SEQUEL SOON? LIZARDO ni Jake Cuenca sa Ang Panday, kinatakutan ng mga bata!

Jake Cuenca and Coco Martin

NAKAKAALIW ang unang sabak ni Rodel Nacianceno o mas kilala sa showbiz bilang si Coco Martin sa pagdidirek via “Ang Panday”. Hindi lang basta bida at director dito si Coco. Siya rin ang producer dahil gusto niya na ang vision niya ang masusunod.

At dahil sa vision ng pinakasikat na Kapamilya actor (meron pa bang aangal?) na alam ang gusto ng masang Pilipino, naituwid niya ang gusto niyang gawin. Hindi lang ito basta blockbuster hit – marami rin viewers at critics na naghayag ng kanilang pagkagiliw sa bagong Flavio a.k.a. Panday na ginampanan na noon ni FPJ, Bong Revilla, Jericho Rosales at Richard Gutierrez. Mas playful at kahit corny ay napaka-sincere pa rin ng atake ni Coco sa ginagampanang papel.

Ang isa sa pinuri ng mga manonood at kritiko ay ang pagganap ni Jake Cuenca bilang Lizardo. Binigyan ni Jake ng sarili niyang interpretation ang pagiging antagonist at talaga namang may mga bagets na todo hawak sa kanilang magulang sa pagkagulantang sa pagtawa nito. Hindi nito ginaya ang istilo ng past Lizardos like Philip Salvador and Max Alvarado.

Kapag pinanood mo ang pelikulang ito, para ka na rin nakasilip sa Bollywood film na bongga ang set design, kung anu-ano ang hinahalo at may mga song numbers. Pinakabenta sa akin ang Peksman na laughtrip ang bagong dagdag na rap lyrics. Siguro noong bata pa si Coco ay paborito niya itong kantahin kaya alam niya na marami ang makakarelate. Maganda rin na dinagdag nila iyon para kumalma ang viewers sa heavy fight scenes na magaganap.

Jake Cuenca as Lizardo

Pagdating sa love department ay hindi ko masyado naramdaman ang chemistry nina Flavio at Maria (Mariel de Leon). Sana ay naglagay din sila ng female protagonist na hindi lang pagiging maganda ang asset.

Buti na lang at naroon ang tambalang McLisse na kahit limited ang screen time ay nag-stand out naman.

Maraming veteran and child actors na lumabas noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ang may partispasyon sa pelikula. Ang maganda rito ay nabigyan sila ng trabaho at importansya ng actor/director/producer.

Hindi na kami magtataka kung sa susunod na MMFF ay may sequel ito. Sana sa susunod ay bigyan din nila ng weird song number si Lizardo. Bebenta ‘yun for sure!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

WINNER SA TAKILYA! Vice Ganda at Coco Martin, nangunguna sa MMFF 2017; Haunted Forest, humahabol!

Vice Ganda and Coco Martin

PINATUNAYAN nina Coco Martin at Vice Ganda na sila ang nagtutungali sa unang pwesto sa pagiging Box-Office Superstar para sa ngayong MMFF 2017 sa walong mga pelikula ngayong taon na kinabibilangan ng Haunted Forest, All of You, Meant to Beh, Deadma Walking, Siargao at Ang Larawan.

Sa Fisher Mall sa may Quezon Ave. na malapit sa amin, maaga pa lang ay sold-out na ang mga seats sa buong screening schedules sa araw ng Pasko (December 25) ng pelikula ni Vice.

Syempre, hindi magpapaiwan si Coco na nagso-sold-out din ang mga screenings sa FM na sumasabay kay Vice sa lakas ng hakot sa kani-kanilang mga market.

Halos magkapareho ang audience ng Ang Panday at The Revenger Squad.

Pumapangatlo ang Regal Films Haunted Forest na bida sina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas at Maris Racal na type ng mga Pinoy maging ng mga bata lalo pa’t ang Pinoy moviegoers ay mahilig sa mga horror-suspense movie.

Sabi ng ticket seller na pinagtanungan namin, ang Meant to Beh ni Bossing Vioc at Dawn Zulueta ay hindi ini-expect ng ticket seller na pumuwesto sa pang-apat na dati-rati noong huling MMFF entry ni Bossing Vic na kung hindi man siya nasa una ay pumapangalawa siya sa unang araw ng showing.

HAUNTED FOREST lead stars Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake

Ang pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ayaw pa bumitaw sa karera. Ang Siargao naghihingalo kung pagbabasehan ang box-office result sa unang araw sa naturang mall sa Kyusi.”

Sayang, wala screening ng Ang Larawan  na nag-iisang musical film na bida sina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino na personally ay gusto ko at maaaring ma-pull-out sa ilang mga sinehan dahil ang mga theater owners ay gusto naman kumita.

Kung bakit naman kasi kung sino pa ang sikat with the likes of Coco and Vice ay sila pa ang super kayod sa pagpo-promote na kita mo naman ang effort nila na sinusuklian ng taumbayan.

Ang ibang mga bida ng mga pelikula sa MMFF 2017, waley. Parang tinatamad i-push ang movie nila na pa-patiks-petiks lang at hindi man lang marunong mag-like or mag-share sa social media ang mga  tumutulong at nagpo-promote sa kanila.

Belat, kaya waley kayo.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Coco Martin, babawi sa kanyang pamilya ngayong pasko

Coco Martin in one of his cinema rounds for Ang Panday

WALANG MATERYAL na bagay na gusto ang actor-producer-director na si Coco Martin of the MMFF 2017 official entry na Ang Panday ngayong Kapaskuhan.

Basta ang mahalaga para kay Coco ay makasama niya ang kanyang pamilya.

Alam naman natin kung gaano ka-busy ang aktor bago dumating ang Christmas day dahil sa kaliwa’t kanan niyang pagiging hands on sa promotion ng kanyang pelikula na kung saan nag-effort siya na i-produce ito para regalo niya sa mga bata at sa buong pamilya ngayon na nagsimula na ang Metro Manila Film Festival 2017.

Sa pelikula, Coco plays the role of Flavio na makakatungali ni Jake Cuenca as the evil Lizardo.

Sa katunayan, siya lang yata ang bida sa MMFF 2017 entry na nag-effort na ikutin ang buong Pilipinas para mag-promote ng kanyang pelikula na first directorial job niya using his real name Rodel Nacianceno.

Inikot ni Coco ang Luzon, Visayas at Mindanao. Pero hindi pa rin nagkasya ang aktor at nagkaroon pa ito ng palengke tour na binisita ang Nepa Q-Mart, Munoz at Balintawak Market.

Days before the Parada ng Mga Artista, sinuyod din niya ang Cavite at Batangas in one day para tuparin ang pangako sa mga supporters at tagahanga niya dadalawin  niya ang mga ito before the end of 2017.

Coco Martin visits the Sto. Nino Home for the Elderly in Marikina

Sa katunayan, a day before Christmas Day (bisperas ng Pasko yata yun) si Coco tulad ng pangako niya ay dinalaw ang mga senior citizens ng Sto. Nino Home for the Elderly sa Marikina na bukod sa mga bata ay isang sector na tagapagtangkilik niya.
Ngayon na hinay-hinay na si Coco, I’m sure happy ang pamilya ng aktor na babawi  ito sa kanila.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

‘Ang Panday’, pini-predict na magna-No.1 sa 2017 Metro Manila Film Festival

COCO MARTIN

GRABE si Coco Martin kung mag-promote ng kanyang pelikulang Ang Panday na mapapanood simula Dec. 25 at isa sa 8 pelikulang kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival. Wala siyang kapagurang magpunta sa iba’t ibang probinsya, malls at palengke.

Sa post sa social media ng team Ang Panday, may sariling pa-motorcade si Coco sa Maynila. Nagpunta siya ng Baclaran at nakipagkamayan sa mga tao nagtitinda at namimili ng pangregalo.

Pinuntahan din niya ang public market ng Nepa Q Mart, Balintawak at Munoz sa Quezon City. Tila wala siyang kapaguran sa paglilibot, huh!    And as expected, lahat ng lugar na pinuntahan niya ay dinudumog.

Base sa sipag ni Coco na mag-promote at sa ganda ng promo ng Ang Panday sa TV at social media, marami ang nagpi-predict na magna-No. 1 sa 2017 MMFF ang Ang Panday.

Bukod kasi sa may fan-based na ang original na Ang Panday ni FPJ, maraming element sa pelikula ang tiyak na magugustuhan ng mga millennials. May fantasy-adventure, musical, rap battle, comedy, bonggang special effects at kilig ang pelikula.

Samantala, sa Sabado, (Dec. 23) ang Parade of Stars ng mga pelikulang kasali sa MMFF at magaganap ito sa Muntinlupa. Makakasamang sasakay sa float ni Coco ang iba pang stars ng Ang Panday like Kylie Verzosa, Mariel de Leon, Jake Cuenca, Awra, Ronwaldo Martin at marami pang iba.

Habang nagpaparada ay mamimigay si Coco ng Panday sword sa masusuwerteng bata na nasa parade.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

IBANG MGA PRESS, INIINTRIGA SI COCO MARTIN SA PAGIGING GENEROUS

Coco Martin

HINDI AKO sang-ayon sa opinyon ng isang entertainment columnist sa isinulat niya na nabili na ni Coco Martin ang press na dumalo sa press preview ng kanyang MMFF 2017 entry na Ang Panday cum Christmas Party-Thanksgiving ng aktor

Porke’t nag-share si Coco ng kanyang biyaya na hindi na ito bago kung kilala mo siya bilang isa mga artista na may magandang ugali at generous ay bobolahin na ng press ang publiko para maging #1 siya sa box-office para sa MMFF 2017 entry niya  kung saan siya ay artista-producer at nag-direk.

For your information po, ang press ay tutulong lang na magpahatid ng mensahe at magbigay ng opinyon nila kung sa tingin nila ay maganda ang pelikula at i-share sa mambabasa nila kung para sa kanila ay tama at maganda.

Bad trip. Paskong-Pasko, umiiral pa rin ang inggit. Gusto mo bilhin ang opinyon ko? Baka mamulubi ka.

Mas maigi,  pakiusapan mo ako na tulungan ka na kahit walang sobre at tutulungan kita mag-promote ng kung ano man pelikula ang pinu-push mo basta maganda sa panlasa ko, pasado at gusto ko ay hindi ka mahihirapan at asahan mo ang ayuda ko.

Coco Martin thanking the press

Hindi fair kay Coco ang gustong isyu na ipalutang ng naturang senior columnist at intrigahin na nag-effort na pagandahin ni Coco ang kanyang obra para ikatutuwa ng mga bata at buong pamilya ay babahiran niya ng intriga.

Huwag na po kasi uminom ng ampalaya juice para mabawasan ang emote mo. Oo nga pala? Hindi kita napansin sa preview at pa-Christmas party ng Ang Panday. Ooopps… now ko lang nalaman kaya naman pala waley ka.

Paano ko paniniwalaan ang opinyon mo kung sa simula ay bias ka na? Kaloka ka teh!

Ang publiko ang magde-decide kung gagawin nilang #1 sa takilya ang pelikulang Ang Panday. Ang press,  miron lang. Ang manonood ang bibili ng ticket at ang mga fans at supporters ng aktor. Sila ang magluluklok kung sino sa tingin nila ang numero uno sa darating na MMFF 2017.

Sa Ang Panday, sigurado ako magugustuhan ito ng mga bata at ng buong pamilya.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

PALENGKE TOUR NI COCO MARTIN, NAGLIKHA NG KAGULUHAN

Coco Martin

ANG SIPAG talaga ni Coco Martin. Ayaw magpahinga. Ratsada sa trabaho.

Kaninang umaga (Saturday), pagkatapos ng taping nga kanyang aksyon serye na “Ang Probinsyano” ay ratsada naman ang actor-director para sa kanyang “palengke” tour sa iba’t ibang mga public market sa Quezon City to promote his first directorial job na “Ang Panday” kung saan kesehodang super trapik ng EDSA ay sumugod si Coco sa Nepa Q-Mart, Munoz at Balintawak markets para bisitahin ang kanyang mga fans and supporters tulad ng pangako niya noon na ngayon lang talaga niya naisingit.

Nagkagulo ang mga tao sa dinaanan ng sinasakyang mala-truck ng aktor kung saan binaybay niya ang kahabaan ng EDSA mula Cubao hanggang Balintawak (Cloverleaf).

Sa katunayan, two weeks ago ay nagsimula na rin niya bisitahin ang ilang mga major cities sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nakapagbisita na rin siya sa Legaspi City, Davao, GenSan, Dagupan at marami pang iba kung saan tinutupad lang niya ang pangako sa mga tagahanga niya at supporters.

Sa social media posting ng kaibigang Eric John Salut, umaga pa lang ay sinimulan na ni Coco ang kanyang schedule today.

“Mas maaga, mas maganda. Hindi pa masyado mainit at matrapik,” pagse-share ni EJ sa kanyang Instagram account.

Sa sipag ni Coco, alam ko na susuklian ito ng kanyang mga fans and supporters sa darating na MMFF 2017 na manonood ng Ang Panday na balita namin ay kung ilang milyon din ang ginastos ng actor-director-producer para sa kanyang pelikula na regalo niya sa mga bata at buong pamilya.

Sa pelikula, may halos 100 na mga artista ang nag-guest. To mention a few, may mga special role sina Eddie Garcia, Lito Lapid, Agot Isidro,Albert Martinez, Ejay Falcon at marami pang iba.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

KISSING SCENE NI COCO MARTIN AT KYLIE VERZOSA, PINAGUUSAPAN

Kylie Verzosa and Coco Martin

BAKIT KAYA wala man lang kissing scene sina Mariel de Leon at Coco Martin sa MMFF 2017 entry na Ang Panday the fact na mag-sweetheart ang dalawa sa pelikula?

Sa kalagitnaan kasi ng pelikula ay tumungo ako sa restroom kaya hindi ko rin nabantayan kung may kissing scene din sina Mariel at Coco.

Ang role ni Mariel kasi ay kapitbahay ni Flavio (played by Coco) na love ng aktor sa pelikula. Pero si Kylie Versoza na gumaganap na diwata sa pelikula ay may kissing scene sa aktor.

Oks sa amin ang first directorial job ni Coco na gamit ang totoo niyang pangalan sa credit as film director na si Rodel Nacianceno.

Almost three months din pala binunuo ni Direk Rodel ang shooting ng pelikula sa kabila ng kaabalahan niya bilang artista sa teleseryeng “Ang Probinsyano”, kung saan parte din siya ng creative team ng naturang aksyon serye ng Kapamilya Network.

Super effort talaga para sa actor-director na mabuo ang regalo niya ngayong Kapaskuhan para sa mga bata at sa buong pamilya.

Hand-on kasi si Direk Rodel sa proyektong ito.

I just can’t imagine na naglagare siya bilang artista ng Ang Probinsyano at sa Ang Panday. Super effort talaga siya sa kanyang dalawang trabaho.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko ‘yong bandang last part ng pelikula kung saan nag-duwelo sina Flavio at Lizardo (Coco and Jake Cuenca respectively) na mas upgraded version with the special effects tulad sa nakaraang original Ang Panday na si The King , Fernando Poe Jr. at Max Alvarado ang magkatungali.

Congrats Coco. Pasado ka sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post