KABOGERA: Gabbi Garcia releases first single “All I Need”

Gabbi Garcia

ISA SI GABBI GARCIA sa mga Kapuso artists na ginu-groom ng network to be one of their most important stars. After her breakthrough role as Alena in Encantadia last year, nalinya ang dalaga sa pagpopose sa iba’t ibang glossy magazines. Hindi na kami nagtataka kung bakit ito laging pinipili among her contemporaries dahil maliban sa maganda at sexy, she is also a talented one lalo na pagdating sa pagkanta.

Sa totoo lang, hindi ko maipagtanto kung bakit hindi ang singing career niya ang unang pinush ng GMA-7. Lagi naman nila itong pinapakanta at kasama pa nga siya sa Sunday PinaSaya. Hindi na siguro nakapaghintay ang dalaga kaya she decided to collaborate with Christian Bautista in writing the song “All I Need”.

Kani-kanina lang ay inilabas na sa Myx ang official music video ng “All I Need” na kinunan pa sa Hong Kong. Ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos ang direktor na ito at in fairness, maganda ang naging output! Kung pagbabasehan ang lyrics ng kanta, it seems that Gabbi is saying na she doesn’t need to depend on anyone and she can do it on her own. Well… she did. Naka-break away na rin siya sa dating ka-loveteam na si Ruru Madrid, who is also now growing as an actor.

Hindi si Gabbi ang kauna-unahang ‘sanggre’ na nag-release ng kanyang sariling music. Nauna na rito si Glaiza de Castro na a few weeks ago ay nagkaroon ng successful concert sa Music Museum. With Gabbi’s good social media marketing, sure na sure ako na may mararating ang kanyang music career. Sana kung magpo-produce man ito ng full album ay maglagay din siya ng tagalog songs para naman ma-capture din niya ang masang Pinoy. Ito ang napansin ko na naging problema ni Julie Anne San Jose when she released her own material years ago. 

To Gabbi Garcia: Congrats and Keep it up! ‘Till next song!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club