BONGGA: Paolo Ballesteros, excited sa movie with the lolas at kay Piolo Pascual!

Paolo Ballesteros and Piolo Pascual

NOONG PUMIRMA ng kanyang movie contract si Paolo Ballesteros sa Regal Films ay tinanong na ang aktor kung sino ang wish niya na makapareha as a leading man sa movie na gagawin niya sa kuwadra ni Mother Lily at Miss Roselle Monteverde.

S’yempre, ang beking si Paolo, kilig na kilig na sinabi na type na type niya si Piolo Pascual na makapareha sa pelikula.

Istorya na sana ito na pwede i-bandera or i-headline ng mga invited press people noon pero nakiusap si Mother Lily na huwag daw muna isulat dahil mawawala sa focus ang publicity stunt ng pelikula ni Papa Pi na Northern Lights noon.

Now na pwedeng-pwede na kaya inulit-ulit kay Paolo ang tungkol sa kilig niya kay Papa Pi during the presscon of their laugh trip movie na Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies kung saan kasama ni Pao sina Wally Bayola at Jose Manalo sa pelikula ni Direk Mark Reyes with their Eat Bulaga’s Lolas (Lola Tidora, Lola Nidora at Lola Tinidora) characters na ipapalabas na this coming Wednesday, November 22.

Nagulat si Paolo nang makarating ang kuwento na papayag naman daw ang aktor na maging kapareha niya sa pelikulang gagawin nila.

As of this writing, wala pa sa isip ni Paolo kung ano ang magiging kuwento ng magiging pelikula nila ni Piolo pagnagkataon.

“Bahala na ang mga managers namin na ang bahala. Ipauubaya ko na ,” kuwento ni Paolo.

Paolo Ballesteros

Basta ngayon, excited siya sa magiging resulta ng pelikula nilang tatlo nina Jose at Wally.

“Siguro naman, hindi kami pababayaan ng mga fans namin sa Eat Bulaga Kalye-Serye. Basta, may surprise kami sa kanila,” panigurado ni Paolo.

Sa pelikula ay makakasama ng tatlong lolas sina Angelika dela Cruz at Ryzza Mae Dizon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

HINDI NA BASTA ‘ANAK NI PIOLO’: Inigo Pascual, seryoso at namamayagpag sa kanyang music career!

Inigo Pascual

NAKAKATUWA panoorin na magperform ng live si Inigo Pascual. Kung noon ay kilala siya ng madlang pipol bilang ‘anak ni Piolo Pascual’, ngayon ay gumagawa na ng ingay ang binata sa local music scene. With his Billboard #1 hit “Dahil Sa’yo” ang promising upcoming singles, sure na malayo ang mararating nito sa kanyang karera. Baka nga later on ay tawagin na natin si Daddy Piolo bilang “Tatay ni Inigo Pascual”, eh!

Napanood ko si Inigo Pascual sa special presscon para sa Krem-Top Songwriting Contest, kung saan ipinakilala ang 10 finalists with the support of Krem-Top celebrity endorsers Joshua Garcia, Ronnie Alonte at Yassi Pressman. Ang ilan nga sa mga finalists ay naging vocal na gusto nilang makatrabaho si Inigo soon.

Sa totoo lang, right decision mula sa kampo ng binata na mag-concentrate muna siya sa kanyang singing career. Maliban sa good looks at pagiging talented, napakabait pa na bata ni Inigo. Naaliw ako nang makitang talagang pinakinggan niya ang mga kanta ng sampung finalists bago ito namili ng kanyang final pick sa mga kalahok. Siya ang talagang nagtagal sa Krem-Top music station.

Krem-Top celebrity endorsers Joshua Garcia, Yassi Pressman, Inigo Pascual and Ronnie Alonte

Sa kanyang sariling music career ay suportado siya ng kanyang superstar dad. Very proud si Inigo sa kanyang Himig Handog 2017 entry na Extensyon. Kamakailan lang ay ni-release na rin ang version niya ng MYMP hit na “A Little Bit”, which is the official theme song of the Zanjoe Marudo-Rhian Ramos starrer “Fallback” na showing na sa sinehan this coming November 15.

Nagbigay din siya ng update about his first major concert na gaganapin sa December 1 sa Music Museum. Excited na ang binata dahil dito rin niya unang ipaparinig ang next single niya entitled “Tiwala”.

Nang tanungin naman siya about his rumored girlfriend Maris Racal, ang sabi lang niya ay “exclusively talking” sila ng dalaga. Naks, bagong millennial slang! Okay lang na MarNigo na for real pero karir muna, ha?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

SA TULONG AT DONASYON NIYA SA MARAWI: Mga netizens, nayayabangan kay Piolo Pascual

Robin Padilla, Bb. Joyce Bernal and Piolo Pascual for Marawi

HINDI NAGMAMAYABANG si Piolo Pascual sa ginawang pagdo-donate niya ng 1 Million Pesos para sa rehabilitation ng Marawi na nagkaroon ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen na pakiwari nila ay nagmamayabang pa ang aktor.

Ayon sa isang panayam sa aktor, ang kaibigan at co-producer niya na si Bb. Joyce Bernal ang nagbigay sa kanya ng ideya.
“Nagsimula kasi ‘yan kay Joyce,” panimula ni Papa P.
Sabi niya, ‘Pagkakuha ko ng tseke ko sa Kita Kita, our pay, ibigay ko na. Sabi ko, ‘Sige, ako na rin. Gusto natin makatulong.
“So, from there, she shared with us the present plight of Marawi people, the bakwits, the evacuees, everyone was displaced, and it really broke my heart.”
Ang aktor at si Direk Joyce ang mga producers ng hakot sa takilya na super blockbuster movie na “Kita Kita” na pinagbidahan ni Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.
Kumbaga, they also want to share for a good cause.
Sa mga hindi nakakaalam, may iba’t ibang organization na tinutulungan ang aktor.
“Madali siya hilingan ng tulong lalo pa’t for charity,” kuwento ng kaibigang Ogle Diaz sa amin na as always ay sinusuportahan ng aktor ang KASUSU Foundation na isang charity organization para sa mga mayroong breast cancer.
May paniwala kasi ang aktor na malaki ang impluwensya nila as celebrities sa publiko. “It’s not all the time that it’s about us… you can probably use your influence to also encourage other people to help,” sabi ng aktor.

Robin Padilla helping to rebuild Marawi.

Gusto ng aktor na makatulong pero kung minsan ay hindi niya alam kung saan ibibigay at kung papaano.
Sa pamamagitan ni Robin Padilla na isa din sa punong abala sa pagtulong sa rehab ng Marawi City, naipaabot ni Piolo ang kanyang konting ayuda.
Paglilinaw lang. Hindi ang aktor ang nagmayabang sa cheque donation niya naka-post sa socmed. Proud lang si Robin na i-post niya ang tseke ng aktor sa kanyang personal IG account.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

YAYAMANIN AT KUMITA ANG PELIKULA: Piolo Pascual, nag-donate ng 1 Million para sa Marawi

Robin Padilla, Bb. Joyce Bernal and Piolo Pascual for Marawi

BONGGA SI PIOLO PASCUAL. May paandar na 1 million pesos para sa rehabilitation ng Marawi na sirang-sira sa dahil sa giyera na nangyari laban sa mga Maute group.    

Sa Instagram account ni Robin Padilla, masaya ang action star na isang converted at practicing Muslim na ibinalita niya ang donasyon ni Papa P para sa mga taga-Marawi.
Sa katunayan, ipinakita pa ni Binoe ang pagpirma ng aktor sa kanyang cheque book at ang tseke mismo na may halagang 1 million as donation.

Bb. Joyce Bernal

Kasama ng aktor sa pagdo-donate ay ang kaibigan niyang direktor na si Bb. Joyce Bernal na nagbigay naman ng kalahating (P 500,000) million.

Sa IG account ni Robin ay sinulat niya na: “Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya. Hindi ko masabi na religious acting ipinakita nila sa akin ngayong gabi ng ika-23 ng Oktubre2017 (last night). Sapagkat maraming religious na tao pero walang act na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer y hindi inisip ng dalawang ito ang na mag-goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahy sa marawi,

Piolo Pascual

“1 million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini.

“Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tinding Marawi sa bawat puso Pilipino. Mabuhay kayo aking mga kaibigan!  Mabuhay ang inyong ispiritu…”

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

DAHIL AMINADONG MATAKAW! Corned beef brand, nadagdag sa bagong ini-endorse ni Piolo Pascual

Piolo Pascual

MAY BAGO na namang endorsement si Piolo Pascual. Siya ang kinuhang brand ambassador ng Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef.

Ayon sa Ultimate Heartthrob ng showbiz, isang malaking blessing sa kanya ang bagong endorsement lalo pa nga at pinaniniwalaan niya ito at madalas din kainin bilang comfort food kapag nasa bahay lang siya.

“Pag nasa bahay lang ako, comfort food ko ‘to. Yung nailuluto ko. Gisa-gisa, konting sibuyas,” kuwento pa niya.

Aminado rin si Piolo na mahilig siyang kumakain pero pinipili naman daw niya kung ano ang kanyang kakainin.

“Walang bawal sa akin. I can eat anything. Malakas akong kumain, sobra. Kaya malakas akong magwork-out. Ayokong i-deprive ang sarili ko. For me, eating is a reward,” sambit pa niya.

“So parang for me, I treat myself as a reward. Something that is precious,” dagdag niya.

Bilang isang endorser, napatunayan na nga ni Piolo ng ilang beses kung gaano siya ka-effective.

Aniya, “Based on social media, people see what you eat, what you do. I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself. Kasi when I believe in a product, I’d like the people to see it, try it. With Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef, I’m very proud of it.”

Naniniwala rin si Piolo na bilang isang celebrity at endorser ay may responsibilidad siya sa publiko lalo na sa popularidad na meron ang social media ngayon.

“People nowadays like it raw, like it real,” saad niya.  “Me as a host, a singer, an actor. It’s different characters.

“But what you put out there, it’s you, yourself. It’s private but it’s personal. I wanted to share my life. I want people to identify with me,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

BARBIE FORTEZA AT KEN CHAN, BAGONG JUDY ANN AT PIOLO!

KEN CHAN AND BARBIE FORTEZA

BAGONG Piolo Pascual at Judy Ann Santos daw ang loveteam nina Ken Chan at Barbie Forteza.

‘Yung hugis daw ng mukha nina Barbie at Juday ay may pagkakahawig. Si Ken naman ay gaya ni Piolo na marunong kumanta. Actually, si Ken pa nga ang kumanta ng pelikula nila ni Barbie na “This Time I’ll Be Sweeter”. Showing ito sa Nov. 8 under Regal Multimedia Inc.
Kung nag-click noon ang serye nina Judy Ann at Piolo , ganyan din ang nangyari sa “Meant To Be” na patok talaga sa televiewers.
Ang mainit na pagtanggap ng publiko sa KenBie ay susubukan ngayon sa kanilang pelikula. Excited na ang mga fans sa kiligan,lambingan, harutan nila.Todo nilang ibibigay ito sa pelikulang “This Time  I’ll Be Sweeter”. Ito ay sa direksyon ni  Joel Lamangan.
Nagulat si Barbie Forteza nang sabihin ni Ken Chan na balak magpa-block screening ni Jak Roberto ng pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter”. Ganoon kasuportado ni Jak ang rumored girlfriend niyang si Barbie.
“Para lang sa kanya (Ken), hindi ko alam ‘yun, ah,” reaksyon ni Barbie na tumatawa.

~0~

SYLVIA SANCHEZ AT MATT EVANS, TULOY ANG BONDING!

Sylvia Sanchez and Matt Evans

Push na push ngayong hapon October 18, 3PM sina Matt Evans at Yayo Aguila sa kanilang meet and greet para sa grand opening ng BeauteHub by BeauteDerm  sa Maligaya 168 Shopping Center Maligaya Village, McArthur Highway, Dolores, City of San Fernando, Pampanga.

Kahit sina Matt at Sylvia  ay excited dahil magkaroon sila ng reunion  ngayong Oktubre 28. Nagsama ang dalawa  sa seryeng “The Greatest Love” na kung saan ay isa sa anak ni Ibyang.
Meron silang meet and greet sa  store opening ng Beautederm sa Tuguegarao (October 28, 4PM). Gaganapin ito sa Brickston Mall, Puenge Ruyu, Tuguegarao City . Magsasama rin sila sa Cebu sa  November 18.
Malaki ang pasasalamat ni Matt  sa mabait na  CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan dahil hindi nawawala ang  tiwala na ibinigay sa kanya. lahat ng events  ay kasama siya . Tinupad din ni Ms. Rhea ang billboard ni Matt sa BeauteDerm dahil makikita na sa EDSA,  North Luzon Expressway Apalit-Candaba Viaduct . Magandang birthday  gift niya raw ito sa Oct. 22. Ramdam na ramdam ni Matt  ang  pagiging bahagi ng Beautéderm family!
Hindi rin maitatwa ang saya ni Ibyang sa muling pagsasama nila ni Matt.
“After months, I’m so happy to be reunited with my greatest love, Andre. I’m grateful to be with him again and to have the chance to, along with him, endorse a product we both trust, Love and believe in,” post ni Sylvia sa kanyang social media account.
 “Nakakatuwa silang tingnan kasi para talaga silang totoong mag-nanay. Iba naman kasi magmahal at mag-alaga talaga si Sylvia e. I’m so proud of my Beautederm babies,” sambit ni Ms. Rhea.
“Actually , international and national distribution na po tayo, pero ang may center talaga is Vigan, Isabela, Tagum, Davao Del Norte, Davao City, San Fernando, Pampanga. Sa Ilocos po, sub-office ko po roon,” sey  pa niya.
Hindi nagsisi  si Ms. Rhea  at tama ang desisyon niya sa mga kinuhang  BeauteDerm ambassadors dahil masisipag ang mga ito na i-promote ang kanyang produkto.
May post nga si Sylvia sa kanyang Instagram Account nu’ng mag-workout training siya kay Coach Elma Muros: “Glad to be back here again with Coach Elma and of course, my trusty Beautederm Sunscreen mist to protect us from the heat of the sun. If you want to try it too, contact @beautedermphilippines at ‎09088627838 or send a direct message to their IG account. #beautedermskinhauz #beautedermambassadress”

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

Related Post

‘LAST NIGHT’ nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, kakaiba ang epekto sa manonood

Piolo Pascual and Toni Gonzaga

LAST NIGHT, humabol ako sa last full show ng pelikulang ‘Last Night’. Ito bale ang reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga (a.k.a. TONIOLO) na huling napanood sa romance-drama na Starting Over Again, na considered as one of the Best Films of 2014.

Ang mga fans na nabitin sa dapat na pagsasamahang teleserye ng dalawa na ‘Written in the Stars’ ay matutuwa at muling mapapaisip sa pelikulang ito, na isinulat ni Bela Padilla at idinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Without giving spoilers, this movie is shot entirely in Manila. Sa pelikulang ito ko napansin ang kakaibang charm ng Manila, na madalas na hindi natin naaappreciate dahil palagi tayong nagmamadali at nakakalokang traffic.

Let’s just say na ito ang perfect material for the two. As a viewer, hindi ko nakita sina Piolo at Toni rito. Sila talaga sina Mark at Carmina. I’m sure na marami ang may doubts dahil may ilang pelikula si Piolo since SOA na hindi masyadong nagwork at ito ang unang pelikula ni Toni pagkatapos maging isang ganap na ina. Magwowork ba ulit ito? May chemistry pa ba sina Piolo at Toni? Pangbida pa rin ba sila? Ang sagot sa mga tanong na iyan ay Yes, Yes at Yes!

Mahirap isulat ito na hindi nagbibigay ng spoilers. Sabihin na lang natin na yes, may suicide angle ang pelikulang ito. Meron twist sa characters ng dalawang nawalan na ng pag-asa sa buhay, pero sa bandang ending mo na ito malalaman. Nakakakilig din ang subtle moments ng dalawa at pinakapaborito ko ay ang kanilang simple dance scene, na ramdam na ramdam mo ang love sa pagitan nila kahit pa sa sandaling oras lang silang magkasama.

Bela Padilla & Neil Arce

Thumbs up din kami kay Bela Padilla sa napakagandang iskript na isinulat niya. Nakipag-collaborate rin siya sa ex-boyfriend turned business partner na si Neil Arce sa pagbuo ng kuwentong ito. Hindi man sila nag-last forever romantically, they surely found the best creative partners in each other.

Karamihan ng kasabay ko na lumabas ng sinehan last night ay medyo unsure sa feelings nila. May mga discussions na rin tungkol sa naging ending ng pelikula.

LAST NIGHT is showing in your favorite theaters nationwide. Sa mga solid Piolo and Toni fans, magugustuhan niyo ito for sure!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post