IBA SA MGA ALAGA NI GERMAN MORENO: Ken Chan, dinalaw ang Tatay Germs niya sa sementeryo

KEN CHAN visits Kuya Germs

SA GRAND PRESSCON ng siksik sa kilig movie ni Ken Chan with Barbie Forteza na “This Time I’ll Be Sweeter” na produced ng Regal Multi-Media, Inc na sister company ng Regal Films, ipinahayag ng young actor na until now ay hindi niya matanggap na wala ang Tatay German Moreno niya na siyang tatay-tatayan ni Ken nang mag-showbiz siya.

Yesterday, All Soul’s Day (November 2) ay hindi nakaligtaan ni Ken na dumalaw sa puntod ng kanyang “Tatay Germs” sa Loyola Memorial Park sa Marikina para bigyan alaala ang itininuturing niyang Tatay at adviser sa showbiz.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ken ng picture niya katabi ng puntod ng Tatay Germs niya with matching caption na: “Namiss kita Master Showman. Kung nasan ka man ngayon ‘Tay alam kong masaya ka
“Lagi ka pa din nandyan sa tabi ko… lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita,” mensahe ng binata sa kanyang IG.
Touching para sa amin na nag-effort si Ken para magtulos ng kandila at magdala ng bulaklak.
Yong iba na mga talents ni Germs, nasaan na kaya sila? Dinalaw din kaya ni Jake Vargas ang “Master Showman” sa puntod niya?
Pumanaw si Kuya Germs sa edad na 82 noong January 8, 2016
Sa November 8 na ipaplabas ang pelikula ng KenBie nsa mga sinehan nationwide.
           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post