THE LADY IN RED: Angel Locsin, taglay ang lakas ng bampira at lobo sa ‘La Luna Sangre’

Angel Locsin

AYAN NA. Unti-unti na ngang nalalantad ang tunay na katauhan ng karakter ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay sa trending series gabi-gabi na La Luna Sangre.

Sa episode ng programa noong Martes ng gabi ay na-reveal na siya ang “Lady in Red.” Taglay ni Jacintha ang pinagsamang lakas ng bampira at lobo.

As expected, hindi rin naiwasang mag-react ng kampo ni Kathryn Bernardo na isa rin sa bida ng La Luna Sangre, kung bakit tila papalakas nang papalakas ang karakter ni Angel sa La Luna Sangre.

May nabasa kaming post sa Twitter ng isang KathNiel fan na tila hindi gusto ang atensyong ibinibigay ng La Luna Sangre kay Angel.

Sey niya, Dear Ms. Angel Locsin, we greatly appreciate your talent but please know your place in the story. You should know if you are getting so much attention in the story already. #justsaying

Sagot naman ni Angel, “Hi! I’m sorry u feel that way:( I think you really have to wait & see how things would play out. everything will make perfect sense someday.”

Samantala, bukod kay Lady In Red, inaabangan din ng televiewers ang karakter ni Richard Gutierrez bilang Gilbert/Sandrino at ang “pakikipaglaro” niya kay Jacintha, at siyempre si Daniel Padilla na gumaganap naman bilang Tristan.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Angel Locsin, hindi na bina-bash ng KathNiel fans

Angel Locsin and Richard Gutierrez

TILA PANATAG na ngayon ang kampo ng supporters nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil wala na kaming nababasa sa Twitter na pamba-bash kay Angel Locsin na gumaganap bilang Jacintha sa La Luna Sangre.

Malaking bagay din ang ginawang paghingi ng paumanhin nina Kathryn at Daniel kay Angel para manahimik ang KathNiel fans. Siyempre, kung yung iniidolo nga nila marunong magpakumbaba at mag-sorry, sila pa ba?

Wala naman kasing dapat intrigahan dahil pare-pareho lang naman ang gusto nina Kathryn, Daniel at Angel sa  La Luna Sangre – ang makapagbigay ng magandang teleseye sa mga manonood.

At least ngayon, peaceful na ang lahat, huh! Bongga yan!

Anyway, palaisipan pa rin kung titibok ba talaga ang puso ng karakter ni Richard Gutierrez bilang si Sandrino, ang supremo ng mga bampira sa kinuha niyang political strategist played by Angel.

Sa totoo lang, kitang-kita ang chemistry nina Richard at Angel sa La Luna Sangre. Meron talaga silang “something” onscreen na hindi puwedeng palampasin ng televiewers.

Catch La Luna Sangre tuwing weeknights sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Pamba-bash ng KathNiel fans kay Angel Locsin, wala na sa lugar!

Angel Locsin

NAGTATAKA lang kami kung bakit hindi mapakali ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagpasok ni Angel Locsin as Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre ng ABS-CBN.

Sa halip na matuwa sila na nakakatulong si Angel para lalong magkainteres ang televeiwers to watch the series ay kinukuyog at bina-bash pa nila si Angel. Of course, yung iba, hugas-kamay na agad at sinasabing hindi naman mga legit na KathNiel fans ang namba-bash kay Angel. Kung ganon, sino ang mga yon?

Hindi dapat ma-insecure ang KathNiel fans sa presence ni Angel sa La Luna Sangre. Hindi ri nila dapat itinuturing na threat si Angel sa kanilang iniidolo.

Pangit din ang dating na para sa KathNiel fans ay ninakawan sila ng eksena nina  Angel at Richard Gutierrez lalo na ngayong tila nai-establish ang pagkakaroon nila ng relasyon. Dapat they will work harmoniously at iwasan ang mga negative vibes na ganyan, huh!

Yan tuloy, dahil sa pampo-provoke ng KathNiel fans kay Angel ay hindi tuloy naiwasan ng award-winning aktres ang rumesbak at depensahan ang sarili niya mula sa bahsers na ang kikitid ng utak. Hindi rin naman namin masisisi si Angel dahil baka napuno na nga siya sa ginagawa ng fans nina Daniel at Kathryn ‘no.

Angel Locsin and Richard Gutierrez

Bihira lang magsalita si Angel and when she speaks her thought ang ibig sabihin lang non ay na-hurt siya.

Ayon nga kay Angel sa kanyang Twitter account: “Hindi po ako nilagay to make them look bad. Don’t bash someone with the intention of helping your idols show. It’s very disappointing.”

Kayo namang KathNiel fans, sa halip na mambash ng artista, suportahan niyo na lang ang La Luna Sangre. Panoorin ninyo sa TV ang bawat episode para lalong tumaas ang ratings hindi yung kung anu-anong ginagawa ninyo.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Angel Locsin, nagpasintabi kay Kathryn bago pumasok ng La Luna Sangre

[unable to retrieve full-text content]

HOT AND TRENDING: Angel Locsin, bumalik sa La Luna Sangre

[unable to retrieve full-text content]

Angel Locsin, nanalo ng Best Supporting Actress Award sa Asia-Pacific Film Festival!

[unable to retrieve full-text content]

May dead sa pamilya: Angel Locsin, hindi nakuha ng personal ang EDDYS Award

Angel Locsin

SAYANG at hindi nakarating ang aktres na si Angel Locsin last night sa kauna-unahang SPEED (Society of Entertainment Editors); 1st EDDYS Award kung saan siya ang nanalo as Best Supporting Actress para sa kanyang performance as a private nurse sa pelikulang “Everthing About Her”, kung saan nakasama niya sa pelikula sina Vilma Santos at Xian Lim.      

The reason kung bakit hindi nakadalo ang aktres ay dahil namatayan siya yesterday.
Nang mag-leave kami ng mensahe nsa kanyang Instagram account ay nag-reply si Angel sa amin. To quote: “” My aunt passed away po yesterday 🙁 inayos lang po yung mga bagay bagay,” maiklling reply niya sa amin.
Hindi na ako nagpa-elaborate sa aktres.
Mula sa akin at sa Pinoy Parazzi ay nakikiramay kami kay Angel sa mga naiwanan ng tiyahin nya.

Reyted K
By RK Villacorta