IS LIZQUEN CELEBRATING THEIR LOVE ANNIVERSARY?

Enrique Gil and Liza Soberano (LizQuen) on a date in Tagaytay

NAGKAGULO ang mga LizQuen Fans nang makita nila sa Instagram account ni Liza Soberano na nagpost ito ng picture ng “love” niya na si Enrique Gil.

Last night (Oct. 24) yun sa sosyaling Antonio’s sa Tagaytay kung saan dun nage-emote ang ilang mga showbiz celebrities natin na nagse-celebrate ng kanilang monthsary or anniversary ng kanilang pagmamahalan.
Nang ma-post ang dalaga, pakiwari ng mga LizQuen fans that both stars are celebrating the anniversary of their love. Anniversary of being as one kaya? October 24 ba ang anniversary nila na until now ay hindi pa rin inaamin ng dalawa.

Enrique Gil

Sa mga IG photo posting ni Liza, walang text or caption na kasama kundi isang rose icon lang na madami ang mga natuwa na umabot ng 248,010 likes (as of today) at kabilang ang mga celebrity friends ng dalawa tulad nina Zanjoe Marudo, Bea Binene, Karylle, Anne Curtis, Jane Oineza at marami pang iba na masaya sa paramdam na ito ng dalaga.
Sa IG naman ng binata, he posted a picture nila nila ni Liza  na tila they’re waiting for their dinner na umabot ng 148,929 likes at kabilang din ang mga celebrities na nag-like sa picture ng dalawa ay sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Angeline Quinto, Fourth Solomon, Jed Madela, Rodjun Cruz, Michelle Vito, etc.

Liza Soberano

As of this writing, hindi pa nasusundan ang naturang IG posting nina LizQuen pertaining to “something romantic”.
Sa mga fans ang supporters ng dalawa, abangan na lang ang bagong TV serye nila na “Bagani”.
Balita namin ay next year pa ang panimula ng shooting ng dalaga for Darna.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Liza Soberano, biktima ng fake news!

Liza Soberano

KALOKA ang ibang mga netizens sa social media. Sa kagustuhan nila na magkaroon ng madaming mga followers ay kung anu-ano ang mga ginagawa nila just to attract ng sandamakmak na mga followers kahit “fake news” ang ipinu-post nila.

Kaya nga warning ko sa mga avid fans ng mga showbiz celebrities ay mag-ingat sa mga taong gusto lang sumikat at the expense of others.
Isa sa latest victim ay itong si Liza Soberano na isa sa mga celebrities natin na madami ang mga followers sa kanyang SocMed.
Sa kanyang Instagram account alone, she has a followers of more than 6.6 million at hindi pa kasama ang Twitter at ang mga nasa Facebook account niya, meaning madami ang naniniwala sa young actress.
Last week, may isang longshot photo na naka-post sa social media na iisipin mo ay si Liza yong subject. Parang naka-Darna outfit na hindi malinaw na may kaganapan sa isang helipad.
Kung fan ka ni Liza, iisipin mo na siya yun ang nasa picture na ang dating sa iyo  ay nagsimula na ang shooting ng dalaga for Erik Matti’s Darna for Star Cinema.
Yong photo na nag-viral sa SocMed ay isang hoax (fake photo) ayon sa kuwento ng isang reliable insider sa amin. In short, pekeng balita.
“Hindi pa po nagsisimula ang shooting niya. Tuloy pa rin po ang training niya sa mga ipinapagawa ni Direk Erik sa kanya,” sabi ng reliable source namin.
Actually, pumayat nga si Liza. Sa hirap ng physical training niya, medyo pumayat ang dalaga.
Last weekend, when we had lunch with Ogie Diaz (manager of Liza); he told us na pursigido ang dalaga sa training. “Tuloy-tuloy ang page-gym nya at pati na yong training niya na lumilipad. Noong una, medyo may kaba siya sa pinapagawa sa kanya na makakatulong sa pagiging graceful ng paglipad niya. Kawawa nga e. Pagod palagi ang anak ko.
“Pero dun naman ako bilib sa kanya, yong passion niya sa work. Kahit ano ang ipagagawa mo, hindi siya umaangal or nagrereklamo,” kuwento nito sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber

Liza Soberano

BLESSING IN DISGUISE na rin ang hindi pagkakatuloy ng concert ng Canadian pop singer-superstar na si Justin Bieber dahil madami sa mga showbiz personalities natin from Star Magic ang hindi talaga makakanood ng kanyang concert na dapat ay sa darating na September 30 dahil sa dami ng projects na dapat munang pagtuunan ng pansin.

Isa si Liza Soberano kasi sa nag-advance purchase ng tickets for the said concert. Kahit hindi man siya makakapanood ng nasabing show (bago ito nakansel), ang mga tickets ay nakalaan sa relatives and friends ng dalaga.

Liza Soberano

Sa ngayon, update ni Ogie Diaz sa amin, patuloy pa rin ang training ng dalaga (physically) bago magsimula ang shooting ng Darna.

”Kailangan niya maging ready. Napaka-pisikal ng role niya. Gusto niya, siya ang gagawa ng mga stunts niya. Ayaw niya ipa-double,” pagbabalita ng manager niya sa amin.
As of this writing, wala pa rin napipisil na leading man si Liza. Wala pa rin napipili para sa role na kapatid ni Darna (Narda) na si Ding.
Nilinaw na rin ni Daniel Padilla ang tsika na siya ng magiging kapareha ng dalaga na sabi nga ng bintana sa isang panayam:”Bakit ako? Walang ganun,” panigurado ng binata sa mga baliw na fans.

Reyted K
By RK Villacorta

Para Klaro sa LizQuen at KathNiel Fans: Hindi si Daniel Padilla ang leading man ni Liza Soberano sa Darna!

[unable to retrieve full-text content]

Lorna Tolentino, balik-telebisyon sa ‘Victims of Love’!

[unable to retrieve full-text content]

Liza Soberano, tinanggihan ang isang Hollywood film at imbitasyon ng Netflix!

Liza Soberano

NAPAG-USAPAN namin ng kaibigang Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano ang malalaking offers sa kanyang alaga last Sunday night (June 25) sa “Welcome Home” Dinner party ng bagong baby girl nila ng misis na si Georgette (details of baby ”Miracle” very soon).

May offer ang isang big and prestigious Hollywood production para sa dalaga na tinanggihan nila dahil  super loaded na ang schedule ni Liza.

 Ngayon kasi, super training si Liza to develop her body to be fit ang additional classes in martial arts at dance para swak siya as the new Darna.

Nagyon kasi, super training si Liza to develop her body to be fit. She’s taking additional classes in martial arts and dance para swak siya as the new Darna.

 Maging ang online film outfit na NetFlix ay inimbitahan siya to attend an event in Singapore na hindi rin maisingit ng dalaga dahil sa kanyang schedules.

Sabi ni Ogie sa amin: Kung keri lang ni Liza ang lahat nang ino-offer sa kanya, why not. Sayang, pero hindi talaga kakayanin kahit gustuhin man niya.”

Nilinaw ni Ogie na ang imbitasyon for Liza ng Netflix ay just to grace their event dahil gusto nila makilala ang young actress in person. Bukod pa rito ng ang posibleng international offer kung saka-sakali may mapagusapan.’

 Ang balita namin this July na ang simula ng filming ng Darna.

Reyted K
By RK VillaCorta

Ogie Diaz, aprub na si Enrique Gil ang leading man ni Liza Soberano sa Darna

I’M SURE super happy ang mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa lumabas na balita yesterday na si Quen ang magiging leading man ni Liza sa pelikula niyang Darna.
As of this writing, wala pang formal announcement ang Star Cinema kung sino talaga ang magiging kapareha ni “Narda” as the human karakter ni Darna kung ang pagbabasehan natin ay ang traditional Mars Ravelo storyline na si Narda (isang PWD na naka-saklay) ay magkakaroon ng superpower at nagta-transform into our own and  local  superwoman na kapag isinubo ang ‘magic” baton na inaabot ng nakababatang kapatid na si Ding ay nagiging “Darna” si Narda.
Sa cinema teaser ng Darna na napapanood ko noong hindi pa ina-announce na si Liza ang gaganap, hindi ipinapakita ang mukha ni  Darna na sa hubog ng katawan ang hula ng nakararami ay si Angel Locsin nga yun.
Seksi kasi ang torso ng Darna na ipinapakita.
High tech ang short teaser na kami man na sa kapirangot na patikim ay biglang na-excite.
Sa short messenger chat namin ng manager ni Liza na si Ogie Diaz this morning, hindi pa daw niya nababasa yong istorya na lumabas yesterday sa Philippine Star kung saan doon namin nabasa ang titulo na si Quen ang gaganap na leading man ni Liza sa pelikula.
Sabi  ni Ogie sa amin tungkol sa lumabas na balita: “Ah hindi ko alam, eh. Si Darna lang ang alam ko. Si Ding nga ndi ko alam kung sino dahil ang alam ko may pa-go see sila. Pero bagay doon si Tristan as Ding, yung bata sa La Luna Sangre. Ang cute!!” reaksyon ni Ogie.
May dagdag siya: “Pero kung bibigyan talaga ng love interest si Liza, may iba pa ba, eh tried and tested na ang LizQuen? Tama!dbye”?

Reyted K
By RK VillaCorta