Kris Aquino at Sharon Cuneta, parehong masaya sa kanilang ‘renewed friendship’

Kris Aquino and Sharon Cuneta

HINDI ALAM ng marami na nagkaroon ng falling out noon ang Online World at Social Media Queen na si Kris Aquino at si Megastar Sharon Cuneta. Kung hindi kami nagkakamali, nagsimula ito nu’ng in-unfollow ni Kris si Sharon sa kanyang social media account.

But now they are very much okey. In fact, panay na ang palitan nila ng mga messages sa social media.

Noong birthday ni Kris (Feb. 14) ay nag-post ito ng isang art card para kay Sharon na may nakalagay na, “REAL QUEENS FIX EACH OTHER’S CROWNS.”

May caption din itong, “ “Here you go to the only MEGASTAR, the original artcard i sent you a couple of months ago… much love, respect, and admiration being sent your way @reallysharoncuneta”

Sinagot naman ito ni Sharon ng isang post sa FB na noon mismong birthday ni Kris.

Post ni Shawie, “She sent me the photo on the right before pa – REAL QUEENS FIX EACH OTHER’s CROWNS! There are not too many of us in showbiz. But love & respect prevail amongst us all – especially us two!

“Since we are no longer hiding our renewed friendship (we have been in touch secretly for some time now!), I want to greet my new BG (BabyGirl), Miss Kris Aquino, a very HAPPY BIRTHDAY!!! And of course, a Happy Valentine’s Day – even if she will get to celebrate both occasions tomorrow pa as she’s presently in another timezone.

“May the Lord in His infinite goodness give you the LOVE you desire and truly deserve real soon and may He continue to bless you abundantly! love, love, love, always, Ate (the one who now has the right to spank you with my tsinelas if you’re mali. Like you text me agad when I am. Hahahahaha!).”

“Thank you for showing and sharing your heart with me like never before. And for caring about and for me, sharing your knowledge with me, and your generosity of spirit.

“Have a blast with the boys! Sending you lots of hugs and kisses. Take care and see you when you get back! Kris Aquino”

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

SORRY NA LANG: “Hiwalayang” Sharon at Kiko, sablay pa rin!

Pangilinan Family

SINONG may sabi na on the rocks ang pagsasama nina Megastar Sharon Cuneta at ang mister niya na si Sen. Kiko Pangilinan?

Dios mio, makailang beses na ba pinapatay ang pagsasama ng dalawa na sa kabila ng mga intriga at tsismis, buong-buo pa rin ang mag-asawa.

Andyan ang tsika na si Sen. Kiko, natsi-tsismis sa isang staff niya sa senado na maging si Sharon, pinatulan na nga ang intriga na magbibigay pabuya ang aktres sa sino man makakapagbigay or makakapagpakita ng picture ng mister niya at ang sinasabing “The Other Woman” ni Sen. Kiko.

Pero anong ganap? Waley, puro tsismis at intriga lang. Maging si Sen. Kiko at Sen. Riza Hontiveros ay pilit na inililink sa social media nga ay pilit na pinagpipistahan gayong nirekote ang “holding hands” ng dalawang senador ng Photoshop.

Pangilinan Family Christmas Pictorial (Photo by Jun de Leon)

Last night (Sunday), isang happy family sina Mega at Senador nang magsama-sama sila nina KC, Miel, Frankie at Miquel sa isang dinner na no less than si KC ang punong abala sa inihanda niyang Spanish dishes sa bagong bahay niya na nilipatan ng dalaga.

Naloloka lang ako. Wala na ba mas creative na pamamaraan kung paano iintrigahin ang masayang relasyon ng aktres at ng mister niya?

Kasawa na huh!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

“Unexpectedly Yours” nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, iba ang kilig na ipinadama sa manonood!

Robin Padilla and Sharon Cuneta in ‘Unexpectedly Yours’

UNEXPECTEDLY, nagustuhan ko ang pelikulang “Unexpectedly Yours” nina Robin Padilla at Sharon Cuneta with the support of the millennial loveteam of Joshua Garcia and Julia Barretto.

Hindi ako masyadong umasa sa pelikula dahil may ideya ako na napaka-limited ng oras na ibinigay sa production to finish the film. Nang makapanayam ko si Joshua Garcia sa isang press conference sometime on the second week of November, sinasabi nito na hindi pa tapos ang kanilang shooting at hindi pa niya nakaka-eksena noon ang Megastar. Ibig sabihin ay wala pa siguro sa kalahati ang nakukunan nila noon.

Sa Pilipinas kasi, ang mga rushed na pelikula ay mahahalata mop ag pinanood na sa big screen. Kaya ayun, hindi ako masyadong nag-expect.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula. Very relatable sa mas nakatatandang viewers ang papel nina Shawie at Binoe. Minsan kasi talaga, kahit na matagal na panahon na ang nagdaan, iba pa rin ang epekto sa puso at isipan kapag high school crush na ang pinag-uusapan. I’m sure na karamihan sa mga OFW na nagsakripisyo para magtrabaho sa ibang bansa makapagpadala lang ng pera ay mata-touch sa pelikulang ito. Ang mga “overachievers” din na tulad ng karakter ni Mega ay may mga realizations habang pinapanood ang pelikula.

Light lang ang mga parte nina Joshua at Julia sa pelikula, pero nagshine din ang rumoured couple. Maganda ang chemistry nina Robin at Joshua bilang mag-tito at nina Shawie at Julia bilang mag-ina.

Julia Barrretto and Joshua Garcia

Kahit sabihin pa na tight ang deadline ng bagong pelikula ni Cathy Garcia-Molina, masasabi mo na nag-deliver talaga ito. Maliban sa solid script, technicalities at direction, malaking bagay na professional ang mga bida at supporting casts ng pelikula.

Ang lakas maka-good vibes ng chemistry nina Shawie at Binoe, sa totoo lang. Napakanatural ng kanilang chemistry at masasabing worth the wait talaga at isang bonggang regalo ito sa mga matagal naa naghintay. Dumating na nga ang panahon!

Wish namin ay magtuloy-tuloy ang paggawa ng apat na bida ng pelikula kahit pa iba ang kanilang kapares. Keep the momentum going, ‘ika nga.

Kung hindi na kayo makapaghintay sa MMFF, watching Unexpectedly Yours is worth spending on, I tell you. Good vibes na nga, kilig ka pa!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

HINDI NA MAGDE-DENY: JOSHUA AT JULIA, KUMPIRMADO NA MAGKARELASYON NA!

Julia Barrretto and Joshua Garcia

ANG LAKAS ng tilian ng mga JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto) fans na naimbitahan yesterday sa grand media launch ng pelikulang “Unexpectedly Yours” na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kasi ba naman, dahil sa pagde-deny pa ng dalawa na sila na talaga ang magkarelasyon, mula pa mismo sa tsika ni Megastar Sharon Cuneta nagmula ang pambukuking na hindi inaasahan nina Julia at Joshua.

Sa isang eksena sa open forum, matapos i-explain ng mga cast (Sharon, Robin Padilla at sina JoshLia) tungkol sa kani-kanilang roles sa pelikula ay naikuwento ni Megastar ang karanasan niya with JoshLia off-screen na hindi nakikita ng press at ng mga fans.

Pagkukuwento ni Sharon: “Ang nakakatuwa, puwede kong sabihin na during breaks—short breaks, long breaks—alam na namin kung paano nagligawan ito… Basta! Alam mo yung hindi ko akalain na at this age ay kikiligin ako,” na ang tinutukoy ay ang nakikitang “lambingan at kulitan” ng dalawang bagets na kasama nila ni Robin sa pelikula.

May dagdag pa na reaksyon ni Sharon tungkol sa “relasyon” nina Julia at Joshua: “Ayoko naman na may kalambingan ang anak kong ito na parang wala namang kaano-ano. Mabuti na yung alam nila kasi mahal mo,”

Nagulat si Julia sa statement ni Mega na ang mga fans at media na naroroon ay natuwa sa “scoop” ni Mega para sa lahat.

Robin Padilla, Sharon Cuneta, Julia Barretto and Joshua Garcia at the press conference of “Unexpectedly Yours”

Dagdag sa kuwento ni Mega tungkol sa magka-loveteam: “Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa ‘di mo kaano-ano. “Siyempre, alam nilang boyfriend mo ‘yan. Mahal na mahal nila ang isa’t isa, grabe!

“Ang tawag ko diyan, B1 and B2—Bubba 1, Bubba 2. Kasi, ‘yun ang tawagan nila, ‘Bubba. Bubba,” na sinundan ng tilian mula sa likuran kung saan doon nakaupo ang mga fans sa balcony section ng venue.

Kuwento nga ni Sharon na sina Joshua at Julia ay “cute” as a new couple lalo pa’t magandang ehemplo ang dalawa sa mga kabataan na pumapasok sa pakikipagrelasyon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

NAGKABUKINGAN: Robin Padilla, may tampo kay Sharon Cuneta!

Sharon Cuneta and Robin Padilla

MADAMI ang mga excited sa pelikulang ‘Unexpectedly Yours’ at isa na ako. Almost 16 years na rin pala noong huli nagsama sa pelikula sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Kung hindi pa naging personal choice ni Megastar si Binoe para makasama sa “Unexpectedly Yours” ay hindi pa magkakasama ang mag-“Kambal” tawag nina Shawie at Binoe sa isa’t isa.

Nang ma-confirm na may project sila ni Robin, tinanong si Sharon ni Miss Malou Santos kung sino ang gusto niyang maging leading man at walang aabug-abog, si Robin kaagad ang pinili niya.

Mag-BFF sina Sharon at Robin. Lingid sa kaalaman ng mga millennials naging sina Binoe at Shawie. In short, naging magkarelasyon as boyfriend-girlfriend sila noon.

At the grand media launch last Saturday, nakakatuwa ang pagiging bubbly ni Mega na game naman sinakyan ni Robin na as a true gentleman noon pa man, kahit sinong babae ay hindi tatanggi sa isang Robin Padilla

Robin Padilla and Sharon Cuneta in ‘Unexpectedly Yours’

Sa katunayan ay may tampong pururot si Binoe kay Shawie na panakip-butas lang daw siya sa pelikula at si Gabby Concepcion daw ang dapat na makakasama nito na itinanggi naman ni Sharon.

Sa Wednesday, November 29 na ang showing ng pelikula ng dalawa kung saan kasama din mg magka-loveteam na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

Dahil sa papuri ni Sharon Cuneta: Moi Bien, tumaas ang market value

MOI BIEN

KUNG ISA KA sa milyun-milyong fans ni Piolo Pascual, ewan ko na lang kung hindi mo kilalla si Moi Bien.

Siya ang personal assistant ni Papa Pi na kasa-kasama ng aktor sa haybols nito, sa mga personal na ganap and at the same time ay personal chef ni Piolo.

Si Moi lang talaga sa mangilan-ngilan na outside of Piolo’s family na nakakaalam sa kabuunan ng aktor,

 Sa Cinemalaya 2017 movie ni Megastar Sharon Cuneta na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na showing starting September 6 on a commercial run, she plays the role of Bebang na kasambahay ni Shawie sa pelikula na dinirek ni Mes de Guzman.

Sa presscon last Monday for the movie na ni-release ng Star Cinema at in-enhance ang sound para mas lalong gumaganda, isang maganda at hindi makakalimutang karanasan ni Moi ang pagkakasama niya  sa pelikula at sa aktres at pagkakakilala niya kay Sharon ng personal. 

Inamin ni Moi:  “Syempre parang iisipin mo, tutoo ba ito? Parang joke lang or ngayon lang ito,’ parang ganun. So nagpapasalamat na din ako. Sobrang nakaka-overwhelm,” sabi niya.

Sa katunayan, happy si Moi sa karanasan niya. “Feeling ko tumaas yung confidence ko sa sarili ko kasi nga mahiyain ako . ‘Yung parang, ‘Ay hindi ko ito kaya’.

“Hindi naman ako pang-artista. Hindi naman ako pang-ganun. Baka ito na yong way ko na baka nga makagawa na ako ng iba.  Kumbaga nagkaroon ako ng konting tiwala sa sarili ko. Kumbaga hindi ko pala dapat inisip ng negative dapat pala positive ako,” pagkukuwento niya sa presscon.

Maging si Sharon ay happy kay Moi na nakasama niya sa pelikula na dati ay napapanood lang niya sa pelikula tulad ng Kimmy Dora na bida si Eugene Domingo.

“Tawang-tawa ako sa kanya,” kuwento ni Megastar.

Sa ngayon, Moi still works for Piolo as his personal assistant. One time, kailangan ni Papa Pi ng tulong para ihanda ang damit ng aktor for a taping pero tinanggihan ito ni Moi at ang sabi sa aktor ay nasa shooting siya at hindi niya keri magawa na natawa na lang ang aktor.

Sa katunyan, bongga ang network of friends ni Moi huh! Bongga sila na bukod kay Sharon na naging chummy niya ay naririyan si Direk Bb. Joyce Bernal, si Piolo sa mga tumutulong sa kanya.

Sa katunayan, si Megastar, gusto i-produce si Moi ng solo movie niya na si Empoy Marquez ang kapartner niya.

“Kung kumita ang mga indie films lately, why not push Moi para may sarili siyang career?” paniwala ni Sharon.

Reyted K
By RK Villacorta

SILA PA RIN AT HINDI HIWALAY: Relasyon ni Sharon Cuneta sa asawa, existing pa rin

[unable to retrieve full-text content]