DAHIL SA ‘FANEY’ MOMENT: Maine Mendoza at Carlo Aquino, the next movie couple to watch?

Carlo Aquino and Maine Mendoza

ILANG BESES na namin nailathala rito sa Pinoy Parazzi ang mga nakakaaliw na ‘faney’ moments ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Kahit siya mismo ay isa sa biggest superstars ng bansa, hindi pa rin nagbabago ang dalaga at hindi ito takot na ipakita sa mga tao ang pagiging fangirl nito.

Ang latest fangirl moment ni Maine ay nangyari sa katatapos lang na premiere night ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen”. Bida sa pelikula si Bela Padilla at ang longtime Kapamilya actor na si Carlo Aquino. Feeling namin ay isa si Maine sa mga bagets noon na kinilig sa charming face at raw talent ng binata.

Sa napanood namin na video na kuha ng ilang fans, tila pigil ang kilig ni Maine nang maupo si Carlo sa harap ni Maine. Later on, pinakilala ni Direk Irene Villamor si Carlo kay Maine at doon na nga naganap ang trending selfie.

Unang nagselfie si Maine with Carlo at ang binata ay kumuha rin ng snapshot through his phone.

Nakakatuwa dahil kita sa video na kahit natapos na ang selfie moment nila ay parang hindi mapigilan ni Maine na kiligin at bumungisngis.

This leads us to the possibility na bakit nga ba hindi gawan ng pelikula ni Direk Irene ang Carlo-Maine tandem? Malakas ang chemistry nila. Puwede rin na gumawa ng love triangle movie with Alden Richards kung sakali. I’m sure na walang AlDub fan na hihirit kung si Carlo Aquino ang magiging ‘karibal’ ni Alden. Maliban sa pogi, hindi pa ito papatalo kung aktingan rin lang ang pag-uusapan.

Naging direktor nina Alden at Maine si Direk Irene Villamor sa Destined to be Yours. Siya rin ang direktor ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na palabas na ngayong araw sa mga sinehan nationwide.

Related Post

COME ON GUYS, IT’S 2018! Maine Mendoza at Nadine Lustre, patuloy lang sa pangangabog sa internet

Nadine Lustre and Maine Mendoza

HINDI NATIN MADEDENY na among the young female stars sa Pinas, sina Maine Mendoza at Nadine Lustre ang tunay na mga fearless at unapologetic. Kung ang mga kasabayan nila tulad nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano ay pa-wholesome ang image at hesitant magpost ng kanilang beach photos, ibahin niyo ang dalawang bida natin.

Naging controversial si Maine last year nang lumabas ang balitang sila na raw ni Sef Cadayona at siya raw ang dahilan kung bakit kinalasan ni Andrea Torres ang kapwa Bubble Gang cast member. Inintriga ng ilang faney ang Instagram stories update na magkasama si Maine at Sef. Dahil dito, nagdeactivate ng Twitter ang phenomenal star at sa pagbabakasyon niya sa Maldives ay lalo nitong inasar ang mga inggitera sa pamamagitan ng pagpopost ng kanyang bikini pictures na talaga namang gumulantang ng sangkatauhan. Naglabas din ito ng libro na ‘Yup, I’m that Girl’ na isa sa best celebrity books na nabasa namin this year.

By the end of 2017 ay naging controversial ulit si Maine nang aminin nito sa publiko na wala silang ‘something’ ni Alden at they’re simply a loveteam. Basag ang trip ng ilang faneys na hoping na forever in real life ang AlDub. Napuno ‘ata si Maine sa pangbabash na natanggap niya dahil lang makita siya na kasama si Jake Ejercito, na good friend nila ni Alden. Kaloka!

Maine Mendoza vs. Nadine Lustre: Who is the HOTTEST star?

Si Nadine Lustre naman ay may ilang social media meltdowns caused by her bashers na walang sawa sa pagkukuda at pagpupuna tungkol sa kanya. Nar’yan ang ilang issue na kesyo may ibang nilalandi si James na common friend nila. Hindi napigilan ni Nadine ang sarili na sagutin ang mga netizens na mas may alam pa kaysa sa mga taong involved.

Naging usap-usapan din ang hindi pagconfirm o pagdeny ni Nadine sa isyung magka-live in sila ni James. “Come on guys, it’s 2017!” – ‘yan ang litanya niya na pinakatumatak sa amin.

Ilang beses din naintriga ang JaDine sa inconsistencies nila sa programang “It’s Showtime”. Wala rin silang ginawang pelikula this year, pero nakapagrelease naman ng bagong album ang boyfriend cum loveteam cum boyfie niya na si James at siya pa nga ang leading lady sa mga music videos nito. Productive pa rin sila, noh!

Both Maine and Nadine have upcoming projects this 2018 na siguradong pinananabikan na ng fans nila. Ang maganda sa dalawang dalagang ito ay hindi sila playing safe. Kahit nga siguro wala silang Alden at James ay kaya nilang magsurvive sa showbiz on their own.

Umpisa pa lang ng 2018 ay nangangabog na ang dalawa sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang sexy beach bods sa social media. Pak!

Related Post

ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in person

BIRTHDAY yesterday (January 2) ni Alden Richards.

It was a working birthday para sa binata na imbes magpahinga ay kumayod pa rin siya at nagtrabaho para mapasaya ang kanyang mga fans.

Nagpasiklab si Alden with his performance thru singing at ang kanyang martial arts number para ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga na sa kabila ng nanganganib na kalagayan ng loveteam nila ni Maine na baka mauwi sa hiwalayan, andyan pa rin sila to give support sa binata.

Alden Richards’ birthday celebration in Eat Bulaga

In Alden’s birthday ganap sa noontime show na Eat Bulaga, madaming mga ALDUB fans ang nadismaya dahil wala si Maine na ini-expect nila na present sa Broadway studios para magkasama man lang sana ang dalawa on Alden’s special day. Reality check: Nothing personal binds Maine with Alden kaya huwag na mag-expect.

Si Maine ay nasa labas ng studio at ginagawa ang “ Sugod Bahay” segment of Eat Bulaga at nasa bandang Tondo, Manila. Hindi sila magkasamang dalawa.

Binati lang ni Maine si Alden sa TV screen. “Nasa ‘yo naman na lahat, yung mga gusto mo namang mabili, nakukuha mo na. Pero kung ano pa yung hinihiling mo pa sa buhay tsaka yung inaasam ng puso mo, sana ibigay sa ‘yo ni Lord, happy birthday,” pagbati ng dalaga sa binata.

Pero kinagabihan, sa pa-birthday party ni Alden sa kanyang pag-aaring restaurant sa may bandang Tomas Morato sa Quezon City ay dumalo ang dalaga.

Nang dumating si Maine sa party venue, sinalubong agad siya ni Alden at sabay yakap sa dalaga.

Alden Richards and Maine Mendoza reunited

Pansin ng isang miron na nagkuwento sa atin ng kaganapan last night ay may seryosohan paguusap ang dalawa.

Kung ano man ‘yun ay abangan natin.

This Saturday, samahan ang birthday boy together with his fans sa isang mala-fans day with Alden sa Enchanted Kingdom.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

KAHIT WALANG MAINE MENDOZA: Alden Richards, tuloy pa rin ang showbiz career!

Alden Richards and Maine Mendoza

TULAD NG NAKAUGALIAN ng noontime show na Eat Bulaga, they go live tuwing January 1.

Nakasanayan na ng mga hosts ng noontime show na  working day para sa kanila ang unang araw ng bagong taon.       

Kaya ang mga AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ay super excited dahil ngayong araw ay magbabalik ang idol nila na si Maine mula sa pagbabakasyon.

Ang taong nga bayan, sisiputin kaya ni Maine ang show na kung sakali ay muling itutuloy nito ang kanyang showbiz career na sabi naman niya ay isa lang aksidente?

Sa pagagabalik  ni Maine sa EB, papayag pa rin kaya siya na ituloy ang “loveteam” nila ni Alden gayong siya ang bumasag ng ilusyon ng ALDub fans bago mag-pasko na wala silang dalawa na ang pa-tweetums nila sa telebisyon ay wala at pasakay lang?

Today, malalaman ang katotohanan. Sa pagbabalik ni Maine from her vacay, malalaman ng AlDub nation kung buo pa ang loveteam ng dalawa. Pero kung sakaling wala si Maine mamaya sa EB and if ever magsosolo na si Alden, keri naman na titindig ang binata sa sariling paa at ipapagpatuloy niya ang kanyang showbiz career without Maine Mendoza.          

Ok rin na for a change ay iba naman.For the new year, Maine is a phase. Hindi nakaka-level up si Alden at ang career niya with Maine Mendoza around,” sabi ng isang mataray na entertainment editor sa amin during Alden’s post-Chrismas treat sa entertainment press.

On the side, ngayong 2018 sa kaarawan ng binata (January 26 ang totoong birthday niya) sa January 6 may may paandar ito sa isang theme park sa Sta. Rosa, Laguna para sa kanyang very supportive fans.

Alden Richards

Ang birthday wish niya: “Ito ay‘peace, continuous blessings, at stability,” kuwento ng binata sa treat niya sa media bago mag-New Year.

Walang New Year’s resolution si Alden. Ang dahilan niya: “Hindi po ako nagnu-New Year’s resolution, e. Hindi ko ­naman kailangang hintayin ang New Year para magbago. Kung puwede nating baguhin at this moment, baguhin na natin,” paliwanag niya.

Sa darating na January 20, nasa Sydney, Australia siya para sa isang show minus Maine.

For 2018, madaming mangyayari sa showbiz career ng binata lalo na ang mga bagong ganap ng karir niya para sa GMA Kapuso Network.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

BAGONG TAON, BAGONG BALIKAN: Alden Richards, may balita sa pagbabalik ni Maine Mendoza!

Alden Richards

MAGKAKABALIKAN BA ang loveteam ng ALDUB sa January 1 (New Year’s Day) sa live show ng Eat Bulaga ng lahat ng mga host ng noontime show?

Mula nang maglabas ng open letter si Maine Mendoza na waley talaga sila  ni Alden Richards, nagulantang ang AlDub Nation. Nawindang ang mundo nila lalo pa’t napasakay sila Maine at Alden na which for me ay kasalanan din naman ng mga faney na kung ano ang nakikita nila at nababasa ay pinaniniwalaan nila.

Sa paglabas ng open letter ni Maine ay lumayas ito at ang naiwanan ay si Alden na the other day ay kababalik lang galing Japan for a vacation with his family.

Sa katunayan, yesterday sa Thanksgiving and post-Christmas lunch treat niya sa entertainment media, nagbahagi siya tungkol sa inaasahang muling pagkikita niya with Maine.

Sa paga-update ng binata sa estado nila ng kanyang kapareha, sabi ni Alden sa press: “Yung kay Maine po, maraming gustong magtanong pero eto na lang po ‘yung gusto kong sabihin with regards to everything. Nag-usap po kami bago siya umalis (for the US for a vacation). And I’m very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad.

 “And the same thing din na nangyari rin po sa akin, I’ve got to spend time with my family na parang we really both deserve those breaks apart from everything po. Hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya,” sabi ng binata.

ALDUB: Maine Mendoza and Alden Richards

Walang ibang detalye ibinigay si Alden na ang lahat ay maibabase kung si Maine ay magpapakita sa EB sa darating na Lunes.   

Kritikal kasi ang pagbabalik ng mga hosts sa EB sa unang araw ng bagong taong 2018.

Kung sakali bumalik si Maine sa show, ang love team nila ay tuloy pa rin na balita nga namin ay may bagong pelikula na pagsasamahan ang AlDub sa 2018 mula sa APT.

Ang if not at deadma na ang dalaga, I suggest na tigilan na ang ilusyon.

Mas may promise si Alden na first time namin siya napanood mag-drama ng seryoso sa kuwento ng buhay ni Bonifacio Ilagan sa GMA News TV recently.

Sa kaarawan ng binata, abangan ang paandar ni Alden sa EB na for sure ay ikatutuwa ng mga tagahanga niya.

Congrats Alden at maraming salamat.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

PARA MAKAMPANTE ANG FANS: Bossing Vic Sotto, itinangging suspended si Maine Mendoza sa Eat Bulaga!

Vic Sotto

VERY INDEPENDENT pala ang mga artistang kasama sa noontime show na Eat Bulaga.

Hindi sila dinidiktahan ng show tulad ng pahayag ni Bossing Vic Sotto tungkol sa isa sa mga cast ng EB na si Maine Mendoza na natsitsismis na suspended daw ng noontime show dahil sa pagbasag sa loveteam nila ni Alden Richards na binuo ng show. Nagbuo naman talaga ng magandang “sales” sa dalawa at sa show mismo noong kainitan ng loveteam ng dalawa.

Kumalat kasi ang tsismis na suspendido si Maine from the show dahil halos one week na siya hindi napapanood sa pantanghaling show.

Kinumpirma ni Bossing Vic na hindi totoo ang kumakalat na balita yesterday during the grand media launch ng MMFF 2017 entry ni Bossing Na “Meant to Beh”, kung saan si Dawn Zulueta ang kanyang makakapareha.

Kuwento  ni Bosing Vic sa media na naginterbyu sa kanya: “Ang alam ko, nakabakasyon siya. I’m not really in the know, I’m not privy to anything na personal niyang desisyon.

Vic Sotto and Dawn Zulueta

“Kasi, para sa akin, kung ano man yun… respetuhin na lang natin kung ano man yung mga issues niya, kung ano man yung mga pinagdadaanan niya. Siya lang nakakaalam dun. I’m not privy to anything personal pagdating sa kanya,” paliwanag niya sa current state ni Maine.

Sa kaso ni Maine, si Mr. Tony Tuviera (of TAPE, Inc.) ang may say sa official status ng dalaga sa naturang noontime show.

“You can ask Mr. Tuviera, wala rin akong alam dun,” sagot ni Bossing Vic sa media.

Dahil malaki ang respeto ng TAPE, Inc. producer sa kanilang mga talents, paliwanag ni Bossing Vic na: “Respetado niya ‘yang opinyon, pag-iisip, at kung anuman ang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

NGAYONG SOLO-SOLO NA: Alden Richards at Maine Mendoza, makaka-survive kaya?

Alden Richards and Maine Mendoza

GUSTO KO ang ginawa ni Maine Mendoza. Siya ang babae na may balls.

Sa open letter niya sa mga fans ng AlDub, siya lang at wala nang iba pa sa mga artista sa kanyang liga na may ganyang tapang para sabihin sa publiko ang katotohanan na ang iniilusyon ng mga fans na meron silang “something” sila ni Alden Richards ay binasag niya. Kumbaga, “The Truth Shall Prevail” at all cost.

Wala nang kiyeme. Wala nang “ungguyan”. Kumbaga, tama na, sobra na. Tutulan na.

Ang mga Pinoy Fan kasi ilusyunado na kung ano ang nakikita nila on screen sa idol nila, ang gusto nila ay dapat ganun din ang mangyari in real life sa mga idols nila na magka-loveteam. Gusto nila, ang mga loveteam na binuo nila ay maitawid in real life na hindi naman pu-pwede dahil iba ang dikta ng pang-showbiz lang at ang bulong ng mga tunay na nararamdaman at napupusuan nila.

As of this writing, sinasabi na suspended daw ang dalaga sa noontime show na Eat Bulaga for reasons na nakasira sa “sales” ng noontime show sa pagbasag ni Maine sa ilusyong “relasyon” nila ni Alden gayong wala naman talaga since from the start.

Sa panahon na madami ang kinita ang AlDub mula nang mag-click ang on screen partnership nina Maine at Alden na sinakyan ng mga tagahanga nila na nagpayaman lalo kay Maine at nag-akyat ng malaking kita sa career ng binata, siguro, ito na ang tamang panahon na mapatunayan nila na for a change ay magkanya-kanya na muna sila.

Maine Mendoza and Alden Richards

Si Maine, without showbiz, deadma at hindi naman paga-artista talaga ang hilig at sinakyan lang niya ang clamor ng fans. Si Alden naman, mukhang keri na rin niya mag-solo bilang artista (kahit may kakulangan pa rin pagdating sa level ng acting na pwede na bigyan ng 75% with his performance sa buhay ni Boni Ilagan). Panahon na para patunayan nila sa sarili nila na they can exist kahit hiwalay na sila sa isa’t isa.

I want Alden to succeed sa patutunayan niya sa sarili na keri na niya mag-level up without Maine.

 Ang dalaga naman, dahil deadma at habang isinusulat namin ito ay on vacay somewhere, mas exciting ang mga susunod na mga kabanata sa karir nina Maine at Alden separately.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post