PILIT NA INIINTRIGA: Vice Ganda at Coco Martin, friends pa rin!

Coco Martin and Vice Ganda

NAIINTRIGA ang friendship nina Vice Ganda at Coco Martin. Sa darating na Metro Manila Film Festival o MMFF 2017, ang dalawa ay magiging mortal na magkaaway na mag-aagawan kung sino ang tatanghaling Box-Office King pagdating sa unang araw ng film festival sa December 25.

Pareho kasi ang market nina Vice at Coco. Mga bata at pamilya ang target market ng pelikula ng dalawa.

Si Coco, may cult following mula sa sector ng mga bata. Lalo na ang pelikula niya na Ang Panday na dala-dala pa rin ng pelikula ang milyun-milyong Ang Panday followers ni Fernando Poe Jr. na sa mga nakaraang Kapaskuhan noong buhay pa si The King, palaging nangunguna ang fantasy-adventure na istorya ng na sinulat ni Carlo J. Caparas.

Si Vice naman, no doubt na ang klase ng komedya niya ay hindi na kinu-kwestyun para maglagay sa kanya sa estado as “Box-office Superstar”.

Sa pagkakataong ito, ang rivalry ng dalawa ang siyang inaabangan ng manonood ng pelikulang Pinoy sa darating na Kapaskuhan.

Si Vice, may mga millennials na tagasubaybay ng klase ng comedy na hindi mapapantayan.

With Daniel as his co-star and its Pia’s first film na milyun-milyon din ang following, very stiff ang competition.

Si Coco, from his television shows like Juan dela Cruz to Ang Probinsyano at sa tema ng “ Ang Panday” na hindi lang bata ang market, masaya ito – pukpukan sa takilya.

Basta sa mga nagdududa kung kamusta ang ”friendship” nina Vice at Coco, say lang ng komedyante:” Wala kaming isyu. Nasagot ko na rin yan. Nasagot na rin ni Coco ang intriga na yan,” pahayag ni VG.

Yehey! Buhay na naman ang local movies.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

KILIG MCLISSE SA 2018: McCoy de Leon at Elisse Joson, bibida sa isang romcom next year!

McCoy de Leon and Elisse Joson

SURE NA SURE kami na tuwang-tuwa ang mga loyal fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Maliban sa pagkakasali nila sa pinakamalaking action-fantasy movie ng taon na “Ang Panday” with Coco Martin, nakatakda na silang magbida sa sarili nilang pelikula kung saan sila mismo ang ibebentang headliners.

Unstoppable na talaga ang pag-usad ng karera ng dalawang Pinoy Big Brother graduates na ngayo’y isa sa promising loveteams ng bansa. Naramdaman siguro ng mga producers ng bago nilang pelikulla na they can represent the millenial market well at nasusubaybayan na rin siguro nila ang chemistry ng dalawa sa panggabing teleserye na “The Good Son”. Seryoso man ang nasabing palabas, ang kanilang love angle naman ang nagbibigay ng “kilig”.

Pagkatapos ng pagpo-promote ng pelikulang “All of You” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ang launching movie naman ng McLisse as a tandem ang aasikasuhin ng Quantum Films na sa January agad ang shooting. Ang director na si JP Habac na responsable sa Valentine movie nina Paulo Avelino at Maja Salvador last year na “I’m Drunk, I Love You” ang hahawak nito. Ang ibig sabihin ba nito ay ang McLisse movie na rin ang offering ng Quantum Films sa araw ng mga puso next year? 

As of writing ay wala pang binabanggit na tentative title for the project, pero siguradong abangers na ang mga fans!

Related Post

Pelikula ni FPJ na “Ang Panday”, akma na kay Coco Martin ipinamana

Coco Martin

NAGSANIB-PUWERSA ang CCM Film Productions, Star Cinema, at Viva Films sa kauna-unahang pagkakataon para sa isang pambihirang Pamaskong handog para sa buong pamilya sa pagbabalik-pelikula ni Coco Martin sa Ang Panday – ang pinakamalaking action-adventure na pinakahihintay na 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), na mangyayari ngayong December 25.

Under the direction of Coco Martin, na gamit ang tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno, sa kanyang kauna-unahang pagdidirehe at sa orihinal na istoryang kanya ring nilikha kasama si Joel Mercado, ito ang kauna-unahang live-action film adaptation ng Ang Panday – ang pinakamamahal ng lahat na karakter na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan, na siya namang pinasikat ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr. – mula noong 2011.

Sa pagbabalik ng tunay na Pinoy hero na ito, gagampanan ni Coco Martin ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kanyang buhay nang kanyang madiskubre na ang kanyang angkan ay ang itinakdang tagapagligtas ng sangkatauhan sa kasamaan ng imortal na kalaban ni Panday na si Lizardo (Jake Cuenca) na nagbabalik mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo. Bilang hindi alam ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kailangan niyang maglakbay sa iba’t-ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, madaming makikilala si Flavio III na tutulong sa kanya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Ang Panday ay di lamang isang iconic na karakter sa Pinoy pop culture ngunit isa din ito sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes of all time sapagkat kinakatawan nito ang ideals ng katotohanan at hustisya at pati na rin ang pagkakawagi ng kabutihan sa kasamaan.

Coco Martin

Karapat-dapat banggitin na ito ang kauna-unahang full-length mainstream movie na dinirehe ni Coco. Tila pinanday ng panahon si Coco upang maging isang direktor.

Nagsimula ang karera ni Coco bilang isang aktor sa mga indie movies, most notably sa mga pelikula ni Brillante Mendoza at nag-cross over siya sa mainstream sapagkat siya ay nag-transition sa telebisyon, kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas bilang bida sa mga top-rating primetime teleseryes ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula sa ilalim ng isang higanteng film outfit. Madaming natutunan si Coco na ‘di matatawarang kaalaman at mga karanasan mula sa mga mundo ng indie at komersyal na kanyang pinagsama, at siya niyang ginamit sa Ang Panday – na katuparan ng kanyang pangarap na magdirehe ng isang pelikula. Ang aktibong involvement ni Coco bilang creative consultant sa FPJ’s Ang Probinsyano ay siyang ring nagpanday sa kanyang kakayahan bilang isang storyteller.

Bilang bida ng pelikula, si Coco ang kumakatawan sa lahat ng magagandang bagay na kinakatawan ng Ang Panday – at kitang kita ito sa pagmahahal ng milyun-milyong mga Pilipino sa kanya lalo na nung bingyang buhay niya ang karakter ni Cardo sa long-running at top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Bilang si Flavio, muli na namang ipaglalaban ni Coco ang kabutihan habang ipinagtatanggol niya ang mga mahihirap at api sa mundo.

Kung si Fernando Poe Jr ay bayani ng masa lalo na ng mga maliliit, mahihirap at mga bata, si Coco Martin, akma lang na sa kanya ipamana ang Pinoy na Bayani na karakter na si Flavio, Ang Panday.

Kabilang sa Ang Panday sina Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jaclyn Jose, Mariel De Leon, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Verzosa, Mc Coy De Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario, at marami pang iba.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

DAHIL SA “ANG PANDAY”: Coco Martin, masaya para sa mga bata!

Coco Martin

SA TOTOO LANG, ang sipag ni Coco Martin sa promotion ng kanyang MMFF 2017 entry na “Ang Panday”.

Sumusugod talaga ang actor-director sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa kanyang provincial promo.

Two weeks ago ay nasa Legaspi City siya sa Bicol na kinabukasan naman ay sinugod ang Pangasinan with two cities na pinuntahan.

Coco Martin with Awra Briguela

Noong Sabado ay nasa GenSan ang aktor kasama si Awra Briguela at kasama si Mommy Dionisia Paquiao na nagperform sa short program after the motorcade.

Yesterday, Sunday ay nasa Davao naman siya kasama si #Hashtag McCoy de Leon na isa sa mga kasama niya sa pelikula (syempre mawawala ba si Elisse Joson?).

Coco Martin with McCoy de Leon

Iba si Coco mag-alaga ng kanyang project. Super alagang-alaga. Super effort.

Napanood nýo na ba ng full trailer ng pelikula niya? Hindi mo iisipin na gawa or obra ito ng isang baguhan (as in first time director ng pelikula) ang aktor na ang trabaho ay malinis na hindi mo iisipin na kaya pala niya na pakiwari koý dapat noon pa niya sinimulan. 

I’m sure super happy ang mga bata nito ngayong Kapaskuhan sa pagkalahok ng Ang Panday dahil alay ng aktor ito para sa kanila.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Coco Martin, isinagad ang lahat ng pangarap sa ‘Ang Panday’

Coco Martin (Rodel Nacianceno) as director in ‘Ang Panday’

MARAMI NA ang nag-aabang sa pelikulang Ang Panday ni Coco Martin na mapapanood sa Dec. 25 in time for the Metro Manila Film Festival.

“Siguro lahat ng aking pangarap sinagad ko na dito sa Panday. Hanggang sa last day namin pawis at dugo binigay namin kasi ‘yung location talaga namin sobrang hirap. Talagang sabi ko, hindi pala biro na ikaw ang director. And then at the same time nag-co-producer ka, napakahirap ng pagdadaanan mo.

“Kaso ako apat, ako ang director, producer, artista at sa creative. Pero sabi ko nga ang sarap ng pakiramdam na after nu’n na sasabihin ko, ‘It’s a wrap. Pack up!’ kasi ang hirap dahil sinasabay ko siya sa Ang Probinsyano eh,” kuwento ni Coco.

Nawala naman ang pagod ni Coco nang makitang tapos na ang pelikula.

Aniya, “Sabi ko nga, kapag gusto mo yung ginagawa mo, kahit na halos hindi mo na kaya bumangon dahil sa sobrang pagod mo, in the end yungdetermination na alam mo na kailangan mo tumayo kasi gusto mo yung ginagawa mo. And then ang sarap ng pakiramdam lalong lalo na kapag nakikita mo resulta ng mga ginagawa mo.”

Samantala, inamin din ni Coco na hindi naiwasang magkaroon ng aksidente habang nagsusyuting sila ng Ang Panday.

 “Madami first day pa lang (laughs). Pero it’s a part of it, lalong lalo na pagaction. Kahit sa Probinsyano hindi mo maiiwasan na may maaksidente pero sabi ko nga part na yun,” sambit niya.

Kasama ni Coco ang halos 80 artista sa Ang Panday. Dalawa naman ang leading ladies niya dito na ginagampanan nina Mariel de Leon at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Miss International Kylie Verzosa, pasok na rin sa ‘Ang Panday’ ni Coco

Kylie Verzosa

DALAWA NA ang leading lady ni Coco Martin sa pelikulang Ang Panday na entry niya sa 2017 Metro Manila Film Festival on Dec. 25.

Bukod kay Binibining Pilipinas International 2017 Mariel de Leon kasama na rin sa cast ng Ang Panday si 2016 Miss International Kylie Verzosa.

Ito ang kauna-unahang acting assignment ng dalawang beauty queen na parehong mai-involve sa karakter ni Coco as Flavio sa pelikula.

Unang pagsasama pa lamang ni Kylie at ni Coco sa isang eksena ay humanga na ang beauty queen sa aktor dahil sa galing nitong mag-direk sa Ang Panday.

Aniya, “Coco is amazing. He knew what he wanted right away and what to tell you. It’s difficult to transform from actor to director. Coco ang galing niyo po.

Ayon pa sa kanya, isang malaking karangalan ang mapabilang sa engrandeng produksyon ng Ang Panday at maidirk ni Coco sa unang pagkakataon.

“I’m so happy, so thankful, and honored to be part of Ang Panday,” sambit pa ng beauty queen.

Samantala, nasa Japan ngayon si Mariel to compete for the Miss International pageant. Nando’n din si Kylie para naman ipasa ang kanyang crown sa bagong successor.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Coco Martin, simple lang birthday wish

Coco Martin

SIMPLE LANG ang birthday wish ni Coco Martin sa kanyang birthday ngayong November 1. Ito ay ang manatili siyang healthy para tumagal pa sa showbiz industry.

Ayon sa aktor na producer, bida at director ng 2017 Metro Manila Film Festival movie na Ang Panday, wala na siyang mahihiling pang material na bagay dahil halos nasa kanya na raw lahat.

“Good health na lang talaga ang wish ko. Sana ay hindi ako magkasakit at patuloy na maging malusog ang katawan,” sambit pa niya.

Grabe ang schedule ni Coco ngayon at halatang wala na halos siyang tulog. Ratsada siya sa post productions ng Ang Panday, sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa bagong Pinoy mobile game app sa Google na si Panday din ang bida.

Gusto ni Coco na ipakilala sa mga millennials si Panday kaya niya dinivelop ang Panday game app sa pakikipag-partnership sa Cosyn Mediatech Inc.

“’Yung mga kabataan kasi ngayon, hindi sila masyadong familiar sa Ang Panday kasi hindi na nila inabutan. Gusto  kong i-introduce sa kanila kung sino siya sa pamamagitan ng game at para maging familiar na rin sila,” pahayag pa ni Coco.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post