Joshua Garcia, mas sweet kesa sa girlfriend na si Julia Barretto

Joshua Garcia

LALONG TUMITIBAY ang tambalang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto na kamakailan lang ay kinilala ng 34th PMPC Star Awards for Movies bilang Movie Loveteam of the Year para sa pelikulang Love You To The Stars And Back.

“Ako po sobrang saya ko lang kasi hindi naman lahat ng love team ay napapagbigyan ng pagkakataon at hindi tinatanggap agad bilang love team. Masaya ako na tinanggap agad kami at hanggang ngayon marami ring opportunities yung dumadating,” reaksyon ni Joshua sa bagong award na kanilang natanggap.

Kumusta naman ba ang kanilang relasyon ngayon?

“Okey na okey naman po. Masaya lang,” matipid niyang sagot.

Sino ba ang mas sweet sa kanilang dalawa?

“Mas ako,” aniya. “Mas ano siya, eh, pakipot ng konti. Mas pamisteryoso siya, eh,” pagtatapat niya sa PUSH.

Patuloy niya, “May mga times na grabe siyang sweet. May mga times na hindi siya sobrang sweet. Iba-iba, depende sa mood siguro.”

Samantala, nabanggit din sa amin ni Joshua na ginagawa na nila ngayon ang follow-up movie sa Love You To The Stars And Back na isa namang romcom.

“Yung ginagawa namin medyo light lang. Hindi masyadong drama para naman maiba,” balita pa ng binata na napapanood sa The Good Son.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

McCoy de Leon, katabi sa pagtulog ang napanalunang trophy sa Star Awards!

McCoy de Leon

KATABI namin si McCoy de Leon habang idinaraos ang 34thPMPC Star Awards sa New Port Performing Arts ng Resorts World Manila kaya kitang-kita namin na tensyonado siya nang ia-announce na kung sino ang winner ng New Movie Actor of the Year kung saan nominado siya para sa pelikulang Instalado.

Nagulat ang binata nang tawagin ang pangalan niya at tila hindi siya makapaniwala.

“Hindi ko po talaga inakala na mangyayari ito,” bulong sa amin ni McCoy na bitbit ang trophy pagbalik niya sa upuan.

“Masayang-masaya po ako, sobra!” dagdag pa niya.

“Dati po kasi nagpupunta lang ako sa Star Awards ng PMPC kasi gusto ko lang ma-inspire sa mga nananalong artista, pero ngayon po iba yung pakiramdam na umakyat na rin ako sa stage at may trophy na,” bulalas pa ng ka-love team ni Elisse.

Birthday ni McCoy on Feb. 20 at napakagandang birthday gift din daw ng napanalunan niyang award mula sa PMPC.

“Early birthday gift po ito sa akin ni Lord. Sobrang salamat po talaga,” sambit pa ng binata na napapanood sa The Good Son.

 Pagkatapos makuha ang trophy ay kaagad namang tinawagan ni McCoy si Direk Jason Paul Laxamana (director ng Instalado) na hindi niya nabanggit sa kanyang acceptance speech.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Iza Calzado, Raymond Franciso at Kita Kita, big winners sa 34th PMPC Star Awards for Movies

Iza Calzado

KINILALA ang galing sa pag-arte nina Iza Calzado at Raymond Francisco katatapos lang na 34th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila nu’ng Linggo, Feb. 18.

Tinanghal na Best Actress si Iza para sa matapang na pagganap niya sa pelikulang Bliss at si Raymond bilang Best Actor para sa pelikulang Bhoy Intsik. Parehong first time nina Iza at Raymond na makakuha ng Star Awards trophy.

Nanalo namang Best Supporting Actress ang beteranang si Odette Khan para sa pelikulang Bar Boys at wagi ring Best Supporting Actor si Arnold Reyes para sa pelikulang Birdshot.

Ang pelikulang Changing Partners ni Direk Dan Villegas ang nakakuha ng Indie Movie of the Year award samantalang ang Kita Kita ni Sigrid Bernardo ang winner para naman sa Movie of the Year ng PMPC. Pareho ring nanalo ng Best Directors sina Direk Dan at Direk Sigrid for the same category.

Ginawaran naman ng PMPC ng Lifetime Achievement Award sina Gina Alajar (Ulirang Alagad ng Pelikula) at Direk Tikoy Aguiluz (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera).

Nasungkit naman ni McCoy de Leon ang New Movie Actor award for Instalado at tie bilang New Movie Actress sina Pia Wurtzbach (The Revenger Squad) at Joanna Ampil (Ang Larawan).
Wagi rin ang tambalang JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) bilang Movie Loveteam of the Year para sa pelikula nilang Love You To The Stars and Back.

Samantala, nagsilbing hosts naman ng Star Awards sina Judy Ann Santos, Xian Lim, Julia Barretto, Kim Chiu, Enchong Dee at Iza Calzado.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Magkahalong action at sci-fi, hatid ni Jackie Chan sa ‘Bleeding Steel’

 

Jackie Chan in Bleeding Steel

NAGBABALIK ang martial arts superstar na si Jackie Chan sa big screen para sa kanyang maaksyong sci-fi movie na Bleeding Steel na palabas sa mga sinehan simula February 21.

Mula sa direksyon ni Leo Zhang, ang Bleeding Steel ay tungkol sa isang Special Agent na si Lin Dong (Chan) na nalagay sa isang alanganing sitwasyon kung saan kinailangan mamili sa pagitan ng kanyang pamilya o sinumpaang tungkulin.

Hitik sa aksyon at nakatatawang eksena ang Bleeding Steel, dalawang bagay na trademark ng isang Jackie Chan movie.   Sa pelikulang ring ito, pinag-combine ni Chan ang kanyang mga kilalang martial arts moves at mga bagong fighting styles na swak sa isang sci-fi action film.

Ang buong pelikula ay shot on location sa Taipei, Beijing at Australia. Isa sa mga dapat abangan ay ang astig na fight scene ni Chan sa tuktok ng Sydney Opera House.

Ang Bleeding Steel ay mula sa VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

La Boka
by Leo Bukas

Kris Aquino at Sharon Cuneta, parehong masaya sa kanilang ‘renewed friendship’

Kris Aquino and Sharon Cuneta

HINDI ALAM ng marami na nagkaroon ng falling out noon ang Online World at Social Media Queen na si Kris Aquino at si Megastar Sharon Cuneta. Kung hindi kami nagkakamali, nagsimula ito nu’ng in-unfollow ni Kris si Sharon sa kanyang social media account.

But now they are very much okey. In fact, panay na ang palitan nila ng mga messages sa social media.

Noong birthday ni Kris (Feb. 14) ay nag-post ito ng isang art card para kay Sharon na may nakalagay na, “REAL QUEENS FIX EACH OTHER’S CROWNS.”

May caption din itong, “ “Here you go to the only MEGASTAR, the original artcard i sent you a couple of months ago… much love, respect, and admiration being sent your way @reallysharoncuneta”

Sinagot naman ito ni Sharon ng isang post sa FB na noon mismong birthday ni Kris.

Post ni Shawie, “She sent me the photo on the right before pa – REAL QUEENS FIX EACH OTHER’s CROWNS! There are not too many of us in showbiz. But love & respect prevail amongst us all – especially us two!

“Since we are no longer hiding our renewed friendship (we have been in touch secretly for some time now!), I want to greet my new BG (BabyGirl), Miss Kris Aquino, a very HAPPY BIRTHDAY!!! And of course, a Happy Valentine’s Day – even if she will get to celebrate both occasions tomorrow pa as she’s presently in another timezone.

“May the Lord in His infinite goodness give you the LOVE you desire and truly deserve real soon and may He continue to bless you abundantly! love, love, love, always, Ate (the one who now has the right to spank you with my tsinelas if you’re mali. Like you text me agad when I am. Hahahahaha!).”

“Thank you for showing and sharing your heart with me like never before. And for caring about and for me, sharing your knowledge with me, and your generosity of spirit.

“Have a blast with the boys! Sending you lots of hugs and kisses. Take care and see you when you get back! Kris Aquino”

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Clique5, matindi ang paghahanda para sa first major concert

Clique 5

MATINDING paghahanda ang ginagawa ngayon ng all-male group na Clique5 para sa kanilang kauna-unahang major concert na gaganapin sa Music Museum on Feb. 27 titled Clique5 Live!

Almost a month na silang nagre-rehearse na kadalasan ay halos araw-araw para masigurado perfect at maganda ang production numbers na kanilang gagawin.

“Siyempre po, ayaw po naming mapahiya kaya talagang naka-focus po kami sa rehearsals. First concert po namin ito kaya gusto namin na maging memorable ito sa audience,” pahayag ng grupo.

Bukod sa group performance ng Clique5 ay kaabang-abang din ang solo spot numbers na kanilang gagawin.

Sasanib sa katauhan ni Sean si Channing Tatum sa isang sexy dance number na inspired sa pelikulang Magic Mike kasama ang surprise guest na sexy star.

Patutunayan naman nina Rocky, Clay at Marco ang husay nila sa pagkanta habang sini-serenade ang audience. And lastly, hahataw sa dance floor sina Karl, Tim at Josh.

“Excited na po kaming mag-perform on stage at ipakita kung ano ang kaya naming gawin. Sana po ay magustuhan nila ang performance namin,” sambit pa ng Clique5.

Ang Clique5 Live ay produced ng 3:16 Events and Talent Management headed by Len Carillo.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Erich Gonzales, naninindigang hindi magiging No. 2 ng karelasyon

Erich Gonzales

HINDI RAW MUNA kailangan ng lalaki ni Erich Gonzales sa kanyang buhay ngayon dahil busy siya sa bagong project sa ABS-CBN na The Blood Sisters at sa promo ng pelikulang The Significant Other na showing on Feb. 21.

“Pwede naman po tayong ma-inspire sa iba’t ibang bagay. Hindi lang naman po natin makukuha yan sa isang relasyon, importante po na makilala niyo yung isa’t isa. Yun nga, meron naman po talagang taong destined para sa inyo,” pahayag pa ng aktres. 

Naninindigan din si Erich kung ano ang patakaran niya pagdating sa pag-ibig.

Aniya, “Rule number one po talaga is never be number two. So hindi po tayo dadating sa puntong yan.” 

Wow naman.

Matagal nang napapabalita na mayroong milyonaryong manliligaw si Erich na naka-helicopter pa raw kapag dinadalaw siya, pero ipinagkikibit-balikat lang niya ang tungkol dito.

Anyway, kasama ni Erich sa The Significant Other sina Lovi Poe, Dina Bonnevie, Snooky Serna  at Tom Rodriguez. The film is under the direction of Joel Lamangan.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post