PARA SA MGA BASHERS NA MINAMALIIT SIYA: ROCCO NACINO GRADUATED HIS MASTERS IN NURSING WITH HONORS

Rocco Nacino

NAKAKATUWA ISIPIN na sa kabila ng kabisihan ni Rocco Nacino sa showbiz ay nagawa pa niya maglaan ng panahon para matapos ang kanyang pag-aaral ng Master of Arts in Nursing with honors last Friday, November 24.

Yes, masaya ang aktor sa natamong edukasyon bilang isang cum laude pa man din sa St. Bernadette of Lourdes College.

Ang priority ni Rocco ay mapasaya ang mga parents niya na proud na proud sa kanilang anak na ang sabi nga niya: “Nothing is sweeter than to see the smiles on my parents’ faces.”

Rocco Nacino at his graduation

Happy si Rocco dahil sa kabila ng hirap na pagsabayin ang trabaho bilang isang artista at paga-aral ay nairaos din niya which is not just an ordinary effort kundi super effort na he defended his thesis at naipasa ito.

Isinulat ni Rocco sa kanyang social media account: “This one’s for you mom and dad! It’s a diffe­rent sense of fulfillment when it comes to pursuing education.

Rocco Nacino with his parents

Sa kanyang post ay sinulat pa ni Rocco: I did it! I am now Enrico Raphael Quiogue Nacino, R.N.M.A.N. (Registered Nurse, Master­ of Arts in Nursing). To God be the Glory!”

Dagdag pa niya na: “Graduations are for parents, it’s our best way of showing them our grati­tude and love by valuing education which will be with us forever.”

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post