Blind Item: Young actress, natrauma sa dating ka-loveteam

WALANG REGRETS ang isang young actress sa kinahinatnan ng supposedly big plans ng kanyang home network for her and her former partner.

Kung ang mga kasabayan niya na may kani-kanyang ka-loveteam ay lalong umaariba ang endorsements and TV projects, mas gusto ng dalaga na steady lang ang takbo ng kanyang promising career na hindi dumidepende sa isang lalaki.

Sa katunayan, relieved daw ito nang ang management na mismo ang nagdesisyon na paghiwalayin na silang dalawa nang tuluyan.

Naging madalas na raw kasi ang pag-aaway ng dalawa na nasasaksihan ng mga fans. In reality daw ay hindi naman talaga sila nagkagustuhan at ang network lang ang nagdikta na dapat ay magpakasweet sila for the sake of their showbiz careers.

Ang binata raw ay ibang babae ang gustong makapares at ang dalaga initially ay mas gusto sa binata pero naturn-off sa ugaling presko nito.

Hindi rin tugma ang kanilang goals for longevity sa showbiz.

Kung ang ilang nagbi-break na loveteam ay open na makatrabaho ang mga dati nilang ka-partner, with vindication ang dalaga sa pagsasabing ayaw na niya talaga.

Kunsabagay, bakit ka nga naman magpapaka-stressed kung keri mo naman umawra mag-isa?

Ang balita ay wish daw ng dalaga na matuloy ang planong paglo-loveteam sa kanila ng hunk actor. Sadly, mukhang hindi bet ng kampo ng hunk actor na mailink ito sa kanya ng matagalan.

Related Post

Blind Item: Hunk actor, sagad sa buto ang kayabangan?

GUWAPO, MATIPUNO. MAY TALENT. Perfect ingredients na sana ito para sa isang ‘ideal leading man’. Sa TV at pelikula siguro ay puwedeng umarte ang hunk actor, pero in real life ay kinasusuklaman daw ito ng mga naging ex-girlfriend niya.

May mga nagsasabi na ang pasimpleng kayabangan diumano ng hunk actor ang dahilan kung bakit hindi tumotodo ang pagsikat niya sa kanyang home network. Ipinares ito sa isang magandang teen actress noong araw at bini-build up na rin ang kanilang tambalan. Naging masalimuot daw ang break-up nila na halos isumpa siya ng girl at ayaw na niya itong makatrabaho.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagkainlaban din sila ng sumunod niyang ka-loveteam. Sa sobrang intense sa kiligan ng initial stage ng kanilang pagsasama ay naging intense din ang kanilang break-up. Third party daw ang dahilan at tila may attitude ang hunk actor kaya tuluyan na silang naghiwalay. Sayang dahil may plano pa man din ang network nila na bonggahan ang kanilang loveteam pero tulad ng nauna niyang girlfriend, hangga’t maaari raw ay ayaw makita ng second girlfriend ang kanyang ex.

Nang magsama sa isang proyekto si Ex-GF #1 at si Ex-GF#2, naging malinaw na ang kayabangan ng aktor ang naging major turn-off at factor kung bakit ayaw na nila ito makatrabaho man lang.

Meron na rin outsiders na nakakapansin na bilib na bilib sa sarili ang aktor. Sana ay hindi ito malunod sa kanyang pantasya. Kahit talentado ka, kung hindi ka marunong makisama ay wala ka rin mapupuntahan, huh!

Related Post

Blind Item: Magka-loveteam, hiwalay na kahit never pang umamin!

NAPAPANOOD ng mga fans ang tambalan na nagpapakilig sa kanila. May mga signs and symptoms na noon pa man na “more than friends” ang dalawa dahil sa mga social media postings nila noon na kulang na lang ay i-announce na nila sa buong mundo na from reel to real ay tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan.

Narinig namin sa isang reliable source na kahit never pa direktang umamin ang dalawa ay break na pala sila. Marami raw ang nag-warn sa boylet na huwag na huwag aamin dahil mas may potensyal siya na maging big star compared sa girlaloo na kapares niya. 

Napatunayan na may katotohanan ang observation na ito dahil nang ipares ang boylet sa iba ay mas dumami pa ang faney na kinilig at tumulo ang laway sa kakisigan niya which left the girlaloo left out and a bit insecure.

Dahil sa kaganapang ito, mas naging possessive ang girlaloo at hindi ito nagustuhan ng boylet kaya sila’y nagkahiwalay na. 

Due to unforeseen circumstances at demand na rin ng ilan sa kanilang fans, reunited ang dalawa pero pansin ng malalapit na tao na hindi na sila kasing clingy o sweet like they used to.

Kasi nga, hindi pa man umaamin ay waley na ang dalawa! 

Ang tanong: May magaganap kayang balikan sa pagbabalik-tambalan nila? 

Related Post

Blind Item: Dramatic actress, hindi supportive sa co-star?

MAY ILANG netizens na nakapansin sa pagiging ‘unsupportive’ ng isang magaling na dramatic actress sa kanyang co-star na ngayon ay namamayagpag pagkatapos ng ilang taong paghihintay ng malaking break.

Sanay na siguro ang mga fans na sa tuwing may projects ang mga artistang kasama sa isang palabas, normally ay tumutulong sila sa pag-promote ng pelikula o album o produkto ng kasamahan nila. Ang ilan ay nagti-tweet, may ilan naman na nagpopost mismo sa kanilang Instagram feed at may ilan naman na nagpopost kahit sa Instagram story man lang.

Marami ang nagtatanong kung bakit halos lahat ng main artists ng isang successful show ay todo support sa co-star nila na ngayon ay napapansin na ang galing sa pag-arte. Lahat sila ay tumulong sa promotion in their own social media accounts except si dramatic actress. May mga nakakapansin din na sa mga offcam group photos/selfies nila sa show ay bihira silang makitang magkasama. Meron bang silent war sa pagitan nila? Hindi ba masaya ang dramatic actress sa tinatamasang tagumpay ng co-star niya? 

May ilang issues na rin na naipukol sa dramatic actress na nagkakaroon ito ng gap sa mga nakakasama niya sa projects noong araw. Same reason pa rin kaya?

Related Post

Blind Item: Palabang aktres, iniiwasan dahil uma-attitude!

PR IS IMPORTANT sa showbiz. Kung mabait ka sa press and media whether that is in print or online, siguradong makakalikom ka ng magagandang write-up. Kung ikaw naman ay nagpapakita ng attitude, siguradong negative publicity ang iyong makukuha.

Isa si sexy actress sa mga artista na madalas ay nagdadalawang-isip ang mga tao kung dapat pa ba nila itong kausapin para sa isang panayam. Nag-umpisa ang pag-hesitate ng press people sa dalaga nang magpakita ito ng pagka-irita sa tuwing tinatanong siya ng mga tao tungkol sa isang proyektong ginawa niya kasama ang isang sikat na aktor. Hindi na niya itinatago ang pagkadismaya sa tuwing tinatanong siya. Siguro nga’y rinding-rindi na ito dahil ilang taon na rin naman na paulit-ulit lang ang questions sa kanya. Hindi rin naman niya masisisi ang mga writers dahil kailangan nilang magsumite ng kuwento. 

Dahil nakalat na rin ang attitude ng aktres, may ilang writers ang iwas na makasalamuha ito. Bakit mo nga naman aaksayahin pa ang oras mo na mag-interbyu ng isang tao na halatang napipilitan lang at walang ganang mag-promote? Sakyan na lang kasi sana!

Blind Item: Media personality, tinakot para hindi ibulgar ang namesung ng malditang aktres?

[unable to retrieve full-text content]

Blind Item: Newbie actress, tinanggihan ang alok na gimik ng aktor!

USO NGAYON sa showbiz ang mga loveteam na from reel ay nagiging real ang lambingan.

Ang iba naman sa kanila ang sincere, pero may iba naman na scripted lang ang mga lambingan na may social media postings.

Ito ang eksenang tinanggihan ng isang newbie actress na nagkaroon ng pangalan last year. Dumagsa ang offers sa kanya kaya sinubukan siyang alukin ng kapartner sa isang project kung pwede ba raw silang magpost ng maraming snapshots para kiligin ang growing fans nila. Noong una ay okay lang sa aktres basta klaro na para sa fans lang ang mga pictures.

Nagpapaingay daw ng pangalan ng aktor dahil hindi na siya as in demand as before.

Later on ay nag-propose ulit si actor na kunwari raw ay palabasin na ‘may something’ na talaga sila. Umalma ang aktres at idinahilan niya nas mas gusto nito na mag-focus lang sa work at huwag nang haluan pa ng kung anu-ano.

Tama nga naman si newbie actress knowing na may record na ang actor na may mga naging girlfriend din sa showbiz na sinabihan ng ‘I love you’, pero nauwi sa wala.