“Unexpectedly Yours” nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, iba ang kilig na ipinadama sa manonood!

Robin Padilla and Sharon Cuneta in ‘Unexpectedly Yours’

UNEXPECTEDLY, nagustuhan ko ang pelikulang “Unexpectedly Yours” nina Robin Padilla at Sharon Cuneta with the support of the millennial loveteam of Joshua Garcia and Julia Barretto.

Hindi ako masyadong umasa sa pelikula dahil may ideya ako na napaka-limited ng oras na ibinigay sa production to finish the film. Nang makapanayam ko si Joshua Garcia sa isang press conference sometime on the second week of November, sinasabi nito na hindi pa tapos ang kanilang shooting at hindi pa niya nakaka-eksena noon ang Megastar. Ibig sabihin ay wala pa siguro sa kalahati ang nakukunan nila noon.

Sa Pilipinas kasi, ang mga rushed na pelikula ay mahahalata mop ag pinanood na sa big screen. Kaya ayun, hindi ako masyadong nag-expect.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula. Very relatable sa mas nakatatandang viewers ang papel nina Shawie at Binoe. Minsan kasi talaga, kahit na matagal na panahon na ang nagdaan, iba pa rin ang epekto sa puso at isipan kapag high school crush na ang pinag-uusapan. I’m sure na karamihan sa mga OFW na nagsakripisyo para magtrabaho sa ibang bansa makapagpadala lang ng pera ay mata-touch sa pelikulang ito. Ang mga “overachievers” din na tulad ng karakter ni Mega ay may mga realizations habang pinapanood ang pelikula.

Light lang ang mga parte nina Joshua at Julia sa pelikula, pero nagshine din ang rumoured couple. Maganda ang chemistry nina Robin at Joshua bilang mag-tito at nina Shawie at Julia bilang mag-ina.

Julia Barrretto and Joshua Garcia

Kahit sabihin pa na tight ang deadline ng bagong pelikula ni Cathy Garcia-Molina, masasabi mo na nag-deliver talaga ito. Maliban sa solid script, technicalities at direction, malaking bagay na professional ang mga bida at supporting casts ng pelikula.

Ang lakas maka-good vibes ng chemistry nina Shawie at Binoe, sa totoo lang. Napakanatural ng kanilang chemistry at masasabing worth the wait talaga at isang bonggang regalo ito sa mga matagal naa naghintay. Dumating na nga ang panahon!

Wish namin ay magtuloy-tuloy ang paggawa ng apat na bida ng pelikula kahit pa iba ang kanilang kapares. Keep the momentum going, ‘ika nga.

Kung hindi na kayo makapaghintay sa MMFF, watching Unexpectedly Yours is worth spending on, I tell you. Good vibes na nga, kilig ka pa!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

HINDI NA MAGDE-DENY: JOSHUA AT JULIA, KUMPIRMADO NA MAGKARELASYON NA!

Julia Barrretto and Joshua Garcia

ANG LAKAS ng tilian ng mga JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto) fans na naimbitahan yesterday sa grand media launch ng pelikulang “Unexpectedly Yours” na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kasi ba naman, dahil sa pagde-deny pa ng dalawa na sila na talaga ang magkarelasyon, mula pa mismo sa tsika ni Megastar Sharon Cuneta nagmula ang pambukuking na hindi inaasahan nina Julia at Joshua.

Sa isang eksena sa open forum, matapos i-explain ng mga cast (Sharon, Robin Padilla at sina JoshLia) tungkol sa kani-kanilang roles sa pelikula ay naikuwento ni Megastar ang karanasan niya with JoshLia off-screen na hindi nakikita ng press at ng mga fans.

Pagkukuwento ni Sharon: “Ang nakakatuwa, puwede kong sabihin na during breaks—short breaks, long breaks—alam na namin kung paano nagligawan ito… Basta! Alam mo yung hindi ko akalain na at this age ay kikiligin ako,” na ang tinutukoy ay ang nakikitang “lambingan at kulitan” ng dalawang bagets na kasama nila ni Robin sa pelikula.

May dagdag pa na reaksyon ni Sharon tungkol sa “relasyon” nina Julia at Joshua: “Ayoko naman na may kalambingan ang anak kong ito na parang wala namang kaano-ano. Mabuti na yung alam nila kasi mahal mo,”

Nagulat si Julia sa statement ni Mega na ang mga fans at media na naroroon ay natuwa sa “scoop” ni Mega para sa lahat.

Robin Padilla, Sharon Cuneta, Julia Barretto and Joshua Garcia at the press conference of “Unexpectedly Yours”

Dagdag sa kuwento ni Mega tungkol sa magka-loveteam: “Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa ‘di mo kaano-ano. “Siyempre, alam nilang boyfriend mo ‘yan. Mahal na mahal nila ang isa’t isa, grabe!

“Ang tawag ko diyan, B1 and B2—Bubba 1, Bubba 2. Kasi, ‘yun ang tawagan nila, ‘Bubba. Bubba,” na sinundan ng tilian mula sa likuran kung saan doon nakaupo ang mga fans sa balcony section ng venue.

Kuwento nga ni Sharon na sina Joshua at Julia ay “cute” as a new couple lalo pa’t magandang ehemplo ang dalawa sa mga kabataan na pumapasok sa pakikipagrelasyon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE JOSHLIA WISHLIST: Joshua Garcia, dream na makapunta sa New York with Julia Barretto!

Joshua Garcia

HINDI MAIKAKAILA na ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto a.k.a. JOSHLIA ang isa sa pinaka-matagumpay na tambalan ngayon sa bansa. Nag-umpisa ang lahat sa surprise hit na ‘Vince & Kath & James’ na unexpected MMFF 2016 entry ng Star Cinema, naging sunod-sunod ang pagpasok ng projects ng dalawa as a loveteam and even as individual stars.

Slowly but surely ay naging box-office hit din ang Antoinette Jadaone film na “Love You to the Stars and Back” na ipinalabas last August. Noong una ay slow compared to other loveteam movies ang kinita ng movie sa first week, pero dahil sa good story, direction at acting ng JoshLia ay bumongga ang turnout ng curious moviegoers sa sinehan on its 2nd, 3rd and 4th week. As of writing ay pang-lima ang LYSB sa highest grossing movies of 2017.

Sa telebisyon ay naging parte ng “A Love to Last” si Julia Barretto with Ronnie Alonte while ngayon naman ay napapanood natin gabi-gabi si Joshua Garcia sa “The Good Son” at ipinapares siya with his first ka-loveteam na si Loisa Andalio.

Sa presscon ng endorsement ni Joshua na Krem-Top Coffee Mixer with Yassi Pressman, Inigo Pascual and Ronnie Alonte, kitang-kita na masaya ang aktor sa mga nagaganap sa kanyang showbiz career. Lalo pang nag-light up ang mukha nito nang tanungin siya ng press about Julia.

Krem-Top celebrity endorsers Joshua Garcia, Yassi Pressman, Inigo Pascual and Ronnie Alonte

Ang tanong sa kanya: Ano ang magiging title ng kanta na isusulat mo for Julia?

“You’re Beautiful” nakangiting sagot ng binata much to the kilig of everyone.

Pagdating sa pelikula naman ay masayang ibinahagi ni Joshua na ongoing ang shoot nila for the Robin Padilla – Sharon Cuneta reunion movie. Nabigla nga kami na noong isang araw ay naglabas ang Star Cinema ng teaser for the movie ‘Unexpectedly Yours’ na may playdate na November 29.

Joshua Garcia and Julia Barretto

Isa raw sa itinuturo ni Robin kay Joshua ay ang pagiging gentleman. Na-observe raw niya na palaging nakaalalay si Robin kay Sharon sa shoot kaya naman ganun din siya pagdating kay Julia.

Recently ay nasa Korea si Julia Barretto for work. Nagpost ito sa Instagram na “Wish You Were Here”. Na-confirm na ng lahat na si Joshua ang tinutukoy niya. Sweet!

Joshua also shared na meron pala silang plano ni Julia na once they reach three endorsement deals as a loveteam, pupunta sila sa New York as a treat for themselves. S’yempre, may kasamang chaperone ang dalaga.

Dahil sa natural chemistry, versatility and good PR, hindi na kami magtataka kung later on ay makikita na natin sa IG na ang dalawa ay nagce-celebrate na sa NYC.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

JOSHUA GARCIA AND LOISA ANDALIO: Always Come Back To Your Love!

Joshua Garcia and Loisa Andalio (LoiShua)

JOSHUA GARCIA

Real Name: Joshua Espinelli Garcia

Birthdate: October 7, 1997

Zodiac Sign: Libra

LOISA ANDALIO

Real Name: Josefina Loisa Francisca Andalio

Birthdate: April 21, 1999

Zodiac Sign: Taurus

NAG-UMPISA ang tambalan nina Joshua Garcia at Loisa Andalio nang sumali silang dalawa sa Pinoy Big Brother some years ago at eventually ay nagsama sa panghapong serye na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”, kung saan ka-love triangle nila ang kapwa PBB graduate na si Jane Oineza.

In real-life ay nalilink ang dalawa sa ibang tao. Si Joshua Garcia ay nagkaroon ng successful partnership on the big screen with rumored real life girlfriend Julia Barretto by doing two movies at madalas ang kanilang social media postings together. Meanwhile, si Loisa Andalio ay nagkaroon ng iba’t ibang ka-loveteam pero offcam daw ay may ‘something’ sila ni Ronnie Alonte, na naka-loveteam din ni Julia sa telebisyon. Kaloka, love rigodon lang mga bes?

Anyway, sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nabigyan ng project sina Joshua at Loisa a.k.a. LoiShua via the late night family drama show “The Good Son”. Syempre, nabuhayan ng loo bang fans nila. Sa reunion na ito, manumbalik kaya ang tamis ng pag-ibig ng nakaraan?

Hangga’t maaari, parehong umiiwas sa gulo o isyu ang Libra at Taurus. Ang pagsasamang ito ay puno ng gentleness at mas chillax compared to other zodiac unions. Pero, hindi ibig sabihin niyan ay smooth-sailing ang kanilang tambalan. Ang pagiging outgoing at outspoken ng Libra ay total opposite ng Taurus, na mas trip na tumambay lang sa bahay at palibutan ng konting tao na mapagkakatiwalaang tunay.

Ang problema minsan sa Taurus ay hindi ito flexible. Kung ano ang gusto niya, hangga’t maaari ay ‘yun ang masusunod. Pasaway din minsan ang Libra na hindi papayag na magpa-under. In most cases though, kaya naman nilang ayusin ang kanilang differences kapag napag-usapan ito ng mainam. Konting lambing at explanations lang ay kaya na ng Libra na i-convince ang Taurus na mag-let loose paminsan-minsan. Parehong romantic at mahilig sa luxurious things ang dalawa kaya bongga rin naman.

Sa umpisa ng relasyon ay malaki ang tsansa na halos wala silang magiging problema. As time goes by, they will realize their differences. Pareho silang romantic at mahilig sa mamahaling gamit. Ang lalaking Libra ay hindi agad na nagco-commit which may cause some insecurities sa panig ng Taurus na babae. Kailangan ng babae ng pasensya pero dapat iwasan din na maging clingy. Mas lalo naman mahuhulog ang lalaking Libra sa babaeng Taurus kung makita nito ang determinasyon na maging swak ang kanilang romantic relationship. Konting compromise lang, pwede na!

Ayun naman pala, eh! Maybe this time ay sa iba nakabaling ang atensyon ng dalawang artista ng ‘The Good Son’, pero may hope pa rin na LoiShua pa rin in the end. Who knows?

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

Julia Barretto, baliw sa pag-ibig kay Joshua Garcia?

Joshua Garcia and Julia Barretto

SABI NG MARAMI, baliw daw itong si Julia Barretto sa kanyang pag-ibig kay Joshua Garcia.

Effort to death naman kasi ang dalaga sa kanyang pagmamahal sa kaparehang si Joshua.
 Sa birthday ng binata last week, sinorpresa ni Julia si Joshua na may dala-dala pa itong birthday cake sa pagsalubong sa kaarawan ng binata sa set ng taping nito para sa hit teleserye na “The Good Son” na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.
Kung sinasabi ng marami na “baliw na baliw” si Julia kay Joshua, keber kung ang ginagawa niya ay expression lang ng kanyang saloobin at gusto lang nito itawid ang nararamdaman sa lalaking mahal niya.
I don’t find it wrong. Baka inggit lang ang mga miron na sa effort ng dalaga ay sinusuklian naman ng binata nito ng pagaalaga at magmamahal kay Julia kahit wala pa kumpirmasyon na silang dalawa na.

Claudine Barretto with JoshLia

Sa kanyang social media account, may mensahe si Julia para kay Joshua: 
“In the midst of all the judgments, the unkind words thrown at me, in the midst of all the hate and those who doubted me and my heart.  There was you.
 “You believed in me. You understood me. You embraced my soul. You saw the good in me and continue to bring out the best in me. You bravely and proudly call me your lucky charm despite the others who think otherwise.
“You protected me, cared for me and loved me for all that I am.  You make me a better person baba, and I am so glad to have found my way to you.  You are the real lucky charm, today (and everyday), you deserve to be celebrated because there is absolutely no one like you.
“Thank you for being you, happy birthday,” post na mensahe ng dalaga.
Mamatay na kayo sa inggit mga nega. Ang mahalaga happy ang dalaga. Happy ang JoshLia. Basta wala lang kokontra!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

APRUB KAY DADDY DENNIS PADILLA: Joshua Garcia at Julia Barretto, sila na!

Dennis Padilla

MUKHANG makakahinga na ng maluwag si Joshua Garcia sa kanyang panliligaw kay Julia Barretto.

Marunong ang binata dumiskarte na sa kanyang panunuyo na pati ang tatay ng dalagang gusto niya ay nililigawan din niya.
Kuwento ni Direk sa amin na noong “Father’s Day” ay nakilala niya ng personal ang binata.
“May dinner kami ni Julia. Isinama niya. Magalang naman si Joshua,” kuwento niya sa amin during the grand launch ng first directorial job niya na ”The Barker” na bida ang kaibigan niya na si Empoy Marquez from Viva Films.
Paniwala niya na si Julia at Joshua na kahit hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko. May kutob si Daddy Dennis na may relasyon na sina Joshua at Julia dahil madalas nakikitang nagho-holding hands at sweet ang dalawa.
Nang makaharap niya ang binata ay pinnayuhan niya ito. “Sabi ko nga sa kanya, ‘Mabait kang tao. Bago pa kita nakilala, bini-BI [background investigation] na kita. Wala namang pressure, mabait siya,” pabirong kuwento ni Dennis.

Julia Barretto and Joshua Garcia (JOSHLIA)

Kung sila man, okey lang sa komedyante-direktor. “Basta yung sa akin naman, mahalin mo lang ang anak ko, huwag mong sasaktan.

“Kasi siyempre, magulang ka, di ba?”
May paalala si Tatay sa anak at sa binata: “Alam niyo na ang ginagawa ninyo. Nasa tamang edad na rin naman sila at i-balance na lang niyo yung relationship at yung career.”
 Sayang nga lang at hindi niya naisama ang anak na magkaroon ng role sa pelikula.
“Wala kasi na babagay sa kanya. Pero sabi ko, help niya ako sa social media na i-promote ang pelikula ko,” kuwento ni Dennis na siyang ginawa naman ng anak.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Teleseryeng “The Good Son”, mapapamura ka sa ganda!

Joshua Garcia and Jerome Ponce

NGAYONG gabi na ang simula ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na “The Good Son” para sa Kapamilya Network.

We had the chance to see the first three episodes ng bagong teleserye na mapapanood na tonight right after La Luna Sangre.
We did not expect na ganun katindi ang serye na maglulusad kina Joshua Garcia and Jerome Ponce as the next important dramatic actors sa liga nila na susunod sa yapak nina John Lloyd Cruz at Dennis Trillo at iba pang mga magagaling na mga aktor ng kasalukuyang panahon.
Matindi ang mga eksena. Masakit sa dibdib (siguro dahil walang commercial break) na hindi ko inaasahan na isang seryosong teleserye ang The Good Son na lalong ikalulutang ng galing sa pag-arte ni Joshua (as the Man of the Hour) at ni Jerome na may patutunayan sa pag-arte sa direksyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.
Heavy drama “The Good Son”” na maging ang mga veteran actors natin ay puring-puri ang dalawa. Halos lahat ng mga eksena ay aakalain mo na highlights na ang mga napanood namin pero wala pa daw ito sa kalingkingan. Warm up lang pala yun.
Sey nga ni Eula Valdez who plays Olivia na rich mom nina Jerome at Nash Aguas on Jerome (Enzo): “He’s good. At first sinabi niya na natatakot siya na kaeksena ako. I just told him to relax and think that it’s just a role,” natatawang kuwento ng aktres sa amin.
Si Joshua naman who plays the role of Joseph na anak ni Albert Martinez sa labas kay Mylene Dizon was very very good sa napanood naming mga eksena niya.
Mapapamura ka sa galing ng binata. Lahat sila were good in their respective roles.
Kumbaga, wala ka itatapon sa acting nila. Lahat we’re excellent actors sa kani-kanilang mga roles na ginagampan na masasabing suwerte sina Joshua at Jerome na sila ang napili ng Dreamscape Entertainment to portray the roles as Joseph and Enzo respectively.
To the cast of “The Good Son” good luck sa pilot episode ninyo mamayang gabi.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post