Kris Aquino ‘nice in person’ pa rin kahit ni-lecturan na ni Mocha Uson

Kris Aquino and Mocha Uson

ANG GANDA ng reaksyon ni Kris Aquino sa post ni Mocha Uson kahit pa medyo pinangangaralan siya nito tungkol sa pakikipagrelasyon. Walang violent reactions or whatever si Kris.

Post ni Mocha sa kanyang blog, “I have nothing against Kris as long as she won’t run for public office.  She is nice in person but another Aquino in government is just going back to your unfaithful bf again and again.

“Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, PNoy and Bam). Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash.”

Patuloy pa niya, “Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO.  ’Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usap na ’yun.”

Post naman ni Kris, magkape na lang daw sila at huwag na siyang lecture-ran.

“P.S. Kaya please ’wag nang mag-lecture about an “unfaithful boyfriend?”  Honestly,  summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over  an EX. Having said that, may I invite the blog post author to a Nepresso?

“Coffee naman tayo ’pag may time? After all  i’m nice in person.”

Wala pa ulit kaming nababasa kung tinanggap ni Mocha ang imbitasyon ni Kris for a coffee date.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post