SEQUEL SOON? LIZARDO ni Jake Cuenca sa Ang Panday, kinatakutan ng mga bata!

Jake Cuenca and Coco Martin

NAKAKAALIW ang unang sabak ni Rodel Nacianceno o mas kilala sa showbiz bilang si Coco Martin sa pagdidirek via “Ang Panday”. Hindi lang basta bida at director dito si Coco. Siya rin ang producer dahil gusto niya na ang vision niya ang masusunod.

At dahil sa vision ng pinakasikat na Kapamilya actor (meron pa bang aangal?) na alam ang gusto ng masang Pilipino, naituwid niya ang gusto niyang gawin. Hindi lang ito basta blockbuster hit – marami rin viewers at critics na naghayag ng kanilang pagkagiliw sa bagong Flavio a.k.a. Panday na ginampanan na noon ni FPJ, Bong Revilla, Jericho Rosales at Richard Gutierrez. Mas playful at kahit corny ay napaka-sincere pa rin ng atake ni Coco sa ginagampanang papel.

Ang isa sa pinuri ng mga manonood at kritiko ay ang pagganap ni Jake Cuenca bilang Lizardo. Binigyan ni Jake ng sarili niyang interpretation ang pagiging antagonist at talaga namang may mga bagets na todo hawak sa kanilang magulang sa pagkagulantang sa pagtawa nito. Hindi nito ginaya ang istilo ng past Lizardos like Philip Salvador and Max Alvarado.

Kapag pinanood mo ang pelikulang ito, para ka na rin nakasilip sa Bollywood film na bongga ang set design, kung anu-ano ang hinahalo at may mga song numbers. Pinakabenta sa akin ang Peksman na laughtrip ang bagong dagdag na rap lyrics. Siguro noong bata pa si Coco ay paborito niya itong kantahin kaya alam niya na marami ang makakarelate. Maganda rin na dinagdag nila iyon para kumalma ang viewers sa heavy fight scenes na magaganap.

Jake Cuenca as Lizardo

Pagdating sa love department ay hindi ko masyado naramdaman ang chemistry nina Flavio at Maria (Mariel de Leon). Sana ay naglagay din sila ng female protagonist na hindi lang pagiging maganda ang asset.

Buti na lang at naroon ang tambalang McLisse na kahit limited ang screen time ay nag-stand out naman.

Maraming veteran and child actors na lumabas noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ang may partispasyon sa pelikula. Ang maganda rito ay nabigyan sila ng trabaho at importansya ng actor/director/producer.

Hindi na kami magtataka kung sa susunod na MMFF ay may sequel ito. Sana sa susunod ay bigyan din nila ng weird song number si Lizardo. Bebenta ‘yun for sure!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

BROADWAY SUPERSTAR LEA SALONGA, FAN NI PAULO AVELINO

Lea Salonga and Paulo Avelino

BONGGA si Paulo Avelino at napansin ang acting niya sa pinaguusapang MMFF 2017 entry na Ang Larawan ng isang Lea Salonga lang naman.

Mula sa isang international performer na kilala sa buong mundo,     napabilib ni Pau si Lea na sa kanyang Instagram account ay pinost nito na: “If you’re a fan of Paulo Avelino, I urge you to watch his stellar performance in ‘Ang Larawan.’ He doesn’t sing as well as the others, but his acting! He will be one of the greatest as he continues to grow! Congrats!”

I’m sure high na high si Paulo sa magagandang sinabi ng Broadway superstar.

Dagdag pa ni Lea sa isa sa kanyang mensahe: “Hello, Paulo, allow me please to wish you congratulations on your achievement in ‘Ang Larawan.’ Your work was absolutely riveting to watch. Without a doubt, you will be one of the greatest actors of your generation. From your fan, Lea Salonga.”

Sabi  ng Broadway superstar tungkol perfomance ng aktor: ”I mean, his acting skills are beyond what I would ever expect from an actor his age. He’s not a singer, but he is an exceptional actor.

Paulo Avelino as Tony Javier in “Ang Larawan”

“Here’s the thing. He knows how to blur the line between good and bad, black and white, taking advantage of all those shades of gray. It’s incredible to watch.

Dahil sa magagandang reviews tungkol sa Ang Larawan, ang publiko ay nagkainterest na panoorin ang pelikula kung saan nanalo ang pelikula as Best Picture at ilang mga technical awards at ang magaling na co-star ni Pau na si Joanna Ampil (who played Claudia) ang nanalo as Best Actress.

Abangan si Paulo Avelino sa bago niyang teleserye sa Kapamilya Network ngayong January na Asintado na isang mala-aksyon at drama ang tema na bukod kay Pau ay kasama din sina Julia Montes, Aljur Abrenica at Shaina Magdayao mula sa Dreamscape Entertainment.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

MMFF 2017 GABI NG PARANGAL, THE BIGGEST FANS DAY OF 2017

TEAM ANG LARAWAN at the MMFF 2017 Awards Night

HULI MAN pero naihahabol pa rin. Ang tinutukoy namin ay ang MMFF 2017 Gabi ng Parangal last December 27 na ginanap sa Kia Theater sa Araneta Center in Quezon City.

Oks naman ang mga nanalo. Walang protesta mula sa iba’t ibang kampo na dismayado sila sa mga ipinanalo ng jury.

Best Actress winner Joanna Ampil

Pero as expected, ang MMFF awards night talaga ay gabi ng mga legal na misis, anak, kamag-anak, kapitbahay ng mga LGU officials tulad ni Mayor, Vice Mayor kasama ang mga konsehal at mga alipores nila.

Panin ko lang na upper higpit ang area ng Kia. Daming mga “men in barong na abala sa pagbabantay ng mga bisita ng mga Mayors at kamaganak ni mayor at ng misis niya na pumuno ng Kia at nakipagsiksikan sa red carpet para makipag-selfie sa mga dumadating na mga artista.

Sa katunayan, walang pwesto ang legit media sa unahan ng red carpet kung saan doon sila naipuwesto na maging ang panganay na anak  ni Mayor kasama ang mga classmates niya ay andun sa magandang pwesto sa dadaang red carpet ng mga artista ng kasali sa MMFF 2017.

Yes, it was the biggest fans day of 2017 dahil sa mga kamag-anakan ni Mayor, ng misis niya at isama mo na pati ang “The Other Woman” ni you know who.

Sabi  ng isang entertainment blogger na nagko-cover ng naturang event, ang higpit ng security pero doon sa mga kamaganakan ni Mayor na mga faney ay allowed ang mga ito magpa-selfie sa mga artista.

MMFF 2017 Best Actor Derek Ramsay

Mga kalokang mga eksena noong gabing yun ay ang pagharang ng isang super faney kay Derek Ramsey na nanalo as Best Actor for his performance in ‘All of You’ na humarang pa ang hitaderang anak ni Mayor para lang magpa-selfie kay Derek on his way to the stage to accept his award.

Mas kaloka ang eksena ni Erich Gonzales na nang pumunta sa restroom ay sinundan pa ng pamangkin ni Mayora para lang magpa-selfie rin.

Sa totoo lan,g sa ibang mga award giving bodies na nagpaparangal sa industriya ng pelikulang Pilipino tulad ng PMPC Star Awards or Eddy’s Award ng Speeds, Inc na grupo ng mga entertainment editors ay walang ganyan.

Jane Oineza and Jameson Blake of Haunted Forest

Knowing the kamag-anaks of Mayor and Mayora, expected na eeksena sila.

Mabuti na lang, si “The Other Woman” or kerida ay tahimik lang at hindi umieksena.

Narito ang mga nagsipanalo sa MMFF 2017 Gabi ng Parangal.

  •  ·        Best Picture: Ang Larawan
  • ·         2nd Best Picture:   Siargao
  • ·         3rd Best Picture:   All of You
  • ·         Best Actor:  Derek Ramsay (All of You)
  • ·         Best Actress:  Joanna Ampil (Ang Larawan)
  • ·         Best Supporting Actor:  Edgar Allan Guzman (Deadma Walking)
  • ·         Best Supporting Actress: Jasmine Curtis-Smith (Siargao)
  • ·         Best Child Performer: Baeby Baste (Meant To Beh)
  • ·         Posthumous Special Jury Prize:  Nick Joaquin (Ang Larawan)
  • ·         Special Jury Award:  Coco Martin (Ang Panday)
  • ·         Male Star of the Night : Derek Ramsay
  • ·         Female Star of the Night:  Erich Gonzales
  • ·         Best Director  Paul Soriano: (Siargao)
  • ·         Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award:  Ang Larawan
  • ·         MMFF Special Award of Recognition National Artist for Literature: Bienvenido Lumbera
  • ·         Fernando Poe Jr. Memorial Award: Ang Panday
  • ·         Full-length People’s Choice Award: The Revenger Squad
  • ·         Children’s Choice Award : Ang Panday
  • ·         Best Screenplay:  All of You
  • ·         Best Editor:  Mark Victor (Siargao)
  • ·         Best Cinematography:  Siargao
  • ·         Best Production Design:  Gino Gonzales (Ang Larawan)
  • ·         Best Visual Effects:  Ang Panday
  • ·         Best Musical Score:  Ang Larawan
  • ·         Best Original Theme Song:  “Alon” by Hale (Siargao)
  • ·         Best Sound: Siargao
  • ·         MMFF Best Float Award:  Deadma Walking
  • ·         MMFF People’s Choice Award for Short Film:  Noel
  • ·         MMFF Short Film Best Picture: Anong Nangyari Kay Nicanor Dante?

 

Congrats sa mga winners. Until the next biggest fans day of 2018. See you at the awards night mga fans ko. Ha ha ha…

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman, parehong binonggahan ang performance sa “Deadma Walking”!

Edgar Allan Guzman and Joross Gamboa

BONGGA ang pelikulang “Deadma Walking” na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman. Isa ito sa mga pelikula sa MMFF 2017 line-up na inuna kong panoorin (along with Ang Larawan, All of You and Siargao) dahil natatakot ako na baka maging biktima rin ito ng maagang pagpu-pullout sa mga sinehan dahil hindi naman major ang backer nito.

And the movie exceeded my expectations. Sa mga nag-aakala na pareho ang story nito sa “Die Beautiful”, nagkakamali po kayo. Ang pagiging kapareho lang nila ay dalawang beking magbestie ang featured. Ang scope ng kanilang dilemma ay iba.

In the movie, the versatile Joross Gamboa plays the role of John, isang mayamang “pa-mhin” gay na tinaningan na ng buhay dahil sa sakit na cancer. Ang trip niya sa nalalabi niyang araw sa mundo ay ang ma-witness ang kanyang sariling funeral at mapakinggan kung ano ang masasabi ng mga taong makikilamay.

Si Edgar Allan Guzman or EA plays the role of the loud and proud Mark, who is also a theater actor. Very loyal bestie siya kay John and after thinking a lot ay napapayag siya to give the “best performance of his life” by acting as the crying diva sa “lamay” ng kaibigan.

Lahat ng taong may itinuturing na matalik na kaibigan (whether straight or gay) ay makakarelate sa pagsasama ng “mag-migs” (shortcut for amiga).

DEADMA WALKING movie poster featuring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman

Gusto ko ang subtle and reserved way ng pag-atake ni Joross sa kanyang papel bilang si John. Napaka-soft din ng kanyang features kaya ang ganda niya talaga in drag. Si EA naman ay todo bigay sa pagiging flamboyant, pero hindi irritating. Dahil dito, parehong may laban sila sa Best Actor. 

Star-studded din ang eulogy at ilan sa mga may special appearance ay sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Angelu de Leon, Sue Ramirez at Gerald Anderson, na gumanap bilang first love ni John.

Little Trivia: Back-up dancer noon ni Joross sina Gerald at EA!

Ang ‘Deadma Walking’ ngayon ay unti-unting umaariba sa box-office due to word of mouth at siguro’y narinig din ng mga beki friends natin na well represented sila sa pelikulang ito. I’m sure marami ang makakarelate.

Palabas pa rin ang ‘Deadma Walking’ sa ilang sinehan nationwide. Congratulations kay Edgar Allan Guzman dahil nanalo ito ng Best Supporting Actor award (kahit na personally, tingin ko ay dapat sa Best Actor siya nanominate) at I hope na mapansin at manalo si Joross Gamboa sa iba pang award giving bodies dahil mas pinili ng hurado si Derek Ramsay, na magaling din naman sa “All of You”.

Rampa lang, mga beshies!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

WINNER SA TAKILYA! Vice Ganda at Coco Martin, nangunguna sa MMFF 2017; Haunted Forest, humahabol!

Vice Ganda and Coco Martin

PINATUNAYAN nina Coco Martin at Vice Ganda na sila ang nagtutungali sa unang pwesto sa pagiging Box-Office Superstar para sa ngayong MMFF 2017 sa walong mga pelikula ngayong taon na kinabibilangan ng Haunted Forest, All of You, Meant to Beh, Deadma Walking, Siargao at Ang Larawan.

Sa Fisher Mall sa may Quezon Ave. na malapit sa amin, maaga pa lang ay sold-out na ang mga seats sa buong screening schedules sa araw ng Pasko (December 25) ng pelikula ni Vice.

Syempre, hindi magpapaiwan si Coco na nagso-sold-out din ang mga screenings sa FM na sumasabay kay Vice sa lakas ng hakot sa kani-kanilang mga market.

Halos magkapareho ang audience ng Ang Panday at The Revenger Squad.

Pumapangatlo ang Regal Films Haunted Forest na bida sina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas at Maris Racal na type ng mga Pinoy maging ng mga bata lalo pa’t ang Pinoy moviegoers ay mahilig sa mga horror-suspense movie.

Sabi ng ticket seller na pinagtanungan namin, ang Meant to Beh ni Bossing Vioc at Dawn Zulueta ay hindi ini-expect ng ticket seller na pumuwesto sa pang-apat na dati-rati noong huling MMFF entry ni Bossing Vic na kung hindi man siya nasa una ay pumapangalawa siya sa unang araw ng showing.

HAUNTED FOREST lead stars Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake

Ang pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ayaw pa bumitaw sa karera. Ang Siargao naghihingalo kung pagbabasehan ang box-office result sa unang araw sa naturang mall sa Kyusi.”

Sayang, wala screening ng Ang Larawan  na nag-iisang musical film na bida sina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino na personally ay gusto ko at maaaring ma-pull-out sa ilang mga sinehan dahil ang mga theater owners ay gusto naman kumita.

Kung bakit naman kasi kung sino pa ang sikat with the likes of Coco and Vice ay sila pa ang super kayod sa pagpo-promote na kita mo naman ang effort nila na sinusuklian ng taumbayan.

Ang ibang mga bida ng mga pelikula sa MMFF 2017, waley. Parang tinatamad i-push ang movie nila na pa-patiks-petiks lang at hindi man lang marunong mag-like or mag-share sa social media ang mga  tumutulong at nagpo-promote sa kanila.

Belat, kaya waley kayo.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Mga bida ng Haunted Forest, excited sa first day of showing nila!

HAUNTED FOREST lead stars Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake

NAKAUSAP NAMIN ang mga bagets stars ng nag-iisang horror-suspense film na Haunted Forest na official entry ng Regal Films ngayong MMFF 2017.

 Sina Jane Oineza, Jon Lucas, Jameson Blake (except for Maris Racal na last year ay may MMFF entry na) ay super excited sa unang araw ng MMFF 2017 na nag-umpisa today, December 25

Sa Parada ng mga Artista last Saturday, na-enjoy nina Jane, Jameson, Jon at Maris ang parade kung saan sa loob ng almost three hours, nakatayo sila sa ibabaw ng float ng pelikula na nire-represent nila.

Ani Jane: “It’s my first time po na makasali sa parade. First time ko nagkaroon ng film festival entry.

“Salamat sa lahat ng support ng mga friends at fans even before the Parada ng mga Artista,” patuloy ng dalaga.

Jane Oineza and Jameson Blake

Sina Jameson, Maris at Jon, after ng Christmas lunch nila with their respective families will visit some theaters para suportahang ang movie nila so they can thank their fans and supporters all-out na hindi sila pinabayan.

Last night, kasama ni Jane ng pamilya niya na sinalubong ang Noche Buena.

Kasama nina Jane, Jameson, Maris at Jon sa pelikula sina Joey Marquez, Raymart Santiago at Beverly Salviejo.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE REVENGER SQUAD HITS: Madlang pipol, all out ang support kay Vice Ganda!

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

MAAGA PA LANG, nag-post  na sa kanyang social media account si Vice Ganda na patungong SM Mega Mall na siya kung saan magkakaroon iya ng block screening para sa pelikula niyang GANDARRAPIDO:The Revenger Squad kung saan kasama niya sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Super sipag ni Vice na last night, hindi na siya natulog para salubungin ang Noche Buena at sa konting pahinga after ng kaganapan ay maaga ito nagising to get ready papuntang venue para sa kanyang block screening.

Sa totoo lang, during the Parada ng mga Artista last Saturday afternoon para sa MMFF 2017 na unang sikad ng mga activities ng almost 2 weeks long event ay napatunayan ko sa sarili ko kung gaano kalakas si Vice sa masa.     

Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach

Ang sinasakyan ko na van ang nasa unahan ng float nina Vice kung saan lulan ang mga co-stars niya.

Habang binabaybay namin ang kalye patungong Alabang ang madlang pipol pangalan niya ang isinisigaw.

“Lodi Vice” (read: Idol Vice) ang sigaw ng tao, reason para hindi mo makita ang kapaguran sa unkabogable box-office superstar na left and right ng float ay panay ang kaway niya sa mga tao na nagaabang sa kanya.

The cast of Gandarrapido: The Revenger Squad

Ang ilan, may hawak na sariling gawa na placard na ang tao hindi magkamayaw.

With Vice super effort, alam ko na susuklian ito ng taumbayan para suportahan ang pelikula niya.

Goodluck Vice.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post