Coco Martin, simple lang birthday wish

Coco Martin

SIMPLE LANG ang birthday wish ni Coco Martin sa kanyang birthday ngayong November 1. Ito ay ang manatili siyang healthy para tumagal pa sa showbiz industry.

Ayon sa aktor na producer, bida at director ng 2017 Metro Manila Film Festival movie na Ang Panday, wala na siyang mahihiling pang material na bagay dahil halos nasa kanya na raw lahat.

“Good health na lang talaga ang wish ko. Sana ay hindi ako magkasakit at patuloy na maging malusog ang katawan,” sambit pa niya.

Grabe ang schedule ni Coco ngayon at halatang wala na halos siyang tulog. Ratsada siya sa post productions ng Ang Panday, sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa bagong Pinoy mobile game app sa Google na si Panday din ang bida.

Gusto ni Coco na ipakilala sa mga millennials si Panday kaya niya dinivelop ang Panday game app sa pakikipag-partnership sa Cosyn Mediatech Inc.

“’Yung mga kabataan kasi ngayon, hindi sila masyadong familiar sa Ang Panday kasi hindi na nila inabutan. Gusto  kong i-introduce sa kanila kung sino siya sa pamamagitan ng game at para maging familiar na rin sila,” pahayag pa ni Coco.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post