“Dream come true to be directed by Chito Rono!” – Matteo Guidicelli

Kim Chiu and Matteo Guidicelli

MAKAILANG beses na pala magkasama  sa mga projects sina Matteo Guidicelli at Kim Chiu.

Ang dalawa kasi ngayon ay magkasama sa “undas” movie na “The Ghost Bride” na magsisimula nang mapanood sa Araw ng Undas or November 1.        
         
“I’ve worked with Kim several times already. It’s nice to work with Kim in a different set, in a different character, in a different persona, kumbaga.  It’s always a great experience working with her,” kuwento ni Matteo tungkol sa kapareha na siyang bidanor iikutan ng istorya tungkol sa isang secret practice ng mga Chinese na ipinapakasal nila ang isang buhay sa patay.
Tradisyon na lihim sa ating mg Pinoy na ngayon lang maisisiwalat via the movie directed by no less than Chito Rono.
First time nakatrabaho ni Matteo si Direk Chito.
“He was my dream director. When this film offered to me, I said yes right away, because of Direk Chito. He’s one of the directors you want to work with
“I was worried many times, about how he was.  But at the end of the day, he’s such an amazing person, a very friendly, very loving and he’s so passionate with his job,” pagkukuwento ni Matteo sa kanyang karanasan sa director niya.
Sa kasalukuyan, busy si Matteo sa pagre-rehearse sa kanyang nalalapit na concert in mid-November.

Matteo Guidicelli

After ng movie niya with Kim, Matteo will be doing “Single Single” na isang mini-serye sa Cinema One Channel na ngayon ay gagawin na for the big screen with no less than Shaina Magdayao ang kanyang makakapareha na ang dalaga din ang kapartner niya sa naturang cable mini-series.

Sa katunayan, si Matteo ay kinasasabikan na ng kanyang mga fans dahil medyo may katagalan na rin naman siya hindi napapanood sa isang teleserye . His last was Liza Soberano and Enrique Gil’s “Dolce Amore”where he played the third wheel sa “love story” nina LizQuen,
Pagbabalita ng binata sa amin na may nilulutong bagong teleserye siya sa Kapamilya Network: “It’s for next year. It’s still a secret,” pambibitin pa niya.
At the moment, busy ang binata sa promotion at kaliwa’t kanang mall shows para sa promo ng pelikula nila ni Kim na sa darating na Wednesday na ang showing.
Sa The Ghost Bride, makakasama nila nina Kim sina Christian Bables, Mon Confiado, Beverly Salviejo, Luz Fernandez, Cacai Bautista at Jerome Ponce.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post