Movie Review: This Time I’ll Be Sweeter (Ken Chan and Barbie Forteza)

KEN CHAN AND BARBIE FORTEZA

MARAMI ANG NATUWA for Ken Chan and Barbie Forteza nang bigyan sila ng Regal Multimedia ng kanilang first mainstream film as a loveteam na sila ang bida via “This Time I’ll Be Sweeter”. Thanks to the successful primetime series “Meant to Be” (patunay lang na isa talaga siya sa pambato ng GMA-7), nakita ng Monteverde Family ang potential ng dalawa.

The truth is lahat ng boys na kasama ni Barbie sa nasabing palabas ay bagay sa kanya. In the end ay ang KenBie tandem ang nagkatuluyan. In terms of drama ay si Ken naman talaga ang kayang lumevel up sa galing ni Barbie sa pag-arte, which is already a given fact noon pa lang.

Dahil gusto ko na mag-succeed si Barbie Forteza, isa ako sa mga naunang nanood ng This Time I’ll Be Sweeter kagabi. Aaminin ko na matagal-tagal na akong walang bet sa mga projects ni Joel Lamangan lately, but this movie made me a satisfied movie viewer.

Kung isa kayo sa mga mahilig manood ng loveteam-driven dramas noong 90’s, sure ako na maaappreciate ninyo ang pelikulang ito. Tungkol ito sa matalinong journalism student named Erika (Barbie Forteza) na nabigyan ng pagkakataon na mainterview ang kanyang swimmer college crush na si Tristan (Ken Chan). Noong una’y nagkaroon sila ng misunderstanding but later on blossomed into something more. Hindi aware si Erika na may girlfriend pala itong si Tristan kaya noong nag-graduate sila ng college ay bitter-biterran ito.

Fast forward to the present, isang trahedya ang mag-uugnay muli sa dalawa. Katulad noong nakaraan, hindi na naman okay ang initial interaction nila, pero magiging okay din sila eventually. Sa totoo lang, may mga flaws pagdating sa character development ng dalawa dahil hindi sila masyadong lovable na characters. Mabuti na lang at maayos ang direction at magaling ang mga artista. From lead stars Barbie and Ken to supporting cast members Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Jai Agpayan and Thea Tolentino.

Sana ay hindi magsawa ang Regal Films sa pagproduce ng movies for Kapuso stars lalo na sa mga deserving, but they also need to be careful sa character development ng mga tauhan dahil baka matulad lang sa mga teledrama ng GMA-7 ang daloy ng istorya. Suggestion lang naman hehe!

Kung kayo ay certified Kapuso viewer or mahilig sa mga drama romance films, you better catch ‘This Time I’ll Be Sweeter’ in cinemas nationwide!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

THE TALENTED LADIES: Why Alessandra de Rossi and Barbie Forteza deserves our support

Alessandra de Rossi and Barbie Forteza

PINOY MOVIE LOVERS are in for a treat this week. Kung noong Undas ay inabangan ninyo ang horror films na “The Ghost Bride” ni Kim Chiu at Spirit of the Glass 2 ni Cristine Reyes, ngayon naman ay sa love department tayo. Iwas muna sa kilig at romansa muna!

Nakakatuwa dahil this week ay sina Alessandra de Rossi at Barbie Forteza ang magtatapat sa box-office. Siguro nga ay hindi pa sanay ang moviegoers na ang dalawang dalaga ang bida sa isang mainstream movie. Mas napapanood kasi natin sila sa mga independent films.

Kung ia-analyze ninyo ng mabuti, si Alessandra de Rossi ang original na Independent Film Princess ng bansa. Una siyang napansin sa pelikulang Azucena ng Reyna Films at eventually ay naging active sa TV. Kung ang masa ay kilala si Alex (palayaw ni Alessandra) as one of the best villains on TV, ang mga mahilig naman sa panonood ng dekalidad na pelikula ay kilala siya for being brave sa pagportray ng offbeat roles sa independent films. Ilan sa mga titles na pinagbidahan niya ay ang Mga Munting Tinig, Barcelona, Sta. Nina, Sakaling Hindi Makarating at ang 2017 most successful Pinoy film na Kita Kita nila ni Empoy.

Alessandra de Rossi and Ivan Padilla

Special para kay Alessandra de Rossi ang pelikulang “12” dahil siya rin ang scriptwriter nito. If I am not mistaken, siya rin ang nag-arrange ng music at parang co-director na rin siya ni Dondon Santos dito. Based on the trailer, mukhang sa iisang location lang sila nag-shoot. Malaman ang kuwento dahil more on conversations ang mga eksena na surely ay relatable sa mga taong nakikipag-live in at nakakaramdam na ng discontentment sa relasyon. Marami rin positive feedback mula sa mga nakapanood ng advanced screening nito.

Sa mga kasabayan niya na “tweens” noon like Kathryn Bernardo, Nadine Lustre and Liza Soberano, si Barbie Forteza na siguro ang pinaka-best na pambato ng GMA-7. Ilang teleserye na rin sa hapon at primetime ang pinagbidahan niya na nag-click sa masa. Ang latest nga ay ang light kilig series na “Meant to Be”, where not only one or two but four guys are vying for her love and attention. Sa ending ay nakatuluyan ng kanyang karakter as Billie si Yuan, who is portrayed by Ken Chan. Ito siguro ang rason kung bakit agad-agad na inofferan ng Regal Multimedia ang tambalang KenBie ng kanilang first mainstream movie as a loveteam.

Barbie Forteza and Ken Chan (KenBie)

Like Alessandra, ang filmography ni Barbie Forteza ay may variation. Meron din siyang mga pelikulang mainstream, pero recognized siya sa mga independent films na ginawa niya like Mariquina, Laut at Tuos with Nora Aunor. She won awards sa mga pelikulang ito. She was brave to take on these roles when most of her contemporaries would rather stick to ‘safe’ roles.

That being said, tila Alessandra and Barbie have finally reached the audience they deserve. Ang wish namin ay sana, tangkilikin ng masa ang kanilang mga pelikula. Ito ay para ma-enganyo pa ang mga producers na bigyan sila ng lead roles sa mainstream films at hindi lang mga film festivals ang makaka-appreciate sa talent at ganda nila.

Showing na beginning today ang “12” ni Alessandra de Rossi with Ivan Padilla at “This Time I’ll Be Sweeter” ni Barbie Forteza with Ken Chan. Support!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

“This Time I’ll Be Sweeter” nina Barbie Forteza at Ken Chan, umaapaw sa kilig at positive feedback!

Ken Chan and Barbie Forteza

HINDI MAGKAMAYAW ang mga fans nina Ken Chan at Barbie Forteza last night (Monday, November 6) nang rumampa ang dalawa sa red carpet celebrity premiere ng pelikula nila na ginanap sa SM Megamall Cinema 7.

Sa loob ng sinehan,humiyaw at tinilan ang mga fans nang kumaway ang dalawa mula sa balcony section ng sinehan sa mga tagahanga nila sa may bandang orchestra.
Sa opening credits pa lang ng pelikula na siksik sa kilig na dinirek ni Joel Lamangan, ang mga fans ng KenBie ay naghihiyawan na.
Sa totoo lang, tama ang campaign spin ng Regal Multi Media, Inc (sister company ng Regal Films) na “siksik sa kilig” ang pelikula.

Ken Chan and Barbie Forteza with Mother Lily

Kahit hindi ka fans nina Ken at Barbie ay madadala ka sa kilig ng mga eksena nila. Tulad ko na isang showbiz miron na hindi naman fans ng KenBie ay nadadala at napapangiti sa mga eksena ng dalawa.

Kim Rodriguez

Pang-bagets (millennials) ang mga hugot na eksena nina Ken at Barbie na tuwing lumalabas sa wide-screen ang dalawa, grabe ang hiyawan at tilian ang mga fans na hindi na namin naririnig ang mga dialogues nina Ken at Barbie sa mga eksena.

Mabuti, ipapalabas na ang This Time I’ll Be Sweeter bukas, Wednesday, November 8.
Uulitin ko ang panonood ng pelikula ng dalawa na hopefully, less hiyawan at tilian na ang maririnig ko.
On the side, I’d like to congratulate Kim Rodriguez (who played sister of Ken who was good I her role), Jai Agpangan and Akihiro Blanco na ginalingan ang pag-arte nila as Barbie’s Besties.
Congratulations and goodluck to KenBie and the casts.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THIS TIME I’LL BE SWEETER: Ken Chan at Barbie Forteza, kabado at pressured sa paglabas ng pelikula!

Ken Chan and Barbie Forteza

TALAGANG HINDI NA makapaghintay sina Ken Chan and Barbie Forteza a.k.a. KenBie ng araw ng Wednesday, November 8 na first day of showing ng pelikula nila na siksik sa kilig na “This Time I’ll Be Sweeter“ na first team-up ng dalawa sa widescreen sa obra ni Direk Joel Lamangan na produced ng Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Sa mga promo tours ng KenBie for the past two weeks, hindi magkamayaw ang mga fans na nagkakagulo at sa lakas ng tilian ng mga KebBie fans kapag alam nila na pupunta dalalawa sa mall tour venues.
One nice thing about Ken and Barbie: Ang dalawa, lalo na si Ken ay protektado niya ang dalaga sa mga unruly fans na gusto sila malapitan.
To protect Barbie sa dami ng crowd, niyayakap na lang ng binata ang dalaga to protect her sa mga kalmot at kagulugan.
Tonight, Monday, November 6 ay sigurado ako na mas malakas ang tilian kapag napanood na ng mga fans and supporters ng dalawa ang pelikula sa gaganaping red carpet premiere at 7:00PM sa SM Mega Mall Cinema 7.

KenBie’s sweet moment

Sa pelikula, makakasama nina KenBie sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta at Ara Mina para suportahan ang dalawa.
Sa kamakalawa, Wednesday na ang regular showing ng “This Time I’ll Be Sweeter” sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE TERROR DIRECTOR: Joel Lamangan, first time hindi nagalit at nagmura sa set ng kanyang pelikula

Barbie Forteza and Joel Lamangan

KAPAG NARIRINIG ng mga baguhang artista ang pangalan ni Direk Joel Lamangan, asahan mo, kabado sila na makatrabaho ang pamosong direktor.

Tulad sa kaso nina Ken Chan at Barbie Forteza, sa unang pagkakataon na makaharap nila si Direk Joel ay may tensyon silang nararamdaman.
Alam kasi nila na si Direk Joel, mahigpit at perfectionist sa mga eksena na dinirirek niya.
“Bawal ang ma-late sa set,” kuwento ni Ken. Sabi naman ni Barbie: “Dapat pagdating mo sa set ni Direk, dapat alam mo ang linya mo. Dapat pinag-aralan mo na.”
Pero si Direk Joel, sa kabila ng kaba ng mga artista niya na sa unang pagkakataon niya nakatrabaho ay puring-puri niya ang dalawa.
“Dito makikita yung other aspect ng kanilang talent. Dito na-test ang kanilang dramatic prowess. Na-discover ko na mahusay silang dramatic actors. Isa sila sa mga pinakamahusay na dramatic actors of their generation. 

“At tuwang-tuwa ako kasi nakatrabaho ko sila. Imagine, naka-trabaho ko sina Ken Chan at Barbie. I’m so proud of them,” pagkukuwento ni Direk sa dalawa niyang artista sa “This Time I’ll Be Sweeter” na produced ng Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Hindi lingid sa mga artista na si Direk Joel ay isa sa mga sinaabing “Terror Film Director”.
He is sweet at malambing pero naninigaw at nagmumura sa set. Pero with Direk Joel’s experience with his stars sa siksik sa kilig movie nina KenBie, first time siya hindi nagalit or nanigaw. Wala siya napagalitan sa mga artista niya.
Mula kay Direk Joel mismo: “Mahuhusay sila na artista. I’m so proud. Lahat ng nandito, wala akong itulak-kabigin. Ito lang ang pelikula na wala akong napagalitan. 
“Wala akong nasigawan. Dahil siguro takot sil at dahil prepared sila sa kung ano ang ine-expect sa kanila . Dahil on time sila, walang nale-late. May respeto sila sa trabaho nila. May respeto sila sa trabahong kanilang pinili.  Maaga pa lang, mahusay na ang training nila.
“Nakikita natin ang isang magandang kinabukasan ng industriya ng pelikulang Pilipino sa tulad nilang mga batang artista,” pagkukuwento niya.

Sa pelikula nina KenBie ay kasama rin sina Ara Mina, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan at Kaki Ramirez

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Ken Chan at Barbie Forteza, madalas i-rehearse ang eksena sa “This Time I’ll Be Sweeter” para di mapagalitan ni Direk Joel

ANG GANDA ng attitude na ipinakikita nina Ken Chan at

Barbie Forteza and Ken Chan

Barbie Forteza while doing the promo of their launching film sa Regal Entertainment na This Time I’ll Be Sweeter. Very cooperative ang dalawa at ang sipag-sipag mag-promote ng pelikula.

Nakakatuwa rin ang attitude nila na hindi mga feeling sikat at talagang very warm kung makipag-usap sa press. Hindi rin sila mga echoserang frog na paliguy-ligoy sumagot sa mga tanong.

Yon nga lang, may pakiusap ang Kenbie tandem na sana raw ay huwag munang masyadong pag-usapan ang tungkol sa kani-kanilang buhay. As we all know, may kani-kanyang partners ang dalawa, huh!

Meanwhile, This Time I’ll Be Sweeter is directed by Joel Lamangan  na aminadong hindi niya napagalitan ang dalawang bida dahil very professional daw silang katrabaho.

“Hindi po talaga kami nale-late sa set. Isang oras bago ang call time dumarating na po kami ni Ken at kapag may eksena kami, nire-rehearse din namin para hindi maimbiyerna sa amin si Direk Joel,” kuwento pa ni Barbie.

Base sa trailer ng pelikula at sa dami ng views nito sa social media, marami ang curious na mapanood ito sa big screen. Mukhang nakakikilig nga ang This Time I’ll Be Sweeter kahit pa di nama sila sweetheart talaga offscreen.

Showing ang pelikula sa Nov. 8.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

MAGKAHIWALAY MAN NG RAKET: Barbie Forteza at Ken Chan, pinagtatagpo pa rin!

Barbie Forteza and Ken Chan

KAKAIBANG MEETING na nagkagulatan ang nangyaring tagpuan kaninang umaga (Friday, October 20) nina Ken Chan at Barbie Forteza na was really “meant to be” tulad ng last serye nila sa GMA Kapuso Network.

Nasorpresa ang dalawa sa pagkikita nila sa departure area sa NAIA before their respective flights kung saan si Barbie was on her way to Bacolod City para sa promotion ng pelikula nila ni Ken na “This Time I’ll Be Sweeter” sa direksyon ni Joel Lamangan na isinagawa kanina hapon sa isang malaking mall, while ang binata ay papunta naman ng Singapore para sa Kapuso Octoberfeast with other GMA Artists like Dave Bornea, ang komedyanteng si Tetay at Glaiza de Castro na magaganap this Sunday (October 22) sa Nexus Auditorium.
Nang magtagpo, all smiles ang dalawa sa isa’t isa at nagyakapan.
Sayang nga lang at hindi nasamahan ni Ken si Barbie sa City of Smiles na nagse-celebrate ng kanilang Masskara Festival dahil previous commitment na ng binata ang Singapore event na ito ng home studio niya.
Originally ay Nov. 1 ang showing ng This Time I’ll Be Sweeter na moved for a Nov. 8 showing.
Sa media launch ng pelikula recently, nabanggit ni Ken na babawi siya at nangako na hindi na niya iiwanan si Barbie mag-isa sa promotion ng pelikula nilang dalawa.
Sa obrang siksik sa kilig ni Direk Joel ay makakasama nina KenBie sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Yayo Aguila at Ara Mina.
           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post