LATEST PHOTOS OF JOHN LLOYD AND ELLEN ADARNA: Confirmation of Pregnancy?

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

KALOKA! Sa kabila ng katanungan kung totoo yong “kasal-kasalan” nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na isinagawa daw sa Holy Family Church sa may Roxas District sa Kyusi na malapit sa bandang Amoranto St sa Scout Chuatoco, biglang tumameme ang grupo at diyaryo na nagpakulo ng kasal-kasalan.

Maging si Mayor Herbert Bautista, hindi alam may ganung balita sa kinasasakupan niya. Kung sa Kyusi isinagawa ang kasal, at least alam niya.

Ang grupo at dyaryo na nagpasimula ng “kasalan” isyu nina Lloydie at Ellen ay wala rin proof (even a photo of the wedding) na ipakita na dahan-dahan na lang tumalikod sa kanilang kumpirmiso sa publiko.

Kaya sa sa isang recent showbiz function, naging kakatawanan ang “kasalan isyu”.

Pero ang totoo at proof ang mga photos ay ang pagbiyahe nina Lloydie at Ellen for a short vacation sa Japan.

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

Sa picture, may kalakihan si Ellen. Ang dating kaseksihan niya ay naglaho na at kapag nakukunan siya ng picture, kadalasan ay mga biggie t-shirts ang suot at ang kanyang tummy ay tinatakpan ng bag na nakasabit sa kanyang harapan to cover her tummy na siyang gustong masipat ng publiko.

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

As of this writing,  puro haka-haka lang ang pagbubuntis na pinaguusapan ng publiko at wala pa rin kumpirmasyon mula sa kinauukulan.

Kung kailan verbally aaminin ni Ellen na buntis siya ay abangan na lang natin. Sorry, hindi ako matinik mag-asses kung buntis ang babae o hindi kung picture lang ang makikita ko.

I want to see the tummy.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

SECRET WEDDING DAW: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, kinasal na nga ba?

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

PINAG-USAPAN noong isang araw ang kasalan daw ng dalawang sikat na showbiz celebrities na diumano ay mga sikat na aktor at aktres.

Ang tsika, sa isang simbahan sa Quezon City isinagawa ang pag-iisang dibdib pero kung may kasalan man nagaganap noong isang araw ay parang magiisip ka at pagdududahan mo ang “balita”.

Sa showbiz pa na sa bawat pag-utot at pagdighay ng mga artista ay nagla-land kaagad sa social media, parang hoax ang balitang kasalan ng dalawang sikat na personalities. Halos lahat ng Pinoy ay may hawak ng kamera at tila naduda-dudang nakaligtas sila sa mata ng mga miron.

Kutob ng ilan, nakasahog sina John Lloyd Cruz at ang girlfriend niya na si Ellen Adarna na sa kasikatan at pagiging hot topic ng dalawa ay imposible na makaligtas ito sa mata ng mga na mahilig sa usaping showbiz.

Granting na very exclusive ang naganap na kasalan, wala bang ibang sources na mapagkunan ng impormasyon sa nagpapakalat ng pahulaan?

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

Sa pagkakaalam ko, ang simbahan ay hindi sa biglang kasalan na walang paghahanda.

All couples na ikakasal sa simbahan need to undergo pre-nuptial seminar at kung anik-anik pa.

Kung biglaan ang kasalan, saan galing ang marriage certificate or something that they are allowed to get married?

Bukod kina Lloydie at Ellen na pinagsususpetstahan na nagpakasal din sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko

John Lloyd Cruz having fun in their hotel room

KINONTRA ni Beauty Gonzales ang mga kuwento na naglalabasan na ikakasal na sina John Lloyd Cruz at ang girlfriend nito na si Ellen Adarna.

In short, kung todo deny ito sa mga mangyayaring kaganapan na ewan ko kung may punto or tama si Beauty.

Hot topic kasi ngayon ang “kasalan” ng dalawa sa socmed at maging sa showbiz na isa man sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa ay ayaw ikumpirma (kung may alam man sila) or hindi at haka-haka lang ang lahat.

Last night, sa isang IG posting, may nakuha si Lloydie na nagsi-ing-along  at ini-enjoy ang gabi habang nagre-red wine.

Next posting, heto na’t may isang video na ipinost ng isang kakilala  ng dalawa (or shall I say na alter ego ni Ellen) showing an elevated stage na sa harap ay rows of white chairs sa isang open space na tila kaharap ng dagat.

May kasalang Cruz-Adarna nga ba?

Ang short video clips ay may background ng ”Here comes the Bride…” song na gamit sa entrada ng bride na hinihuni lang sa background ng naturang video.

Ano kaya ang totoong sinasabi ng photos ni Lloydie at ang naturang video na kinunan namin ng picture?

John Lloyd Cruz having fun in their hotel room

Kasalan na nga ba talaga?

May nag-PM sa amin, nasa Shangri-la Boracay diumano ngayon ang mag-lovers.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Beauty Gonzales, ipinagdiinang walang magaganap na John Lloyd-Ellen wedding!

Beauty Gonzales with JLC-Ellen Adarna insert

SINUPLA ni Beauty Gonzales ang naglalabasang balita sa social media na ikakasal na ang best friend niyang si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz sa Cebu.

Sa farewell presscon ng Pusong Ligaw kung saan isa si Beauty sa mga bida, idinenay niya ang balita.

 “Hindi, ah. Wala naman akong alam diyan. Wala akong balita. Wala akong balita.”

Isa raw kasi siya sa unang makakaalam kung saka-sakali ngang ikakasal si Ellen kay Lloydie.

“Sa totoo lang, if I would know, I will be the  first one to know  but it’s not true, okey. So, wala akong balita,”giit pa niya.

Dagdag niya, “At saka bakit naman nila itatago yon? Masaya sila sa isa’t isa, I mean, bakit  nila kailangang itago ang mga bagay-bagay na yon?

 “So if they’re gonna get married or not, that’s their decision.”

Sana raw ay hayaan na lang ng mga tao na maging masaya ang dalawa.

“Kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya. I mean, they’re not doing any showbiz work anymore, give them a break. Wala na nga sila dito sa mundo natin kaya patahimikin na natin sila,” pakiusap pa ni Beauty.

Eh, ano naman ang reaksyon niya sa sinasabing meron ng wedding preparation para sa Lloydie-Ellen wedding like contacting catering and florist?

“Naku,  nakakatawa naman yan. You know what, the family of Ellen owns a catering business. So, ano pa ba?

“Ano’ng florist, sinong florist? Taga-Dangwa ba? Hindi ko alam… wala, walang florist. Malapit na ang Sinulog baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” tawang-tawa niyang reaksyon.

Pangungulit namin kay Beauty, hindi kaya late siyang ii-inform ni Ellen about her wedding kaya hindi pa niya alam ang tungkol dito?

“Wala ngang mangyayari (kasalan),” pagdidiin niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

THE LONG WAIT IS OVER: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ikakasal na!

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

HABANG isinusulat namin ang item na ito ay wala pa rin kumpirmasyon sa mga taong involved tungkol sa kasalukuyang estado nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kung marunong ka mag-interpret ng mga ipino-post ni Ellen na mga pictures sa social media, sasabihin mo na ang kutob mo at  hinala ay totoo.

Maging ang mga malalapit na mga kaibigan ng dalawa, tikom ang bibig na maging ang isyu na buntis diumano si Ellen, puro lang haka-haka na walang kumpirmasyon or a photo posted na lumulobo na ang tiyan ng partner ni Lloydie at malapit na siya magingdaddy.

Pero ang latest while the public is waiting for the final confirmation from the people concern, heto’t may paghahanda na pala na kasalan between Lloydie and  Ellen kung paniniwalaan natin ang tsika ni Ate Lolit (Lolit Solis for you).

Sinulat kasi ni Ate Lolit sa kanyang Instagram account ang tungkol sa nabalitaan niyang kasalan ng dalawa.

Pagpo-post ng writer-talent manager: “May taga-Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February.

Kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag-Christmas at New Year si John Lloyd.”

John Lloyd Cruz with Ellen Adarna’s Family

Dagdag niya sa kanyang kuwento: “Among major sponsors daw sina Dr. Cuanang ng St. Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo, tatay ni Roman at Mons,” kung saan ang anak ng dating Sec. Bert Romulo na si Erwin ay malapit na kaibigan ni Lloydie.

Reaksyon ni Ate Lolit sa pagmamahalan ng aktor at t ni Ellen: ”Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen. So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love.

“Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya. Hay happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga,” pagse-share ni Ate Lolit sa kanyang IG.

Wala man diretsahang kumpirmasyon sina Lloydie at Ellen tungkol sa pagpapamahalan nila na sa mga photos na lang nasusundan ng mga fans nila, sa isang comment ni Ellen sa IG in the local dialect in (Cebuano): “Di ba??? Hahaha kinsay nag too na ma kami diay lol.” (Di ba? Hahaha sinong mag-aakala na magiging kami lol.)”

For Lloydie and Ellen, tsika man or true ang balitang kasalan ay binabati ko kayo ng Congratulations and Best Wishes.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

JOHN LLOYD CRUZ, HAPPY SA PILING NI ELLEN ADARNA

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

MULA NANG PUMUTOK ang balita na nabuntis ni John Lloyd Cruz ang rumored girlfriend niya na si Ellen Adarna, nanahimik ang aktor. Hindi na kumibo sa kabila ng mga haka-haka at tsismis tungkol sa sitwasyon ni Ellen at sa kanilang relasyon.

John Lloyd Cruz with Ellen Adarna’s Family

Sa mga photo postings na lang ni Ellen sa kanyang social media account namin nasusundan ang mga kaganapan sa buhay ni Lloydie.

Based sa mga photos na nai-share ni Ellen sa publiko, parang happy silang dalawa. Masaya si Lloydie sa current situation nila ni Ellen at maging ang current estado ng aktor sa showbiz.

John Lloyd Cruz with Ellen Adarna’s Family

Sa latest posting ng kampo nina Lloydie at Ellen, medyo tumaba ang aktor kasama ang pamilya ni Ellen.

I’m happy for Lloydie na kung sakali mag-decide na siya na hindi na magbalik showbiz, it’s his decision. Super deserve ni John Lloyd na sumaya sa kung ano man ang desisyon niya sa buhay.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA, MAY AAMININ NA

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

SA MGA NAIINIP at naghihintay ng kumpirmasyon sa kasalukuyang estado ni Ellen Adarna at sa future daddy na si John Lloyd Cruz ay huwag na mainip.

Yes, sa kabila ng kaliwa’t kanang ispekulasyon ng current situation ni Ellen na diumanoý buntis ito at ang ama ay si Lloydie, malapit na daw magsalita ang dalawa para matapos na ang haka-haka.

In short, may aamin na diumao ang dalawa. Aamin na diumano ni Ellen ang estado na susuportahan naman ng aktor.

Dahil sa mga kontrata si Ellen na dapat protektahan at para hindi masira at mademanda ng client, quiet muna si Ellen na kapag may picture na naipo-post sa social media, hindi ipinapakita ang tummy nito na magpapatunay ng kanyang kalagayan.

Ellen Adarna

Next year 2018 (January) ay matatapos na ang kontrata ni Ellen sa naturang advertiser reason kung bakit pu-pwede na niya sabihin ang katotohanan.

“By mid-January or 3rd week ay may sasabihin na sila sa public. Alam nina John Lloyd at Ellen that they owe something sa mga fans and supporters nila,” kuwento ng kausap namin.

Last Christmas Eve, magkasama sina Ellen at John Lloyd.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post