Bakbakan nina Daniel at Kathryn sa ‘La Luna Sangre’ inaabangan!

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

MAY MGA BAGONG pasabog ang La Luna Sangre primetime series ng ABS-CBN lalo na ngayong inilantad na ni Daniel Padilla as Tristan ang kanyang sarili kay Malia na ginagampanan naman ni Kathryn Bernardo. Umapir na ulit ang karakter ni Daniel na inakalang patay na.

Ayon sa Kantar Media, mas pinanood ng mas maraming viewers nationwide ang madamdamin at maaksyon paghaharap ng dalawa  kaya naman pumalo ang episode sa national TV rating na 30% kumpara sa 17.8% na kalabang programa.

Marami ang napa-react sa naiiba at tila wala nang pusong si Tristan na hindi natinag sa yakap at pagsusumamo ni Malia.
Umigting pa lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang saktan nito ang dating iniibig. Bagama’t iniwan niya ang bagong itinakda nang buhay, pinagbantaan naman niya ito sa paparating na digmaan.

Sa totoo lang, mas pinabagsik ang La Luna Sangre sa mga susunod p ang episodes nito kaya tiyak na maraming televiewers ang mag-aabang. Napapanood ang KathNiel epic serye pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

THE REVENGER SQUAD HITS: Madlang pipol, all out ang support kay Vice Ganda!

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

MAAGA PA LANG, nag-post  na sa kanyang social media account si Vice Ganda na patungong SM Mega Mall na siya kung saan magkakaroon iya ng block screening para sa pelikula niyang GANDARRAPIDO:The Revenger Squad kung saan kasama niya sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Super sipag ni Vice na last night, hindi na siya natulog para salubungin ang Noche Buena at sa konting pahinga after ng kaganapan ay maaga ito nagising to get ready papuntang venue para sa kanyang block screening.

Sa totoo lang, during the Parada ng mga Artista last Saturday afternoon para sa MMFF 2017 na unang sikad ng mga activities ng almost 2 weeks long event ay napatunayan ko sa sarili ko kung gaano kalakas si Vice sa masa.     

Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach

Ang sinasakyan ko na van ang nasa unahan ng float nina Vice kung saan lulan ang mga co-stars niya.

Habang binabaybay namin ang kalye patungong Alabang ang madlang pipol pangalan niya ang isinisigaw.

“Lodi Vice” (read: Idol Vice) ang sigaw ng tao, reason para hindi mo makita ang kapaguran sa unkabogable box-office superstar na left and right ng float ay panay ang kaway niya sa mga tao na nagaabang sa kanya.

The cast of Gandarrapido: The Revenger Squad

Ang ilan, may hawak na sariling gawa na placard na ang tao hindi magkamayaw.

With Vice super effort, alam ko na susuklian ito ng taumbayan para suportahan ang pelikula niya.

Goodluck Vice.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

ANG TUNAY NA “RELASYON” NINA VICE GANDA AT DANIEL PADILLA

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

KUNG SINA Vice Ganda at Pia Wurtzbach ay mga gay icon, nagtataka ang marami kung ano ang papel ni Daniel Padilla sa pelikula na ”baklang-bakla” din ang buong titulo na MMFF 2017 entry ng Star Cinema para sa darating na December 25.

Si Vice, knows namin na baklang-bakla mula sa hibla ng kanyang laman at si Pia naman na isang idolo ng mga beks dahil 95% ng mga bading ay mahilig sa beauty contests at idol nila ang talyadang pagrampa nito sa Miss Universe 2015. Saan ka pa?

Si Daniel, pambalanse sa pagiging “beki” nina Vice at Pia.

“Pam-balance lang pero masaya talaga kami sa set po.. nagsama-sama kami,” kuwento ni Daniel sa mga taga-media na dumalo sa grand presscon ng pelikula nila na Gandarrapido:The Revenger Squad.

Sina Daniel at Vice ay matagal nang buddy-buddy. Matalik na magkaibigan kasi sina Vice at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kaya ganoon na lang ang closeness ng dalawa na kapag nagkikita sila ay may harutang nagaganap.

Vice Ganda and Daniel Padilla

Kaya nga ang closeness ng dalawa nami-misinterpret ng mga hindi nakakakilala sa tunay na relasyon ng binata sa unkabogable box-office superstar.

Minsan, nabanggit ni Vice na hindi si Karla ang ina ni Daniel kundi siya. Ako ang umire kay Daniel. Sa sinapupunan ko galing si bagets reason kung bakit ganun ka-close ang dalawa.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE REVENGER SQUAD AT ENCHANTED KINGDOM

Gather your squad on December 9, 2017, Saturday and head to Enchanted Kingdom to catch your favourite lead stars of Gandarrapiddo The Revenger Squad. Watch The Teen King Daniel Padilla, Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach, and the phenomenal Vice Ganda together with Karla Estrada, Loisa Andallo, JJ & Carlo, Yakki and Warren, Ellen Tatlonghari Viceral, Iris Omale Isaiah, Ma. Nita Bongcayao and VIVA Entertainment as they give you a whole lot of surprises and fun at 5PM, Spaceport. The movie is an official entry of Star Magic and Viva Films to the Metro Manila Film Festival showing on Christmas day, Dec. 25, 2017.

Enjoy this magical day and avail the discounted ticket rate for ONLY P720 this Saturday! The ticket rate is inclusive of UNLIMITED rides and Agila The EKsperience. Come and bring along your whole family and friends to witness this one big kabogable show only at the premier theme park in the country.  

Related Post

Daniel Padilla, nakatikim na ng unang best actor award!

Daniel Padilla

TINANGHAL na Best Actor sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies si Daniel Padilla para sa pelikula niyang Barcelona: A Love Untold kasama si Kathryn Bernardo.

Halatang emosyonal ang bida ng La Luna Sangre habang tinatanggap best actor trophy at nagpapasalamat sa miyembro ng PMPC. Ang naturang best actor award ang kauna-unahang acting award na nakuha ni Daniel.

Ayon pa sa binata, hindi porket at na-recognize na ang kakayahan niya bilang aktor ay mahusay na siyang aktor. Marami pa raw siyang dapat matutunan.

Ang loveteam din nila ni Kathryn Bernardo ang nanalong Loveteam Of The Year para pa rin sa Barcelona.

Samantala, wagi rin si Luis Manzano bilang Darling of the Press. Si Joshua Garcia naman ng pelikulang Vince & Kath & James ang tinanghal na Best New Movie Actor of the Year.

Wagi rin si Xian Lim ng Best Supporting Actor para sa pagganap niya sa Everything About Her at winner din si AnaCapri ng pelikulang Laut ng Best Supporting Actress.

Congratulations to all the winners!!!

La Boka
by Leo Bukas

Pikon sa Basketball: Daniel Padilla, balat sibuyas!

Karla Estrada and Daniel Padilla

SA LARONG BASKETBALL, bawal ang pikon, Hindi pwede ang balat sibuyas.

Kung super hero ka man sa ibang mundo, sa hardcourt, lahat pare-pareho. Lahat kayo pantay-pantay.
Kung may balyahan man at konting kapalpakan sa hardcourt, hindi ito maiiwasan. Hindi na ito bago. Larong macho. Laro ng mga brusko.
Kaya naman nagtataka ako na bigla naging balat sibuyas si Daniel sa opinion ng mga miron.
Nagkakataka lang kung bakit dina-drama pa ni Daniel ang isang opinion na pwede naman palampasin.
Ang opinyon sa Twitter ni Paul Salas sa pangyayaring aberya between Daniel at JC de Vera last Sunday ay lumaki na parang reaksyon ng mga dalagang tsimosa at emotera.
Funny ang nangyaring reason ni Daniel. Emote kung emote na pati mga faney niya ay nakisawsaw. Si Kathryn Bernardo, sumali sa isyung usapang “barako” ng mga dyowa nila. Maging ang girlfriend ni Paul (forgot her name na dating taga-bahay ni Kuya sa PBB while I’m writing this item) ay nakisama na rin sa kaguluhan sa dahilang “for the love”.
Big issue at trending na pinaguusapan online ng mga faney kaysa sa isyu ng Commission on Appointment sa hindi pagkatalaga kay Sec. Judy Taguiwalo sa position as DSWD Secretary at isyu ng mga “Bakwit” ay naging malaki ang sunog ng Twitter War.
Ang away sa hardcourt ng dalawang mga artista dahil lang sa opinion, pati nanay ni Daniel na si Karla Estrada ay join na rin na umabot na sa punto na nakipagusap na diumano ito sa ama ni Paul na si James Salas.
Away sa larong basketball. Buti hindi nahihiya si Daniel na pati nanay niya nakisawsaw, na pwede namn nila ayusin ng Paul on their own. Mga  binata na sila, malalaki na at may mga “balls” naman siguro.
Sa ganang akin, talo ang pikon. Kampihan ba naman ng sanlibo’t sangrekwang mga faney ni Daniel ay talo si Paul sa bashing at walang laban dahil less popular at less sikat itong huli.
I just wonder, sa gabi bago matulog si Daniel, ipinagtitimpla pa rin kaya siya ng gatas ng ina bago matulog? Ha ha ha…

Reyted K
By RK Villacorta

Work & Play: Vice Ganda, magco-concert at makiki-family bonding sa Korea

[unable to retrieve full-text content]