Labi ni Isabel Granada, darating na bukas mula Qatar (includes public viewing schedule)

Isabel Granada

MADAMI TALAGA ang nagmamahal kay Isabel Granada.

Isa kasi siya sa mga showbiz personalities natin na walang kaarte-arte at never ko naringgan ng negative feedbacks mula sa mga kapwa artista at sa publiko.     
Lovable si Isa with her smile na kapag nakakasalubong mo siya anywhere ay bebeso siya at babatiin ka.
Mana yata siya sa inang si Mommy Guapa na bukod sa pagiging tsikadora sa kanyang sali-saliwang pananagalog  with her Spanish accent, kasabay mo si Mommy sa halakhakan.
Nakakalungkot ang nangyari kay Isa but life must go on. Nakakaawa si Mommy Guapa lalo pa’t sa pagkakaalam ko, si Isa lang ang kanyang nagi-isang anak.
Mamaya (Wednesday) ang alis sa Doha, Qatar ng labi ni Isa para iuwi sa Manila. Yesterday (Tuesday) ay nagkaroon ng service for Isa ang mga fans at mga kababayaan ng aktres sa huling pagkakataon.
Bukas, Thursday ang dating ng remains ng singer-actress.
Sa mga tagahanga, kaibigan at sa publiko na makikiramay, narito ang official schedule para sa wake for Isabel Granda sa Santuario de San Jose sa may Greenhills.
           
November 9 (Thursday)
– Arrival of Isabel’s Body
– Private Visit and Viewing for Family, Relatives and Close Friends Only

November 10 (Friday)
– Public Viewing 10AM-5PM Only
– Private visit and viewing for Family & Close Friends as much as possible up to 12MN Only
– 6PM Mass c/o AIT and “That’s Entertainment”
November 11 (Saturday)

– Public Viewing 10AM-5PM Only
– Private visit and viewing for Family & Close Friends as much as possible up to 12MN Only
– Eulogy at 7PM
November 12 (Sunday)
– 11:30AM Transfer to Arlington
– 1:00PM Final Mass
– 2:00PM Cremation
– 4:00PM Transfer Back to Santuario
Ang labi ni Isa  will be cremated tulad ng hiling niya noong nabubuhay pa ito.
Paalala lang sa publiko na dadalaw at makikiramay na paki-follow lang ang schedule at oras ng public viewing.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post