Kris Aquino, mamimigay ng Christmas gifts sa followers sa Instagram at Facebook!

Kris Aquino

MAY REGALO si Kris Aquino sa kanyang followers sa Instagram at Facebook ngayong Pasko na tinawag niyang 12 Days of Christmas Gifts with matching hashtag na #ChristmasLoveLoveLove.

Sa post ni Kris sa kanyang IG at FB account ay makikita ang tatlo sa Christmas gift na kanyang ipamimigay – mamahaling Louis Vuitton bag, Hermes wallet at 500 gift cards para sa six months iFlix subscription.

“My mom would always tell me that blessings are more meaningful when you share them w/ others because in that way you honor the generosity of our Creator- so we just finished our 12 days of Christmas gifts from me for all of you meeting…

“And my first day of gifts will be: 500 of you will have a chance to receive gift cards for 6 months of iflix subscription viewing from me.

“All you have to do is like this here on IG & FB and tag me w/ #ChristmasLoveLove Love (The gift giving will start soon as we get back from our KCAP trip to Singapore next week where we’ll meet FB & IG regional plus do our KCAP 2018 planning session),” post ni Kris.

Dahil sa naturang post ni Kris, libu-libo kaagad ang nag-likes at nag-follow sa kanya sa IG at FB hoping na isa sila sa mabigyan ng regalo ng actress/TV host.

Magiging last gift ni Tetay ang Hermes wallet na ayon sa kanya, “my KCAP team will send you this wallet from me. We learned this from a geomancer friend — a wallet that’s been used by a financially comfortable & hardworking friend is a good gift to receive because it will inspire you to continue striving…

“Sorry kung makulit, you’ll need to like this post on IG & FB (follow me if you aren’t yet), tag me w/ our hashtag and my KCAP team will keep you in our data base,” hirit pa niya.

Ang pagbibigay ng Christmas gifts ni Kris sa kanyang followers ang paraan para raw pasalamatan angmga ito.

“Please accept my sincerest gratitude — because of your online support my startup company has grown, we have a lot of branded partnerships & many more in the pipeline, and these opportunities happened because you OPENED the digital door for me.

“This girl who needed to reinvent herself managed to do it because of you, so this is just her way of saying THANK YOU for being my life’s RAINBOW.”

     Bongga naman!

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

WOW NAMAN! Kris Aquino, kinilala bilang 2017 Best Influencer ng Berlin Native Advertising Awards

KRIS AQUINO

MAY BAGONG achievement si Kris Aquino kahit hindi siya visible ngayon sa telebisyon at nagko-concentrate lang sa kanyang blog sa social media.

Sa post ni Kris recently, binigyan  siya ng Bronze Award ng Berlin Native Advertising Awards for Best Influencer 2017.

“It all started because I had to find a way, network TV was no longer open to me. I researched & knew that going online was an avenue I could try.

“With a brand new team, we knocked on doors — @nbsalert was 1 of our 1st believers. Thank You God for this blessing! We’re back home & I saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels, @xandraramos.

“To all of you who could now be where I was at the start of 2017, questioning the how comes & the –what Ifs — take it from me: JKP — Just Keep Praying! Surround yourself w/ creative, positive, hardworking, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah 29:11 “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future,” post ni Kris. 😇

Dagdag pa niya, “In all my years of working on tv & film — this is my first European recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team w/ guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/ my bunso. Good night from a very grateful believer in God’s wondrous ways.”

At least, kahit walang TV exposures ay ratsada naman si Kris bilang  social media influencer sa online world na very much in sa panahon ngayon.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino ‘nice in person’ pa rin kahit ni-lecturan na ni Mocha Uson

Kris Aquino and Mocha Uson

ANG GANDA ng reaksyon ni Kris Aquino sa post ni Mocha Uson kahit pa medyo pinangangaralan siya nito tungkol sa pakikipagrelasyon. Walang violent reactions or whatever si Kris.

Post ni Mocha sa kanyang blog, “I have nothing against Kris as long as she won’t run for public office.  She is nice in person but another Aquino in government is just going back to your unfaithful bf again and again.

“Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, PNoy and Bam). Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash.”

Patuloy pa niya, “Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO.  ’Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usap na ’yun.”

Post naman ni Kris, magkape na lang daw sila at huwag na siyang lecture-ran.

“P.S. Kaya please ’wag nang mag-lecture about an “unfaithful boyfriend?”  Honestly,  summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over  an EX. Having said that, may I invite the blog post author to a Nepresso?

“Coffee naman tayo ’pag may time? After all  i’m nice in person.”

Wala pa ulit kaming nababasa kung tinanggap ni Mocha ang imbitasyon ni Kris for a coffee date.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Kris Aquino, ini-invest ang milyones sa mga food chain business

Kris Aquino

WISE TALAGA itong si Kris Aquino, huh! Hindi niya hinahayaang nasa bangko lang at kumikita ng maliit na interes ang kanyang mga milyones.

Habang hindi pa muna aktibo sa telebisyon, na I’m sure, darating din ulit, ay abala muna sa pagnenegosyo si Kris.

Binuksan ni Kris noong Sept 29 ang  kanyang bagong Chow King store sa Welcome Rotunda, Quezon City. Ito ang kanyang pangalawang branch (una ang Chow King Ali Mall na nag-open noong November 2014).

Under construction naman ang magiging pangatlong branch sa kanto ng Quezon Avenue at Araneta Avenue sa Quezon City rin na magbubukas sa Enero 2018.

Bago magpalit ang taon, bubukasan din ni Kris ang kanyang unang Jollibee store sa Tarlac sa December 8. Wow naman!

Mabilis ang paglago ng fastfood business ni Kris kaya tinutulungan siya ng co-franchisee/branch owners —  Jollibee Food Corporation — na magdagdag ng outlets.

Ang franchise ng Chow King ay nagkakahalaga ng P13M-P15M at ang Jollibee naman ay P25M-P35M, depende sa laki ng lugar o ng outlet.

Bukod sa Chow King at Jollibee, mayroon ding Mang Inasal outlet si Kris sa Anonas, Quezon City at 10 Potato Corner (owned) at limang outright franchise.

Grabeee. Petmalu talaga si Kris, huh!

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

KAHIT WALANG TV SHOW: Kris Aquino, malakas pa rin ang hatak sa tao!

Kris Aquino

MAY 1.3 MILLION VIEWS, 22,000 likes, 1,800 comments and 2,300 shares and still counting until now ang “bag raid” na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Heart to Heart With Kris na napapanood sa Facebook

Ibig sabihin, ganun pa rin kadami ang curious na panoorin si Kris kahit sa Facebook lang. Tumagal ng halos 12 minutes ang kanyang “bag raid” at ayon sa mga nakapanood, aliw na aliw sila kung paano inisa-isang tinanggal ni Kris ang laman ng kanyang bag.

Recently ay may post naman si Kris sa kanyang Instagram account kung saan tinawag niyang “year of closed doors” ang taong 2017.

 

“YES, i needed to survive the year of closed doors for me to cherish all the blessings God is sending our way… it’s a quiet Sunday for me, literally because i need to REST my voice.

“To all who said you pray for my family & me — i am sending you my LOVE & eternal appreciation! Good Night,” bahagi ng post ni Kris.

Kahit wala pang regular TV show, ratsada pa rin naman si Kris sa kanyang mga endorsements na ipinapalabas naman sa telebisyon. Her last was the PLDT endorsement na nagkaroon ng launching/presscon kamakailan lang.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

THE NEW HORROR QUEEN: Kim Chiu, ayaw agawin ang korona kay Kris Aquino!

Kim Chiu

AYAW i-claim ni Kim Chiu na siya na ang bagong Horror Queen dahil sa kanyang mga super box-office hits na pelikula na‘horror or katatakutan” ang genre.

Ngayon, sa direksyon  ni Chito Rono, si Kim ay muling magpapatili sa moviegoers sa kakaibang horror movie niya na “Ghost Bride” na mapapanood na simula November 1 (sa mismong araw ng mga patay) na ewan ko kung nagkataon lang o baka naman ito talaga ang schedule ng showing ng pelikula niya with co-stars na sina Alice Dixon, Christian Bables at Matteo Guidicelli.
Kung maaalala pa, si Kim ay naka-ilang horror movies na rin.
Yong sa kanila ni Vilma Santos (also directed by Chito) na “The Healing” kung saan naloka ang mga Kim Chiu fans dahil as in nagpa- Linda Blair (of The Exorcist) ang eksena niya kung saan nag-360 degrees na ikot ang ulo niya sa isang eksena.
Sa Shake, Rattle and Roll X; sila ni Gerald Anderson naman magkasama sa episode na “Plot”.

Direk Chito Rono and Kim Chiu

Si Kim na daw ang bagong pamalit kay Kris Aquino pero ayaw agawin ng dalaga sa kanyang Ate Kris ang korona sa pagiging “Queen of Horror Movies”.

Kuwento niya: “Siguro iba si Ate Kris. Siya talaga is really the horror queen by Direk Chito. Iba yun. Tsaka siyempre ako, iba din,” paliwanag niya.
Imbis na sakyan ang pangi-intriga sa kanyang tungkol sa naturang title: “Siguro I’m just very thankful and honored na mabigyan ako ng ganito kalaking pelikula. Na pinagkatiwala nila sa akin ito lalo na si Direk at ang buong Star Cinema at lahat ng tao na bumubuo sa Ghost Bride.”
Sa katunyan nangako si Tetay sa kanya na dadalo ito sa preem night ng pelikula niya.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

SEY MO, JAMES YAP? Kris Aquino, may dagdag na akusasyon sa dating asawa!

Kris Aquino and James Yap

MAINIT PA RIN si Kris Aquino sa isyu na inaakusa sa kanya ng dating mister na si James Yap.

Ang haba ng lintanya ni Tetay na lahat-lahat ay may kasagutan siya.
Sa pagpapatuloy ng paglilinaw ni Kris na nasimulan natin yesterday ay naririto ang kadugtong ng hugot ni Tetay sa kanyang SOCMED (social media) in all caps:
 “YOU HAVEN’T EXERTED EFFORT TO GET TO KNOW HIM, SPEND TIME WITH HIM, MUCH LESS CONSISTENTLY CONTRIBUTE FINANCIALLY TO HIS NEEDS (the last time you ‘shared’ for tuition was when Bimb was in 2nd grade- 3 full years ago, I have let that be since God has more than adequately been generous with us and I believe that a father’s financial responsibility should naturally come from his heart.)
“I maintained communication lines with Mic (Michaela Cazzola na current GF ni James); because she tried to get to know both Bimb and Kuya Josh, and had simple, yet genuinely thoughtful gestures for them. Can you honestly say that you tried to become closer to Bimb?”
May dagdag pa si Tetay: “Hindi kita ginugulo. Binigyan ko ng respeto ang bago mong partner na si Mic- napakahirap bang bigyan mo rin ng respeto ang anak natin at huwag mo na siyang gamitin para mapag-usapan ang bago mong negosyo?
“Naiintindihan ko na hindi maiiwasan na matanong ka tungkol kay Bimb, pero hindi mahirap ang tumangging sumagot alang-alang na lang sa kapakanan ng bata.
“Parenting isn’t a competition, it should be cooperation- even if we are already long annulled as a couple. I was far from being a perfect wife, but I know I am a loving, responsible, involved, and devoted mother,” paliwanag ni Kris para sa kaalaman ng publiko.
Sa  klase ng pagpapaliwanag ni Kris sa kaliwa’t kanan na isyu ay alam mo iritado siya.
Dagdag pa niya: “DO NOT PLAY THE VICTIM AGAIN- because a man who walked away with millions from an annulment settlement from a marriage that lasted just 4 years can never be a victim especially when he is portraying a 10 year old boy as the one at ‘fault’ in not liking him and making him feel na “magsasawa ka at masasaktan ka lang.
“Money isn’t the issue with me- but voluntarily contributing to your son’s needs regardless of how successful his mother is would show him that you are a stand-up guy- regardless if it is P 1,000 or P 5,000 a month.
“Whether we like it or not, fathers are still expected to be providers. And it doesn’t put you in the most responsible light when your social media feed shows you attending art exhibits and showcasing your extensive art collection and having the capital to invest in a big restaurant-bar, yet since you did bring it up- the New Year’s Eve that Bimb was in your care and had to be rushed to the hospital- was there even an offer to help pay for any of his medication? I am merely being factual- and in this instance TRUTH HURTS.”

Kris Aquino with son Bimby

This time, hindi na magpapa-api si Tetay na ayon sa kanya: “I have said what was needed to be said and I shall say nothing further because frankly, pero napakatanga ko na kung hahayaan ko na naman na magpa-apak kami sa mga walang katotohanang paninira na pagsusuriing maigi eh napakaklarong paghuhugas-kamay lamang sa mga personal na pagkukulang…

“Kuya Josh, Bimb, and I are LOVING and content. We have made the best of what life has given us, and I strongly believe they will remain secure and happy for as long as their mother is steadfast in her faith in God, hardworking as their provider, and nurturing as the protector of their lives.
“I have done my utmost to leave yesterday behind. I have forgiven you, and more importantly I have forgiven myself.
“My only prayer now is that we all live in harmony and mutual respect by giving each other mutual peace.
“Sobrang simple- huwag mo kaming pag-usapan at guluhin, mananatili akong tahimik.
“Dahil ang pinakapinahahalagahan ko higit sa sarili ko ay ang mapalaki nang maayos, matalino, magalang, at mapagmahal ang anak natin,”
Sinipa, natumba, lumagapak sa lupa sabay tadyak. Ano ang reaction ni James sa pahayag at paglilinaw ng dating misis?

Reyted K
By RK Villacorta