‘DI NA MAPAGPATOL SA MGA ISYU: Cristine Reyes, gusto lang protektahan ang anak

Cristine Reyes

MARAMI RIN ang nakapansin na tila mas bumait ngayon si Cristine Reyes kumpara noong wala pa siyang asawa at anak.

Reaksyon niya, “Well, aminado naman ako na hindi nawala yung pagka-maldita ko. People think na maldita ako but it’s just being transparent which people doesn’t accept it. Gusto nila yung pa-sweet, pa-tweetums which I’m not like that.

“So, I think I’m still the same. It’s just that, ang gusto lang ng mga tao siguro, gusto nila yung pa-sweet. Parang I’m not like that, eh. They find me maldita because of being real,” sabi ni Cristine nang makausap namin sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted na showing on Nov. 1.

Ang napansin lang daw niya sa sarili ay medyo nabawasan yung pagiging straight forward niya.

 “Siguro, ang nabawas yung pagiging straight to the point ko. Minsan, pag meron akong mga issues sa ibang tao, dati talagang…  minsan sa social media ko dinadaan. Pero ngayon, natuto na ako na maging civil na lang. At saka, being a mother, siguro nagiging protective din lang ako sa anak ko,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya ang isyu na she is a “controlling wife” kay  Ali Khatibi

“Not naman controlling. He’s just being ano, nagre-remind lang siya sa akin. Si Ali, very ano siya, eh, cordial, very family man and conservative,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post