“FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin, patuloy na maghahari hanggang 2018

Pangako ni Coco Martin na mas pagagandahin pa nila “FPJ’s Ang Probinsiyano”, gayon din ang patuloy na pagbibigay ng trabaho sa mga artistang nangangailangan ng tulong para makabalik sa showbiz.

ISANG malaking tagumpay na ang maituturing dahil patuloy na maghahari sa primetime ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Primetime King Coco Martin hanggang 2018. Base na rin ito sa kumpirmasyon ng ABS-CBN management.

Dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtangkilik ng mga manonood, tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni ‘Cardo Dalisay’ ang tungkol sa pag-e-extend ng show na napabalitang magtatapos na ngayong Mayo 26, 2017 at papalitan ng “La Luna Sangre” na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang extension ng teleserye ay pormal na inihayag ni ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes sa isang party para sa cast ng teleserye. Naroon din sa naturang party ang presidente at CEO ng Kapamilya Network na si Carlo Katigbak.

Malaki naman ang pasasalamat ni Coco dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga tagasuporta niya sa nasabing programa.

Pangako pa ng aktor na mas pagagandahin pa umano nila “FPJ’s Ang Probinsiyano”,  gayon din ang patuloy na pagbibigay ng trabaho sa mga artistang nangangailangan ng tulong para makabalik sa industriyang ito. ‘Yun nah! 

Janella Salvador, ipa-partner kay Joshua Garcia kahit may Elmo Magalona na

AYON kay Janella Salvador, matutuloy na rin finally ang pagsasama nila ni Joshua Garcia sa teleserye ng ABS-CBN na “Kung Kailangan Mo Ako”.

Janella Salvador and Joshua Garcia

“I’m excited to work with Joshua, kasi nga ang dami niyang good reviews na nakukuha. And he seems like a nice guy naman. So, excited ako na ka-work siya.

“Actually, he was supposed to be part of ‘Born For You’. He was supposed to be the third wheel, but he had to work for ‘The Greatest Love’ kaya hindi natuloy,” kuwento ng dalaga.

Kasama ni Janella sa “Kung Kailangan Mo Ako” ang ka-love team na si Elmo Magalona. Nasa cast din si Joshua noon sa “Bloody Crayons”, pero nang magpalit ng cast ay hindi na siya na-retain.

Hindi naman maiwasang pagkumparahin sina Joshua at Elmo, lalo na kapag pag-arte na ang pag-uusapan. Ano kaya ang reaksyon dito ni Janella?

“Hindi talaga maiiwasan ‘yon. I’m sure naman God has a plan kung ano man ‘yung mag-workout. I’m gonna be happy naman whatever happens, kasi sobrang ganda nu’ng project na ibinigay and we’re just all gonna do our best.

“Si Elmo, talagang tina-try rin naman niyang gawin ‘yung best niya. Aware naman siya sa sinasabi ng iba about him. Tapos he’s really working hard now. Gusto niyang mag-improve talaga,” katuwiran pa niya.

Vice Ganda, ma-drama ang seryosong performance sa Lenten special ng “It’s Showtime”

TUWING Holy Week, may paaandar na kakaiba ang mga noontime show tulad ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime”.

Vice Ganda

Ang “Eat Bulaga”, simula pa lang ng Holy Monday ay may drama special na pansamantalang pamalit sa regular na kasiyahan tuwing tanghali.

Gayon din ang noontime show ng Kapamilya Network na kaninang tanghali (Martes Santo) ay bida si Anne Curtis sa kanyang sariling episode.

Bukas ng tanghali, Holy Wednesday ay mapanonood naman si Vice Ganda sa Lenten Special ng “It’s Showtime”, kung saan ma-drama rin ang gagawing seryosong performance ni Vice sa sariling episode na pinamagatang “Ang Pagbitaw”.

Sa kanyang episode, makasasama ng komedyante sina Vangie Labalan, Mitch Valdez, at Luz Fernandez sa direksyon ni Nick Olanka.

Noong Saturday evening bago siya tumuloy sa kanyang pa-birthday party sa mga showbiz friend niya sa isang hotel sa Ortigas, namamalat siya at pagod nang makausap namin personally nang mag-guest sa show ni Michael Pangilinan sa Music Museum.

Vice Ganda with Ai Ai delas Alas

Vice Ganda with Maricel Soriano

Vice Ganda with Daniel Matsunaga and entertainment writer Francis Simeon

Vice Ganda with Zanjoe Marudo

Ogie Diaz and Angel Locsin

Sa party niya, bongga ang mga bisita ni Vice. Si Ai Ai delas Alas, present at nakisaya si Mighty Yaya na bagong karakter ng komedyante sa pelikula niya sa Regal Films come May 10. Nandoon din ang idol ni VG na si Maricel Soriano, si Angel Locsin, ang engaged na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, Kiray Celis at ang boyfie niyang modelo, si Daniel Matsunaga, Ogie Diaz, Zanjoe Marudo, at marami pang iba.

Vice Ganda, hindi nagawang kabugin ni Kris Aquino

IKAW na Vice Ganda! Tama na tawagin ka pa ring “Unkabogable Box-Office Superstar” dahil ratsada sa TV ratings ang “Gandang Gabi Vice” episode mo last Sunday (April 9).

Vice Ganda in “Gandang Gabi Vice”

Vice Ganda with “Gandang Gabi Vice” guests Noven Belleza, Sam Mangubat, and Froilan Canlas (Tawag ng Tanghalan winners)

Akala ng marami, kakabugin ka ni Kris Aquino sa pagbabalik-telebisyon niya via her one night only TV special na ipinalabas sa GMA Kapuso Network na “Trip ni Kris” na napanood ng sambayanan after ng magazine show ni Jessica Soho noong Linggo.

Waging-wagi pa rin sa Araw ng Kagitingan at Linggo ng Palaspas ang komedyante pagdating sa rating.

Based sa ratings game last Sunday vs. “Trip ni Kris” show ni Tetay ay winner ka, ‘teh, at ang layo ng agwat ng dalawang show ninyo sa isa’t isa.

Sa mga IG, Facebook, & Twitter followers ko, please find below results from Kantar Media at AGB Nielsen:

Ang resulta ng Kantar Media noong April 9, Sunday, GGV (Gandang Gabi Vice) Vs. S

NBO (Trip ni Kris): National 19.3% v 4.7%, Urban 17.1% v 6.1%, Rural 9.1% v 3.1%, Mega 18.9% v 8.4%, Metro 22.7% v 7.6%

Ang AGB Nielsen naman sa kanilang resulta sa GGV vs. Trip ni Kris ay 4.2% vs. 3.7%.

Good news to last Monday. Magandang pa-birthday gift na rin ito sa iyo last Saturday, kung saan you turned 41 years old na rumaratsada pa rin with your ingenuity at pagpa-package sa sarili.

Congrats! Ikaw na nga talaga at wala nang iba pa!

Judy Ann Santos, balik-telebisyon sa bagong season ng “Bet On Your Baby”

BALIK-TELEBISYON ang actress na si Judy Ann Santos matapos ang mahigit isang taong pamamahinga dahil sa kanyang panganganak.

Judy Ann Santos

Muling magbabalik sa telebisyon ang tinaguriang Young Superstar na si Judy Ann Santos upang ipagpatuloy ang pagho-host sa ikatlong season ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN.

Napilitang magpahinga ni Juday dahil sa pagsilang sa kanyang bunsong anak na si Luna, kasabay ng pagkabinbin sa mga proyektong nakatakda niyang gawin tulad ng teleseryeng “Someone To Watch Over Me” kasama si Richard Yap. 

Sa isang panayam kay Juday kamakailan, excited na raw siya sa kanyang TV comeback, lalo’t malapit sa puso niya ang naturang show.

“Finally, I’m back to work again. Sobrang thakful ako sa lahat, and beside, sa ganitong show lang naman ako puwedeng i-glam. Napahinga ako for more than a year, so I’m so happy,” sabi ni Juday.

I’m sure matutuwa ang mga tao, lalo na ang mga bata ‘pag nakita nila muli at napanood ang aming show,” sey pa niya. 

May bago bang aabangan o bagong segment sa show?

“Alam ko meron at mas pagagandahin pa namin ito para sa mga tumangkilik ng aming show before,” tugon ni Judy Ann. 

Erika Mae Salas, Sarah Ortega, at Rayantha Leigh, nagpakitang-gilas sa concert ni Gerald Santos

NAGSAMA sa isang production number sina Erika Mae Salas, Sarah Ortega, at Rayantha Leigh sa concert ni Gerald Santos entitled “Something New in My Life” noong Linggo, April 9, sa SM Skydome .

Erika Mae Salas, Sarah Ortega, and Rayantha Leigh

Isang malaking production number ang ginawa ng tatlong bagets para sa nasabing concert na napanood ng kani-kaniyang supporters. 

Bungad ni Teen Pop Doll na si Erika Mae, “Isa pong malaking achievement ito na nakasama ako sa concert na ito”. 

Kamakailan lang, nakatanggap ng award si Erika Mae bilang Outstanding New Talent in Entertainment in Global Pinoy Web Radio Awards 2017. Pero bago pa man niya natanggap ang award na iyon, nauna na niyang natanggap ang Dangal ng Bayan Most Outstanding Teen Pop Artists sa 35th Seal of Excellence Consumers Quality Award, sinundan naman ito ng World Excellence Japan-Philippines Award – Young Achievers 2017 bilang Most Outstanding Teen Pop Artist. 

Masayang-masaya si Erika para sa takbo ng karir niya dahil sa dami na rin ng oppurtunities na natanggap niya. 

Hindi naman patatalbog sa achievement ang The Millenials Class Empress na si Sarah. Nakatanggap na rin siya ng awards bilang Most Outstanding Teen Pop Artist, Outstanding New Talent in Entertainment in Global Pinoy Web Radio Awards.

Kamakailan, umani naman ng likes, shares, at magandang feedback ang kanyang single na “Unchanging Heart” sa YouTube. Dahil dito, mas lalo siyang na-inspire na magsikap at tumutok sa kanyang craft para makamit niya ang munting pangarap. 

Si Rayantha naman ay tinatapos na ang kanyang debut album. Very soon ay lalabas na rin ang self-titled debut album.

“Ang album ko po ay mixed genres, may disco, ballad, pop-rock. Pero mas comfortable po ako sa pop-rock,” pagbibida ni Rayantha.

Dugtong pa niya, “Bale one song na lang po ang kulang, ‘yun pong ‘Laging Ikaw’ ni Sir Kedy Sanchez at mabubuo na ang album. Actually, ang carrier single niya, either ‘yung ‘Tuksuhan’ or ‘Nahuhulog’, we can’t decide pa po. Iyong ‘Tuksuhan’ ay revival po iyon, dating song ito ni Lindsay Custodio. Pero nilagyan ng bagong timpla po ito, hindi na siya disco, bale ginawa na pong pop-rock at makabagong tugtog na pang-teens.”

Si Rayantha Leigh ay mapanonood din sa mall show sa Robinson’s Antipolo sa May 19 at sa Mangatarem sa Pangasinan sa May 27. 

Sina Erika Mae Salas (Teen Pop Idol), Sarah Ortega (The Millenials Class Empress), at Rayantha Leigh (The Music Darling) ay kapwa Erase teen ambassadors. Sila ang bagong mamahalin at iidolohin ng bagong henerasyon. Pak! 

Janella Salvador, super kayod sa dalawang pelikula at bagong teleserye

SUPER sipag ni Janella Salvador. Two movies ang sabay niyang ginagawa and a new teleserye sa Kapamilya Network, sobrang effort na nga ito para sa dalaga and not to forget ang ibang mga trabaho niya like personal appearances and shows at TV commercial shoots.

Janella Salvador

Today, Tuesday ay naka-schedule siya for shooting ng suspense movie nila ni Elmo Magalona na “Bloody Crayons” under Topel Lee na kilala sa mga pelikulang horror-suspense.

At yesterday’s (Monday) merienda-chikahan with Janella before she leaves for the USA on Thursday, ang daming kuwento ng dalaga na naka-eight shooting days na pala siya for “Bloody Crayons” at ang tuhog shoot nila ni Elmo for “My Fairy Tail Love Story” under the direction of Jun Lana for Regal Films. Na on the same day from her shoot sa Zambales ay diretso sila sa Anilao, Batangas.

For the new “sirena” movie ng dalaga, baliktad daw ang kuwento ng mala-Dyesebel karakter niya dahil she plays the maarte karakter sa movie na magiging “sirena”.

Naka-four shooting days na sila sa Zambales and two more in Anilao para matapos ang underwater shoot nila. Ang next location na nila ay ang Manila.

Throwback lang. Noong fifth birthday party pala niya was themed “Little Mermaid”. Kwento niya sa amin, “It’s a dream role for me.”

She shared na takot pala siya sa tubig. “I don’t know how to swim kasi,” sabi ng dalaga.

Pero nag-undergo na siya ng training para sa scuba diving for the film so she’ll learn kung paano maging underwater na kahit hinahabol ang breath niya ay pretty pa rin siya.

Nag-practice na rin siya for the mermaid swim na suot ang kanyang mermaid tail.

“Medyo mabigat. But under water it’s lighter. It’s easy to swim,” sabi ng dalaga.

At the tsikahan, Janella was scared when her manager Direk Manny V. Valera made kuwento his paranormal experience sa location ng “Bloody Crayons” sa 2nd floor ng old house sa Sampaloc, Manila na may nakita itong black shadows, kung saan kinilabutan at natakot ang dalaga.

We’ve learn sa private tsikahan na namin after the formal pocket interview na matatakutin pala siya, but loves watching horror movies like “Conjuring 2” na after watching the film kahit mag-CR siya, dapat may kasama ang dalaga.

We laughed sa itsura ni Vanak (the evil nun character in the movie) and compared our horror movies experiences.

On Thursdsy, she leaves for the USA for a show in Florida (she’s visiting Disney World for the first time) and in San Francisco.

In SFO after her show, she shared na may fans and supporters siya na magtu-tour sa kanya sa Napa Valley (I told her to go outlet shopping) at sa mga San Francisco tourist destinations.

She’ll be back on the 18th to continue her shoot and taping for the two movies and a new teleserye for ABS-CBN.

Kathryn Bernardo, nag-react sa pagkakasama ng pangalan sa mga pinagpipiliang mag-Darna

ANG ganda ni Kathryn Bernardo nang humarap siya sa media last week para sa presscon ng pelikula nila ni Daniel Padilla na “Can’t Help Falling In Love” na palabas na sa April 15.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla during the presscon of “Can’t Help Falling In Love”

Halos kasabay namin si Kathryn na dumating. Bumeso. At short tsika bago sila tumuloy ni Mommy Min sa waiting area ng venue. Ang cute ng suot na palda ng dalaga na parang balahibo ng ng gansa (goose).

Tanned na tanned si Kath na kagagaling lang sa Lagen Island sa El Nido, Palawan to celebrate her 21st birthday with no less than “boyfie” Daniel and some non-showbiz friends except Khalil Ramos na friend ng dalaga since nang magkasama sila sa isang teleserye noon with Enrique Gil na sa Bhutan pa ang taping.

At 21, mas kampante at chill na si Kath. Wala nang tension. Kaswal na rin na hinahayaan ang kamay ng “boyfie” na pumatong sa tuhod niya.

Sa totoo lang, ang galing na niyang sumagot. Hindi na kailangan ng handler niya na sumangga ng tanong. Kadalasan kasi, silang mga handler ay walang tiwala sa mga alaga nila kung papaano sasagutin ang isang katanungan, na sa galing ng mga alaaga nila ay in-underestimate nila.

Isa sa mga tanong kay Kath ay ang tungkol sa pelikulang “Darna” na nabakante dahil sa health conditions ng original star na si Angel Locsin, na kung sakaling i-offer sa kanya ang role ay papayag ba siya?

“Kung ma-consider ako na makapag-portray noon, thank you. Isang malaking role ‘yon at very iconic si Darna, lalo na sa ating mga Filipina, sa aming mga babae,” pahayag ng dalaga.

Pero may ibang prioridad si Kathryn. “Sa ngayon talaga, ‘La Luna’ (Sangre) pa lang ang focus. Hindi ko alam. Basta, thank you kung maisip nila. I appreciate it,” aniya.

Ang naturang serye ay pagsasamahan nila ng “boyfie” na si Daniel na isang romance-fantasy-action serye na bahagi ng mga naunang serye noon na “Lobo” at “Imortal”.

Sa bagong serye nila ni Daniel, makasasama nila sina Angel at John Lloyd Cruz.

Sabi ni Kath, “Noong nalaman ko ‘yon, sobrang natuwa ako. Kasi parang may blessing nila. Sila ang original talaga. ‘Yung pilot sila ang gagawa.”

Dagdag pa niya, “Alam naman nating hindi na puwede si Ate Angel sa fight scenes, but still gagawin niya ito for ‘La Luna’. Nakatutuwa, kasi kita mo ang suporta ng lahat para sa La Luna Sangre’ kaya grabe ang pasasalamat.”

Nagpapasalamat ang KathNiel sa supporta nina Angel at Lloydie sa pang-apat na teleserye nila sa Kapamilya Network.

But for now, ang pelikula muna nila ni DJ (with Kristel Fulgar, Matteo Guidicelli, and Janus del Prado) ang focus ng oras nila para sa promotion.