Movie Review: This Time I’ll Be Sweeter (Ken Chan and Barbie Forteza)

KEN CHAN AND BARBIE FORTEZA

MARAMI ANG NATUWA for Ken Chan and Barbie Forteza nang bigyan sila ng Regal Multimedia ng kanilang first mainstream film as a loveteam na sila ang bida via “This Time I’ll Be Sweeter”. Thanks to the successful primetime series “Meant to Be” (patunay lang na isa talaga siya sa pambato ng GMA-7), nakita ng Monteverde Family ang potential ng dalawa.

The truth is lahat ng boys na kasama ni Barbie sa nasabing palabas ay bagay sa kanya. In the end ay ang KenBie tandem ang nagkatuluyan. In terms of drama ay si Ken naman talaga ang kayang lumevel up sa galing ni Barbie sa pag-arte, which is already a given fact noon pa lang.

Dahil gusto ko na mag-succeed si Barbie Forteza, isa ako sa mga naunang nanood ng This Time I’ll Be Sweeter kagabi. Aaminin ko na matagal-tagal na akong walang bet sa mga projects ni Joel Lamangan lately, but this movie made me a satisfied movie viewer.

Kung isa kayo sa mga mahilig manood ng loveteam-driven dramas noong 90’s, sure ako na maaappreciate ninyo ang pelikulang ito. Tungkol ito sa matalinong journalism student named Erika (Barbie Forteza) na nabigyan ng pagkakataon na mainterview ang kanyang swimmer college crush na si Tristan (Ken Chan). Noong una’y nagkaroon sila ng misunderstanding but later on blossomed into something more. Hindi aware si Erika na may girlfriend pala itong si Tristan kaya noong nag-graduate sila ng college ay bitter-biterran ito.

Fast forward to the present, isang trahedya ang mag-uugnay muli sa dalawa. Katulad noong nakaraan, hindi na naman okay ang initial interaction nila, pero magiging okay din sila eventually. Sa totoo lang, may mga flaws pagdating sa character development ng dalawa dahil hindi sila masyadong lovable na characters. Mabuti na lang at maayos ang direction at magaling ang mga artista. From lead stars Barbie and Ken to supporting cast members Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Jai Agpayan and Thea Tolentino.

Sana ay hindi magsawa ang Regal Films sa pagproduce ng movies for Kapuso stars lalo na sa mga deserving, but they also need to be careful sa character development ng mga tauhan dahil baka matulad lang sa mga teledrama ng GMA-7 ang daloy ng istorya. Suggestion lang naman hehe!

Kung kayo ay certified Kapuso viewer or mahilig sa mga drama romance films, you better catch ‘This Time I’ll Be Sweeter’ in cinemas nationwide!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

THE TALENTED LADIES: Why Alessandra de Rossi and Barbie Forteza deserves our support

Alessandra de Rossi and Barbie Forteza

PINOY MOVIE LOVERS are in for a treat this week. Kung noong Undas ay inabangan ninyo ang horror films na “The Ghost Bride” ni Kim Chiu at Spirit of the Glass 2 ni Cristine Reyes, ngayon naman ay sa love department tayo. Iwas muna sa kilig at romansa muna!

Nakakatuwa dahil this week ay sina Alessandra de Rossi at Barbie Forteza ang magtatapat sa box-office. Siguro nga ay hindi pa sanay ang moviegoers na ang dalawang dalaga ang bida sa isang mainstream movie. Mas napapanood kasi natin sila sa mga independent films.

Kung ia-analyze ninyo ng mabuti, si Alessandra de Rossi ang original na Independent Film Princess ng bansa. Una siyang napansin sa pelikulang Azucena ng Reyna Films at eventually ay naging active sa TV. Kung ang masa ay kilala si Alex (palayaw ni Alessandra) as one of the best villains on TV, ang mga mahilig naman sa panonood ng dekalidad na pelikula ay kilala siya for being brave sa pagportray ng offbeat roles sa independent films. Ilan sa mga titles na pinagbidahan niya ay ang Mga Munting Tinig, Barcelona, Sta. Nina, Sakaling Hindi Makarating at ang 2017 most successful Pinoy film na Kita Kita nila ni Empoy.

Alessandra de Rossi and Ivan Padilla

Special para kay Alessandra de Rossi ang pelikulang “12” dahil siya rin ang scriptwriter nito. If I am not mistaken, siya rin ang nag-arrange ng music at parang co-director na rin siya ni Dondon Santos dito. Based on the trailer, mukhang sa iisang location lang sila nag-shoot. Malaman ang kuwento dahil more on conversations ang mga eksena na surely ay relatable sa mga taong nakikipag-live in at nakakaramdam na ng discontentment sa relasyon. Marami rin positive feedback mula sa mga nakapanood ng advanced screening nito.

Sa mga kasabayan niya na “tweens” noon like Kathryn Bernardo, Nadine Lustre and Liza Soberano, si Barbie Forteza na siguro ang pinaka-best na pambato ng GMA-7. Ilang teleserye na rin sa hapon at primetime ang pinagbidahan niya na nag-click sa masa. Ang latest nga ay ang light kilig series na “Meant to Be”, where not only one or two but four guys are vying for her love and attention. Sa ending ay nakatuluyan ng kanyang karakter as Billie si Yuan, who is portrayed by Ken Chan. Ito siguro ang rason kung bakit agad-agad na inofferan ng Regal Multimedia ang tambalang KenBie ng kanilang first mainstream movie as a loveteam.

Barbie Forteza and Ken Chan (KenBie)

Like Alessandra, ang filmography ni Barbie Forteza ay may variation. Meron din siyang mga pelikulang mainstream, pero recognized siya sa mga independent films na ginawa niya like Mariquina, Laut at Tuos with Nora Aunor. She won awards sa mga pelikulang ito. She was brave to take on these roles when most of her contemporaries would rather stick to ‘safe’ roles.

That being said, tila Alessandra and Barbie have finally reached the audience they deserve. Ang wish namin ay sana, tangkilikin ng masa ang kanilang mga pelikula. Ito ay para ma-enganyo pa ang mga producers na bigyan sila ng lead roles sa mainstream films at hindi lang mga film festivals ang makaka-appreciate sa talent at ganda nila.

Showing na beginning today ang “12” ni Alessandra de Rossi with Ivan Padilla at “This Time I’ll Be Sweeter” ni Barbie Forteza with Ken Chan. Support!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

“This Time I’ll Be Sweeter” nina Barbie Forteza at Ken Chan, umaapaw sa kilig at positive feedback!

Ken Chan and Barbie Forteza

HINDI MAGKAMAYAW ang mga fans nina Ken Chan at Barbie Forteza last night (Monday, November 6) nang rumampa ang dalawa sa red carpet celebrity premiere ng pelikula nila na ginanap sa SM Megamall Cinema 7.

Sa loob ng sinehan,humiyaw at tinilan ang mga fans nang kumaway ang dalawa mula sa balcony section ng sinehan sa mga tagahanga nila sa may bandang orchestra.
Sa opening credits pa lang ng pelikula na siksik sa kilig na dinirek ni Joel Lamangan, ang mga fans ng KenBie ay naghihiyawan na.
Sa totoo lang, tama ang campaign spin ng Regal Multi Media, Inc (sister company ng Regal Films) na “siksik sa kilig” ang pelikula.

Ken Chan and Barbie Forteza with Mother Lily

Kahit hindi ka fans nina Ken at Barbie ay madadala ka sa kilig ng mga eksena nila. Tulad ko na isang showbiz miron na hindi naman fans ng KenBie ay nadadala at napapangiti sa mga eksena ng dalawa.

Kim Rodriguez

Pang-bagets (millennials) ang mga hugot na eksena nina Ken at Barbie na tuwing lumalabas sa wide-screen ang dalawa, grabe ang hiyawan at tilian ang mga fans na hindi na namin naririnig ang mga dialogues nina Ken at Barbie sa mga eksena.

Mabuti, ipapalabas na ang This Time I’ll Be Sweeter bukas, Wednesday, November 8.
Uulitin ko ang panonood ng pelikula ng dalawa na hopefully, less hiyawan at tilian na ang maririnig ko.
On the side, I’d like to congratulate Kim Rodriguez (who played sister of Ken who was good I her role), Jai Agpangan and Akihiro Blanco na ginalingan ang pag-arte nila as Barbie’s Besties.
Congratulations and goodluck to KenBie and the casts.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THIS TIME I’LL BE SWEETER: Ken Chan at Barbie Forteza, kabado at pressured sa paglabas ng pelikula!

Ken Chan and Barbie Forteza

TALAGANG HINDI NA makapaghintay sina Ken Chan and Barbie Forteza a.k.a. KenBie ng araw ng Wednesday, November 8 na first day of showing ng pelikula nila na siksik sa kilig na “This Time I’ll Be Sweeter“ na first team-up ng dalawa sa widescreen sa obra ni Direk Joel Lamangan na produced ng Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Sa mga promo tours ng KenBie for the past two weeks, hindi magkamayaw ang mga fans na nagkakagulo at sa lakas ng tilian ng mga KebBie fans kapag alam nila na pupunta dalalawa sa mall tour venues.
One nice thing about Ken and Barbie: Ang dalawa, lalo na si Ken ay protektado niya ang dalaga sa mga unruly fans na gusto sila malapitan.
To protect Barbie sa dami ng crowd, niyayakap na lang ng binata ang dalaga to protect her sa mga kalmot at kagulugan.
Tonight, Monday, November 6 ay sigurado ako na mas malakas ang tilian kapag napanood na ng mga fans and supporters ng dalawa ang pelikula sa gaganaping red carpet premiere at 7:00PM sa SM Mega Mall Cinema 7.

KenBie’s sweet moment

Sa pelikula, makakasama nina KenBie sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta at Ara Mina para suportahan ang dalawa.
Sa kamakalawa, Wednesday na ang regular showing ng “This Time I’ll Be Sweeter” sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

IBA SA MGA ALAGA NI GERMAN MORENO: Ken Chan, dinalaw ang Tatay Germs niya sa sementeryo

KEN CHAN visits Kuya Germs

SA GRAND PRESSCON ng siksik sa kilig movie ni Ken Chan with Barbie Forteza na “This Time I’ll Be Sweeter” na produced ng Regal Multi-Media, Inc na sister company ng Regal Films, ipinahayag ng young actor na until now ay hindi niya matanggap na wala ang Tatay German Moreno niya na siyang tatay-tatayan ni Ken nang mag-showbiz siya.

Yesterday, All Soul’s Day (November 2) ay hindi nakaligtaan ni Ken na dumalaw sa puntod ng kanyang “Tatay Germs” sa Loyola Memorial Park sa Marikina para bigyan alaala ang itininuturing niyang Tatay at adviser sa showbiz.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ken ng picture niya katabi ng puntod ng Tatay Germs niya with matching caption na: “Namiss kita Master Showman. Kung nasan ka man ngayon ‘Tay alam kong masaya ka
“Lagi ka pa din nandyan sa tabi ko… lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita,” mensahe ng binata sa kanyang IG.
Touching para sa amin na nag-effort si Ken para magtulos ng kandila at magdala ng bulaklak.
Yong iba na mga talents ni Germs, nasaan na kaya sila? Dinalaw din kaya ni Jake Vargas ang “Master Showman” sa puntod niya?
Pumanaw si Kuya Germs sa edad na 82 noong January 8, 2016
Sa November 8 na ipaplabas ang pelikula ng KenBie nsa mga sinehan nationwide.
           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE TERROR DIRECTOR: Joel Lamangan, first time hindi nagalit at nagmura sa set ng kanyang pelikula

Barbie Forteza and Joel Lamangan

KAPAG NARIRINIG ng mga baguhang artista ang pangalan ni Direk Joel Lamangan, asahan mo, kabado sila na makatrabaho ang pamosong direktor.

Tulad sa kaso nina Ken Chan at Barbie Forteza, sa unang pagkakataon na makaharap nila si Direk Joel ay may tensyon silang nararamdaman.
Alam kasi nila na si Direk Joel, mahigpit at perfectionist sa mga eksena na dinirirek niya.
“Bawal ang ma-late sa set,” kuwento ni Ken. Sabi naman ni Barbie: “Dapat pagdating mo sa set ni Direk, dapat alam mo ang linya mo. Dapat pinag-aralan mo na.”
Pero si Direk Joel, sa kabila ng kaba ng mga artista niya na sa unang pagkakataon niya nakatrabaho ay puring-puri niya ang dalawa.
“Dito makikita yung other aspect ng kanilang talent. Dito na-test ang kanilang dramatic prowess. Na-discover ko na mahusay silang dramatic actors. Isa sila sa mga pinakamahusay na dramatic actors of their generation. 

“At tuwang-tuwa ako kasi nakatrabaho ko sila. Imagine, naka-trabaho ko sina Ken Chan at Barbie. I’m so proud of them,” pagkukuwento ni Direk sa dalawa niyang artista sa “This Time I’ll Be Sweeter” na produced ng Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Hindi lingid sa mga artista na si Direk Joel ay isa sa mga sinaabing “Terror Film Director”.
He is sweet at malambing pero naninigaw at nagmumura sa set. Pero with Direk Joel’s experience with his stars sa siksik sa kilig movie nina KenBie, first time siya hindi nagalit or nanigaw. Wala siya napagalitan sa mga artista niya.
Mula kay Direk Joel mismo: “Mahuhusay sila na artista. I’m so proud. Lahat ng nandito, wala akong itulak-kabigin. Ito lang ang pelikula na wala akong napagalitan. 
“Wala akong nasigawan. Dahil siguro takot sil at dahil prepared sila sa kung ano ang ine-expect sa kanila . Dahil on time sila, walang nale-late. May respeto sila sa trabaho nila. May respeto sila sa trabahong kanilang pinili.  Maaga pa lang, mahusay na ang training nila.
“Nakikita natin ang isang magandang kinabukasan ng industriya ng pelikulang Pilipino sa tulad nilang mga batang artista,” pagkukuwento niya.

Sa pelikula nina KenBie ay kasama rin sina Ara Mina, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan at Kaki Ramirez

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

MAY RICH POLITICIAN BOYFRIEND? Kim Rodriguez, sinagot ang mga intriga tungkol sa kanya!

Kim Rodriguez

SA PRESSCON ng pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter” ay nagulat ang sexy na si Kim Rodriguez tungkol sa tanong ng reporters sa kanya.

“Ha? Sino may sabi?” panimula niyang balik tanong sa mga reporters na umuurirat.
Kept-woman daw siya ng isang ng isang rich young politician na kahit hindi siya magtrabaho ay kampante siya at happy sa kanyang estado.
Hindi lang diumano siya nakitang ka-date ng batang pulitiko.
May tsismis pa nga na dahil sa pulitiko ay may mga magagarang sasakyan siya na nakaparada sa harap ng bahay nila.
Tanong ni Kim: “Saan naman po galing ‘yan? Parang ang yaman ko naman!” natatawang reaksyon ng dalaga sa isyu.
           
Pagpapaliwanag niya na isa lang ang sasakyan na pagaari niya.“Isa lang ang ginagamit kong sasakyan. Kung ano po ang ginagamit ko sa tapings at sa personal na lakad ko, one car lang po,” sabi ni Kim.
Kung napapabalita na madami siyang kotse ay pag-aari daw yun ng family niya at hindi sa kanya.
Dagdag ni Kim: “Ang business po kasi ng family ko ay nagba-buy and sell ng sasakyan. Wala po akong pinapa-Uber na mga cars”.
At yong tungkol sa rich-young politician naman: “Wala po akong dine-date na politician.”

Tanong niya sa amin: “Sino raw siya? Sana makilala ko para magpasalamat ako sa mga pinapa-Uber ko raw na mga kotse!” na natawa na lang ang dalaga sa tsismis sa kanya.

The cast of This Time I’ll Be Sweeter

Sa darating na November 8 ay abangan si Kim sa sisksik sa kilig movie nina Ken Chan at Barbie Forteza where she plays a very important role sa pelikulang dinirek ni Joel Lamangan para sa Regal MultiMedia, Inc. na sister company ng Regal Films.

Sa pelikula ay kasama niya sina Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Jai Agpangan, Fiona Yang, Yayo Aguila at Ara Mina.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post