Paolo Ballesteros, ayaw makumpara sa TVJ at kay BB Gandanghari

Paolo Ballesteros

KAHIT IBINIBIGAY ng komedyanteng si Joey de Leon sa mga Eat Bulaga Lolas na sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo ang titulo na bagong Tito, Vic and Joey ay tumatanggi ang tatlo.

“Walang pwede pumalit sa kanilang tatlo, Sila ang original at nag-iisa lang sila,” sabi ni Paolo sa recent grand presscon ng pelikula nila ng mga lolas na “Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies” na palabas na simula sa Wednesday, November 22 at mamaya naman ang red carpet premiere na gagawin sa SM Megamall Cinema 7.

Paliwanag ng aktor na si Paolo: “Sila ’yun. Kumbaga, may kanya-kanya kaming atake. Siguro kasi, tatlo kami pero sila pa rin ’yun at hindi namin mapapalitan ’yun.”

At sa pagiging bading palagi niya sa mga television shows at sa pelikula: “Okay lang din naman sa akin kung habambuhay na akong magiging beki, ’di ba?

“Pero ayaw ni Paolo na ipagkumpara sila ni BB Gandanghari.

May kanya-kanya silang style. My kanya-kanyang atake at interpretation sa mga work nila.

Para kay Lola Tidora, ang karakter ni Paolo as one of the lolas: “For me naman, wala namang competition. I never really look at anything as a competition unless it’s really a competition. Sa kanya naman ’yun, eh.

THE LOLAS: Tinidora (Jose Manalo), Tidora (Paolo Ballesteros) and Nidora (Wally Bayola)

“Kung doon siya masaya at pinili niyang maging… I don’t think naman na nag-out siya or nilabas niya ’yung totoong sarili niya para magkaroon ng maraming offers and para magkaroon ng trabaho. I think it’s more of sa nararamdaman niya, eh. Dito ako sasaya, eh, kailangan kong ilabas. So, that in itself, I’m happy for him, for her,” sabi ni Paolo.

But as an actor, pangarap din ni Paolo na mag-portray ng ibang role at hindi lang as a beki.

“I hope mayroong offer sana very soon,” sabi niya.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post