SPOTTED SA BIRTHDAY NG DATING MANAGER: Maricel Soriano, happy at magbabalik-showbiz na!

Janella Salvador, Direk Manny Valera and Maricel Soriano

IILAN LANG kami na mga taga-media ang imbitado sa 60th birthday celebration ng film director, supervising producer and talent manager na si Manny Valera na kilala din sa tawag na DMV (Direk Manny Valera) last Saturday, October 28 (sa araw  mismo ng kanyang birthday) sa isang fabulous restaurant sa may bandang Scout Area malapit sa Tomas Morato Ave. Bongga ang line-up of guest.

Mga film directors like Perci Intalan, Mac Alnjandre, Joel Lamangan, etc. at syempre, hindi mawawala sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde of Regal Films sa mga listahan ng guests.

Mother Lily and Direk Manny Valera

Sorpresa sa amin noong gabing yun ang pagdalo ng dating talent na mina-manage ni DMV na si Maricel Soriano na very fresh ang face (maganda siya that evening )at happy na happy sa kanyang estado.

DMV with Direk Mel Chionglo,Mel & Mikee Martinez (brother of Marya), Marya, Malou Santos & Malou Fagar

Sa isang eksena, katsika ni Marya si Ms. Malou Santos ng Kapamilya Network (ABS-CBN and Star Cinema) na balita namin na sa pagbabalik aktibo ng aktres muli sa showbiz ay gagawa siya ng pelikula for Star Cinema at isang regular TV show na tama ba ang nasagap namin ay makakasama niya sa TV project si Vice Ganda?
Sa birthday dinner-party ni DMV, for the first time ay may kuha na picture kina Marya, DMV at sa bagong “baby” ni DMV na si Janella Salvador.
Check-out some of the guests at the party captured in photos.
 

Meryl Soriano

Nap Gutierrez and Ms. Cory Vidanes of Kapamilya Network

Director Enzo Williams

Former singer turned medical doctor Josh Santana

Happy Birthday kapatid na Manny V.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post