FROM ONSCREEN PARTNER TO STALKER: Carlo Aquino, pinopormahan na si Bela Padilla?

Carlo Aquino and Bela Padilla

UMABOT SA second week ang showing ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla under the direction of Irene Villamor (Destined to Be Yours, Camp Sawi). Marami ang naka-relate sa makatotohanang kuwento ng chance encounters ng dalawang taong in love sa isa’t isa pero palaging mali ang timing. Ito ang klase ng hugot movie na hindi masyadong malalim, pero mapapaisip ka sa mga “whats ifs” mo sa buhay.

Unusual ang pairing nina Carlo Aquino at Bela Padilla dahil ni minsan sa TV ay never sila nagsama. Si Bela ay suwerte dahil sa magandang connection na nakuha niya at aminin na natin – ang ex-bf niya na si Neil Arce ang co-producer ng mga nauna niyang proyekto kaya ito ang naging daan kung bakit napansin siya ng mga tao at sunod-sunod ang mga raket niya ngayon. Kahit pagdating sa scriptwriting ay malaki ang naitulong ng kanyang ex.

Si Carlo Aquino naman ay napatanong ng “bakit ako?” nang ialok sa kanya ang papel bilang Jesse Abaya sa pelikula. Hindi man ito katangkaran at baby face pa rin, hindi maipagkakaila na nakakakilig pa rin itong tingnan onscreen. Ideal man talaga ang peg niya. Ang sarap dyowain!

More than one year nang hiwalay si Bela sa kanyang ex-boyfriend at tila hindi natuloy sa totohanan ang sinimulan nilang love story ni Zanjoe Marudo. In short, nganga si atehgurl.

Si Carlo Aquino naman ay umamin na wala na sila ng girlfriend niya for six years. Hindi man niya ni-reveal ang rason, malinaw na single siya ngayon. Ito ang naging hudyat para humopia ang mga fans nila ng isa pang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, na ngayon ay isa sa mga best friends ni Bela Padilla (along with Kim Chiu).

Hindi namin alam kung promo, pero sa Twitter ay nagkakayayaan sina Carlo at Bela na panoorin ulit ang pelikula nila. Sa latest tweet ni Carlo, ang sabi nito ay “Celeste sa social media na lang kita iistalk”.

Ayon sa narinig namin, just like “Mr. and Mrs.Cruz” nina JC Santos at Ryza Cenon na pinalabas last month ay kumita naman ang “Meet Me in St. Gallen”. Hindi nga lang ito masyadong umariba sa takilya like “100 Tula Para Kay Stella”, pero marami rin naman ang nanood. Dahil sa pagpasok ng “Sin Island at “My Fairy Tail Love Story” sa araw ng mga puso, kailangan nina Carlo at Bela na lumaban para bigyan ng madlang pipol ng pagkakataon ang kanilang pelikula.

Teka… bakit hindi na lang ligawan ni Carlo si Bela for real? Bagay naman ah! Naku, galaw galaw na baka puro “What ifs” din kayo dyan kung hindi niyo bibigyan ng chance ang isa’t isa.

Related Post

LAST TWO WEEKS: HAPLOS nina Sanya Lopez at Thea Tolentino, tsutsugiin na!

Sanya Lopez and Thea Tolentino

SA WAKAS, tatapusin na ng GMA-7 ang panghapong teleserye nila na Haplos na pinagbibidahan ng talented ladies na sina Sanya Lopez at Thea Tolentino with Rocco Nacino at Pancho Magno.

Sa totoo lang, nakakasawa nang panoorin ang nasabing programa. Promising naman ito noong una, pero nakakastress panoorin ang awayan nina Angela (Sanya) at Lucille (Thea). Kung ikukumpara sa mga teleseryeng kasabay nito sa panghapong line-up ng Kapuso network, ito ang tunay na nakakastress panoorin.

Kahit na pinapaikot na lang ang kuwento ng Ika-6 na Utos, ito ay entertaining pa rin panoorin. Nakakastress ng slight pero may entertainment value ang pagiging lukaret nina Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika dela Cruz) at laughtrip minsan ang mga ways nila para pigilan ang pagmamahalan nina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).

Ang Impostora naman ay nasobrahan sa bilis ng pacing ng kuwento. Okay ito sa first three months, pero in a way ay nagawan nila ito ng paraan para maging entertaining at marahil ay maganda rin ang character development nina Nimfa at Rosette (both played by Kris Bernal). Okay din ang supporting cast nito at may chemistry talaga sina Kris Bernal at Rafael Rosell.

Nakakapanghinayang ang Haplos dahil sina Sanya at Thea ang dalawa sa mga talented actresses ng Kapuso network. Sa Encantadia ay nag-standout ang portrayal ni Sanya bilang Danaya at si Thea naman ay ilang beses na rin naging main kontrabida pero laging beast mode ang kanyang atake at plainly evil lagi ang characters na ibinibigay sa kanya.

Big relief para sa manonood na matatapos na ang programa in two weeks. We just wish na after this ay bigyan naman ng matinong project sina Sanya at Thea. 

Related Post

PATIKIM SA JADINE MOVIE: James Reid at Nadine Lustre, todo laplapan sa elevator!

Nadine Lustre and James Reid’s elevator scene in Never Not Love You

KUNG SA UMPISA ay controversial ang much-awaited movie project nina James Reid and Nadine Lustre a.k.a. JaDine na “Never Not Love You” dahil sa naging conflict nila with director/writer Antoinette Jadaone, ngayon ay mas magiging usap-usapan ito dahil sa teaser trailer na inilabas ng Viva Films ngayong gabi.

Sa umpisa ng teaser ay nasa tattoo place sina James at Nadine. Ang dalaga ay takot na takot habang nagpapatattoo ito sa binata. Nang matapos ang kanilang ‘foolishness’ ay niyaya ng karakter ni James si Nadine na mag-live in na lamang sila.

Hmmm… sounds familiar ba?

Ang susunod na eksena ay naglalaplapan na ang dalawa sa elevator. Ramdam na ramdam ang pagkasabik nila sa isa’t isa. Sa sobrang in love nila ay kung anu-ano nang recklessness ang kanilang pinaggagagawa. Natapos ang eksenang sa kama naman nila ipinakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Nadine Lustre and James Reid’s elevator scene in Never Not Love You

Siguradong magugulat ang mga loyal fans ng JaDine lalo na ang mga bagets. Sana ay ready na sila to see their idols in matured roles.

Ang pinakita sa teaser ng Never Not Love You ay ilang eksena na hindi kakayanin gawin ng LizQuen, AlDub at lalo na ng KathNiel, na main ‘competitor’ nila sa kiligan.

Mukhang naitawid naman ng production at mga bida ang pelikula na may mga eksenang kinunan sa London.

Wala pang final date na sinasabi sa playdate ng pelikula, pero may nakapagbulong na nasa 60% na raw ang bagong obra ni Antoinette Jadaone.

Flop ang last movie ng JaDine na ipinalabas two years ago habang naging sleeper hit naman ang huling movie na dinirek ni Direk Tonette last year. Ano kaya ang kahihinatnan ng nag-iinit na pelikulang ito? Abangan!

Related Post

DAHIL SA ‘FANEY’ MOMENT: Maine Mendoza at Carlo Aquino, the next movie couple to watch?

Carlo Aquino and Maine Mendoza

ILANG BESES na namin nailathala rito sa Pinoy Parazzi ang mga nakakaaliw na ‘faney’ moments ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Kahit siya mismo ay isa sa biggest superstars ng bansa, hindi pa rin nagbabago ang dalaga at hindi ito takot na ipakita sa mga tao ang pagiging fangirl nito.

Ang latest fangirl moment ni Maine ay nangyari sa katatapos lang na premiere night ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen”. Bida sa pelikula si Bela Padilla at ang longtime Kapamilya actor na si Carlo Aquino. Feeling namin ay isa si Maine sa mga bagets noon na kinilig sa charming face at raw talent ng binata.

Sa napanood namin na video na kuha ng ilang fans, tila pigil ang kilig ni Maine nang maupo si Carlo sa harap ni Maine. Later on, pinakilala ni Direk Irene Villamor si Carlo kay Maine at doon na nga naganap ang trending selfie.

Unang nagselfie si Maine with Carlo at ang binata ay kumuha rin ng snapshot through his phone.

Nakakatuwa dahil kita sa video na kahit natapos na ang selfie moment nila ay parang hindi mapigilan ni Maine na kiligin at bumungisngis.

This leads us to the possibility na bakit nga ba hindi gawan ng pelikula ni Direk Irene ang Carlo-Maine tandem? Malakas ang chemistry nila. Puwede rin na gumawa ng love triangle movie with Alden Richards kung sakali. I’m sure na walang AlDub fan na hihirit kung si Carlo Aquino ang magiging ‘karibal’ ni Alden. Maliban sa pogi, hindi pa ito papatalo kung aktingan rin lang ang pag-uusapan.

Naging direktor nina Alden at Maine si Direk Irene Villamor sa Destined to be Yours. Siya rin ang direktor ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na palabas na ngayong araw sa mga sinehan nationwide.

Related Post

Kiko Estrada, panggulo sa pag-iibigan nina Elmo Magalona at Janella Salvador!

Kiko Estrada

SA WAKAS, bida na rin sa pelikula ang Kapuso hunk actor na si Kiko Estrada.

Ang binata ang ka-love triangle ng tambalang Elmo Magalona-Janella Salvador a.k.a. ElNella sa “My Fairy Tail Love Story” na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong February 14.

Considered na ito ang biggest break ng binata pagdating sa paggawa ng pelikula. In the movie, he plays the role of Ethan, a popular DJ na maiinlab sa sirenang si Chantel (Janella Salvador). Ang tanong: Sapat na ba ang love o hindi ba ito enough?

Sa totoo lang, malaki talaga ang potensyal ni Kiko na maging sought-after leading man just like his father na si Gary Estrada. Yummy kaya si Gary noon at hanggang ngayon naman ay malakas ang sex-appeal nito. We’re hoping na after this movie ay magtuloy-tuloy ang paggawa ni Kiko ng pelikula dahil sa GMA-7, isa siya sa rare breed na guwapo, yummy at higit sa lahat – marunong umarte!

Kung papayag ang mga ex-girlfriends niya na sina Kim Rodriguez at Barbie Forteza, mukhang okay rin na magkaroon sila ng romance drama film na tungkol sa mga babaeng sinaktan ng isang lalaki. Okay naman ito, ‘di ba?

As of writing, wala pa kaming nababalitaan na next project ni Kiko sa Kapuso network. Well, Kapuso pa rin ba siya? Abangan na lang natin!

Related Post

SPLIT NA AFTER FOUR YEARS: Roxanne Barcelo, umaming hiwalay na sila ni Will Devaughn

Roxanne Barcelo and Will Devaughn

SA ENDING ng programa niyang Wildflower, nag-ending na rin ang relasyon nina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Ang akala ng lahat ay mauuwi na sa kasalan ang pagmamahalan nina Roxanne at Will dahil happy sila sa karamihan ng kanilang social media updates. Marami rin ang humahanga dahil kahit parehong sexy ang image na kanilang ipino-project ay tila understanding sila sa trabaho at ambisyon ng isa’t isa.

Marami ang nagulat sa pag-amin ni Roxanne na ilang buwan na rin silang nag-split ni Will. Malamig nga raw ang kanyang pasko.

Nang tanungin kung isa sa mga factors ba ay ang pagiging financially-dependent ni Will sa kanya dahil mas maraming raket ngayon si Roxanne, agad naman itong itinanggi ng dalaga. Sinabi pa nito na maraming negosyo ang ex with his friends at maganda ang status nito bilang foreigner sa Pilipinas.

Buti na lang at sa break-up na ito ay hindi naman sila naghiwalay na bitter sa isa’t isa. As a matter of fact, best friend pa rin ang tingin ni Rox kay Will at civil naman sila with each other.

Next week ay ineexpect na ng mga loyal Wildflower viewers na pasabog ang kanilang finale week. Sa programang ito nanumbalik ang interes ng publiko kay Roxanne na noon pa lang ay talagang todo effort sa pagpupush ng kanyang showbiz career. Marami ang natuwa sa pagiging lukaret na spoiled brat niya sa Wildflower at wish ng iba ay magkaroon sila ng follow-up project ni Vin Abrenica – ang unexpected ‘loveteam’ niya sa show.

Related Post

NGANGA SI GANDA: Bela Padilla, pinaasa lang ni Zanjoe Marudo?

Zanjoe Marudo and Bela Padilla

LAST YEAR, malakas ang haka-haka na nagkadebelopan diumano ang ‘My Dear Heart’ lead stars na sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. May mga nagsasabi na tila naging conscious ang Kapamilya actor sa pagpili ng pamalit niya kay Bea Alonzo dahil magkahawig sila ng leading lady.

Sa mga interviews ni Bela noon noong ipinopromote niya ang pelikulang ‘100 Tula Para Kay Stella’, hindi nito direktang inaamin pero ang labas sa amin ay may ‘something’ sila ni Zanjoe. Sino ang makakalimot sa asaran nila sa Instagram nang mag-topless si Zanjoe sa isang gym photo? What about the rumoured trips to La Union and Japan?

Kung noon ay parang hindi sure pero halatang kinikilig si Bela kapag napapag-usapan ang ‘panliligaw’ ni Zanjoe, ngayon ay direktang sinasabi ng dalaga na magkaibigan na lamang sila. Hanggang ngayon ay never umamin ang isa sa kanila. May mga pahapyaw, pero iba pa rin kasi kapag direct confirmation. Kahit sabihin pa na si Vice Ganda na kilalang patay na patay kay Zanjoe ang halos magkumpirma ay iba pa rin kung kay Zanjoe o Bela ito manggaling.

Ngayon na sure na sure si Bela na ‘friend’ na lang ang status nila ni Zanjoe, napapaisip tuloy kami kung pinaasa lang ba ni Zanjoe si Bela noon? Nagkaroon ba sila ng something at hindi lang nagwork out o sadyang ladies’ man si Zanjoe at namisinterpret ito ni Bela?

Anyway, swak sanang i-link si Bela sa new leading man niya na si Carlo Aquino for ‘Meet Me in St. Gallen’, pero nasapawan na ito ng possibility na makipagbalikan ang aktor sa kanyang ex–gf na si Angelica Panganiban na isa sa besties ni Bela sa showbiz… na bagong leading lady ni Zanjoe sa bago nitong TV show.

KALOKA! Rigodon lang?!

Related Post