Sef Cadayona and Maine Mendoza: What if we’re Meant to Be?

SEF CADAYONA

Real Name: John Paul Joseph Cadayona
Birthdate: March 3, 1989
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

MAINE MENDOZA

Real Name: Nicomaine Dei Capili Mendoza
Birthdate: March 3, 1995
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

MALAKING ISYU NGAYON  sa ilang possessive AlDub fans ang pagkaka-link ni Maine Mendoza sa Kapuso actor na si Sef Cadayona. Ang lahat ng ito’y nag-umpisa lang sa isang simpleng IG Stories update at masyadong affected ang ilang fans sa possibility na hindi si Alden ang tunay na iniirog ni Maine.

Guys and gals, ang ‘reel’ ay different sa ‘real’, huh! Kahit si Maine ay ‘di na napigilang umalma sa ilang fans na bumabatikos ngayon kay Sef, who cleared na friends lang talaga sila ng isa sa pinakasikat na leading lady ngayon sa bakuran ng GMA.

Given na hindi nga talaga mag-dyowa in real-life ang SefMaine (naks, ginawan talaga namin ng ship name!), may dapat nga ba talagang ikabahala ang mga AlDub loyalists?

Aba, parehong pisces ang dalawa! Same month, same day! Magkaiba lang ang taon! Whew, are they destined for each other?

Kilala ang mga pisces for being sensitive. Malaki ang tsansa na magwork ang pagsasamang ito dahil gets na nila ang ugali ng isa’t isa. Kung feelings rin lang ang basehan ng relasyon, tsek na tsek na ito!

The downside? Pati ang mga negative aspects ay pareho rin. Sabi nila, ang pagsasama ng dalawang Pisces ay isang malaking sugal lalo na pagdating sa usaping karir at pera. Wala sa kanilang ang magvu-volunteer na mag-adjust. Pagdating naman sa romance ay very compatible ang dalawang ito dahil natural sa kanila ang pagiging malambing.

Sa totoo lang, walang Pisces na hindi naniniwala sa forever, noh! Pareho silang matiyaga, galante and loves luxurious things. Bet din nila ang chill lang na relationship. Importante pero sa kanila na makitang reciprocated equally ang iniinvest nilang feelings sa kapartner.

Challenge sa pagsasamang ito ang kung sino ang willing na mag-take lead sa relationship lalo na kapag dumating ang puntong they have to defend themselves against all odds. Ang Pisces pa naman ay gustong sila ang inaalagaan. Kung ang dalawang relasyon ay gustong magpabebe, naloko na! Kung ganito ang magiging sitwasyon, we doubt na tatagal ang pagsasamang ito.

Do I hear some members of the AlDubnation secretly rejoicing with this prediction? O ayan na ha! SefMaine will not last daw! Alden, mukhang kailangan mong mag-step up… if you really want your ‘reel’ love story to be ‘real’.

Pares-Pares

By Madam Damin

Zanjoe Marudo and Bela Padilla: Could This Be Love?

Zanjoe Marudo and Bela Padilla

ZANJOE MARUDO
Real Name: Zanjoe Acuesta Marudo
Birthdate: July 23, 1982
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

BELA PADILLA
Real Name: Krista Valle Sullivan
Birth Date: May 3, 1991
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

NALALAPIT NA ANG pagtatapos ng primetime family dramang ‘My Dear Heart’ na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Gayunpaman, true kaya na na from reel to real ang transition nito?

Last year ay naging usap-usapan ang paghihiwalay nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Early this year naman ay ikinagulat ng lahat ang biglaang split up ni Bela Padilla sa movie producer na si Neil Arce. In both cases ay parehong tumagal ng ilang taon ang relasyon at ikinagulat ng madling pipol ang kinahinatnan.

Just a few weeks ago ay kumalat ang larawan nina Zanjoe at Bela traveling together. Hmmm… Will the two Kapamilya stars call each other ‘dear’ in real life soon? Or are they already? 

Ang pagiging matigas ang ulo ang isa sa common denominator ng Leo at Taurus. Huwag ninyong i-misinterpret ito, ha? Ang ibig sabihin ay kung may gustong makamtan, gagawin nila ang lahat para ma-achieve iyon. Pareho silang determinado at pinaninindigan nila ang bawat desisyon na kanilang ginagawa. Pareho silang bigay-todo sa trabaho at mahal nila ang kanilang propesyon. Maaaring magkaroon ng problema ang dalawa sa kanilang pagkakaiba. Mas open sa tao ang isang Leo kumpara sa Taurus. Hindi magdadalawang-isip ang Leo na ikuwento ang kanyang buhay sa madlang pipol, samantalang mas nanaisin naman ng Taurus na maging pribado ang ilan sa mga personal na kaganapan sa kanyang buhay. Hindi rin mag-aatubiling gumastos ang Taurus sa mga bagay na magpapasaya sa kanya habang ang Leo naman ay magdadalawang-isip pa.

Kahit na may personal differences ang dalawa, ang kanilang pagiging faithful and understanding sa isa’t isa ay hindi matitinag. Kailangan nilang tandaan na hindi nila dapat pagsamantalahan ang kahinaan ng isa. Dapat ding idaan sa mahinahong usapan ang mga bagay-bagay para hindi lumala ang gusot, kung meron man.

Expected na mas maghahanap ng atensiyon ang Leo kaysa sa Taurus. Hindi rin maiiwasan na ang lalaking Leo ang magko-control sa relasyon para mapunan ang kakulangan sa ego nito. Pagdating naman sa romansa ay super ok sila. Naglalagablab sa init ang pagsasamang ito! Game kung game!

Ahem… mukhang destined ang dalawa na maging together talaga! Siguro ‘yun ang dahilan kung bakit hindi nag-work ang past relationships nila kahit pa long duration pa ito. They’re destined for each other! Ay, ibang show pala ‘yun! Be careful with my dear heart! Hahaha!

Pares-Pares

By Madam Damin

Ruru Madrid and Arra San Agustin: Take My Breath Away

RURU MADRID
Real Name: Jose Ezekiel Misa Madrid
Birthdate: December 7, 1997
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Quality: Mutable
Element: Fire
Basic Trait: I Perceive

ARRA SAN AGUSTIN
Real Name: ArraKrisette San Agustin
Birth Date: April 25, 1995
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
MARAMI ANG NANGHINAYANG nang lumabas ang balitang papatayin ang karakter ni Kylie Padilla bilang Amihan sa fantaseryeng ‘Encantadia’. Paano, maraming fans ang invested nasa love story ng YbrAmihan (Ybrahim at Amihan). Kahit hindi man together in real life sina Ruru at Kylie, hindi naman maipagkakaila na nakakaloka ang kanilang chemistry. Parehong magaling sa pagganap ng kanilang roles at may sexual tension, ‘ika nga. Balita pa nga na may mga movie projects at endorsements na nakapilana sana for the two. But well, we all know what happened.

With the awkward scenario of ‘killing’ Reyna Amihan in the story, naisipan ng mga writers ng show naipasok ang Bubble Gang mainstay na si Arra San Agustin bilang Ariana, ang ‘reincarnation’ ni Amihan. Hati ang mga viewers sa naging pagbabagong ito.

Ngayon nanalalapit na ang pagtatapos ng Encantadia, napagdesisyunan ng yours truly na mag-tsek sa love skies kung may possibility sina Ruru at Arra in real life. Kaya bang panindigan ng tagapangalaga ng brilyante ng hangin ang pag-ibig na alay ng prinsipe?
Kung gaano karami ang pagkakapareho sa ugali ng Sagittarius at Taurus, ganu’n din naman ang pagkakasalungat nito. Gustung-gusto ng Archer na makihalubilo at maki-party sa mga madlang pipol, habang ang Toro ay mas gustong tumambay sa bahay at magbasa na lamang ng libro o mag-Internet. Madaling mabo-bore ang Sagittarius sa relasyon, habang madalas naman mabagabag Taurus sa madalas napaglayas ng kasintahan.
Mabibigyan ng bonggang chance ang pagsasamang ito kung magkukusa ang magkabilang-panignaintindihinang pangangailangan at interes ng isa’t isa. Kailangang magbigay ng space ang Taurus at kailangan din namang bawas-bawasan ng Sagittarius ang paglalayas.

Ang pagiging ‘happy-go-lucky’ ng Saggitarius ay maaaring mabalanse ng mas praktikal na Taurus. Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring tumagal ang relasyon ng dalawa. Understand your partner and don’t try to change them!

Initially, maaakit ang babaeng Toro sa pagiging outgoing ng lalaking Archer. Makikita niya kasi sa potential lover ang mga bagay na gusto niyang gawin, pero natural an gpagiging reserved ng kanyang karakter. Opposites attract nga, ‘di ba? Kalauna’y ang pagiging natural flirt ng Sagittarius ay magpapa-pranings a Taurus.

Okay ang relasyong ito kung short-term ang pag-uusapan. Kung long-term ang pinapangarap, kailangan ng mega-effort!

Sheda! Mukhang pwede naman ang Ruru-Arra in real life. Ask lang natin an gmga rumored partners nila, huh!

Pares-Pares

By Madam Damin