JAKE VARGAS, WALANG KUSA NA MAGPAKILALA KAY JOHN ESTRADA

Jake Vargas and Inah De Belen

INURIRAT si  John Estrada kung nagkita na ba sila ni Jake Vargas, boyfriend ng anak niyang si Inah  De Belen.

“Hindi pa!
“Well, palagi kong tinatanong sa anak ko ‘yan. ‘O, lahat ng tao alam na boyfriend mo ‘yan Jake na ‘yan puwera ‘yung tatay mo”
“So sabi ko, kailan ba talaga? “Dad, malapit na,”
“Kailan ba talaga?  “Eh, kasi Dad nakakatakot ka,e!” Eh sabi ko, kung  wala naman kayong ginagawang masama lalo na ‘yang si Jake, ba’t naman matatakot? “Actually, Dad, hindi naman siya natatakot. Willing naman siya kaya lang ako lang,” sabi ng anak ko. Parang natatakot siya para kay Jake. So, sabi ko, hindi naman puwede Inah na hindi mo ipakilala sa akin yan dahil  parang hindi naman maganda para sa side mo rin. Wala namang problema, bakit hindi mo ipinapakilala sa tatay mo, di ba? Hindi naman mamamatay tao ‘yang tatay mo, di ba?
“Sana… soon..makilala ko na,”  bulalas ni John.
Aminado naman si John na kilala niya si Jake bilang isang artista.
Pag nagkita sila ni Jake, ano ang sasabihin niya?
“Tumayo ka,” tugon ni John sabay tawa.
“Okey naman, mas matangkad daw siya sa anak ko,eh,”  hirit pa ni John.
Boto ba siya kay Jake?

“Ako, basta mahalin mo lang nang husto ang anak ko. Huwag mo lang saktan dahil sasaktan kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko physically, pagbuhatan ng kamay. Kaya nga ‘yung speech ko na kung sino man ang mauna sa mga anak ko na  mag-asawa, huwag  naman muna.. Pero si Inah kasi she’s of  age already, puwede na pero sa mga panahong ito, late na nagsisipag-asawa, mga 30.
“’Yung speech ko sa mga anak  ko nu’ng wedding ko, lalo na sa mga babae kong anak, ‘wag niyo lang pagbuhatan ng kamay ang  mga anak ko.”
Mas okey ba sa kanya na si Inah hang magpakilala kay Jake o ‘yung mag-effort si Jake na magkusang magpakilala?

“Alam mo, tinanong ko rin sa anak ko ‘yan, bakit kung talagang lalaki ‘yan, bakit hindi nagkukusa ‘yan? Ang sa akin lang, ano ba naman ‘yung “Sir.. ako po ‘yung si Jake. Ako po ‘yung  boyfriend ng anak niyo.” Sa tingin ko, mas maa-appreciate ko ‘yun.”
Anyway, kasama si John Estrada sa pelikulang “Unexpetedly Yours” na showing sa Nov 29 na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Joshua Garcia at Julia Barretto. Napapanood din siya sa Primetime  ng ABS-CBN 2 na “The Good Son” na kung saan ay isa rin siya ang pinagdududahan kung siya ba ang pumatay kay Albert Martinez.
Ayon kay John,  desisyon daw ng management  na hindi ipaalam sa buong cast kung sino ang pumatay hanggang  dumating na ‘yung script sa kanila sa takdang panahon.

~0~

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro