Pelikulang gagawin dapat nina Xian Lim at Direk Maryo, napurnada

Xian Lim

NGAYONG PUMANAW na si Direk Maryo J. delos Reyes, paano na kaya ang mga naka-pending na mga projects niya?

Sa pagkakaalam ko ay personal choice pa naman ni Direk Maryo J si Xian Lim for a Viva Films project na nakatakdang gagawin ng namayapang direktor this year.

Recently, si Xian ay lumipat sa management ng Viva Artists Agency from Star Magic na naglikha pa ng usap-uspan na Xian was not treated fairly sa dating management company niya at pinababayaan ang career niya.

A very reliable source told us na isa sa ikinadismaya ng binata ay ang walang malinaw na plano ang Kapamilya network sa career niya.

Sa paglipat niya sa Viva, pagkatapos niyang pumirma ng kontrata ay isinalang na kaagad siya sa pelikula ni Sarah Geronimo na Miss Granny na isa sa James Reid ang original cast sa Pinoy version ng sikat na Korean movie.

Xian Lim with Nathalie Hart

Sa paglisan  ni Xian sa dating kuwadra ay may new imaging ito as a sexy at katakam-takam na hunk via the sexy film “Sin Island” na mapapanood na sa February 14 mula sa Star Cinema.

With his latest film, isang hot Xian ang masasaksihan ng manonood. Mga eksena na hindi pangkaraniwang nakikita o napapanood ng mga fans niya.

With hot bed scenes kina Coleen Garcia and Nathalie Hart, maiingit ka dahil palaban din pala ang goody-goody image ng binata sa romansahan at halikan!

           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post