JANELLA SALVADOR vs. JANE OINEZA: Who Will Be Regal’s Christmas Princess?

Janella Salvador and Jane Oineza

NALALAPIT NA ang big reveal ng final four films na makakapasok sa highly controversial but anticipated ng masa na Metro Manila Film Festival. Una nang binigyan ng slots ang apat na sure box-office attractions tuwing December na sina Vice Ganda (The Revenger Squad), Vic Sotto (Meant to Be), Coco Martin (Ang Panday) at Jennylyn Mercado (All of You).

The truth is there are more Filipino films vying for the four remaining slots at naku ha, ang hirap mamili dahil maliban sa promising ang mga summaries at bidang artista, iba-iba rin sila ng genre. In short, there’s a film for every type of moviegoer.

Ang dalawa sa mga pelikulang may chance na makasali sa MMFF 2017 ay ang romance-fantasy na “My Fairytail Love Story” ni Janella Salvador at ang horror-thriller film na “Haunted Mansion” with Jane Oineza as the lead actress.

Parehong produced ng Regal Films ni Mother Lily and dalawang projects na ito na kung trailer ang pagbabasehan ay interesting at may wow factor.

Janella Salvador as a mermaid in My Fairytail Love Story

Sa My Fairytail Love Story  ay kasali sa cast ang onscreen partner ni Janella na si Elmo Magalona. Huling nagsama ang dalawa sa horror-themed barkada film na “Bloody Crayons” at napatunayan na rin na malakas ang fanbase ng dalawa lalo na sa mga bagets. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakakita na mala-fairytale pinoy film. Sa pelikulang ito, may fairytale ka na, may fairytail ka pa! He-he-he!

Haunted Forest Cast: Jameson Blake, Jane Oineza, Maris Racal and Jon Lucas

Sa Haunted Mansion naman ay masasabi natin na ito ang biggest break ni Jane Oineza. Aminin natin – nabuburo ang beauty ni Jane sa ABS-CBN at ramdam namin ang pagkasabik ng fans na muli siyang mapanood. Ang bonus pa rito ay first time nilang magtatambal ng isa pang promising at in demand talent ng Dos na si Jameson Blake. As early as now ay may clamour na ang ‘JaneSon’ tandem. Ka-join this sa pelikula sina Maris Racal at Jon Lucas at may mga faney na rin ang JonRis partnership. Bongga!

Sino kaya kina Janella Salvador at Jane Oineza ang tatawagin na Regal’s Christmas Princess for 2017? Pwede rin naman na both, ‘di ba? May the best princess win!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post