Pilipinas bidang-bida, spotlight country sa cannes!

Tuluy-tuloy ang pagsuporta ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para i-promote ang Philippine Cinema. Pinangunahan ng FDCP ang Filipino delegations sa Cannes International Film Festival at Cannes Film Market (Marche Du Film) na nagsimula noong May 8 na tatagal hanggang May 19, 2018 sa France.