TF NG MGA ARTISTA NG “ANG LARAWAN”, PRESYONG KAIBIGAN

Ang Larawan actors Noel Trinidad, Celeste Legaspi, Nanette Invesntor, Robert Arevalo, Jaime Fabregas, Dulce and Bernardo Bernardo

SA ADVANCED screening-press preview ng nag-iisang musical film sa darating na MMFF 2017 na “Ang Larawan”, lahat ng mga artista na kabilang sa napakagandang obra ni Direk Loy Arcenas ay “for the love of art” ‘ika nga ang rate ng  mga talent fees ng mga artista.

Ayon kay Girlie Rodis, manager nina Rachel Alejandro at marami pa na mga world class talents na mga Pinoy,  pinakiusapan nila (kasama ang ibang mga co-producers niya) ang magiging ng mga artista ng pelikula dahil super limited ang budget ng produksyon.

 Kung susumahin ang mga TF nila, iisipin no na super low-budget ang cost of production pero ang kabuunan ng pelikula, iisipin na na multi-milyon ang obra.

Sa production design pa lang, iisipin mo na isang malaking period film ang musikal.

Ryan Cayabyab and Rayver Cruz

Pagsamahin mo ba naman sina Rachel Aljenadro, Joanna Ampil, Dulce, Zsa Zsa Padilla, Nanette Inventor, Ogie Alcasid,Jaime Fabregas, Bernardo Bernardo, Rayver Cruz , Celester Legaspi and Paulo Avelino, hindi mo iisipin na “super budgeted” ang pelikula.

Kung susundin lang ang TF ni Paulo who plays the role of Tony Javier kapag gumagawa siya ng pelikula, malamang sa regular TF pa lang ni Paulo ay hindi na keri ng produksyon.

For the love of Ang Larawan lahat ng dahilan.

Kaya ayon kay Pau, isa lang daw ang hiningi niya in exchange of his regular TF to portray as Tony: “Yong painting sa Ang Larawan, yon lang ang TF ko,” sabi ng aktor.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

WALANG NETWORK WAR: Vic Sotto, hindi itinuturing na kalaban si Vice Ganda

Vic Sotto and Dawn Zulueta

HINDI MAGKAKABANGAYAN sina Vic Sotto at Vice Ganda sa darating na MMFF 2017 kung saan si Bossing Vic ay may official entry via the film “Meant to Beh” kung saan si Dawn Zulueta ang leading leady sa direksyon naman ni Chris Martinez.

Si Vice naman ay raratsada with his “super hero” peg and character sa pelikula ng Star Cinema na “Gandarrapido: The Revenger Squad” with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

May paliwanag si Bossing Vic sa isyung ito: “ Hindi kalaban ang tingin ko kay Vice Ganda,” for reason na sabay ipapalabas ang pelikula nilang dalawa together with six other films ngayong Metro Manila Film Festival 2017 na magsisimula sa Disyembre 25.

Paliwanag ng komedyante: “I don’t wanna put it as kalaban, eh, it’s kasabay mo.” 

Dagdag pa niya sa paliwanag: “Kasabay mong magso-showing, pero definitely as kalaban, I don’t look at them as kalaban, ’coz isa lang naman ang gusto natin dito — mapasigla, mapasaya ang Pasko. Mas maraming kumita, mas mabuti for the industry.

”Sabi ko nga, itong festival ay para sa lahat. Lalo na para sa mga bata, so let’s work together, it doesn’t really matter kung ikaw ay Kapamilya o Kapuso. I think that’s the message that we’re trying to project dito sa pelikulang ito.

“May Kapamilya, may Kapuso, lahat ng “ka,” may kabisote, lahat,” pagbibirong paliwanag niya.

Sa darating na MMFF, paniwala ng komedyante: “Walang network-network dito. Isa lang naman ang industriya ang ginagalawan natin, so let’s all work for the better,” dagdag pa ng komedyante,

With his film festival entry na Meant to Beh, binasag ang sinasabing  network wars.

Sa pelikula, magsasama-sama ang mga taga-Kapamilya at taga-Kapuso.

Sina JC Santos, Daniel Matsunaga and Sue Ramirez are from ABS-CBN.

Sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Andrea Torres and Baby Baste ay from GMA-7.

Ngayon na na-break na ng Meant to Beh ang “silent war” between two networks, may chance na gumawa si Bossing Vic ng pelikula sa kuwadra ng Star Cinema na film production arm ng ABS-CBN.

“Me, I’m open to all productions, all networks. I would like to believe na kaibigan ko silang lahat, eh. I’ve done projects with ABS, with GMA, projects with other companies. Friends ko silang lahat, eh.I’m open,” pagtatapos ni Bossing Vic.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

JAMESON BLAKE, DEADMA SA BASHING NG ELNELLA FANS

Jameson Blake and Janella Salvador

HINDI FAIR para kay Jameson Blake na i-bash siya ng mga ElNella fans.

Ang rason, may pelikula sina Jameson at Janella Salvador na gagawin in 2018 for Regal Films

Love ko ang sina Janella at Elmo Magalona, pero it’s not fair na dahil hindi mapagbigyan ang kapritso nila na dapat it’s always an ElNella project, nili-limit nila ang kakayahan ng idol nila.

Pangit naman siguro na si Janella, mabubulok na lang at pagsasawaan na si Elmo na lang palagi ang kapereha.

Utak lamok yan na hindi ko susuportahan.

Jameson Blake

Nang makumpirma ang project nina Janella at Jameson na nagsimula na sila mag-shooting for Regal Films ay left and right na ang bashing ng mga “Utak Lamok” ElNella fans.

On the positive side, excited si Jameson sa MMFF 2017 entry nila nina Jane Oineza, Maris Racal at Jon Lucas ng nag-iisang horror film na Haunted Forest where he plays the role of RJ.

“We will join the parade. Sasakay kami sa float. I’m excited,” kuwento ng binata.

Sayang nga lang, para sa Parade of Stars ng MMFF 2017, hindi ito mangyayari sa Roxas Blvd. at sa Quirino Grandstand dahi; sa napakalayong “Muntinlupa” magaganap ang parada.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

PILIT NA INIINTRIGA: Vice Ganda at Coco Martin, friends pa rin!

Coco Martin and Vice Ganda

NAIINTRIGA ang friendship nina Vice Ganda at Coco Martin. Sa darating na Metro Manila Film Festival o MMFF 2017, ang dalawa ay magiging mortal na magkaaway na mag-aagawan kung sino ang tatanghaling Box-Office King pagdating sa unang araw ng film festival sa December 25.

Pareho kasi ang market nina Vice at Coco. Mga bata at pamilya ang target market ng pelikula ng dalawa.

Si Coco, may cult following mula sa sector ng mga bata. Lalo na ang pelikula niya na Ang Panday na dala-dala pa rin ng pelikula ang milyun-milyong Ang Panday followers ni Fernando Poe Jr. na sa mga nakaraang Kapaskuhan noong buhay pa si The King, palaging nangunguna ang fantasy-adventure na istorya ng na sinulat ni Carlo J. Caparas.

Si Vice naman, no doubt na ang klase ng komedya niya ay hindi na kinu-kwestyun para maglagay sa kanya sa estado as “Box-office Superstar”.

Sa pagkakataong ito, ang rivalry ng dalawa ang siyang inaabangan ng manonood ng pelikulang Pinoy sa darating na Kapaskuhan.

Si Vice, may mga millennials na tagasubaybay ng klase ng comedy na hindi mapapantayan.

With Daniel as his co-star and its Pia’s first film na milyun-milyon din ang following, very stiff ang competition.

Si Coco, from his television shows like Juan dela Cruz to Ang Probinsyano at sa tema ng “ Ang Panday” na hindi lang bata ang market, masaya ito – pukpukan sa takilya.

Basta sa mga nagdududa kung kamusta ang ”friendship” nina Vice at Coco, say lang ng komedyante:” Wala kaming isyu. Nasagot ko na rin yan. Nasagot na rin ni Coco ang intriga na yan,” pahayag ni VG.

Yehey! Buhay na naman ang local movies.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

MARION AUNOR’S MUSIC IS WORLD CLASS

Marion Aunor

KUMUSTA NA kaya si Marion Aunor?

Mula nang bumalik siya from a music and song writing convention sa US of A, sa mga online news portal ko na lang nababalitaan ang mga activities ng anak-anakan namin.

The last time I’ve read something about Marion ay siya ang producer ng first album ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila na pinasok na rin ang mundo ng pagkanta.

Ang alam ko, active ngayon si Marion sa Tarsier Records ng Star Music kung saan pinili ng music and recording arm ng ABS-CBN ang ilang mga artists nila na ima-market overseas na nakikitaaan nila ng kakaibang talent at mas maa-appreciate ng world market. Kumbaga, ang istilo at musika ay pang-World Music na hindi lang limitado sa local or Filipino market alone which is a good sign.

Tulad nang naisulat na namin noon, iba ang musika ni Marion. Not your usual Pinoy singer.

Marion Aunor

With Marion’s current EDM type of music, alam mo na iba ang musika  niya na at first, I thought pang-easy listening lang ang obra niya at performances with the likes of Norah Jones type of music but mas higit pa.

At the moment, while busy with her “Tarsier Records” bookings, tuloy pa rin ang pagaaral niya ng kanyang song writing course. In January 2018 she will continue her classes.

But for the time, tuloy pa rin as a music composer with newly written songs for Jaya and Pia Wurtzbach.

For Marion’s fans, watch out for her new music video for Electric Gold to be launched very soon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

ANG TUNAY NA “RELASYON” NINA VICE GANDA AT DANIEL PADILLA

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

KUNG SINA Vice Ganda at Pia Wurtzbach ay mga gay icon, nagtataka ang marami kung ano ang papel ni Daniel Padilla sa pelikula na ”baklang-bakla” din ang buong titulo na MMFF 2017 entry ng Star Cinema para sa darating na December 25.

Si Vice, knows namin na baklang-bakla mula sa hibla ng kanyang laman at si Pia naman na isang idolo ng mga beks dahil 95% ng mga bading ay mahilig sa beauty contests at idol nila ang talyadang pagrampa nito sa Miss Universe 2015. Saan ka pa?

Si Daniel, pambalanse sa pagiging “beki” nina Vice at Pia.

“Pam-balance lang pero masaya talaga kami sa set po.. nagsama-sama kami,” kuwento ni Daniel sa mga taga-media na dumalo sa grand presscon ng pelikula nila na Gandarrapido:The Revenger Squad.

Sina Daniel at Vice ay matagal nang buddy-buddy. Matalik na magkaibigan kasi sina Vice at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kaya ganoon na lang ang closeness ng dalawa na kapag nagkikita sila ay may harutang nagaganap.

Vice Ganda and Daniel Padilla

Kaya nga ang closeness ng dalawa nami-misinterpret ng mga hindi nakakakilala sa tunay na relasyon ng binata sa unkabogable box-office superstar.

Minsan, nabanggit ni Vice na hindi si Karla ang ina ni Daniel kundi siya. Ako ang umire kay Daniel. Sa sinapupunan ko galing si bagets reason kung bakit ganun ka-close ang dalawa.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

SORRY NA LANG: “Hiwalayang” Sharon at Kiko, sablay pa rin!

Pangilinan Family

SINONG may sabi na on the rocks ang pagsasama nina Megastar Sharon Cuneta at ang mister niya na si Sen. Kiko Pangilinan?

Dios mio, makailang beses na ba pinapatay ang pagsasama ng dalawa na sa kabila ng mga intriga at tsismis, buong-buo pa rin ang mag-asawa.

Andyan ang tsika na si Sen. Kiko, natsi-tsismis sa isang staff niya sa senado na maging si Sharon, pinatulan na nga ang intriga na magbibigay pabuya ang aktres sa sino man makakapagbigay or makakapagpakita ng picture ng mister niya at ang sinasabing “The Other Woman” ni Sen. Kiko.

Pero anong ganap? Waley, puro tsismis at intriga lang. Maging si Sen. Kiko at Sen. Riza Hontiveros ay pilit na inililink sa social media nga ay pilit na pinagpipistahan gayong nirekote ang “holding hands” ng dalawang senador ng Photoshop.

Pangilinan Family Christmas Pictorial (Photo by Jun de Leon)

Last night (Sunday), isang happy family sina Mega at Senador nang magsama-sama sila nina KC, Miel, Frankie at Miquel sa isang dinner na no less than si KC ang punong abala sa inihanda niyang Spanish dishes sa bagong bahay niya na nilipatan ng dalaga.

Naloloka lang ako. Wala na ba mas creative na pamamaraan kung paano iintrigahin ang masayang relasyon ng aktres at ng mister niya?

Kasawa na huh!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post