Kathryn Bernardo, lumalaban sa cyberbullying

Kathryn Bernardo

MARAMING BESES ding naapektuhan ang La Luna Sangre lead star na si Kathryn Bernardo ng cyberbullying.

“Kung iisa-isahin ko, ang dami talaga. Pero siguro ang pinaka-malala ‘yung last election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto,” sambit pa niya.

Patuloy pa Kathryn, “As in, hindi ako luma­labas. Sobrang na-depress ako nu’ng na-receive na­ming pangba-bash sa lahat ng tao noong time na ‘yun. And until today, kapag nag-social media ka.

“That’s why, I turned-off my comment section and sa Twitter, sobrang bihira na kong mag-Twitter. Ang bilis!”

Isinusulong ngayon nina Kathryn at Daniel Padilla ang kampanya laban sa anti-cyberbullying.

 “Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. Kasi na-feel namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo sa social media.

“We don’t wanna continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware na seryoso ‘tong bagay na ‘to,” paliwanag pa niya.

Naniniwala rin si Kathryn na hindi kailangang manahimik na lang ng mga taong nabibiktima ng cyberbullying.

Aniya, “Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. Kasi yung iba naiisip nila, ‘Ah, okey pala, wala naman siyang masabi or something.’ Akala nila tama ang ginagawa nila, kaya dito pumasok ang anti-cyberbullying, we have to make a stand. 

“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers,” rason pa ng dalaga.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

THE LADY IN RED: Angel Locsin, taglay ang lakas ng bampira at lobo sa ‘La Luna Sangre’

Angel Locsin

AYAN NA. Unti-unti na ngang nalalantad ang tunay na katauhan ng karakter ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay sa trending series gabi-gabi na La Luna Sangre.

Sa episode ng programa noong Martes ng gabi ay na-reveal na siya ang “Lady in Red.” Taglay ni Jacintha ang pinagsamang lakas ng bampira at lobo.

As expected, hindi rin naiwasang mag-react ng kampo ni Kathryn Bernardo na isa rin sa bida ng La Luna Sangre, kung bakit tila papalakas nang papalakas ang karakter ni Angel sa La Luna Sangre.

May nabasa kaming post sa Twitter ng isang KathNiel fan na tila hindi gusto ang atensyong ibinibigay ng La Luna Sangre kay Angel.

Sey niya, Dear Ms. Angel Locsin, we greatly appreciate your talent but please know your place in the story. You should know if you are getting so much attention in the story already. #justsaying

Sagot naman ni Angel, “Hi! I’m sorry u feel that way:( I think you really have to wait & see how things would play out. everything will make perfect sense someday.”

Samantala, bukod kay Lady In Red, inaabangan din ng televiewers ang karakter ni Richard Gutierrez bilang Gilbert/Sandrino at ang “pakikipaglaro” niya kay Jacintha, at siyempre si Daniel Padilla na gumaganap naman bilang Tristan.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Angel Locsin, hindi na bina-bash ng KathNiel fans

Angel Locsin and Richard Gutierrez

TILA PANATAG na ngayon ang kampo ng supporters nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil wala na kaming nababasa sa Twitter na pamba-bash kay Angel Locsin na gumaganap bilang Jacintha sa La Luna Sangre.

Malaking bagay din ang ginawang paghingi ng paumanhin nina Kathryn at Daniel kay Angel para manahimik ang KathNiel fans. Siyempre, kung yung iniidolo nga nila marunong magpakumbaba at mag-sorry, sila pa ba?

Wala naman kasing dapat intrigahan dahil pare-pareho lang naman ang gusto nina Kathryn, Daniel at Angel sa  La Luna Sangre – ang makapagbigay ng magandang teleseye sa mga manonood.

At least ngayon, peaceful na ang lahat, huh! Bongga yan!

Anyway, palaisipan pa rin kung titibok ba talaga ang puso ng karakter ni Richard Gutierrez bilang si Sandrino, ang supremo ng mga bampira sa kinuha niyang political strategist played by Angel.

Sa totoo lang, kitang-kita ang chemistry nina Richard at Angel sa La Luna Sangre. Meron talaga silang “something” onscreen na hindi puwedeng palampasin ng televiewers.

Catch La Luna Sangre tuwing weeknights sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

Pamba-bash ng KathNiel fans kay Angel Locsin, wala na sa lugar!

Angel Locsin

NAGTATAKA lang kami kung bakit hindi mapakali ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagpasok ni Angel Locsin as Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre ng ABS-CBN.

Sa halip na matuwa sila na nakakatulong si Angel para lalong magkainteres ang televeiwers to watch the series ay kinukuyog at bina-bash pa nila si Angel. Of course, yung iba, hugas-kamay na agad at sinasabing hindi naman mga legit na KathNiel fans ang namba-bash kay Angel. Kung ganon, sino ang mga yon?

Hindi dapat ma-insecure ang KathNiel fans sa presence ni Angel sa La Luna Sangre. Hindi ri nila dapat itinuturing na threat si Angel sa kanilang iniidolo.

Pangit din ang dating na para sa KathNiel fans ay ninakawan sila ng eksena nina  Angel at Richard Gutierrez lalo na ngayong tila nai-establish ang pagkakaroon nila ng relasyon. Dapat they will work harmoniously at iwasan ang mga negative vibes na ganyan, huh!

Yan tuloy, dahil sa pampo-provoke ng KathNiel fans kay Angel ay hindi tuloy naiwasan ng award-winning aktres ang rumesbak at depensahan ang sarili niya mula sa bahsers na ang kikitid ng utak. Hindi rin naman namin masisisi si Angel dahil baka napuno na nga siya sa ginagawa ng fans nina Daniel at Kathryn ‘no.

Angel Locsin and Richard Gutierrez

Bihira lang magsalita si Angel and when she speaks her thought ang ibig sabihin lang non ay na-hurt siya.

Ayon nga kay Angel sa kanyang Twitter account: “Hindi po ako nilagay to make them look bad. Don’t bash someone with the intention of helping your idols show. It’s very disappointing.”

Kayo namang KathNiel fans, sa halip na mambash ng artista, suportahan niyo na lang ang La Luna Sangre. Panoorin ninyo sa TV ang bawat episode para lalong tumaas ang ratings hindi yung kung anu-anong ginagawa ninyo.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

LAGARISTA: Albert Martinez, certified reliable actor!

Albert Martinez

BONGGA si Albert Martinez. Lagarista.

Mabuti at keri ng powers niya na pagsabayin ang dalawang hit sa ratings na teleserye na La Luna Sangre, kung saan bida sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Richard Gutierrez at Angel Locsin na susundan naman ng kasisimula pa lang na “The Good Son”, ang drama series ng Dreamscape Entertainment para sa ABN-CBN Kapamilya Network na nag-start umere last Monday (September 25).
Super ang energetic ang aktor na keri niya ang puspusang tapings at puyatan sa dalawang serye na ginagawa niya.
In “The Good Son”; he plays the role of Victor na ama nina Joshua Garcia (kay Mylene Dizon) at sina Jerome Ponce at Nash Aguas (kay Eula Valdez) na sila ang legal na pamilya.
Lagare si Albert sa kanyang work na mabuti na lang ay naaayos ng dalawang production team ang schedules nito para hindi magsabay ang kanyang trabaho sa dalawang shows at hindi naaapektuhan ang kanyang trabaho.
Sa showbiz, isa si Albert Martinez sa masasabi natin na old-reliable stars sa kasalukuyan.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Sue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: “Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!”

Sue Ramirez

BONGGA at dumating na rin ang break na matagal nang hinihintay ni Sue Ramirez sa kanyang career.

Matiyaga siya na kahit anong roles ay oks sa dalaga na gampanan at ang recent nga ay itong sa teleseryeng La Luna Sangre.
“My formula is work hard,” sabi ni Sue.
Kaya nga kahit madaming mga boy na aali-aligid sa kanya ngayon na nagpapahiwatig ng pag-ibig, tila wala sa top priority ng dalaga na pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife.
“Work po muna,” sabi niya tungkol sa usaping nito.
Pero iba na ang panahon ngayon. Iba na ang mga millennials na keri nila pagsabayin ang kanilang mga careers at pabonggahin ito para maabot nila ang kanilang mga pangarap na on the side ay may mga inspiration sila.
Sa kaso ni Sue, aminado siya na ang member ng Boyband.PH na si Joao Constansia ang isa sa mga masusugid niyang tagahanga (on and off camera).
Si Joao ay matiyaga. Masugid na manliligaw niya pero wala pa silang relasyon. Hindi pa sila committed sa isa’t isa.
Pero pag-amin ni Sue sa press launch sa kanyang biggest break sa suspense-horror movie na ”The Debutantes”, ay lumalabas sila. In short nagde-date sila. They go out but they are not in a relationship.
“Lumalabas kami pero no pressure… kalma lang. Alam naman namin ang priorities namin,” sabi ng dalaga who plays Kate sa pelikula na dahil sa pagiging friendless at weird-looking na estudyante, naging focus siya ng kantiyaw ng tatlo pa sa mga girls na sina Jane de Leon (Jenny); Michelle Vito (Candice); and Chanel Morales (Shayne) na dahil sa kakaiba siya, palagi siya binu-bully ng mga ito bukod tangi kay Miles Ocampo (Lara) na naging malapit sa kanya.

The Cast of The Debutantes Jane de Leon, Michelle Vito, Sue Ramirez, Miles Ocampo and Chanel Morales

Diskription ng dalaga sa binata: “Mabait po siya sobra, very caring siya at pursigido siya sa mga ginagawa niya. We’re getting to know each other. Ako, I like to take things slow with everything sa buhay ko. I’ve discovered that he’s very smart and he loves his family very much,” sabi ng dalaga.
Sa ganitong mga magagandang pananalita ng dalaga sa binata ay malamang sa hindi ay sasagutin ni Sue si Joao ng kanyang matamis na na “Oo”.
Cue na ito para sa binata. Konting tiyaga na lang basta tuloy-tuloy lang ang panunuyo.

Reyted K
By RK Villacorta

Angel Locsin, nagpasintabi kay Kathryn bago pumasok ng La Luna Sangre

[unable to retrieve full-text content]