ng isang Cancerian. Maaaliw naman ang Taurus tuwing makikita niya ang pagiging family oriented ng Cancerian. They trust and complement each other. Ang pagiging possessive naman ng Taurus ang gusto ng Cancer peeps dahil gusto nila ‘yung feeling na inaangkin at inaalagaan sila. Very few at rare lang ang moments na magkakaroon ng tampuhan ang dalawa at madalas ay for petty reasons lamang.

Sa totoo lang, ang tambalang ito ang isa sa pinaka-promising among the zodiacs. Ang natural na pagiging loving ng Taurus woman ang magpapatahan sa paminsan-minsang mood swings ng lalaking Cancer. Maaappreciate ng lalaki ang pagiging genuine ng babae kaya naman todong kilig at romansa naman ang isusukli nito. This is a relationship of give and take, love and love more!

Well, it seems that the chemistry between Maymay and Edward is natural on screen and off screen. May this loving-loving last forever and ever!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

JOHN LLOYD CRUZ AND ELLEN ADARNA: DRUNK IN LOVE!

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

JOHN LLOYD CRUZ

Real Name: John Lloyd Espidol Cruz

Birthdate: June 24, 1983

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

ELLEN ADARNA

Real Name: Ellen Meriam Go Adarna

Birthdate: April 2, 1988

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

PARANG PELIKULA ang journey ng love story between John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.

Sometime last year ay natsismis na rin na may something ang dalawa. Nag-umpisa ito nang magkasama ang dalawa sa sitcom na ‘Home Sweetie Home’ at kalauna’y nagkaroon ng sightings sa pagitan ng dalawa outside of work. That time, nalilink si Ellen sa iba at may ilan naman na hoping na may ‘one more chance’ sa pagitan nina John Lloyd at ex-gf na si Angelica Panganiban.

Ngayon, no words needed para i-confirm na more than just friends at real-life ‘sweetie’ na nila ang isa’t isa.

Refreshing ang pagdevelop ng story na ito dahil we all consider John Lloyd Cruz as ‘the ideal leading man’ while Ellen Adarna is always seen as the liberated chick na walang paki kung gusto mo siya o hindi. This is them learning, ika nga.

In fairness, bagay naman kasi talaga sina JLC at Ellen. Sa usaping pag-ibig kaya ay pang-forever na ang union ng dalawang good-looking Kapamilya stars na ito? Let’s investigate!

Mapagmahal sa pamilya ang Aries, pero hindi ito kasing dedicated tulad ng Cancer. Sa katunayan nga, ang sobrang pagdikit sa pamilya ay maaaring makasakal sa free-spirited na Aries. Importante sa kanya ang freedom at independence samantalang ang Cancer naman ay nangangailangan ng intimacy at malaki ang posibilidad na maging dependent ito sa kanyang magiging dyowa.

Ang compatibility ng dalawa ay nakadepende sa kung gaano sila madalas mag-usap at kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa isa’t isa. Puwede ring turuan ng Aries ang Cancer kung paano maging independent at in return, baka makatulong ang pagiging romantic ng Cancer para ma-tame down nang konti ang Aries. Opposites attract, right?

Ang babaeng Aries ay palaging on the move, samantalang ang lalaking Cancer ay mas trip na relax lang palagi. Kahit pa sabihin na may instant attraction sila sa isa’t isa, kailangan nilang pagtrabahuan kung papaano tatagal ang kanilang relasyon. Ang isa ay mahilig gumala habang ang isa naman ay may pagka-possesive. Pareho rin silang matigas ang ulo at pinaglalaban palagi ang gusto. Sa pag-ibig naman, basta willing ang isa na mag-adjust ay masosolb na agad ang problema. Pamilyar ang eksena mga bes!

In short, the JLC-Ellen romance has a big chance na mauwi sa kasalan. If that’s the case, we’re happy for the both of them. Marami na rin silang nai-date in the past and they deserve to settle in the arms of each other. Tara na, inuman na!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post