DANIEL MATSUNAGA, WALANG TRAUMA SA PAKIKIPAGRELASYON KAY ERICH GONZALES

Daniel Matsunaga

SA HULING INTERBYU namin kay Daniel Matsunaga ang nilinaw niya ang isyu na diumano’y na-trauma siya sa pakikipagrelasyon kay Erich Gonzales kaya gusto niyang gawing pribado ang kanyang love life ngayon with Polish model Karolina Pisarek.

“As much as possible, siyempre gusto ko ring maging private konti ’yung relationship namin, so at least, we have something for the two of us lang and it’s not open to everybody. Sometimes, it’s good to be private konti,” sambit niya.

“Pero hindi naman ako na-traumatize, eh. Hindi ganun,” giiit niya.

“There are lots of judgmental people lang pero there’s nothing you can do, it will happen every time. The maximum I can do is to pray for those people because they don’t really know me naman.

\“Right now I’m very happy sa lahat. Sa lahat ng blessings ko ngayon, sa family ko, sa lovelife ko, happy-happy lang palagi.

“Walang trauma naman, eh. Walang ganu’n. Everything that you have in the past you learned with it. Kahit mali o kahit anong nangyari, you become a better person. That’s how I take it — as an improvement sa sarili mo,” patuloy pang paliwanag ng dating PBB housemate.

Eh, paano ba niya idi-describe ang kanyang love life ngayon?

“It was amazing!” pag-amin niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post