DAHIL SA ‘REVELATION’ NG ISANG BLOGGER: Ivan Dorschner, kinukuyog ng mga JaDine fans!

Ivan Dorschner

NAKAKALOKA talaga ang ganap tuwing JaDine ang napag-uusapan. Kung noon ay puro positive press ang lumalabas about the reel to real tandem, ngayon ay puro negative news ang lumalabas na ginagatungan naman ng mga fans nila.

Ang latest target ay ang Pinoy Big Brother graduate turned Kapuso actor na si Ivan Dorschner. Kung nasundan ninyo ang humble beginnings ni James Reid sa showbiz, you’ll be aware of the friendship na nabuo sa pagitan nila ni Ivan. Kahit pareho na nanalo sa sinalihang reality-based TV show, parehong naging matamlay ang umpisa ng showbiz career nila. Umariba lang ang karir ni James nang mapadpad ito sa poder ng Viva Artist Agency at ipinares kay Nadine Lustre and we all know the rest is history.

Si Ivan naman ay nakahanap na ng puwang sa showbiz sa pagiging Kapuso. Ipinares ito kay Barbie Forteza sa “Meant to Be” at ngayo’y napapanood sa “Super Maam”. Siya rin ang isa sa mga kasali sa cast ng upcoming light drama show ng GMA-7 na “The One That Got Away”.

James and Nadine

Kung tutuusin, magkaiba na ang mundo ng magkaibigang James at Ivan. Kung si James ngayon ay nasa Kapamilya network at focused sa kanyang music career, si Ivan naman ay getting there na sa pagiging leading man sa GMA-7.

May paratang ang isang blogger na diumano ay tinawag ni Ivan na ‘controlling girlfriend’ si Nadine Lustre at fake daw ang PBB. Ganern?!

Sa kanyang IG story naman ay may pasaring si Nadine Lustre sa blogger at hindi napigilang mag-react.

Kung si James ay palaging quiet lang sa ganitong mga usapin, si Nadine naman ay hindi maka-control ng kanyang emosyon.

Ano nga ba ang totoo? Hihintayin namin kung papatulan ba ni Ivan Dorschner ang nasabing isyu or just like his friend James ay baka deadmahin lang niya ito.

Related Post

TANGGAPIN NIYO NA: James Reid at Nadine Lustre, handa na sa sensual roles

[unable to retrieve full-text content]

VERY PRIVATE: Lovi Poe, ayaw pag-usapan kung live-in na ba sila ng French BF

Lovi Poe

MALAKI ANG PAGHANGA ni Lovi Poe sa kasamahang artista na si Nadine Lustre nang maipit ito sa isyu tungkol sa “live-in” na para sa iba na nagpapaka-ipokrita, uncalled daw ang statement ng dalaga kung sakaling ganun man ang set-up nila ng boyfriend na si James Reid. But for me, keber as long na wala silang nasasagasaan.

Sa panahon na iba na ang takbo ng isip ng mga millennials, bahala ka kung hindi ka pa sumasabay sa agos sa panahon na ang “sex” ay kaswal lang na para ka lang nagkakape sa umaga na idadaan mo sa paligo na mawawala ang laway na idinila sa katawan mo ng kapareha as long alam mo ang pag-iingat at consequences ng ginagawa mo.
Kaya ang madaming kabataan ang nabubuntis sa panahon ngayon dahil ginagawang bobo ng pamahalaan at ng simbahan ang mga kabataan. Ewan ko kung bakit ayaw i-push ang sex education at paggamit ng condom at mga contraceptives.
Pero para kay Lovi ay matapang si Nadine: “I really admire her the fact that she’s very honest.”
Pero huwag ma-misinterpret ng iba na ang paghanga ng aktres kay Nadine at inunahan na niya na ayaw niya pag-usapan ang ibang detalye ng relasyon nila ng French boyfriend niya na si Chris Johnson.
“Wala, I really don’t want to say anything because I want to keep things private,” pahayag ng sexy actress sa media launch ng kanyang first comedy film na “Woke Up Like This” kung saan si Vhong Navarro ang kanyang kapareha.

Vhong Navarro and Lovi Poe

Pero kung follower ka ni Lovi ng kanyang social media accounts, looking at the photos na naka-post ay nakapambahay lang ang boyfie niya habang nagluluto, meaning isang “overnight” guest si Chris?

During the presscon, ayaw napagusapan ng sexy actress ang tungkol sa kanila ng karelasyon.
Pagkukuwento niya: “Just because we’re public figures doesn’t mean that we have to be an open book to everybody, ‘no! Whatever it is, I always said I want to be a private person. He’s a private person, ganun na lang. Chill lang naman siyang tao,” sabi ni Lovi.
 Sa pelikula, ang sexy actress ay kabaligtaran ng image niya. “Sa movie naging lalaki ako. Yong character ni Vhong ay naging ako. Nagpalit kami,” natatawang kuwento ni Lovi sa kanyang karanasan.
Isang happy at laugh trip movie ang “Woke Up Like This” na dinirek ni Joel Ferrer. Kasama sa pelikula nina Lovi at Vhong sina Yana Asistio, Dionne Monsanto, Raikko Matteo at ang charming na si Cora Waddell.
Sa August 23 na ipapalabas ang pelikula na produced ng Regal Films.

Reyted K
By RK Villacorta

Gumaya kay Maine: Nadine Lustre, nag-deactivate na rin ng Twitter!

Nadine Lustre (courtesy of Facebook: @OfficialNadzLustre)

SUNOD-SUNOD yata ang mga sikat na female celebrities natin na nagde-deactivate ng Twitter. Months ago ay nilayasan ni Maine Mendoza ang nasabing social networking site dahil hindi niya kinayang mabasa ang mga tweets ng mga fans at bashers niya about her involvement with Sef Cadayona. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalik-loob ang Reyna ng ALDUBnation.

Today naman ay ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre naman ang nag-baboo sa Twitter. Isang malaking palaisipan ang biglaang pag-deactivate ng dalaga ng kanyang account dahil parang nalagpasan naman niya ang mga recent controversies na nasangkot siya. Ang huli nga ay ang kanyang diretsong opinyon tungkol sa diumano’y pagsasama nila ni James Reid sa isang bahay.

Ayon sa aming nakalap na tsika, ang mga fans daw ni Nadine mismo ang dahilan kung bakit mas pinili niya na ‘mag-cooldown’ muna by deactivating her account. Siguro ay hindi na rin niya nakayanan na magbasa ng negativity sa kanyang timeline.

May fangroup diumano si Nadine na nakiusap sa mga followers na huwag masyadong magpost ng mga super personal and private updates/photos nina James Reid at Nadine.

Nadine Lustre and James Reidivati

May isa pang loyal follower diumano na nag-suggest na lagyan na lang ng sticker ang mukha ni Nadine or ni James kung magpopost man sila ng private moments ng dalawa, na hindi raw nagustuhan ni Nadine.

Hindi na kami nakakuha ng screencap ng huling tweet ni Nadine bago ito nag-deactivate.

Sa dami nga naman ng isyu na pinagdaanan ni Nadine recently, baka ang pag-deactivate ng kanyang Twitter account ang pinakamagandang paraan para makaiwas siya sa negativity kahit sandali lang. Digital detox ka muna, gurl.

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!

Nadine Lustre and James Reid

BONGGA ang opening production number nina James Reid at Nadine Lustre sa naganap na SPEED 1st EDDYS Award.

Super performance level ang dalawa na pinatunayan na active and alive pa rin ang presence nila sa showbiz sa kabila ng kawalan ng teleserye at pelikula,
Sa mga hindi nakakaalam, hindi lang isang magaling na aktor si Arjo Atayde – hindi rin nito inuurungan ang pasayaw at paghataw!
Taas-energy level ang performance nila ni Yassi Pressman.

Cristine Reyes and Ali Khatibi

Agaw pansin ang mag-asawang Ali Khatibi at Cristine Reyes nang dumating sila sa Kia Theater. Pinagkaguluhan na sila kaagad ng mga fans.

Rhian Ramos

Si Rhian Ramos na nominated for Best Actress para sa pelikulang ”Saving Sally” was in  her very sexy soft floral black and white gown na litaw ang maganda niyang cleavage sa sobrang mababang V neckline. Sakay ng black sports car  si Rhian na sa pagbaba niya, feeling ko ay nanonood ako ng isang James Bond movie na tipong may meet-up sila ng pamosong spy sa loob ng Kia.

Mother Lily Monteverde with children and apos

Dumating si Mother Lily kasama ang mga anak na ina Roselle at Dondon ant mga apo niya in her black beaded gown para tanggapin ang special award as Producer of the Year.
Si Kuya Boy Abunda naman was rushing nang dumating sa Kia to receive his Joe Quirino Award na in seconds ay diretso akyat na siya sa entablado.
Naloka lang ako na absent ang halos lahat ng mga nanalo.
Wala si Paolo Ballesteros at Vilma Santos (nasa abroad for a vacay); John Lloyd Cruz and Angel Locsin (pero nagpasalamat kaagad ang aktres sa kanyang IG account sa napanalunang EDDYS).
Si Lav Diaz na nanalo as Best Director for Ang Babeng Humayo ay waley para tangapin ang kanyang award.

Magandang ang pair sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino nang tawagin sila to present one of the categories.

Nora Aunor

In fairness, maganda at fresh si Nora Aunor at hindi mukhang haggard nang dumating sa venue kung saan nominated siya as Best Actress for her performance in Tuos.

Rare touching moment between Mother Lily, Direk Maryo J. Delos Reyes and Nora Aunor

Buhay na buhay ang pa rin ang rivalry nina Vilma Santos at Nora Aunor kapag sabay nominated ang dalawang aktres sa isang awards night. Ang mga hecklers na anti-Vilma na mga Noranians, pinagsisigawagan na “Ang Babaeng Ugat” ang aktres at ang mga anti-Nora na mg Vilmanians, ipinagsisigawan nila na si Guy ay “ulikba” na noon pa man ay siya na ng tawag ng mga fans sa kalaban ng kanilang mga idol.

FDCP & NYC: Liza Diño and Aiza Seguerra

Present to give support sa SPEED si FDCP Chairperson L:iza Dino habang ini-interview siya ng press tungkol sa MMFF 2017 controversy, ang mister si Aiza Seguerra ay nakamasid lang sa may pintuan ng teatro na sabi sa amin ay kagagaling nila nila sa Caramoan in CamSur to attend a film camp.

Kisses Delavin and Marco Gallo


Ang teen heartthrob na si Marco Gallo, nabukulan at naitakbo sa ospital dahil nindi napansin ang glass door ng KIA main entrance na walang marker.

Christian Bables

Sport at game na dumating si Christian Bables last night sa EDDYS na nominated for Best Supporting Actor para sa pelikulang Die Beautiful for his stunning performance as Barbs.
Sa kabila ng mga ngaragan ay naging matiwasay ang 1st EDDYS ng SPEED. Hanggang sa muli!

Reyted K
By RK Villacorta

Move over, Justin Bieber: Bagong album ni James Reid, pang-international!

[unable to retrieve full-text content]

No confirmation, hindi rin nag-deny: James Reid at Nadine Lustre, nagli-live in na?

[unable to retrieve full-text content]