Direk Joel Lamangan, very proud kina Tom, Lovi at Erich sa “The Significant Other”

Direk Joel Lamangan

MAKABAGO ang story ng “The Significant Other” na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Erich Gonzales and Tom Rodriguez ayon kay Joel Lamangan. Kuwento ito ng dalawang successful top fashion models – Nicole (Erich) and Maxene (Lovi) who are two friends who realized that they are romantically involved with the same man – plastic surgeon Edward (Tom).

“Ito yung istorya ng magagandang tao. I have worked with Lovi so many times na. I give her Best Actress in FAMAS. Choice ko din si Erich, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makatrabaho,” sabi ni Direk Joel.

Pinagusapan ang sampalan nina Lovi at Erich. Totoo palang nagkasakitan ang dalawa. Dumugo pa nga ang tenga ni Lovi dahil sa lakas ng sampal na pinakawalan ni Erich sa mukha ng magaling na actress. Paliwanag ni Direk Joel, “Totoong may sampalan talaga sa eksena,  sampalang nagkatotoo .Nagkasakitan sila para lumabas na makatotohanan ang scene.”

Kinausap ni Direk Joel kina Lovi at Erich before the take na kailangan ‘yung scene maging realistic. “Dinidescribe ko yung role nila, kailangang magsampalan sila. Nadala sila sa eksena kaya ganu’n ang nangyari. Sinabi ko sa kanila gawin ninyong makatotohanan kung hindi ipapaulit-ulit ko sa kanila. Masakit ‘yun kung paulit-ulit nilang gagawin ang sampalan. Ang nangyari, sa lakas ng sampal ni Erich kay Lovi sumabit sa hikaw ni Lovi ang kamay ni Erich na may dugo.”

Pinatotohanan ni Lovi ang kuwento ni Direk Joel. “After

Erich Gonzales, Tom Rodriguez and Lovi Poe

the take exit na kami pareho tahimik sa set. After an hour, nagusap na kami ni Erich na parang walang nangyari,” tsika ng dalaga. Parehong palaban ang dalawa sa aktingan kaya naman natutuwa ang award-winning director dahil magagaling ang kanyang mga artista.

May kakaibang twist ang “The Significant Other” compared sa mga  pelikula ganito ang tema.“Yung twist ng story hindi ko sasabihin dahil ‘yun ang gustong malaman ng manonood. Sexy ang film, I think this is a serious role for the 3 actors. First time ko makatrabaho si Tom Rodriguez and Erich Gonzales. Tom is a very intelligent actor. Kailangan lang  sasabihin mo sa kanya ang eksenang kukunan. Alam nilang tatlo kung ano ang kailangan sa eksena at ano ang hinihingi ko sa kanila and they give it,” dugtong pa ni Direk Joel.

Lovi as an actress ? “Si Lovi hindi na siya baguhan, hindi mo na siya kailangang turuan. Maganda ang approach niya in every scene..pinagaaralan niyang talaga. At pag-take na, mayroon siyang  kakaibang gagawin , seryoso siyang artista. Si Erich naman sumusunod sa instruction without asking question, ” pagmamalaking turan ng magaling na director.

 Naging topic din namin ni Direk Joel ang sex. Active pa din kaya ang sex life nito?

“Of course, boring ang life without sex. Super active ang sex life ko, “ ang mabilis nitong sabi. Super active nga raw ang sex life niya. “Nakaka-excite kapag may date ka, magaayos ka, magpapaganda ka  maraming seremonya bago ka makipag-date. Ewan ko ba, at my age alive na alive ang sex life ko,” natatawang sambit ni Direk Joel.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

WALANG ANGAL SA PUMPING SCENE: Lovi Poe, kinabayo si Tom Rodriguez

Lovi Poe and Tom Rodriguez

MADAMI ang nanghula kung anong ”P” sa kuwento nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Direk Joel Lamangan na hindi mabanggit ng sexy siren at ikinagulat naman ng sexy hunk.

Ang P ay ang salitang amihan. P as in “pumping” na siyang ipinagawa ni Direk Joel sa isang love scene ng dalawa sa pelikulang The Significant Other produced ng Cine Ko Productions na nakatakda na ipalabas sa January 21.

Si Lovi ay kilala sa mga sexy movies niya na walang pakundangan kung umawra with her sexy body na gusto rin niyang i-share sa fans and supporters niya especially ang mga boys at mas lalong nae-excite ang mga tomboys dahil para sa kanila, super lakas ng appeal ng dalaga.

 Si Tom naman, mabibilang mo man ang mga sexy roles na gawa niya pero kapag kailangan niya mag-bare (underwear lang ang natitirang saplot), walang arte ang binata.

Pero sa eksenang ipinapagawa ni Direk Joel sa kanila, laking gulat ng dalawa na habang ini-execute nila ang eksena at ang mga miron na production staff ay nakatingin sa kanila, no choice sila na ibigay ang hilig ni Direk Joel sa “pumping scene” ni Lovi habang kinakabayo si Tom.

Tom Rodriguez, Direk Joel Lamangan and Lovi Poe

Sa katunayan, hindi mabanggit ni Lovi ang salitang ‘pumping’ nila ni Tom na ang tawag na lang niya ay letter P. 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE TERROR DIRECTOR: Joel Lamangan, first time hindi nagalit at nagmura sa set ng kanyang pelikula

Barbie Forteza and Joel Lamangan

KAPAG NARIRINIG ng mga baguhang artista ang pangalan ni Direk Joel Lamangan, asahan mo, kabado sila na makatrabaho ang pamosong direktor.

Tulad sa kaso nina Ken Chan at Barbie Forteza, sa unang pagkakataon na makaharap nila si Direk Joel ay may tensyon silang nararamdaman.
Alam kasi nila na si Direk Joel, mahigpit at perfectionist sa mga eksena na dinirirek niya.
“Bawal ang ma-late sa set,” kuwento ni Ken. Sabi naman ni Barbie: “Dapat pagdating mo sa set ni Direk, dapat alam mo ang linya mo. Dapat pinag-aralan mo na.”
Pero si Direk Joel, sa kabila ng kaba ng mga artista niya na sa unang pagkakataon niya nakatrabaho ay puring-puri niya ang dalawa.
“Dito makikita yung other aspect ng kanilang talent. Dito na-test ang kanilang dramatic prowess. Na-discover ko na mahusay silang dramatic actors. Isa sila sa mga pinakamahusay na dramatic actors of their generation. 

“At tuwang-tuwa ako kasi nakatrabaho ko sila. Imagine, naka-trabaho ko sina Ken Chan at Barbie. I’m so proud of them,” pagkukuwento ni Direk sa dalawa niyang artista sa “This Time I’ll Be Sweeter” na produced ng Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Hindi lingid sa mga artista na si Direk Joel ay isa sa mga sinaabing “Terror Film Director”.
He is sweet at malambing pero naninigaw at nagmumura sa set. Pero with Direk Joel’s experience with his stars sa siksik sa kilig movie nina KenBie, first time siya hindi nagalit or nanigaw. Wala siya napagalitan sa mga artista niya.
Mula kay Direk Joel mismo: “Mahuhusay sila na artista. I’m so proud. Lahat ng nandito, wala akong itulak-kabigin. Ito lang ang pelikula na wala akong napagalitan. 
“Wala akong nasigawan. Dahil siguro takot sil at dahil prepared sila sa kung ano ang ine-expect sa kanila . Dahil on time sila, walang nale-late. May respeto sila sa trabaho nila. May respeto sila sa trabahong kanilang pinili.  Maaga pa lang, mahusay na ang training nila.
“Nakikita natin ang isang magandang kinabukasan ng industriya ng pelikulang Pilipino sa tulad nilang mga batang artista,” pagkukuwento niya.

Sa pelikula nina KenBie ay kasama rin sina Ara Mina, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan at Kaki Ramirez

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Ken Chan at Barbie Forteza, madalas i-rehearse ang eksena sa “This Time I’ll Be Sweeter” para di mapagalitan ni Direk Joel

ANG GANDA ng attitude na ipinakikita nina Ken Chan at

Barbie Forteza and Ken Chan

Barbie Forteza while doing the promo of their launching film sa Regal Entertainment na This Time I’ll Be Sweeter. Very cooperative ang dalawa at ang sipag-sipag mag-promote ng pelikula.

Nakakatuwa rin ang attitude nila na hindi mga feeling sikat at talagang very warm kung makipag-usap sa press. Hindi rin sila mga echoserang frog na paliguy-ligoy sumagot sa mga tanong.

Yon nga lang, may pakiusap ang Kenbie tandem na sana raw ay huwag munang masyadong pag-usapan ang tungkol sa kani-kanilang buhay. As we all know, may kani-kanyang partners ang dalawa, huh!

Meanwhile, This Time I’ll Be Sweeter is directed by Joel Lamangan  na aminadong hindi niya napagalitan ang dalawang bida dahil very professional daw silang katrabaho.

“Hindi po talaga kami nale-late sa set. Isang oras bago ang call time dumarating na po kami ni Ken at kapag may eksena kami, nire-rehearse din namin para hindi maimbiyerna sa amin si Direk Joel,” kuwento pa ni Barbie.

Base sa trailer ng pelikula at sa dami ng views nito sa social media, marami ang curious na mapanood ito sa big screen. Mukhang nakakikilig nga ang This Time I’ll Be Sweeter kahit pa di nama sila sweetheart talaga offscreen.

Showing ang pelikula sa Nov. 8.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Hashtag Nikko Natividad, sinigurong wala siyang lalabas na video scandal

LIKE ko ang Hashtag member na si Nikko Seagal Naitividad na talent ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Hashtag Nkko Natividad

Straight forward si Nikko kasi, kaya like siyang interbyuhin ng entertainment writers.

Una na, ako as a person, mas hamak na gusto ko naman na ang kausap ko ay diretso at hindi paliguy-ligoy, dahil as a person I’m straight forward sa mga kausap ko. Hindi ako mahilig sa mga sugar-coated words para lang magustuhan mo ako.

Kaya aliw kami kay Nikko na bluntly na inunahan na niya si “Fren” Rommel Placente na wala siyang itinatagong sex video na uso ngayon, at naglalabasan ang mga lihim na dating nagawa ng showbiz personalities natin, na nang sumikat ay isa-isang naglabasan.

“Wala po ako n’yon,” sabi ni Nikko at panigurado niya.

“Bakit ko po naman ipare-record ‘yun, lalo na’t private na ‘yun,” paliwanaag niya.

Si Nikko ay isa sa mga original Hashtag members na happy sa estado niya ngayon sa noontime show na “It’s Showtime”, dahil mas nabibigyan siya ng mgandang break para ipakita ang kanyang hosting talent bukod sa kanyang dancing skills.

Sa noontime show, may bagong pakulo ang palabas kung saan laugh trip ang istilo ng hosting ni Nikko na sa mga nakapanonood, kahit mali-mali ang pag-i-Ingles ay nakake-create ito ng mga nakatutuwang eksena na tuloy nagkakaroon ng trademark ang klase ng pagho-host niya.

“Nag-usap kami ni ‘Nay Jobert na aalagaan ko ‘yong break na ibinigay sa akin ng ‘It’s Showtime’. ‘Yong pagpapa-cute, bigay ko na lang daw sa iba at mag-concentrate ako sa break na ibinigay sa akin,” kuwento niya.

Sa ngayon, pinasok na rin ni Nikko at pag-arte sa pelikula, na kung tama kami ay pinahanap pa siya ni Direk Joel Lamangan for a “gay role”, kung saan partner sila ng kapwa Hashtag member na si Jon Lucas sa pelikula na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

Bida sa “Bhoy Intsik” na si RS Francisco, ‘di mahilig sa beauty contest

Bading man ang magaling na stage actor/director na si RS Francisco na bida sa pelikulang “Bhoy Intsik” ng Sinag Maynila Film Festival, hindi raw siya katulad ng iba na mahilig sa beauty contest.

Raymond “RS” Francisco

Ayon kay RS, na nagpalit ng screen name to Raymond Francisco, wala rin daw siyang mga kilalang beauty queen.

“Hindi ako mahilig sa mga Miss Gay, Miss Universe. Like ‘yung Miss U recently, kausap ko si Gretchen (Barretto), ‘Honey, mag-i-start na ‘yung Miss Universe, watch us.’ Sabi ko, ‘Girl, patulog na ako. I don’t like mga Miss U na ‘yan, kayo na lang, balitaan mo na lang ako.’ I don’t even know the beauty queens,” kuwento niya.

May paliwanag din siya kung bakit Raymond at hindi na RS ang kanyang ginamit na pangalan sa “Bhoy Intsik”.

“Ferdie Lapusz said, for international screenings dapat full name. Mas seseryosohin daw ako kung ang gagamitin kong pangalan is Raymond which is my real name din talaga,” katwiran niya.

Hirit pa niya, “Hindi naman talaga ako RS, eh. Raymond naman talaga ang pangalan ko, kaya lang naging RS dahil sa ‘M Butterfly’. Kasi sa ‘M Butterfly’ I played a girl, not bading ha, I played a woman,” sabi pa niya.

Kasama ni Raymond sa “Bhoy Intsik” si Ronwaldo Martin. Sa direksyon ito ni Joel Lamangan at produced ng Frontrow Entertainment.

Ronwaldo Martin, hindi naglaswa sa “Bhoy Intsik”

Aminado si Ronwaldo Martin na hindi niya kayang gawin ang klase ng mga pelikulang pinagsimulan noon ng kapatid niyang si Coco Martin. Pang-wholesome daw siya hangga’t maari dahil ito rin ang gustong mangyari ng kapatid niya.

Ronwaldo Martin

“Ayaw po niya. Siguro ayaw niya na pagdaanan ko rin ‘yung ginawa niya noon sa pelikula,” rason ni Ronwaldo.

Wala rin daw silang laswaan ng kasama niyang gay stage actor/director na si Raymond Francisco sa Sinag Maynila Film Festival entry na “Bhoy Intsik”.

“Parang tatay-tatayan ko siya sa pelikula, eh. Pareho kaming sanggano at laging magkaaway, pero sa huli, nakitira pa ako sa bahay niya sa sementeryo,” kuwento ng indie actor.

Samantala, tinanggap ni Ronwaldo ang role ni ‘Maron Pogi’ sa Bhoy Intsik dahil halos kapareho raw ito ng role niya sa critically-acclaimed film na “Pamilya Ordinaryo”.

“Siguro bagay lang sa akin ‘yung role kaya ako kinuha ni Direk Joel (Lamangan). Sabi niya, nagustuhan daw niya ako sa ‘Pamilya Ordinaryo’ kaya inilagay niya ako rito. Natatakot nga ako sa kanya, eh, lalo na ro’n sa eksenang kailangan kong umiyak, pero nagawa ko naman,” sambit pa niya.