UNFAIR! Liza Soberano, nababash dahil lang hindi makapag-selfie

Liza Soberano in Bagani

SA TRADE SHOW ng ABS-CBN recently, nagulat si Ogie Diaz sa alagang si Liza Soberano dahil ang lakas ng dating sa mga advertisers ng dalaga nang lumabas at nagperform siya with Enrique Gil and other co-stars for their new show for 2018 na “Bagani”.

Sa ilokos nag-taping sina LizQuen, kuwento sa amin  ni Ogie noon pa man bago in-announce ang bagong palabas ng dalawa kasama sina Sofia Andres at Rayver Cruz.

Sa feedback na  nakuha namin during the event, nang lumabas si Liza sa entablado, ang lakas ng hiyawan at palakpakan.

Sa katunayan, after the performance at nagkaroon ng “selfie” moment ang dalaga with some advertisers and supporters ng kanilang mga shows in the past at itong “Bagani” ay nagkagulo ang mga naroroon.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi na inimbita ni Ogie ang alaga niya sa grand launch ng kanyang librong Pak Humor na ini-launch recently sa National Book Store Trinoma.

Ogie Diaz

“Gusto ni Liza na dumalo para sumuporta pero ako na ang umayaw. Kasi sa mga public events, hindi lahat napapagbigyan niya na makipag-selfie sa kanya. Iilan lang ang mapapagbigyan. Yong iba na hindi mapagbigyan, nagtatampo. Dun nababash si Liza. Kawawa naman,” kuwento ni OgIe sa amin over a delicious Pinoy merienda nang makipagtsikahan siya with some press friends.

Proud ang manager sa kanyang alaga. For the past years mula nang makilala si Liza, never daw ito nagbago. Kung ano ang pagkakakilala nila sa simula ay walang nakita pagbabago ang manager kay Liza.

“Sugiguro ‘yung pagbabago niya, for the better. Yun hectic ang schedules niya. Personal appearances, taping pictorials, endorsements. Pero sasabihin mo na nagbago ang ugali, same pa rin.

“Madaldal pa rin siya teh. Kapag si Liza na ang nagsimula magsalita, tuloy-tuloy na ang tsika niya. Natutuwa nga ako. Siya na ang nagku-kuwento ng mga happenings at ganap sa buhay niya,” natatawang kuwento ni Ogie sa amin.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

IS LIZQUEN CELEBRATING THEIR LOVE ANNIVERSARY?

Enrique Gil and Liza Soberano (LizQuen) on a date in Tagaytay

NAGKAGULO ang mga LizQuen Fans nang makita nila sa Instagram account ni Liza Soberano na nagpost ito ng picture ng “love” niya na si Enrique Gil.

Last night (Oct. 24) yun sa sosyaling Antonio’s sa Tagaytay kung saan dun nage-emote ang ilang mga showbiz celebrities natin na nagse-celebrate ng kanilang monthsary or anniversary ng kanilang pagmamahalan.
Nang ma-post ang dalaga, pakiwari ng mga LizQuen fans that both stars are celebrating the anniversary of their love. Anniversary of being as one kaya? October 24 ba ang anniversary nila na until now ay hindi pa rin inaamin ng dalawa.

Enrique Gil

Sa mga IG photo posting ni Liza, walang text or caption na kasama kundi isang rose icon lang na madami ang mga natuwa na umabot ng 248,010 likes (as of today) at kabilang ang mga celebrity friends ng dalawa tulad nina Zanjoe Marudo, Bea Binene, Karylle, Anne Curtis, Jane Oineza at marami pang iba na masaya sa paramdam na ito ng dalaga.
Sa IG naman ng binata, he posted a picture nila nila ni Liza  na tila they’re waiting for their dinner na umabot ng 148,929 likes at kabilang din ang mga celebrities na nag-like sa picture ng dalawa ay sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Angeline Quinto, Fourth Solomon, Jed Madela, Rodjun Cruz, Michelle Vito, etc.

Liza Soberano

As of this writing, hindi pa nasusundan ang naturang IG posting nina LizQuen pertaining to “something romantic”.
Sa mga fans ang supporters ng dalawa, abangan na lang ang bagong TV serye nila na “Bagani”.
Balita namin ay next year pa ang panimula ng shooting ng dalaga for Darna.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

AGA MUHLACH IS BACK! “Seven Sundays”, wagi sa positive reviews!

SEVEN SUNDAYS lead stars Ronaldo Valdez, Aga Muhlach, Cristine Reyes and Dingdong Dantes (not in photo: Enrique Gil)

BONGGA ang naganap na red carpet premiere last night ng pelikulang “Seven Sundays” ng Star Cinema na ginawa sa SM Megamall dahil suportado ng kanya-kanyang mga partners ang mga bidang lalaki.

Aga Muhlach and Charlene Gonzales

Syempre, unang-una na happy ay ang nagbabalik pag-arte sa pelikula na si Aga Muhlach na lumakad sa red carpet with his wife na si Charlene Gonzales at si Dingdong Dantes kasama ang asawa na si Marian Rivera kung saan both spouses ay nagbigay suporta sa kani-kanilang mga mister. Sabay naglakad sa red carpet ang dalawang couples.

Dingdong Dantes and Marian Rivera

Si Enrique Gil who’s single, syempre suportado mng rumored girlfriend na si Liza Soberano na all out naman ang suporta kay Quen na sinuong ang trapik ng EDSA para makasama ang kapartner sa naturang event.

Liza Soberano

Well-attended attended ang preem kung saan ang mga showbiz friends ng mga cast ng pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina na “Graded A” ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Present din syempre si Cristine Reyes and Kean Cipriano (who plays husband of Cristine) at si Ronaldo Valdez who plays “tatay” dying of cancer at si Donita Rose who plays wife of Aga sa pelikula.
Sa katunayan, sa pagmamahal ni Yan sa mister sa project na ito ni Dingdong, she even posted sa kanyang Instagram account ang trailer ng movie.

Edward Barber and May May Entrata (MayWard)

Spotted at last night’s event ay ang love team na sina May May Entrata at Edward Barber, Marco Gallo (minus Kisses Delavin); Andrea Bautista, Darren Espanto, Kakai Bautista at Teresa Loyzaga (mom of Diego).
Syempre, suportado si Aga ng mga anak na sina Atasha at Andres na sa tindig at itsura ay nagmana sa ama at ina na pwedeng-pwede maging artista.

Atasha and Andres Muhlach

Sa mga nakapanood ng pelikula last night, iisa ang pinaguusapan sa socmed na Aga Muhlach is back after a six years of absence sa pag-arte sa harap ng camera.
Yes, it’s a well-crafted film. Katulad ng kinaugalian namin, on the first day of showing kami manonood at excited na kaming manood mamaya.
Seven Sundays, showing na nationwide simula ngayong araw. Congratulations!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Liza Soberano, biktima ng fake news!

Liza Soberano

KALOKA ang ibang mga netizens sa social media. Sa kagustuhan nila na magkaroon ng madaming mga followers ay kung anu-ano ang mga ginagawa nila just to attract ng sandamakmak na mga followers kahit “fake news” ang ipinu-post nila.

Kaya nga warning ko sa mga avid fans ng mga showbiz celebrities ay mag-ingat sa mga taong gusto lang sumikat at the expense of others.
Isa sa latest victim ay itong si Liza Soberano na isa sa mga celebrities natin na madami ang mga followers sa kanyang SocMed.
Sa kanyang Instagram account alone, she has a followers of more than 6.6 million at hindi pa kasama ang Twitter at ang mga nasa Facebook account niya, meaning madami ang naniniwala sa young actress.
Last week, may isang longshot photo na naka-post sa social media na iisipin mo ay si Liza yong subject. Parang naka-Darna outfit na hindi malinaw na may kaganapan sa isang helipad.
Kung fan ka ni Liza, iisipin mo na siya yun ang nasa picture na ang dating sa iyo  ay nagsimula na ang shooting ng dalaga for Erik Matti’s Darna for Star Cinema.
Yong photo na nag-viral sa SocMed ay isang hoax (fake photo) ayon sa kuwento ng isang reliable insider sa amin. In short, pekeng balita.
“Hindi pa po nagsisimula ang shooting niya. Tuloy pa rin po ang training niya sa mga ipinapagawa ni Direk Erik sa kanya,” sabi ng reliable source namin.
Actually, pumayat nga si Liza. Sa hirap ng physical training niya, medyo pumayat ang dalaga.
Last weekend, when we had lunch with Ogie Diaz (manager of Liza); he told us na pursigido ang dalaga sa training. “Tuloy-tuloy ang page-gym nya at pati na yong training niya na lumilipad. Noong una, medyo may kaba siya sa pinapagawa sa kanya na makakatulong sa pagiging graceful ng paglipad niya. Kawawa nga e. Pagod palagi ang anak ko.
“Pero dun naman ako bilib sa kanya, yong passion niya sa work. Kahit ano ang ipagagawa mo, hindi siya umaangal or nagrereklamo,” kuwento nito sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

DAHIL SPECIAL “LOVE”: LIZQUEN, espesyal ang regalo sa isa’t isa!

Enrique Gil and Liza Soberano

NOONG KAARAWAN ni Liza Soberano, bongga at mamahalin ang regalo ng kanyang “love” na si Enrique Gil sa dalaga.

Sa 19th birthday ni Liza last January ay niregaluhan ng ito ng binata ng isang mamahaling Chanel Boy Flap bag ayon sa description ng fashionista blogger friend namin.
Ayon kay Quen, mahirap para sa kanya ang mamili ng bagay na ipangre-regalo sa “love” of his life ngayon.   
I remember sa isang interview noon na ang sabi ng binata: “Because Liza is special, I want my gift to be very, very special” na totoo naman na sa pagiging ispesyal ng dalaga, dapat lang na bukod sa kakaiba, higit na mas espesyal ito para sa kanyang “ special love”.
Kung susumahin ang mga naging regalo ng binata sa dalaga kabilang ang blue Hermes bracelet and a gold necklace from Tiffany’s (na kilalang jewelry store ), a pair of Versace high-top trainers, and a pet dog.
Si Liza naman, dahil special si Quen sa puso ng dalaga (kahit wala pa rin kumpirmasyon na sila na nga) ay pinili niya ang mga regalo na hindi naman mahirap hanapin.
Isang” storm trooper” mula sa Stars Wars ang regalo ni Liza sa binata na ayon kay Quen ay ilalagay niya ito sa isang location sa kanyang bagong bahay.
“When I transfer to my next home, I want to display all my stuff there,” panigurado ng binata.

Reyted K
By RK Villacorta

LIZQUEN are Getting Closer: Liza Soberano at Enrique Gil, nagbonding sa Japan!

[unable to retrieve full-text content]

Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber

Liza Soberano

BLESSING IN DISGUISE na rin ang hindi pagkakatuloy ng concert ng Canadian pop singer-superstar na si Justin Bieber dahil madami sa mga showbiz personalities natin from Star Magic ang hindi talaga makakanood ng kanyang concert na dapat ay sa darating na September 30 dahil sa dami ng projects na dapat munang pagtuunan ng pansin.

Isa si Liza Soberano kasi sa nag-advance purchase ng tickets for the said concert. Kahit hindi man siya makakapanood ng nasabing show (bago ito nakansel), ang mga tickets ay nakalaan sa relatives and friends ng dalaga.

Liza Soberano

Sa ngayon, update ni Ogie Diaz sa amin, patuloy pa rin ang training ng dalaga (physically) bago magsimula ang shooting ng Darna.

”Kailangan niya maging ready. Napaka-pisikal ng role niya. Gusto niya, siya ang gagawa ng mga stunts niya. Ayaw niya ipa-double,” pagbabalita ng manager niya sa amin.
As of this writing, wala pa rin napipisil na leading man si Liza. Wala pa rin napipili para sa role na kapatid ni Darna (Narda) na si Ding.
Nilinaw na rin ni Daniel Padilla ang tsika na siya ng magiging kapareha ng dalaga na sabi nga ng bintana sa isang panayam:”Bakit ako? Walang ganun,” panigurado ng binata sa mga baliw na fans.

Reyted K
By RK Villacorta