GOODBYE, KISSMARC! Tambalang Kisses Delavin at Marco Gallo, tuluyan nang binuwag ng Dos!

Marco Gallo and Kisses Delavin

IT’S CONFIRMED. Noong umpisa ay haka-haka lang at blind item sa iba’t ibang online portals na diumano’y bubuwagin na ang pausbong pa lang sana na young love team nina Kisses Delavin at Marco Gallo na mas kilala sa kanilang couple tag na “KissMarc” among their fans and supporters.

Sa mga hindi nakakakilala sa dalawang bagets, they started as teen housemates sa Pinoy Big Brother last year. From there, nabigyan sila ng isang season sa Wansapanataym, several TV guestings and nagsilbing support sa tambalang May May Entrata at Edward Barber a.k.a. MayWard through the youth-oriented movie na “Loving in Tandem”.

Si Kisses mismo ang nagkumpirma ng nakakapanghinayang na balita nang pumirma ito sa Star Music.

“”We’re no longer a pair, pero I want to thank everybody who supported us ever since.” sambit ni Kisses.

Kahit pa sabihin na isa sila sa tandems na may strong young fan base, napag-desisyunan diumano ng management na buwagin ang KissMarc dahil sa isang insidente. May point nga rin naman. Paano magwowork ang isang loveteam kung ang dalawang artista ay hindi magkasundo? Imbes na maging awkward at makaapekto sa mga upcoming projects, good riddance na rin siguro ang pagbaklas sa tambalan.

Si Kisses Delavin ay magiging busy sa kanyang first-ever solo music album. Si Marco Gallo naman ay kasama ng MayWard sa ABS-CBN Mobile show na “Squad Goals”. Idedevelop kaya sila na love triangle o hahanapan ng Dos ng bagong ka-loveteam si Marco?

Aabangan namin ang solo career paths nina Marco at Kisses. Kanino kaya mas kakampi ang mga fans nila? Will they still support them individually as artists o may kampihang magaganap?

Related Post