ALMOST A JOSHLIA BREAK-UP: Joshua Garcia, nagsisisi sa ginawa kay Julia Barretto

MUKHANG love talaga ni Joshua Garcia ang girlfriend na si Julia Barretto.  In last night’s episode of “Tonight with Boy Abunda”, nag-open-up ang aktor sa nangyaring hindi pagkakasundo nila ng “girlfriend” dahil sa reaction ng … Read More

The post ALMOST A JOSHLIA BREAK-UP: Joshua Garcia, nagsisisi sa ginawa kay Julia Barretto appeared first on Pinoy Parazzi.

MALAKING PASABOG! Jerome, McCoy at Joshua, suspect na rin sa pagpatay kay Victor sa ‘The Good Son’

ILANG ARAW na lang at mababasag na ang lahat ng teorya at haka-haka tungkol sa sekreto nina Joseph (Joshua Garcia), Obet (McCoy De Leon), Calvin (Nash Aguas), at Enzo (Jerome Ponce) sa napipintong pagtatapos ng … Read More

The post MALAKING PASABOG! Jerome, McCoy at Joshua, suspect na rin sa pagpatay kay Victor sa ‘The Good Son’ appeared first on Pinoy Parazzi.

Albert Martinez, sinabihan ni John Estrada sa pag-exit sa ‘The Good Son’

NAGBIGAY ng konting reaksyon si Albert Martinez sa pag-alis ni John Estrada sa primetime series ng ABS-CBN na The Good Son kung saan naging part din siya at paminsan-minsan ay napapanood pa sa flashback. Ayon … Read More

The post Albert Martinez, sinabihan ni John Estrada sa pag-exit sa ‘The Good Son’ appeared first on Pinoy Parazzi.

ITINANGGI ANG PANANAKIT: John Estrada, may buwelta sa negative write-ups sa kanya!

PARA SA AMIN, hindi fair para sa aktor na si John Estrada ang naisulat ng isang reporter named Ador Saluta sa kanyang showbiz column sa tabloid na Bulgar tungkol sa “pananakit” diumano ng aktor sa … Read More

The post ITINANGGI ANG PANANAKIT: John Estrada, may buwelta sa negative write-ups sa kanya! appeared first on Pinoy Parazzi.

PAGKATAPOS NG PATIKIM SA ‘ANG PANDAY’: McLisse magsisimula nang magsyuting ng kanilang launching movie!

MCLISSE: McCoy de Leon and Elisse Joson

NAGPATIKIM NA ang tambalang McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson) ng kanilang chemistry sa MMFF movie na Ang Panday at ayon sa kanila, may dapat pa raw abangan sa 2018 ang kanilang supporters.

Ayon kay Elisse, kung hindi magkakaroon ng problema ay magsisimula na silang magsyuting ni McCoy ng kanilang launching movie ngayong January. At kung medyo nabitin daw ang fans sa screen debut nila as loveteam sa Panday, wala na raw  mabibitin sa second team-up nila.

 Kahit hindi major role, napakasipag mag-promote nina McCoy at Elisse ng Ang Panday. Talagang naging very cooperative sila sa mga mall tours at TV guestings na siyempre ay ikinatuwa ng production team ng Ang Panday.

“Sobrang thankful din po kami, kasi Ang Panday ito, eh. Kumbaga, legacy na po, so ngayon na si Coco Martin (ang gumawa), sobrang laking bagay po sa amin,” reaksyon naman ni Elisse.

Eh, ano nga ba ang reaksyon nila sa pag-aalagang ginagawa ng ABS-CBN sa kanilang tambalan?

 “Lahat naman siguro puwedeng i-groom o alagaan ng ABS pero siguro, para sa amin, iniisip namin na kaya kami nandito dahil din sa mga taong sumusuporta sa amin. Swerte kami and very thankful,” reaksyon naman ni McCoy.

Hirit naman ni Elisse: “Challenge din po para sa amin na mapatunayan na parang deserve na maging nandito po sa posisyon namin  kaya kailangang… Pressure din po sa amin na ibigay lahat.”

Samantala, parehong napapanood ang dalawa sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na The Good Son kasama sina Joshua Garcia, Nash Aguas, Jerome Ponce, Eula Valdez at Mylene Dizon.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

KILIG MCLISSE SA 2018: McCoy de Leon at Elisse Joson, bibida sa isang romcom next year!

McCoy de Leon and Elisse Joson

SURE NA SURE kami na tuwang-tuwa ang mga loyal fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Maliban sa pagkakasali nila sa pinakamalaking action-fantasy movie ng taon na “Ang Panday” with Coco Martin, nakatakda na silang magbida sa sarili nilang pelikula kung saan sila mismo ang ibebentang headliners.

Unstoppable na talaga ang pag-usad ng karera ng dalawang Pinoy Big Brother graduates na ngayo’y isa sa promising loveteams ng bansa. Naramdaman siguro ng mga producers ng bago nilang pelikulla na they can represent the millenial market well at nasusubaybayan na rin siguro nila ang chemistry ng dalawa sa panggabing teleserye na “The Good Son”. Seryoso man ang nasabing palabas, ang kanilang love angle naman ang nagbibigay ng “kilig”.

Pagkatapos ng pagpo-promote ng pelikulang “All of You” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ang launching movie naman ng McLisse as a tandem ang aasikasuhin ng Quantum Films na sa January agad ang shooting. Ang director na si JP Habac na responsable sa Valentine movie nina Paulo Avelino at Maja Salvador last year na “I’m Drunk, I Love You” ang hahawak nito. Ang ibig sabihin ba nito ay ang McLisse movie na rin ang offering ng Quantum Films sa araw ng mga puso next year? 

As of writing ay wala pang binabanggit na tentative title for the project, pero siguradong abangers na ang mga fans!

Related Post

JAKE VARGAS, WALANG KUSA NA MAGPAKILALA KAY JOHN ESTRADA

Jake Vargas and Inah De Belen

INURIRAT si  John Estrada kung nagkita na ba sila ni Jake Vargas, boyfriend ng anak niyang si Inah  De Belen.

“Hindi pa!
“Well, palagi kong tinatanong sa anak ko ‘yan. ‘O, lahat ng tao alam na boyfriend mo ‘yan Jake na ‘yan puwera ‘yung tatay mo”
“So sabi ko, kailan ba talaga? “Dad, malapit na,”
“Kailan ba talaga?  “Eh, kasi Dad nakakatakot ka,e!” Eh sabi ko, kung  wala naman kayong ginagawang masama lalo na ‘yang si Jake, ba’t naman matatakot? “Actually, Dad, hindi naman siya natatakot. Willing naman siya kaya lang ako lang,” sabi ng anak ko. Parang natatakot siya para kay Jake. So, sabi ko, hindi naman puwede Inah na hindi mo ipakilala sa akin yan dahil  parang hindi naman maganda para sa side mo rin. Wala namang problema, bakit hindi mo ipinapakilala sa tatay mo, di ba? Hindi naman mamamatay tao ‘yang tatay mo, di ba?
“Sana… soon..makilala ko na,”  bulalas ni John.
Aminado naman si John na kilala niya si Jake bilang isang artista.
Pag nagkita sila ni Jake, ano ang sasabihin niya?
“Tumayo ka,” tugon ni John sabay tawa.
“Okey naman, mas matangkad daw siya sa anak ko,eh,”  hirit pa ni John.
Boto ba siya kay Jake?

“Ako, basta mahalin mo lang nang husto ang anak ko. Huwag mo lang saktan dahil sasaktan kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko physically, pagbuhatan ng kamay. Kaya nga ‘yung speech ko na kung sino man ang mauna sa mga anak ko na  mag-asawa, huwag  naman muna.. Pero si Inah kasi she’s of  age already, puwede na pero sa mga panahong ito, late na nagsisipag-asawa, mga 30.
“’Yung speech ko sa mga anak  ko nu’ng wedding ko, lalo na sa mga babae kong anak, ‘wag niyo lang pagbuhatan ng kamay ang  mga anak ko.”
Mas okey ba sa kanya na si Inah hang magpakilala kay Jake o ‘yung mag-effort si Jake na magkusang magpakilala?

“Alam mo, tinanong ko rin sa anak ko ‘yan, bakit kung talagang lalaki ‘yan, bakit hindi nagkukusa ‘yan? Ang sa akin lang, ano ba naman ‘yung “Sir.. ako po ‘yung si Jake. Ako po ‘yung  boyfriend ng anak niyo.” Sa tingin ko, mas maa-appreciate ko ‘yun.”
Anyway, kasama si John Estrada sa pelikulang “Unexpetedly Yours” na showing sa Nov 29 na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Joshua Garcia at Julia Barretto. Napapanood din siya sa Primetime  ng ABS-CBN 2 na “The Good Son” na kung saan ay isa rin siya ang pinagdududahan kung siya ba ang pumatay kay Albert Martinez.
Ayon kay John,  desisyon daw ng management  na hindi ipaalam sa buong cast kung sino ang pumatay hanggang  dumating na ‘yung script sa kanila sa takdang panahon.

~0~

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro