MANINIWALA KA BA?: Donny Pangilinan, member ng ‘NGSB’

Donny Pangilinan

SA GUWAPO ni Donny Pangilinan, maniniwala ka ba na kasama siya sa mga NGSB na mas kilala sa tawag na “No Girlfriend Since Birth”?

Timing ang pag-channel surfing namin the other night nang mapanood namin ang binata nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na guest ni Kuya Boy sa kanyang show at ka-one on one.
Smart si Donny. Just like his mom and dad, keri ng binata sagutin ang taong with ease.
Hindi nagba-buckle. Smart at straight forward na hindi showbiz huh!
Nang tanungin kung nanliligaw siya sa kapatid ni Julia Barretto na si Claudia, diretsahan ang sagot ni Donny na raw at pure na walang halong showbiz.
 “We grew up together. She’s like really someone I’m comfortable with. There’s no malice talaga, hanggang friend lang talaga. Our families are really close to each other. We were neighbors,” pagkukuwento ng binata.
Maging ang non-showbiz boyfie ni Claudia ay kaibigan din ni Donny. “Yes. We’re just really close.” In short, walang intriga.
Sa nightly show ni Kuya Boy, inamin ni Donny na kasama siya sa NBSB gang.
Never pa daw siya nanligaw. “I wouldn’t say ligaw, there are girls I liked. Not naman pursued . Maybe the idea was there, but it didn’t end up happening,” sabi ng binata.
I wonder kung ilang taon na si Donny?

Donny Pangilinan

Eldest son kaya siya nina Maricel at Anthony? I remember her mom noong dalaga pa ito during an out of town shoot with Richard Gomez noon with Goma’s manager Douglas Quijano in a so far Ursula Island in a mining town called Bataraza in Southern Palawan. Naka-jamming siya ng mga entertainment writers na kasama sa out of town trip na habang hinahampas kami ng malakas na alon habang nagsu-swimming ay super talk on the Lord si Maricel sa amin na nagkakatingin na lang kami nina Ogie Diaz, Glenn Regondola and Pilar Mateo.
Si Donny ay isa sa mga VJ ng MYX Music Channel ng ABS-CBN.

Reyted K
By RK Villacorta